logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata Anim

Ito na nga ang araw na pinakahinihintay ko. Araw na isa sa mga importante para sa mga babae. Araw na pinakainaabangan ko rin na dumating.
18th birthday ko na ngayon. Ang dahilan kung bakit kami naandito sa probinsya. Ang dahilan kung bakit napuntahan ko rin sa wakas ang lugar na pinakagusto kong mapuntahan. Masasabing weird nga ang pagkagusto kong makapunta sa isang probinsya. Madalas kasi ay mas gusto ng mga kaedad ko na mapuntahan ay ang mga lugar na labas sa bansa. Tulad ng Korea, Japan or Paris. Pero ako ito, na mas gustong makapunta sa isang probinsya na naririto sa Pilipinas.
Hindi ko pa kasi nalilibot ang Pinas, hindi pa lahat ng tourist destinations dito ay napuntahan ko kaya nga iyon ang pangarap ko. Sabi ko noon, once na magbirthday na ako, magdebut, sisiguraduhin kong uumpisahan ko na ang paglilibot. Well, tatapusin ko pa rin naman ang college with flying colors. Hindi ko pababayaan ang studies dahil importanteng may kursong natapos para magkaroon ng pera sa huli. Pera na magagamit ko para makapagtravel.
Nag-ayos na ako ng sarili. Sinuot ko ang red fitted-dress na regalo ni Mommy. Above the knees ito. May slit din sa kanang bahagi bilang style. Paekis ang style ng strap na nagdudugtong sa likod na tela mula sa harap ng dress na ito.
Napangiti ako ng todo habang tinitingnan ang reflection sa mahiwang salamin na ito. Charot! Maganda lang talaga ako kaya mas gumaganda pa ako lalo rito. Hindi ko tinali ang buhok. Ni-curl ko rin ang dulo ng buhok para na rin dagdag sa style. Light lang ang make-up ko kasi hindi naman na kailangan pa dahil natural na ang beauty ko kumbaga.
Sa suot ko ngayon parang mas lalo ko tuloy na feel na nasa tamang edad na ako.
Bumaba na ako para makaumpisa na ang party. Naisip kasi nilang magparty pa rin kahit ayaw ko nga. Pinagbigyan naman nila ako na hindi bongga kaya okay lang.
Pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay rinig ko na ang mga ingay na nanggagaling sa mga bisita sa baba. Nagpaalam naman daw si daddy na magdiriwang sila ng party sa bahay na ito, pumayag naman si Mr. Guillermo kaya walang problema.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Unti-unti ko ng nakikita ang maraming bisita na nagkalat sa living room.
Lumapit sa'kin si Mommy at Daddy. Ngumiti ako sa kanila. "Happy birthday my baby..." Emosyonal na greet ni mommy. Natawa na lang ako sa niyakap siya. "Don't cry Mom, thank you po.." Si Daddy naman ang sumunod na bumati sa'kin. "Happy Birthday sa unica hija ko. Dalagang-dalaga ka na, anak ko. Kinakabahan na tuloy ako, baka dumagsa ang mga manliligaw mo na magpupunta sa bahay natin." Natatawa si daddy kaya tumawa na lang kami. Kaloka rin talaga ang iniisip ni daddy.
"Ano ka ba naman dad, as if naman. Ang lumapit nga sa'kin, 'di nila carry. Ang magpunta pa kaya sa bahay?" Natawa na lang ulit kami.
"Saan nga po pala kayo kumuha ng mga bisita?" As in marami talaga kasi. Feeling ko inimbitahan nila ang isang buong bayan sa dami ng tao. "Sa mga kapit bahay natin saka mga nakilala namin sa bayan." Nakangiting sagot ni daddy. Kahit saan ata siya magpunta ay magkakaroon agad siya ng kaibigan. Sa kaniya ako nagmana sa pagiging confident. Hindi nga lang ako friendly. Ni friend nga ay wala ako, bestfriend pa kaya.
Ipinakilala na ako nina Mommy saka binati naman ako ng mga bisita. Ang mga mukha nila ay pulos may mga ngiti. Kumuha muna kami ng mga picture. Ang buong bahay habang may sari-sariling ginagawa ang mga bisita. Family picture namin. Pagkatapos ay lahat kami. May pinapicture lang muna si daddy na isang tao. Natawa pa ako dahil ginamit na agad ni daddy ang bagong camera niya. Pagkatapos kumuha ng isang babae ay alternate naman sila ng isang lalake para may picture rin ang babae na kasama kami.
Nang matapos ang picture taking ay kainan naman. Kaniya-kaniyang kuha na lang ng pagkain. Hindi naman mauubusan dahil marami naman ang nailuto namin. Ang ibang kapit-bahay nga namin ay tumulong. Bagong kaibigan din nina Mommy.
Masasabi kong mababait ang mga tao rito. Nararamdaman mo na welcome ka kahit baguhan ka pa lang sa lugar.
Tumingin-tingin ako sa bawat sulok. Baka kasi makita ko ang apo ni Lolo Alex. Naandito si Lolo kaya siguradong andito rin siya. Kanina naman ay nakita ko rin siya pero saglit lang.
"Happy birthday," nagulat ako nang may biglang tumabi sa'kin. Nakatayo lang kasi ako rito sa isang gilid. Hinarap ko ang taong bumati sa'kin at napahawak ako sa dibdib ng makilala iyon. "A-andito ka pala?" Gusto kong kurutin ang sarili dahil nautal ako.
"Syempre, bakit parang ayaw mo?" Tumawa pa siya. Napailing na lang tuloy ako saka natawa na rin. "Hindi ah? Nakakain ka na?" Tanong ko sa kaniya. Wala pa kasi siyang dalang plato. "Mamaya na, marami pa ang tao roon." Nginuso niya ang table kung nasaan ang mga pagkaing nakahanda. "Bakit ikaw? Hindi ka pa rin kumukuha?" Gaya niya ay hindi rin kasi ako nakisiksik. Gusto kong paunahin ang mga bisita. Lalo na ang mga bata. Nakita ko kasing excited na ang mga ito na makakain. "Halata ba?" Pabalang ko na sagot. Natawa lang naman siya at mukhang sanay na sa'kin.
May sasabihin pa sana siya pero natigil nang may lumapit sa'kin na batang babae. Sa tansya ko ay nasa edad tatlo pa lamang ito. "Ate, ang ganda-ganda niyo po, sana po ay maging katulad mo po ako paglaki ko.." Natawa ako sa sinabi ng bata. Ganoon din naman ang katabi ko. Yumuko ako para medyo mas maglapit ang mukha ko sa bata. "Ano ka ba? Mas maganda ka kaya sa'kin. Sure ako na 'pag lumaki ka na, marami ang manliligaw mo.." Humalakhak pa ako. Pinisil ko pa ng mahina ang kaniyang mukha. Nagulat ako nang yakapin niya ako. "Thank you pooo! Nga po pala, may regalo po ako sa'yo." May kinuha siya sa bag niyang maliit na suot. "Sana po ay magustuhan niyo po ito." Tumakbo na siya nang maibigay sa'kin ang bracelet.
"Mukhang idol ka pa ng batang 'yon?" Tumawa ang katabi ko. Nakitawa na rin ako. Sinuot ko naman ang bracelet na bigay ng bata. Gawa iyon sa beads na iba't ibang klase ng kulay. Mukhang siya pa ang gumawa. "Syempre, sino ba ang hindi ako magiging idolo?" Pabiro akong nagtaray. Sayang dahil hindi man lang ako nakathank you sa batang 'yon. Bakit kasi kumaripas ng takbo? Marami pa naman ang tao, hindi ko na nga siya nahagilap pa dahil sa dami.
Kumaunti na lang naman ang kumukuha sa table kaya nagdecide na kaming kumuha. Sina Mommy at daddy naman ay kumakain na rin habang may kausap.
"Ako na ang kukuha ng pagkain mo." Nakangiting sabi niya. "Oy huwag na, kaya ko naman 'no!" Hindi ko binigay ang pinggan na hawak. "Basta, ako na." Wala na akong nagawa nang agad niyang makuha sa'kin ang plato saka kinuha na ang mga pagkaing gusto ko.
Natapos niya na rin naman lagyan ang plato niya kaya naghanap na kami ng pwedeng maupuan.
"Sa labas na lang kaya tayo?" Nakita kong may monoblock chair sa isang sulok. Mga lima pa nang naroon. Kumuha ako ng dalawa. "O sige, ako na magdala ng mga upuan," kinuha niya na sa'kin ang dalawang upuan. Kukunin ko nga sana ang platong hawak ng kanang kamay niya pero sabi niya ay kaya niya naman na. Ang ending dalawang kamay niya ay may dala. Sa kanan ay ang platong may pagkain niya, sa kaliwa naman ay ang dalawang upuan. Mapapasanaol ka na lang talaga. Sanaol strong.
"Upo ka na," nilapag niya ang upuan sa may gilid ng bahay. Sa likod ng kusina kasi kami dumaan para makalabas. May ilaw naman dito sa labas kaya hindi madilim.
Umupo na nga ako. "Salamat." Nag-umpisa na akong kumain. Hawak ko lang ang plato. Sanay naman ako sa ganitong posisyon dahil madalas ay sa field ako kumakain kapag nasa school. Tinatamad kasi akong maghanap pa ng mauupuan kapag sa canteen ako kakain. Puno kasi madalas.
"Hindi ka nahihirapan?" Tanong niya. Kumakain na rin naman siya. Umiling ako. "Basic lang 'to. Lagi ko rin naman 'tong posisyon." Saad ko. "Ay nga pala, kukuha muna ako ng alak." Tatayo na sana ako pero tinigil  niya ako. "Iinom ka?" Tanong niya. Natawa naman ako sa reaction niya. "Oo naman 'no! Birthday ko kaya." Gusto ko pa ngang matawa sa mukha niya. "Don't worry, hindi naman na kita pipilitin uminom." Tumawa pa ako saka muling humakbang pero pinigil niya na ako gamit ang kamay niya. Nakahawak siya ngayon sa pulupulsuhan ko. "A-ako na ang kukuha." Dali-dali niya naman akong binitawan saka umalis.
Ilang minuto lang nagtagal at nagbalik naman agad siya na may dala ng dalawang bote ng alak.
"Bakit dalawa? Alam na alam mong kulang sa'kin ang isa ah?" Tumawa pa ako. "H-hindi l-lang naman sa'yo 'to." Nauutal niyang sagot. Kahit madilim ay nakita kong namula ang mukha niya. "Iinom ka?!" Gulat kong tanong. "Hoy, kung binabalak mo nga, aba! Huwag mo ng ituloy, hindi na kita bibigyan ng gamot." Hinablot ko sa kaniya ang isang bote. Nilagay ko muna ang plato sa lap ko saka binuksan ang alak.
"E-edi hindi ako hihingi ng gamot. Gusto k-ko lang s-sumubok 'no." Hindi rin siya nagpapigil dahil ang nabuksan ko ay iyon ang kinuha niya saka uminom. Nanlaki tuloy ang mata ko. "Hoy! Kung malasing ka mamaya, ako ang lagot. Hanep!" Inagaw ko sa kaniya ang bote. "Huwag kang mapilit lalo na kung hindi mo kaya." Seryoso kong sabi saka ininom din ang alak na nasa loob ng boteng 'yon. Dire-diretso kong nilagok 'yon. Ramdam ko pa nga ang init ng likidong laman niyon habang dumadaloy sa lalamunan ko. Natigil ako nang kaunti na lang ang laman.
Kumuha ako ng lumpia na tanging naiwan sa plato ko. Natigil ako sa pagnguya nang mapansing nakatulala siya sa'kin. Hindi pa rin pala siya gumagalaw kanina pa. "Oy? Anyari sa'yo? Ayan na nga ba, lasing ka na agad?" Pagtingin ko sa kaniya ay agad siyang umiling saka natawa. "H-hindi pa naman." Simpleng sagot niya. Natawa ako. Halata naman na lasing na siya.
"Nasarapan ka ano?" Pang-aasar ko. "Hindi ah!" Deny pa more. Natawa ako ng todo. "Sus! Pwede mo naman aminin na lang." Pununukso ko pa sa kaniya. Kailangan pa kasing magsinungaling, pwede naman maging honest na lang. Uminom akong muli. "Bakit 'di mo pa binubuksan?" Tinutukoy ko ay ang isa pang bote ng alak na dala niya. "A-ang a-ano?" Natawa ako sa pagkautal-utal niya.
"Ang isang bote? Bakit 'di mo pa binubuksan kamo?" Pag-uulit ko pa para malinaw. "U-ubos mo na?!" Gulat niyang tanong. "Hindi pa naman...pero malapit na. Kaya buksan mo na 'yung isa." Natatawa kong utos sakaniya. Feel ko, kaya siya napiliting uminom dahil naaapakan ang ego niya. Siya ang lalake sa'ming dalawa pero hindi siya umiinom. Daig ko pa siya.
Binuksan niya nga ang isang bote. Agad niya naman iyong inabot sa'kin. "Hindi ka iinom? Akala ko ba gusto mo?" Natawa ako. Sa totoo lang, ayoko na siyang uminom, masyado siyang mabilis malasing. Hindi niya kakayanin. Baka mamaya, ano pang gawin niya. Umiling na siya. "H-hindi ko t-talaga kaya. Saka pa-panget naman ng lasa." Natawa na lang ulit ako sa sinabi niya.
"Masaya ka ba talaga ngayon?" Tanong niya matapos kaming matahimik ng ilang minuto. Natigil tuloy ako sa paglagok ng alak. Nilingon ko siya na ngayon ay tapos ng kumain. Nakalagay lang ang plato niya sa lap niya, ganoon din ako. "Oo naman 'no. Sino ang hindi sasaya kung nagbirthday ka sa lugar na gusto mo 'di ba?" Paano niya naman kasi pinagdudahan ang pagiging masaya ko ngayon.
"Ahh.. Mukhang hindi kasi masaya ang mga mata mo." Hindi siya sa'kin na nakatingin. Hinawakan niya ang plato niya dahil inayos niya ang pagkakaupo. "Paano ba maging masaya ang mata ha?" Pagbibiro ko sa kaniya. Natawa rin naman siya. "Ewan ko rin." Natawa kaming pareho sa sinagot niya.
"Akin na 'yang pinggan mo. Ilalagay ko muna sa loob." Tumango ako saka umalis na siya. Uminom akong muli. Napansin kong nakalahati ko na agad ang laman ng bote. "Ang bilis naman nito maubos." Bulong ko sa sarili.
"Oy, huwag kang mamroblema pa. May dala akong extra." Tumawa pa siya pagkatapos sabihin 'yon. Pinakita niya naman sa'kin ang dalawa pang bote. "Boy scout ah?" Pagbibiro ko. "Syempre." Umupo na ulit siya sa tabi ko.
Nagpatuloy lang ako sa pag-inom. Hindi na muli ako nagsalita dahil ganoon din naman siya. Kahit tahimik kami ay hindi naman ako nakararamdam ng awkwardness. Kalmado lang ako.
Pagkatapos kong maubos ang laman ng bote saka ako nagsalita. "Alam mo bang wala akong kaibigan?" Tumawa ako. Hindi naman ako lasing para mawalan ng katinuan. Sadyang gusto ko lang tawanan ang sarili. "Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.
"Feel mo naman ang ugali ko 'di ba?" Seryoso kong sabi. Sumulyap pa ako sakaniya nang sandali. "Mabait ka rin naman ah? Kayo." Natawa ako sa sinabi niya. Mabait lang ako sa kaniya dahil magaan ang loob ko sa kaniya at mabait din naman kasi siya. "Hindi sa lahat. Hindi kasi ako nakikipagplastikan kaya gano'n... maraming hindi ako kasundo. Tingin nila sa'kin maldita at masama." Kinuha ko ang isang boteng dala niya at binuksan.
"Sabagay, judgemental ang ilan. Hindi maiiwasang mainis sila sa mga tulad mong hindi kayang magsinungaling." Tumango-tango pa siya. "Hate ko ang sinungaling at mang-iiwan kaya hindi ko ini-engage ang sarili sa mga ganoon." Pagpapatuloy ko pa sa gustong sabihin.
"Hindi lang ako makapaniwala... Wala ka ba talagang naging kaibigan?" Natigilan ako. Naalala ko kasi ang nag-iisang naging kaibigan ko. Bestfriend pa nga. "Meron naman. Iisa lang."
"Oh? Ayon naman pala! Sabi mo wala." Napairap ako. "Ang tanong mo ay kung meron ba akong naging kaibigan 'di ba?" Natawa naman siya. "Oo nga." Uminom na muna ako. "Oh edi past tense. Hindi ibig sabihin kaibigan ko pa rin 'yon." Maikling ekplenasyon ko.
"Bakit naman? Ayos lang kung ayaw mong i-kwento ha! Ayokong makitang umiyak ka." Tumawa pa siya. Natawa rin tuloy ako. Ako? Iiyak? Sus! Malabo. "As if 'no!" Tumawa ulit siya.
"Sabihin na lang natin na galit ako sa kaniya hanggang ngayon dahil sa ginawa niya noon." Tumango lang siya. "Naranasan mo na bang iwan? Litterally ha?" Tanong ko sakaniya. "Hindi." Simpleng sagot niya. Napatango naman ako. "Iniwan niya kasi ako. Iniwan niya akong mag-isa sa isang lugar na hindi safe. Sa isang lugar na nakaramdam ako ng takot at pag-iisa." Natrauma ako sa nangyari kaya sa tuwing binabalikan ko ang nangyari ay nalulungkot at nanghihina.
"G-ginawa niya 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Ngayon ko nga lang nabalikan ang kwento nang hindi umiiyak o nakaramdam ng pag-iyak. "Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na rin siya sa'kin nagpakita. Iniwan niya na talaga ako." Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ayaw ko nang magkaroon ng kaibigan. Para saan pa? Iiwan ka lang rin naman sa huli.
"Nakakalungkot nga. Kaya siguro ayaw mo na ang magkaroon ng kaibigan. Dahil takot kang mangyari ulit 'yon." Tama siya. Ganoon nga. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "Okay lang naman ako kahit walang kaibigan. Nabubuhay naman ako kahit walang matatawag na gano'n. Hindi ko rin naman kailangan, kaya ko ang sarili ko." Taas noo kong sabi.
"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Naandito na ako. Kaibigan na ang tingin ko sa'yo. Hindi rin ako tulad niya na kayang iwan ang isang kaibigan." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa'kin. Napaiwas na lamang ako. "Lasing ka na nga siguro. Pasok na tayo, kukuha lang din ako ng gamot sa kwarto para mainom mo." Tumayo na ako at dali-daling pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya pa.
Nang makaakyat na ako sa hagdan ay biglang sumakit ang ulo ko. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa hawakan.
"Tulungan mo ako. Tulungan mo akong mabago ang nangyari."
Napapikit ako nang may marinig na boses. Parang nasa tenga ko lang ito.
"Puntahan mo ang aking libro, masasagot niyon ang iyong pagtataka."
Sumunod naman ako sa sinasabi ng boses. Hindi ko alam kung bakit gusto ko rin lapitan ang memoir na tinutukoy niya. Pagpasok ko sa loob ay agad akong dumeretso sa kabinet kung saan nakalagay ang memoir. Sa halip na gamot ang dapat kung kunin ay ito ngayon ang hawak ko.
Sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Dumadagundong ang puso ko ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang memoir.
Nakaramdam muli ako ng matinding hilo. Sumasakit ang ulo ko. Parang hinahati ito.
Napahawak ako sa ulo ko pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng isa kong kamay sa memoir. Nang tuluyan kong malipat ang pahina ay biglang nandilim ang paningin ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari pagkatapos niyon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด