logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata Lima

GUMALA na muna ako. Nagpunta na kasi sa bayan sina Mommy at daddy para bumili ng handa ko. Gusto nila akong isama pero ayaw ko kaya nagpaiwan naman ako. Hindi pa nga sana pabor si Daddy pero napapayag ko naman.
Actually, hindi naman talaga ako gumala sa malayo. Duh? Ayokong maligaw o matagpuan bukas sa isang talahiban, ano. Saka pumayag naman ang apo ni Lolo Alex na samahan akong mamasyal sa lugar.
"Ngayon ko lang ba nakapunta rito?" Tanong ng lalakeng apo ni Lolo Alex. Tahimik kami mula kanina kaya nagulat ako nang magsalita siya. "Hindi naman ako magpapasama kung nakapunta na ako kaya... oo." Simple kong sagot. Hindi niya nga siguro inaasahang gano'n ang sagot ko. Maya-maya ay tumawa siya. "Bakit dito mo gustong magbirthday?" Matanong pala ang isang 'to. Sana pala ay 'di na lang ako nagpasama.
Tumingin ako sa kaniya. "Bata pa lang ako, gusto ko ng pumunta sa isang probinsya. Saka, gusto ko ang vibes dito." Tumango siya. Ilang minuto ulit kaming natahimik.
"Alam mo ba na ang iba ay mas gusto sa Maynila kaysa probinsya?" Tanong niya. Sa linya niyang iyon ay naalala ko si Lolo Alex. Talagang maglolo nga sila. "Hmm.. depende naman kasi." Sagot ko. "Tama. Hindi lang siguro nila naaappreciate ang ganda rito. Hindi nila nararamdaman ang kapayapaan sa lugar na ganito." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
Magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit. Pati kay Lolo Alex ay palagay ang loob ko. Feel ko matagal ko na silang kilala. Feeling ko lang naman.
"Dito madalas magpunta ang mga mamamayan ng lugar nito. Sabi ng mga matatanda." Tumigil kami sa malapit sa balon. Hindi na kami lumapit dahil daw baka may mga insekto roon. May mga lumot na ang sementong harang niyon. Hindi na masyadong napupuntahan. Halatang pinabayaan, in short. "Sabi pa nila, mahiwaga daw ang balon na 'yan dati." Nakangiti niyang kwento. "Mahiwaga? Talaga?" Natawa ako. Kahit noon pala ay nagpapaniwala na sila sa fantasy.
Tumango siya at natawa na rin. "Oo, totoo. Dyan daw sila humihiling kapag may gusto silang makuha o mangyari." Nakatingin pa rin siya sa balon. "Natutupad naman daw ba?" Tanong ko na lang para sakyan ang kwento niya. "Oo raw. Madalas ay natutupad. Pwedeng coincidence pero malay natin, baka totoong mahiwaga nga ang balon. Kung iyon naman ang pinaniniwalaan nila, edi nasa kanila na 'yon."
Naglakad na kami. "Saan na naman tayo ngayon?" Hindi makapaghintay kong tanong. "Basta." Mas lalo tuloy akong nacurious.
Nagtungo kami sa isang patagong lugar. Maraming puno kaya hindi mo malalaman kung ano ang nasa likod ng mga iyon. Doon kami patungo kaya kinabahan tuloy ako.
Tumigil ako sa paglalakad. "Hoy! Bakit tago 'to?! Ayokong sumama, baka ano pang..." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko. "..balak mo!" Dugtong ko sa unang sinabi. Tumawa siya. Napahawak na rin sa batok.
"Kung ano 'yang nasa isip mo, hindi ko 'yan kayang gawin. Huwag kang mag-alala dahil gusto ko lang talagang ipakita ang nasa likod ng mga punong 'yan." Tinuro niya pa ang direksyon kung saan ang mga matatayog na puno. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Masyado na talaga sigurong naging maberde ang utak ko. "Kung ayaw mo... O sige, halika na. Marami pa namang magandang lugar na pwedeng puntahan." Naglakad na siya sa pwesto ko.
Gusto kong puntahan ang lugar na sinasabi niyang gusto niyang ipakita pero hindi magandang ideya na kaming dalawa lang. Nakalagpas na siya sa'kin pero hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. Naging poste na ata ako. "Oh? Hindi ka na ba makagalaw? Maganda nga ang lugar dyan, kasing hiwaga ng balon noon pero ayaw mo 'di ba? Halika na, uy." Bakit pakiramdam ko ay pinakokonsensya at pinapacurious niya ako ng todo?
"Wala naman sigurong zombie dyan o 'di kaya tulad ng sa wrong turn?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa direksyong iyon. Tumawa siya sa tanong ko. "Grabe! Naniniwala kang meron gano'n sa Pinas? Wala naman... Siguro." Hinarap ko siya. Sinamaan ko nga ng tingin. Mabuti naman at tumigil siya sa katatawa. "Wala, okay? So... pupunta ka?" Bumuntong hininga ako saka tumango.
HALOS napapanganga ako nang makita ang tinutukoy niya. Nagsasabi nga siya ng totoo. Hindi nga 'to isang biro lang.
"Ang ganda rito, 'di ba?" Tumango ako sa tanong niya. Hindi ko expect na may tinatagong batis pala ang probinsyang ito. Sa likod ng mga matatayog at maraming puno ay may kakaibang batis pala na nag-eexist. Marami ang mga bulaklak. Iba't iba ang klase ng mga 'yon. Ang batis naman ay sobrang linaw ng tubig. Makikita ang lupa sa ilalim ng mababaw na tubig.
Parang kumikinang-kinang ang tubig dulot ng sinag ng araw na sumisingit sa mga pagitan ng bawat dahon ng puno.
Hinarap ko siya na ngayon ay nakangiting nakatingin sa paro-parong nagpapaikot-ikot sa kaniya. Kulay asul ang pakpak niyon. Medyo may kalakihan din.
"Marami naman ba ang nakakaalam nito?" Nagtagumpay naman ako sa pag-agaw ng atensyon niya mula sa paro-paro. "Hindi magiging ganito kaganda ang lugar kung marami ang nakakaalam." Pakiramdam ko ay pinipilosopo niya rin ako tulad ng ginawa ko kanina kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Oo o hindi lang naman ang isasagot." Ngumisi naman siya sa sinabi ko. "Biro lang. Huwag kang pikon." Napairap na lang ako sa kaniya. For the first time ha.
"Nature na rin siguro ang gumawa ng paraan para hindi matukoy at masira nating mga tao ang batis na'to." Sabagay, tama siya. Tayong mga tao lang naman ang sumisira sa kapaligiran. Kung wala tayong mga tao ay mabubuhay pa rin ang kalikasan pero kapag wala ang kalikasan, hinding-hindi tayo mabubuhay.
Natawa ako sa naisip. Kung makapagsalita ako parang hindi ako nagtapon ng basura sa daan o naninira ng tanim. I'm not mabait, hindi ko 'yon itatanggi.
"Paano mo 'to nalaman?" Umupo ako sa batong hindi naman ganoon kataas na nasa gilid ng batis saka inilubog ang paa roon. Malamig ang tubig. Ang sarap sa feeling. "Sabihin na lang natin na...walang tagong lugar ang mananatiling tago sa'kin habang buhay." Natawa ako sa sinabi niya. Talagang may nalalaman.
"Ilang taon ka na?" Iyon na lang ang naiisip kong maging topic para lang hindi tumahimik. "Bakit?" May pang-aasar pa sa boses niya. napairap na lang ako sa hangin. Natawa naman siya. "Joke lang, mga kaedad mo lang ako." Sasagutin din naman pala ang tanong ko, hindi na lang dineretso.
"Malayo ba ang school dito?" Tumingin siya sa'kin. May halong pagtataka. "Ihahatid at susunduin mo ba ako?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya. Aba! Ang kapal din ng mukha. Kaya naman pala ganoon reaction niya. "Ha! Ako?!" Dinuro ko pa ang sarili. "Ihahatid at susunduin ka? Psh! Patawa. Asa naman. Una sa lahat hindi kita gusto ha." Tumawa naman siya. Sana pala 'di ko na lang tinanong. Feelingero pala ang lalakeng 'to. "Ah..akala ko lang pala. Bakit mo kasi natanong?" Seryoso ba siya ro'n? Talagang inakala niya 'yon? Grabe!
Tiningnan ko siya saka inirapan. "Pwede mo naman sagutin na lang.. itatanong pa kasi kung bakit! Wala ka ng pake roon, okay?" Mataray kong saad. Naloloka talaga ako sa lalakeng ito! Wala na nga rito si Ryvo pero may pumalit naman.
Humalakhak siya. "Edi pasensya na, pwede mo rin naman kasi hindi sagutin." Pilosopo rin talaga. Naramdaman niya sigurong napipikon na talaga ako kaya sumagot na lang siya. "Biro lang ulit! Medyo malayo, syempre."
Magkano kaya ang magagastos ko kung medyo malayo? Sa Maynila kasi malapit lang kaya madalas ay nilalakad ko dahil exercise ko na rin 'yon. Hindi nga alam nina daddy na nilalakad ko lang kapag hindi nila ako mapasundo o kung magpapaalam akong magcocommute.
Hindi ako lumaking maluho. Hindi rin naman ganoon sina Mommy at daddy. Hindi raw sila lumaking may kaya talaga. Nagsumikap lang sila kaya nila naabot ang kung anong meron sila ngayon.
Hindi ako lumaking maluho sadyang sila lang talaga ang gustong gumastos palagi pagdating sa'kin. Ang dahilan nila ay gusto nilang ibigay ang buhay na hindi nila kinamulatan. Hindi naman talaga sila galing sa kahirapan please nasa middle class lang kumbaga.
"Sayang dahil wala kang extra na damit. Hindi mo masusubukan ang maligo rito ngayon." Tumingin ako sa kaniya nang tumayo siya. Nagpagpag lang pala siya ng pantalon niya. Umupo ba naman sa lupa. Akala ko nga ay huhubarin niya ang damit at maliligo sa batis na'to tulad ng mga sa movies na napapanood ko.
Napailing ako. Kaloka!
"Kahit may dala ako, ayokong maligo rito kasama ka, duh?" Natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin naman.
"Masaya ba rito?" Naitanong ko nang matahimik na naman kami. As possible, ayokong makaramdam ng awkwardness. "Oo naman. Lalo na kung fiesta rito sa'min. Maingay saka masaya talaga. May mga peryahan din kasi sa bayan." Napatango ako sa sinabi niya. Gusto ko tuloy maranasan ang magpiyesta rito. "Oy, oy.. nakakahalata ako na parang gusto mo na lang dito?" Tumawa siya pagkatapos sabihin 'yon. Inirapan ko siya. "Nang makapunta ako sa Manila, hindi naman boring. Maraming pwedeng puntahan saka gawin." So nakapunta na pala siya sa Manila. Siguro nagbakasyon o ano.
"Hindi nga. Maraming bars at clubs doon na gustong-gusto kong puntahan palagi..na wala masyadong gano'n dito o baka wala pa nga?" Lumingon ako sa kaniya. Nakita kong gulat ang mukha niya. Hindi siguro expect na nagpupunta ako sa mga ganoon. "Mahilig kang pumunta sa gano'ng lugar? Hala, e kung napahamak ka?" Natawa ako sa kaniya. Para siyang tatay. "Hindi naman. Sanay na ako kaya alam ko ang gagawin ko. Hindi ka pa ba nakakapunta sa isang bar or something?" Mabilis siyang umiling. Natawa ako. Inosente pala siya sa mga parties.
"Bukod sa bawal pang pumasok ang menor de edad, ang sabi sa'kin ni tatay hindi maganda ang pumupunta sa ganoon. Paano ka nakakapasok kung hindi ka pa nga nasa legap age?" Nagkasalubong na ang mga kilay niya. Mukhang seryoso siya sa usapan namin ngayon. "Basic lang..." Inalis ko na ang paa sa batis. "Nagsisinungaling  syempre, o 'di kaya sumasama sa mga pwedeng pumasok tulad ng mga kaibigan kong may kapit saka merong bar ang Tito ko kaya nakakapasok ako roon kahit hindi pa ako legal age." Tumango-tango naman siya.
"Curious ka?" May pang-aasar sa boses ko. Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi e." Maikli niyang sagot. "Hindi nga?" Kinulit ko pa siya. Natawa ako ng todo nang irapan niya ako. Kaloka! "Sus! Aminin..." Pangangasar ko pa. "Hindi sabi. Hindi ko trip ang mga bar. Hindi rin naman ako umiinom ng alak." Nagulat ako sa sinabi niya. May lalake pa rin palang hindi umiinom ng alak 'no? Mga takot na masunog ang bituka.
"Grabe ka! Hindi ka pa nakakainom, talaga?" Hindi lang talaga ako makapaniwala. Umiling siya. "Hiyang-hiya naman ako sa'yo." Totoo. Malakas kasi akong uminom tapos ang kasama kong lalake ay hindi pa pala nakakatikim man lang niyon. "Totoo nga, hindi lahat ng lalake ay umiinom. Tulad niyong mga babae, hindi lahat ay hindi rin umiinom." Sabagay may punto siya roon. "Oo nga! Kaya nga hiyang-hiya ako sa'yo e. Alam mo bang kaya kong ubusin ang limang bote ng emperador nang hindi nalalasing?" Panggagaya ko sa linyahan nila ng Lolo Alex niya. Napanganga na naman siya. Manghang-mangha siguro sa talent ko.
Napailing pa siya. Mukhang hindi talaga makapaniwala. "Grabe! Kakaiba ka talaga. Ingatan mo naman ang bituka mo, alam mo bang sinusunog mo na sila." Natawa ako sa paalala niya. "Masarap ang alak e. I can't resist. Kapag nakatikim ka, maaadik ka. Hahanap-hanapin ng katawan at sistema mo ang alak." Sabi ko dahil iyon ang totoo. Nag-umpisa lang naman akong uminom ng alak nang matapos kong tikman ang isang baso ng alak. Birthday ni daddy ng time na 'yon kaya kumuha ako sa refrigerator ng isang bote at naglagay sa baso. Then, 'yon nagkasunod-sunod na.
"Kaya talaga ayaw kong tumikim kahit kaunti." Humarap na ako sa may pwesto niya. "Bakla ka ata e." Pagbibiro ko. Napaubo naman siya. Nabulunan pa ng sariling laway. Natawa naman tuloy ako. Defensive. "S-saan mo naman nakuha 'yan? Hindi ako gano'n." Naghand gestures pa siya. Masyadong defensive. "Sus! Umamin ka na lang. Hindi naman ako magchichismis, isa pa, bisita lang ako rito. Hindi ko mapagkakalat kung bakla ka talaga." Tumawa pa ako ng malakas pagkatapos sabihin 'yon. "Ano bang dapat kong gawin para mapatunayan na hindi ako gano'n?" Sumeryoso ang boses niya. Natigil ako sa pagtawa at nang tingnan ko siya ay diretsong nakatingin na siya sa'kin. Naiilang na tuloy ako.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pilit na tumawa. Nag-isip din ako ng pwede niyang gawin. "G-gusto mong patunayan?" Masyadong seryoso ang lalakeng iyon. Baka nga bakla siya? "Oo." Seryoso niyang sagot. Parang may biglang umilaw na bulb naman sa utak ko. Napangisi ako. Nagtaas nama ang kilay niya. "O sige...may naiisip na ako."
KASALUKUYAN na kaming naglalakad pabalik sa mansion. Natatawa pa rin talaga ako nang maalala ang gagawin niya ngayon. Excited akong makita kung ano ang reaksyon niya 'pag nakatikim na siya. Masyado pa naman siyang inosente.
"Kinakabahan ako sa'yo." Natawa ako nang marinig ang boses niya. Halata nga dahil kahit boses niya ay nanginginig. "Duh? Masasarapan ka nito, siguradong-sigurado.." Humalakhak pa ako. Siguradong pandagdag sa kaba niya. "Baka makita tayo.." Mahina niyang sabi. Halos bulong na nga lang. "Ano ka ba? As if naman... Wala rito sina Mommy. Busy si Lolo Alex 'di ba? Saka kung makita man, ayaw mo pa? Mapapatunayan mong lalake ka talaga." Pinaupo ko na siya sa isang silya rito sa kusina.
"Isang tikim lang naman." Dugtong ko pa. "Isa lang ha?" Paalala niya. Natawa naman ako. Ewan ko lang kapag natikman niya ay matitigil pa siya. Parang naririnig ko na tuloy ang tawa kong malakontrabida na may masamang balak. "Sa sarili mo ipaaalala 'yan, baka mamaya magustuhan niya." Kumuha na ako ng lambanog na nakalagay sa isang bote. Medyo bago pa naman ito. Tinanong ko kahapon si Lolo Alex. "Walang beer or alak kaya naisipan kong ito na lang." Nilagay ko na sa mesang nasa tapat niya ang basong maliit. Puno na iyon ng lambanog. Natikman ko na rin naman ito kahapon at masasabi kong masarap talaga. Bago sa panlasa ko e.
Hindi niya pa iyon ginagalaw kaya tinabig ko papalapit sa kaniya. "Bilisan mo na baka makita ka pa ng Lolo mo sige ka." Pananakot ko para mainom niya na. Effective naman dahil dali-dali niyang nilagok 'yon. Natatawa pa ako dahil malakas ang tunog ng pag-inom niya. Nang maubos ay ipinatong niya ang baso sa mesa. Tiningnan ko ang mukha niya at parang kumain siya ng maasim. "O ano?" Tanong ko habang tumatawa. Namumula na ang tenga at halos ang mukha niya. First time niya nga talaga.
"Bakit sabi mo masarap? Ang panget naman!" Inirapan niya pa ako. Joke ko lang naman na bakla siya para mapainom ko siya pero mukhang bakla nga talaga. "Ang baba ng tolerance mo! Medyo nahihilo ka ba?" Tumango siya. Napanganga na lang ako. Hindi siya makatingin sa'kin. "Teka lang, kukuha ako ng gamot." Hinugasan ko na muna ang basong ginamit niya saka binalik sa lalagyan ang lambanog.
"Bilisan mo ha? Medyo sumasayaw na talaga ang sahig." Natawa ako sa sinabi niya. Lasing na nga agad. Kaloka nga talaga ang lalakeng 'yon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด