logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata Apat

Naging mabilis nga ang takbo ng oras. Natapos na ang isang week bago ang birthday ko. Ngayon ay dalawang araw na lang ay kaarawan ko na. Excited ako na medyo kinakabahan ngayong magdidebut na ako. Excited ako dahil magiging legal na ang edad ko. Pwede ng pumasok sa bar or clubs, pwede na akong pumunta o gumala ng malayo. Kinakabahan din naman ako at the same time dahil kailangan ko ng magmature sa ibang bagay.
Mix emotions ang nararamdaman ko ngayon.
Nasabi rin sa'kin ni daddy na may nirekomenda raw si Mr. Guillermo na probinsya. Nalimutan ko na ang pangalan pero maganda raw doon. Doon daw lumaki si Mr. Guillermo kaya may basis ang sinasabi niya. Dumagdag din iyon sa excitement ko. For the first time, makakapunta na ako sa isang probinsya. Hindi na tuloy ako makapaghintay.
Ilang araw na nga akong hindi makatulog.
Ngayon ang biyahe namin papunta roon. Nakahanda na ang mga dadalhin namin. Eroplano ang gagamitin namin para mas mabilis kaming makarating. Five days lang ang excuse ko sa school kaya hindi kami ganoon katagal.
"Baby, handa na ba ang lahat?" Chineck ko ang mga bagahe namin. Hinanda pa kasi ni daddy ang sasakyan namin. Apat ang bagahe na dala. Katamtaman lang naman ang laki ng mga luggage namin. "Yes Mom." Sagot ko nang masiguradong walang maiiwan.
Tinulungan ko na silang dalhin sa compartment ng sasakyan ang mga luggage namin. Inayos ko ang hat na suot. Gawa iyon sa straws at galing pa iyon sa Batanggas. Magandang klase ito. Bagay sa pupuntahan ko. Probinsya. Mag-aala haciendera ako.
Pumasok na ako sa backseat nang matapos na namin malagay ang lahat. Isang oras pa bago kami makararating sa airport. Huwag ngalang traffic dahil baka mas matagalan.
Nagkukwentuhan lang sina Mommy at daddy about sa plano nilang gagawin namin sa birthday ko. Gusto pa rin nila talaga na maghanda. Hinayaan ko na lang. Sila naman ang magpreprepare.
Sinalpak ko na lamang ang earphones sa tenga at naghanap ng magandang music. Sumandal ako sa sandalan at pinikit ang mata.
HINDI ko pala namalayan na nakatulog na ako. Nagising lang ako sa mahinang kalabit ni Mommy sa braso ko. Nakarating na pala kami sa airport. Pinasundo lang ni daddy ang sasakyan sa driver namin. Hindi namin siya madalas pinadadrive lalo na kung andiyan naman si daddy.
Sumalubong sa'kin ang air-conditioned na hangin sa loob ng airport. Marami rin ang tao. May nagsasalita rin sa speaker.
On-time lang kami dahil hindi na namin kinailangan pang hintayin ang eroplano na sasakyan.
Nang makasakay na kami ay pinili kong umupo sa may parte ng bintana. Gusto kong tumingin sa peaceful clouds.
Nakasakay na siguro ang lahat ng pasahero kaya nagsalita na ang flight attendant tungkol sa mga paalala at sa kung ano ang mga dapat gawin.
Kanina pa naman ako nakaseatbelt kaya wala na'kong problema.
Nagbasa na muna ako ng libro na dala. Iyong lessons namin ngayong araw ay pinag-aaralan ko na. Nakatulog na kasi ako kanina kaya hindi na ako inaantok. Sina Mommy at daddy naman ay tulog na. Nakapatong ang ulo ni Mommy sa balikat ni daddy. Si daddy naman ay nakapatong ang ulo sa may ulo ni Mommy. Nakaakbay din siya sa balikat na mommy. Sana all nga ay sweet. Kung may langgam dito sa eroplano, siguradong puno na sila.
Minsan ang hirap pang intindihin ng libro pero mabuti na lang dahil hindi loading ang utak ko ngayon kaya nakukuha ko naman kahit papaano.
Nakatulog na ako kanina pero parang dumalaw ulit ang antok sa sistema ko dahil sa kababasa. Kaloka! Bakit kapag nagbabasa ng textbook nakakaantok? Kung mga kwentong nobela naman ay hindi?
Mabuti na lang dahil natapos ko ng basahin ang aralin ngayon bago ako mapagod. Tinago na muna ulit sa bag ang libro saka tumingin sa bintana.
Minsan naiisip ko, malambot nga kaya ang ulap? Nahahawakan kaya ito? Parang cotton candy din kaya iyon? Natatawa nga ako minsan sa naiisip. Tanong ako ng tanong sa isip, may Google naman. Masyado kong pinapahirapan ang sarili sa kaiisip.
Pumikit ako at sumandal. Naisip ko muli ang nangyari sa panaginip ko.
Piling alaala na lang ang naiwan. Medyo malabo pero may naaaninag pa naman ako.
'Yung kwarto na nagisingan ko ay kakaiba. Sinauna ang estilo. Nakabaro't saya rin ako. Ang pananalita roon ay purong Tagalog kaya malalim.
Kung mapapaniginapan ko ulit ang panaginip ko na 'yon, isusulat ko agad sa papel ang lahat ng nangyari at nakita ko para hindi ko na makalimutan.
DUMATING na rin kami sa wakas. Typical na probinsya nga iyon. Mas marami pa rin talaga ang palayan kaysa sa kabahayan. Mas maganda nga dahil ito naman talaga ang inaasahan ko.
Sumakay lang kami ng tricycle papunta sa bahay na tutuluyan namin. Sabi nga ni daddy ay isa iyon sa bahay na pagmamay-ari ng mga Guillermo.
"Maganda nga talaga sa probinsya. Mabuti na lang dito mo naisipan i-celebrate ang birthday mo anak." Sabi ni daddy na ikinangiti ko. Alam ko kasing hindi siya lumaki sa probinsya kaya gusto niya rin magstay dito. "Kaya nga honey." Sang-ayon ni Mommy na mukhang nagagandahan din rito.
Katamtaman ang temperatura ng hanging sumasalaubong sa'min. Hinawakan ko na nga lang ang sumbrero para hindi liparin. Napili ko kasing sa backride sumakay. Mas makikita ko ang view ng dinadaanan namin.
Ang mga bahay ay gawa na sa semento. Kaunti na lang ang mga bahay na yari sa kahoy. Magkakalapit lang din ang mga iyon. May mga part naman na walang kabahayan at may mga baka o kambing lang ang naroon. Siguro, taniman lang o bakante.
Napansin ko ngang semento na ang highway na dinadaanan namin. Naabot na nga talaga ng sibilisasyon ang lugar.
Pumikit ako. Dinama ko ang tahimik at ang hangin na dumadampi sa katawan ko.
Hindi ko nga maintindihan ang pakiramdam. Parang nostalgic kumbaga. May familiar feeling din ako na parang nakapunta na ako sa lugar na 'to. Napakaimposible nga dahil ngayon lang naman ako nakapunta sa isang probinsya at lalo na rito.
"ANDITO na ho tayo ma'am at sir." Tumigil kami sa may tapat ng malaking bahay. Hindi pa ako makapaniwala ng makita iyon. Hanggang dalawang palapag lamang iyon pero malapad. Matatawag na mansion. "Salamat, kuya." Nagbayad na si daddy saka umalis na ang tricycle. "Ayos! Pakiramdam ko nasa sinaunang panahon ako." Humalakhak si daddy kaya natawa na lang din si Mommy.
Naglakad na kami papalapit doon. Pinagbuksan naman kami ng gate ng isang matandang lalake. Hindi pa naman puti ang lahat ng buhok niya pero mahahalata nang may katandaan na siya.
"Maligayang pagdating sa inyo.." Ngumiti siya sa'min. Nang ibaling niya ang tingin sa'kin ay parang nagulat pa siya at nang makabawi ay ngumiti rin siya sa'kin. "Salamat ho, kayo po ang caretaker?" Tanong ni daddy. Tumango naman ang matandang lalake. "Ako nga pala si Alex, pumasok na po kayo.." Tumango kami saka sumunod sa kaniya.
May malapad na hardin pa ang madadaanan bago makarating sa mansion. Malinis ang malapad na damuhan na sigurado akong nililinis nang maigi ni lolo Alex. Mga batong itinipon ang nagmistulang daanan namin. May mga puno rin sa paligid kaya nga hindi mainit rito dahil sa shadow ng mga ito.
"Matagal na po ba ang bahay na ito?" Tanong ni daddy sa matanda. "Oo, sa katunayan nga ay dalawang daang taon na ang nakalilipas." Sumulyap siya sa'kin na parang may ibang sinasabi ang mata niya. "Pinapanatili lang ang estilo at disenyo kahit na nirerenovate taon-taon." Dugtong niya.
"Wow! That's amazing! Maraming antiques po sa loob?" Excited na tanong ni Mommy. Mahilig kasi siya sa mga antigong bagay. Nakakatakot nga minsan dahil baka may spirit na kasama ang mga binibili niya. So far, wala pa namang nagpaparamdam. At huwag naman sana silang magparamdam. "Pasensya na po, hilig talaga kasi ng asawa ko ang mga antigo." Tumawa naman sila sa sinabi ni daddy.
Binuksan niya ang mataas at double-door na pinto. Gawa rin iyon sa kahoy na nilagyan ng varnish para tumingkad at gumanda tingnan.
Unang pagpasok pa lang sa loob ay bubungad na agad ang napakalapad na living room. Gawa sa kahoy ang lahat ng bagay sa loob. Mula sa mga sofa at table, patungan ng T.V., patungan ng mga frames at kung ano-anong mga designs at iba pang mga furnitures na naandito. Pati ang hagdan ay gawa rin doon.
Nawili na sina Mommy sa pagtitingin-tingin sa mga bagay na nakikita. Adik siya sa mga antiques kaya siguradong minamagnet na naman siya ng mga 'yon. Kausap naman nila si Lolo Alex na caretaker nga ng bahay.
Napatingin ako sa isang sulok kung nasaan nakasabit ang mga pictures na nakaframe. Ang iba ay black and white ang kulay na sigurado akong matagal  ng kinuha. Hindi pamilyar ang mga mukha ng mga na'ndoon. Kaunti lang ang nakilala ko. Iyon ay ang pamilya ni Ryvo. Ang picture ay kuha rito sa bahay na'to. Daddy at mommy niya na nakangiti at nasa gitna siya dahil buhat siya ng kaniyang daddy. Nakasubo pa ang hinlalaki niya sa bibig. Natawa ako. Kinuha ko ang phone saka kinuhanan iyon. Pamblackmail at pambiro ko pa 'to.
Sinulyapan ko sina Mommy at busy pa rin naman sila. Napatingin ako sa cabinet na gawa sa kahoy. Nasa baba ito ng mga frames na nakasabit sa dingding. Curious ako kaya binuksan ko ang isang kaha niyon. Bumungad sa'kin ang mga iba pang frames na may picture. Siguro ay hindi na kasya kaya hindi na lang inilagay sa dingding.
Medyo madilim sa pwesto ko kaya hindi ko masyadong makita ang mga itsura na nasa larawan. Itinapat ko iyon sa may liwanag. Isang pamilya ang na'ndoon. Ang lalakeng matanda na nasa larawan ay may balbas na hindi naman gaano kahaba, may pagkabilog ang hugis ng mukha niya, maayos na nakasuklay ang kaniyang buhok at akangiti siya ng malapad.
Siya ay nakaakbay sa lalakeng katabi. Binata na iyon kaya halos magkasingtangkad na sila. Gwapo ang lalake. Matangos ang ilong, katulad ng sa ama niya ang kaniyang mata. Bilugan pero bagay tingnan sa mukha niya. Ang babaeng nasa tabi naman niya ay may hawak na bata. Ang Ginang ay masasabing may lahi, kakaiba ang mukha niya kumpara sa isang purong Pinoy.
Ang bata naman na hawak niya ay biba dahil nakangiti rin ito sa kamera. Sa tingin ko ay apat na taong gulang na iyon. Straight ang kaniyang buhok na nilagyan lamang ng ipit para hindi mapunta sa kaniyang mukha.
Nagkasalubong ang kilay ko.
Napagtanto kong kamukha ko ang batang nasa larawan.
"Imposible.." Mahina kong usal.
Parang nakatingin lang ako sa picture ko ng bata pa. Hawig na hawig talaga! Kung sana ay may features lang na pareho kami ay hindi nakakapagtaka masyado pero dahil carbon copy ko siya ay kinabahan ako.
Bakit kaya? Imposibleng kamag-anak ko siya. Walang kamag-anak si Mommy sa probinsya gano'n na rin si daddy. Isa pa, pagmamay-ari ito ng mga Guillermo.
"Alam mo bang sila ang tunay na may-ari ng bahay na ito?" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang magsalita si Lolo Alex sa likod ko. Sa taranta ko ay agad kong binalik ang frame sa lalagyan nito. "S-sorry dahil napa..napakaelaman ko." Napayuko ako. Humalakhak naman siya. "Ano ka ba hija, ayos lang naman iyon...saka tinatanong lang naman kita." Napatingin naman ako sa kaniya. Kumalma na rin ng kaunti ang puso ko.
"Ang pamilyang nakita mo ay ang tunay na may-ari ng bahay na ito." Biglang sumeryoso ang boses niya. Lumapit siya sa kabinet na kinatatayuan ko kaya tumabi ako kung nais niya mang buksan ang kaha na kinuhanan ko ng larawan. "Pero...dahil sa nangyari... Napunta sa iba." Malungkot niyang dugtong. Kahit ako at nalulungkot kahit 'di ko naman alam ang buong pangyayari.
"Sino po ba ang pamilyang iyon?" Hindi ko na napigilang magtanong. Curious ako e.
"Anak, kumain na kaya tayo? Gutom na mommy mo eh." Hindi tuloy nasagot ng matanda ang tanong ko dahil sa biglaang pagsulpot ni daddy. "Sige dad, susunod po ako." Nauna na si daddy sa kusina. Nanatili na muna ako rito. Hinarap ko si Lolo Alex. Ngumiti lamang siya. "Nakilala mo na ang isa sa mga nasa larawan hija. At makikilala mo na rin ang iba pa." Iyon lang ang sinabi niya na ipinagtaka ko.
HINDI pa ako makatulog kaya umupo na lang muna ako sa may kama. Hindi naman ako namamahay, sadyang may gumugulo lang talaga sa isipan ko.
Sino nga ba ang pamilyang nasa larawan? May koneksyon ba ako sa kanila? Bakit pakiramdam ko ay nakapunta na ako sa bahay na'to kahit hindi naman? Ano ang ibig sabihin ni lolo Alex na nakilala ko na ang isa sa mga nasa larawan?
Natawa ako. "Kabaliwan. Paano ko nakilala ang taong patay na? Paano ko naman makikilala gayong matagal naman na silang walang buhay?" Napailing ako. Ginagawa kong big deal ang hindi naman dapat. Baka joke lang 'yon ni Lolo Alex, tinotoo ko naman.
"Gad. Kung ang ibig niyang sabihin ay mamatay na ako, grabe! Huwag naman sana. Ayokong mameet sila kung mamamatay naman ako." Nagpray pa ako ng ilang beses. Praning na kung praning, ayoko pang mamatay. Ngayon pa bang two days na lang ay birthday ko na?
Nang maramdaman ko ng bumibigat na ang talukap ko ay nagpasiya na akong matulog.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด