logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata Isa

NAGISING ako sa tila-ok ng mga manok. May sinag din ng araw na dumeretso sa mukha ko kaya nasisilaw ako. May lumabas pa na ungol sa bibig ko dahil sa pagstretch ko ng mga braso at paa ko.
Hay! Ang sarap matulog!
Nanatili lang akong nakapikit at nakayakap sa unan ko.
Inalala ko naman ang mga ginawa ko kagabi. Umpisa sa may nag-aya sa'kin na pumunta sa isang party hanggang sa may nakita akong memoir.
Agad akong napaupo nang maalala ang nangyari.
Shete! Nakauwi ba ako?
Minulat ko ang mata at parang gusto kong maiyak nang makitang hindi ito ang kwarto ko!
Kinapa ko ang katawan ko nang  makasiguradong walang sign na hinalay ako o pinatay ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapagtantong walang masakit sa katawan ko. Kompleto rin ang katawan ko kaya napanatag ako ng kaunti.
Tumila-ok ulit ang manok kaya tuloy parang nagising talaga ako sa diwa ko.  Parang bumalik ako sa reyalidad.
Wala ako sa bahay namin!
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan. Nakakapagtaka dahil ang estilo ng bahay ay parang makaluma---ay mali, talagang makaluma!
Ang dingding ay kahoy. Ang mga kabinet at upuan ay talagang sa kahoy gawa. Parang mga antigo ang mga bagay sa lugar na'to. Ang bintana ay katulad din sa mga bintanang makaluma sa mga historical fiction na palabas lang sa T.V. na dati ay napapanood ko lang.
May manok din!
Posibleng nasa probinsya ako..pero bakit ako makaaabot sa probinsya?
Napatakip ako sa bibig.
Gad! Kahit kailan ay hindi pa ako nakapupunta ng probinsya dahil wala naman kaming bahay doon. Sa Manila lumaki si Daddy dahil sa Maynila daw talaga ang base nila eversince. Si Mommy naman ay walang sinasabing may pamilya kami sa probinsya. Kaya in short, wala talagang rason kung bakit narito ako ngayon sa isang probinsya.
Napatingin din ako sa suot. Halos lumuwa pa ang mata ko nang makita kung ano ang nasa katawan ko ngayon.
"Baro't saya?!" P-paano?! Tiningnan ko pa ang tela at klase ng saya na suot ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang makasusuot ako ng ganitong klase ng saya. Siguradong mahal ito! Kakaiba ang klase ng tela ang ginamit. 'Yung tipong pangmayaman talaga.
Sinampal ko ng malakas ang mukha ko. Napa-aray naman ako nang magmanhid iyon dahil sa sakit. Ibig sabihin lang niyon ay hindi ako nananaghinip. Totoong nangyayari 'to!
Napahawak ako sa ulo ko nang medyo kumirot iyon..
Hang-over ata? Pero hindi nga kasi ako nalasing. Baka sa kaiisip ko lang.
Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at may babaeng halos kasing edad ko lang ang dali-daling lumapit sa'kin. Mukhang nag-aalala pa siya.
Gusto ko pa nga sanang matawa nang makitang nakasuot din siya ng saya tulad ko. Ang kaibahan lang ay medyo kupas ang kulay ng kaniya at mukhang luma na.
"Binibini, ano ang iyong nararamdaman? Nais niyo po bang dito na lang mag-agahan?" Seryosong tanong sa'kin ng babaeng kapapasok lang sa kwarto ko. Doon ko lang naalala na nakahawak pa ang kamay ko sa ulo kong sumakit kanina.
"Ah..eh..wala naman! Ah..okay lang ako?" Nakita ko sa mukha ng babae ang pagkataka sa 'di ko naman alam na dahilan.
Siguro sa tingin niya mukhang nasisiraan na ako. Itanong ko ba naman na okay lang ako.
"Hahaha! Pasensya..pagod lang siguro ako. Nasaan nga pala ako?" Tanong ko na mas nagpataka sa babae. Nagkasalubong ang mga kilay niya at naniningkit na rin ang kaniyang mga singkit na mata. Kung makatingin siya sa'kin ay parang may sinabi akong kakaiba.
"Binibini, tila ika'y gutom na nga. Maghahanda na lamang ako ng iyong agahan at ako na mismo ang magdadala niyon dito." Wala naman na akong nagawa nang lumabas na siya agad ng kwarto na'to. Napakagat na lang ako sa kuko ng hintuturo ko at napaisip.
Kakaiba ang pagsasalita ng babaeng 'yon. Akala mo naman ay nasa dulang Pilipino kami na kailangan ay malalim na tagalog ang gagamitin. Ganoon ang lengwahe na kailangan. Alam ko 'yon dahil dati na akong sumabak sa teatro sa eskwelahan namin.
Kaloka naman dito! Masisiraan na ako ng ulo kaiisip kung bakit ganito dito at kung bakit na'ndito ako.
Saang lupalop ba 'to?
Hinahanap na kaya ako ni Mommy?Baka umuusok na ang ilong ni Daddy dahil sa galit.
Napabuntong-hininga ako. Ayokong ma-disappoint sila sa'kin.
Tumayo ako at pumunta sa salamin na naririto. Nakakamangha tingnan dahil ang salamin na iyon ay katulad ng mga mamahalin na antique mirrors na nakikita ko sa antique shop na madalas bilhan ni Mommy.
Sinundan ng kamay ko ang carving na disenyo ng salamin. Ang ganda tingnan dahil mga roses iyon. Dikit-dikit ito at iyon ang mas nakakaagaw ng pansin.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Nakalugay ang buhok ko na hanggang bewang. Walang make-up ang mukha ko ngayon. Kulay asul naman ang suot kong saya.
Kakaiba pala sa feeling na suot mo ang damit na talagang nagpapakilala na likas kang Pilipino, ano? Ang sarap at nakakaproud.
Hindi nga lang ako dalagang Pilipina.
"Binibini, ika'y kumain na.." Na'ndoon pa rin ang patataka sa mukha niya. Napairap na lang ako.
Duh? Siya pa ang may ganang magtaka? Ako nga itong nagising na lang sa kwarto na hindi ko alam kung kanino at saan.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Nasaan ba 'ko?" Mataray kong tanong sa kaniya. Sinulyapan ko naman siya na ngayon ay parang kinakabahan na.
Nagsalubong na tuloy ang mga kilay ko.
"P-pasensya na b-binibini... Akala ko kanina ay nagbibiro lamang kayo..Nakakapagtaka lang kasi na tinatanong niyo kung nasaan kayo gayong naririto naman kayo sa pamamahay niyo." Kinakabahan niyang sabi sa'kin na halatang pinamumukha pa na ang tanga ko sa pagtatanong sa kaniya niyon.
"Anong pangalan mo?" Nabigla pa siya sa tanong ko pero sinagot niya na lang agad. Ayaw niya na sigurong magalit ako.
"Issa po ang aking pangalan binibini," nakayuko na siya ngayon nang harapin ko.
"Issa..hindi ako magtatanong kung alam ko. Pasensya na rin sa rudeness ko." Nasa boses ko pa rin ang patataray.
"P-pasensya na po binibini." Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Curious ako sa sinabi niya kanina.
"Ang sabi mo ay nasa pamamahay namin ako. Bakit? Paano?" Paano ko magiging bahay ang ganitong klaseng bahay? Nasa Maynila kami kaya dapat ay semento ang bahay namin. Kaloka naman din kung iisipin na ang outfit ko--namin ay baro't saya. Ano 'yon? Nasa palabas ba kami?
"Binibini, sigurado po ba kayong wala kayong karamdaman?" Bakas na naman ang pagtataka, pagkalito at pag-aalala sa mukha niya.
Bakit ba kung makatingin siya sa'kin ay  akala mo naman ay nababaliw na ako dahil sa mga tinatanong ko sa kaniya. Siya nga itong mukhang baliw na sinasabing nasa bahay ako namin. Kaloka!
"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko!" Tumaas ang boses ko kaya tuloy ay parang nanginginig na siya sa takot.
"P-pasensya binibini. Totoo pong naririto kayo sa pamamahay niyo. Kung nais niyo pong siguraduhin ay isasama ko po kayong ikutin ang bahay. Dadalhin din po kita sa iyong ama at ina." Nanginginig ang boses na wika niya. Humigpit din ang hawak niya sa kaniyang suot na saya.
Nakaramdam naman ako ng konsensya. Minsan, ay mali, madalas talagang hindi ko mapreno ang kamalditahan ko.
"Kung totoo ang sinasabi mo edi samahan mo'ko."
GAYA nga ng sabi niya sa'kin ay nilibot niya nga ako sa sinasabi niyang bahay namin. Pinakita niya sa'kin ang sala. Makaluma ang mga sofa nila. Wala silang T.V. na ipinagtaka ko. Ang laki kasi ng bahay, makaluma nga lang ang style. Ang ganda nga ng vibes, parang nasa panahong hindi pa modern ako.
Nagsilbi siyang tourguide sa'kin. Dinala niya rin ako sa kusina. May lamesang gawa rin sa kahoy ang na'ndoon. Mahaba iyon. Sa tingin ko nga ay kayang kumain ang dalawampung tao roon. Hindi ko na binilang pa ang mga upuan na nakahalukipkip sa ilalim ng mesa. Ang gamit nila sa pagluluto ay kahoy lang. Nilibot ko pa muli ang tingin sa kabuuan ng bahay. Nakakahanga ang pagpapanatili ng bahay na yari sa kahoy.
Bongga nga e. Ang humble ng may-ari.
Gusto ko tuloy na magpatayo ng bahay na ganito rin someday.
"Binibini, gusto niyo po bang magpahangin sa labas tulad ng palagi niyong ginagawa?" Napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka pero agad ko rin pinalitan ng excited na ekspresyon.
"Sige, sige!" Naglakad kami sa labas ng mansion. Malapad ang hardin. May mga damo rin matingkad ang pagkaberde na mas nagbibigay buhay sa lugar. Maraming bulaklak ang nasa paligid. Iba't ang klase ang mga iyon. Mahilig ata sa bulaklak ang may-ari.
"Mahilig ba sa bulaklak ang may-ari?" Ayon nanaman ang pagtataka sa mukha niya.
"Kayo po ng iyong ina ay mahilig magtanim ng iba't ibang klaseng bulaklak.. Binibini." Napatango na lang ako.
Siguradong naguguluhan siya pero mas naguguluhan din naman ako. Kaya para hindi na siya maguluhan pa at mapanatag ang loob ay nag-isip ako ng dahilan kung bakit parang nawawala na ako sa tino.
"Issa..naranasan mo na bang gumising ng isang araw tapos wala kang alam kung nasaan ka, kung bakit biglang nag-iba ang mundo mo? 'Yung tipong wala kang maalala?" Tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa'kin nang may pag-aalala.
"Binibini...hindi ko pa po iyan nararanasan. Ako po'y nag-aalala kung may masama ba kayong nararamdaman." Halata nga sa mukha niya ang pag-aalala. Nakokonsensya tuloy ako sa nagsisinungaling ko. No choice e. "Gusto niyo po bang sabihin ko ito sa inyong ama upang mapapunta niya rito ang pinamagaling ng doktor?" Napailing naman agad ako. Naku! Baka mabuking pa ako!
"Hindi na kailangan Issa. Ano ka ba? Hahaha.. maayos naman na ang pakiramdam ko 'no. Sadyang nabangga lang ang ulo ko sa dingding." Napapikit pa ako nang sabihin ang rason ko. Kahit sino ata ang makarinig ay hindi makapapaniwala sa sinabi ko. "Binibini! Baka kung ano ang mangyari sa iyo kung pababayaan natin iyan." Tiningnan niya pang mabuti ang mukha ko. Hinahanap siguro ang bukol na maaaring naging sanhi ng pagkabangga ko.
"Ano ka ba? Simpleng pagkabangga lang iyon 'no. Halina na nga. Gusto ko pang gumala." Nauna na ako sa kaniyang maglakad.
Hindi makulimlim at hindi rin naman masakit sa balat ang init ng araw kaya ang sarap maglakad-lakad.
Dati ko pang pinapangarap na magkaroon kami ng lupa sa isang probinsya. Gusto ko talaga kasi ang vibes ng probinsya. Peaceful kasi. Sa Maynila kasi ay maingay. Party girl ako kaya sawa na rin naman ako sa ingay.
"Binibini, ika'y hindi pa ba napapagod?" Oo nga pala. Kanina pa kami palakad-lakad. Umiling lamang ako sa kaniya.
May nakita akong upuang kahoy sa ilalim ng isang malaking puno ng narra sa malayo. Binilisan ko ang paglalakad doon. Nang marating kami ay padabog akong umupo.
"Binibini, dahan-dahan lamang. Hindi kanais-nais ang ganoong paggalaw." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tumingin ako sa malapad na lupain. Malamang ay palayan lamang iyon. Napansin ko nga na walang masyadong bahay ang lugar. Kung meron nga siguro ay hindi magkakalapit.
"Anong lugar ito? Bayan? Anong pangalan?" Hindi naman na siya nagtaka. Siguro ay kumagat nga talaga siya sa pagkukunwari kong may amnesia ako. Naniwala nga siguro siya na wala akong maalala.
Nanatili lamang siyang nakatayo sa tabi ko. Hindi siya umupo kahit na may bakante naman sa tabi ko rito sa upuan.
"Hindi ka ba napapagod tumayo dyan Issa? Umupo ka kaya rito." Tinapik ko pa ang space ng upuan.
"Hindi po maaari binibini. Isang kawalang respeto po ang umupo sa tabi mo lalo na't ako'y iyong tagapagsilbi lamang." Pagpapaliwanag niya sa'kin. Ang unfair naman niyon.
"Walang tao, Issa. Saka huwag kang mag-alala, ayos lang sa'kin. Ako bahala sa'yo." Tumawa pa ako upang mawala ang pagiging uneasy niya. Okay lang na isipin niyang bipolar ako o nasira na talaga ang isip. Gusto ko lang bumawi sa pagmamaldita ko sa kaniya kanina.
"S-sige po Binibini," mahinhin siyang umupo sa tabi ko. Kaloka! Uso pa pala ang mga dalagang Pilipina.
Naging tahimik kami ng ilang minuto bago siya muling nagsalita. Hindi na kasi ako nagsalita dahil dinama ko ang kapayapaan ng lugar. Nakakakalma kasi ang lugar. Kahit hindi ko alam kung saan ito, magaan ang loob ko rito.
"Agueyono ang pangalan ng ating bayan binibini." Nahihiyang sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Ahh.. Ang unique ng pangalan ah? Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa lugar na'to." Tiningnan niya ako ng saglit lang naman saka niya iniwas ang tingin.
Ito naman, kung makareact parang akala mo ako 'yung crush niya na hindi niya kayang kausapin. Duh? Hindi tayo talo girl!
"Si-sige.." Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Pinagkrus ko lang ang mga braso ko saka sumandal sa sandalan ng upuang ito.
"Noon ay walang pangalan ang ating bayan, binibini. Wala rin nakakaalam na may tagong bayan pa pala pagkatapos ng malapad na kagubatan. Iyon ay ang haka-haka noon. Hanggang sa dumating si Don Queno, siya ang nakatuklas sa lugar na ito kaya siya ang naging pinuno ng bayan natin. Unti-unti niyang pinalago ang lugar kaya nga ay maganda na ang lugar na ating tinitirhan ngayon.." Nakangiti niyang kwento habang nakatingin sa malapad na lupain sa harap namin.
"Ang swerte naman pala ng pamilya ng Don Queno na tinutukoy mo." Iyon na lang ang nasabi ko. Totoo naman kasi. Napakaswerte pa sa swerte dahil napakalapad ng lupa nila kung siya nga ang pinuno.
"Tama ka binibini. Napakaswerte niyo po."
INABUTAN kami ng alas singko sa pakikipagkwentuhan. Napagpasyahan na rin namin umuwi nang magkahel na ang kalangitan. Baka daw kasi mapagalitan kami kapag naabutan kami ng gabi sa labas. Bawal daw iyon.
Naiisip ko na nga na baka nasa nakaraang panahon ako. Kahibangan nga pero malay natin. Walang imposible. Napailing ako. Epekto na siguro ito ng panonood ko ng mga palabas at pagbabasa ng mga nobela.
"Binibini, pinatatawag ka ng iyong ina." Nasa kwarto na kasi ako nang bigla na lang pumasok si Issa at sinabi iyon. "Bakit daw?" Hindi ko akalain na ipapatawag ako ng ina ko daw. "Hindi ko alam, binibini." Sumunod na lamang ako sa kaniya.
Nang maihatid niya na ako sa isang pinto rito sa ikalawang palapag din ay iniwan niya na ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Kung hindi ba tutuloy o kakatok na lang tutal ay narito naman na ako.
Kakatok pa lang sana ako ay bumukas na ang pinto. Nabitin tuloy ang kamay ko na handa na sanang kumatok. Isang napakagandang ginang ang nagbukas sa'kin ng pinto. Sa tansya ko ay kaedad niya lang si Mommy. Ang mukha niya ay maganda ang hugis. Ang mga nangungusap niyang mata ay katamtaman lang ang laki na bumagay sa mukha niya. Matangos ang kaniyang ilong. Mapupula ang labi na hindi na kailangan pang maglipstick. Mukhang may lahing espanyol nga ang itsura niya. Maputi rin kasi ang balat niya.
"Anak, pasok.." Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay. Uminit tuloy ang pisngi ko dahil sa napahiya. Sinunod ko naman ang sinabi niya.
Ang estilo ng kwarto niya ay kagaya ng sa'kin. Mas malaki nga lang ito. Malamang ay ito ang master's bedroom.
"Totoo bang masama ang iyong pakiramdam?" Ang kaninang maaliwalas niyang mukha ay napalitan ng pag-aalala.
Naku! Mukhang sinabi pa ni Issa.
"H-hindi po.." Mahina kong sabi. Nag-iingat ako sa mga sasabihin ko baka kasi walang galang ang tono ko.
"Sigurado ka ba anak? Kung may nais ka sa'king sabihin ay maaari mo naman i-kwento sa'kin.." Ngumiti siya ng sinsero sa'kin. Bigla ko tuloy namiss si Mommy. Gusto ko na tuloy umuwi sa bahay. Ipapangako na hindi na ako magiging party thirsty. "Sige po," Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Ngumiti na lang rin ako.
"Ah! May handog nga pala ako sa iyo aking munting dyamante.." Pinaupo niya muna ako sa kaniyang kama. May kinuha siya sa aparador nila. Nang lumapit siya sa'kin ay may hawak na siya. "Sana'y iyong magustuhan ito anak" binigay niya sa'kin ang isang bagay na napakapamilyar sa'kin. Hindi ako makapaniwala nang kunin ko iyon sa kaniya. Sinuri ko pa ang pabalat niyon.
Halos lumabas ang eyeballs ko nang manlaki ang mata ko dahil sa napagtanto.
Ito nga!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (15)

  • avatar
    Pingwin

    the best story highly recommended

    17/06/2022

      0
  • avatar
    GonçalesJuraci

    eu gosto muito desse aplicativo meus parabéns

    3d

      0
  • avatar
    CuaMae

    salamat

    27/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด