logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 Elizabeth`s POV

-------------
Sumilip ako nang marinig namin ang tunog ng katawan na bumalandra sa pinto kasunod ng pagdaing ng pamilyar na boses ng babae.
"Wala dito ang hinahanap mo. Kung nandito man siya wala kayong karapatang pumasok at manggulo sa loob ng classroom ni Sir Bulgado. Napag-usapan na ito ng lahat na hindi kayo gagawa ng away sa loob ng paaralan." malakas na sabi ng tinawag na Kuya ni Cecille sa strikto at medyo galit na boses.
Sabay kaming napasinghap ni Cecille nang makita namin kung paano niya mas binaliktad ang kamay ng babae sa likuran nito habang itinulak sa pinto na para bang isang kriminal na nahuli. Hindi ko mapigilang mamangha sa sobrang bilis ng kilos niya. Kaya pala takot ang mga gang sa kanila dahil magagaling pala sila kumarate.
Hindi ko pa siya kilala at hindi ko alam kung ano ang tunay na relasyon niya kay Cecille pero sa kinikilos niya ay parang may pinanghuhugutan siya.
"Nasaan ba ang lider n'yo? Siya ba nag-utos sa inyo nito? Hindi ba siya natatakot sa amin? Kulang pa ba ang warning na natamo niya?" galit ang boses na tanong ng Kuya ni Cecille sa babae at bahagya pang sumulyap sa amin.
Samantalang ang iba namang kasamahan ng babae ay nasa labas lang at hinarangan ng iba pang miyembro niya.
"Pasensiya na, Boss Anthony. Makikipag-usap lang naman ako sa kanya." namimilipit sa sakit na sagot ng babae.
"Hindi ganyan ang paraan ng pakikipag-usap Manon. Nasaan ang lider n'yo?"
"Hindi ko po alam. Pasensiya na talaga, Boss. Walang kinalaman ang lider namin dito." sagot ng nagngangalang Manon.
Parang nag-iisip pa si Anthony ng ilang sandali saka niya pinakawalan si Manon na agad namang lumabas ng classroom kasama ang mga kasamahan nito pagkatapos humingi ulit ng paumanhin.
Tuluyan ng napaupo si Cecille sa sahig pagkatapos naming makalabas sa ilalim ng mesa saka parang nabunutan ng tinik sa dibdib na napapabuntong-hininga. Ramdam ko siya dahil maging ako ay ganu'n din ang nararamdaman.
Unang araw ko sa paaralang 'to pero parang trauma na agad ang nadanas ko.
"Okay lang ba kayo? Ano ba kasing nangyari at hinahanap niya ang kasama mo?" tanong ni Anthony kay Cecille nang makalapit siya sa amin saka tumingin sa akin.
"Elizabeth. Elizabeth ang pangalan ko." sagot ko.
Nanlalaki naman ang mga matang napatingin si Cecille sa akin. Alam kong hindi siya makapaniwala sa inasta ko dahil tahimik lang naman ako at hindi basta-bastang nagsasalita. Maging ako ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ko. Well, siguro. Thankful lang ako dahil tinulungan niya kami.
Biruin mo 'yon. Unang araw ko pa lang sa eskwela pero bugbugan na agad ang matatamo ko? Baka balikan agad ako nina Mommy at Daddy at tuluyan na talagang ihatid sa loob ng kombento.
"Anthony." sabi naman niya saka inilahad pa ang kamay niya kaya tinangap ko na rin.
Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.
Siguro, dahil sa word na kuya? Wala kasi ako no'n at gusto kong magkaroon ng isa. At saka may pakiramdam akong mabait naman siya.
"Siya ang sinasabi ko sa'yong nakatira sa bahay natin." Sabi ni Cecille kay Anthony na tumango lang bilang sagot.
"Magka-anu-ano kayo?" tanong ko sa kanila.
"Magkapatid kami." sagot ni Cecille.
Lumaki ang mga mata ko sa sagot niya.
Ano daw? Kaya pala kuya. Pero magkaiba naman ang itsura nila, I mean, wala naman akong nakikitang pagkakahawig at saka hindi ko naman siya nakita sa bahay na umuwi. Hindi din naman sinabi ni Manang Carmen na may anak din pala siyang lalaki. Si Cecille lang kasi ang nakilala ko.
"Hindi kasi siya sa bahay umuuwi kundi sa bahay ng tatay namin. Alam mo na. Hiwalay na sila." sagot ni Cecille sa nagtatanong kong reaksiyon.
"Ah, okay." sagot ko saka tumayo nang makita ko si Sir Bulgado na pumasok sa classroom.
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba nang mapatingin siya sa amin. Strikto ang pagkakatingin niya na para bang sisigawan niya kami anumang oras kung bakit kami nandito gayung mga lalaki lang naman ang mga estudyante na under sa kanya.
"G-good afternoon po Sir." bati ni Cecille na agad namang inayos ang sarili pagkatapos tumayo at yumuko pa ng bahagya. Lihim niya akong kinurot sa tagiliran kaya napayuko din ako.
"Anong ginagawa ng mga Miss Universe sa classroom ko?"
Tumungo ako dahil sa sinabi niya. Strikto kasing pakinggan ang boses niya pagkakasabi no'n pero alam naman naming may halong biro.
"Sir, pasensiya na po. Hinahanap kasi ng mga grupo ng Bloodz itong kaibigan namin kaya dito dinala ng kapatid ko. Hinaharangan lang po namin." sagot naman ni Anthony.
Matagal bago sumagot si Sir Bulgado at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"May dugong italiano ka?" tanong niya sa akin kaya tumango naman ako.
Hinarap niya si Anthony saka tinapik sa balikat.
"Tama 'yong ginawa mo. Nakita ko ang pangyayari. Mabuti naman at napatigil mo. Alam mo namang ayokong may away sa loob mismo ng classroom ko." sagot niya saka ngumiti sa amin ni Cecile.
"Ang gaganda ng mga kalahi mo pero anong nangyari sa'yo?" pabirong tanong ni Sir Bulgado saka natatawang umalis at lumabas sa kabilang side kung saan nandoon ang malawak na lupain nito na may mga sari-saring halaman, punong kahoy at sari-saring mga hayop. Teacher kasi siya sa agriculture kaya marami siyang mga alaga.
"Salamat Kuya kahit pangit ka." nang-aasar namang sabi ni Cecille kay Anthony.
Ang totoo ay hindi naman siya pangit. Magandang-maganda lang kasi ang kapatid niya at hindi sila magkahawig kaya siya inaasar.
"Hilom dira! Pakngon tikaw ron!" naasar na sabi ni Anthony habang nakangiti naman.
"Hintayin n'yo ako sa labas ng classroom. Ihahatid ko na kayo sa bahay. Delikado dahil baka inaabangan lang kayo sa labas ng mga babaeng 'yon." sabi niya saka tumalikod para ipagpatuloy ang ginagawang paglampaso sa sahig.
"Hindi ako makapaniwala kay Dawidh na basta- basta ka lang niyang ipapasulong sa mga kagrupo nito." rinig pa naming pailing-iling na sabi niya.
Lumabas naman kami yakap ang mga bag namin habang tinitingnan ng mga kasamahan niya sa loob.
"Mga gwapa kaayo bay!" Rinig naming sabi ng isang lalaki na sinang-ayunan naman ng iba.
Naisip ko lang. Hindi naman siguro ang lider nila ang nag-utos sa kanila dahil sa nakikita ko kaninang umaga ay pansin ko namang hindi naman nakikipag-away ang lider ng Bloodz sa loob ng paaralan. Kaya naisip ko, siguro tinandaan lang talaga ako ng babaeng 'yon nang dahil sa nangyari kanina sa labas ng gate.
Woah! Mas malala nga sa paaralang 'to.
Nakakatakot. Konting pagkakamali mo lang ay hindi ka na nila makakalimutan at susulugin agad. Mahihirapan ako dito pero kahit ganun'n ay gagawin ko ang lahat para makaiwas lang sa gulo. Todo na ang guilt at pagsisising nararamdaman ko nang dahil sa nangyari kay Mauro kaya pipilitin ko ang sarili kong magbago.
------------
First name: Elizabeth
Middle name: De Carlo
Last name: Ortiz
If you change your name on your facebook, you can't change it again for 60 days. Don't add any unusual capitalization, punctuation, characters or random words.
Bumangon ako sa higaan at inisip kung may dapat pa ba akong i-edit pero wala naman akong naisip kaya pinindot ko na ang review change pagkatapos kong mabasa ang note.
Ay teka!
Naalala kong dapat ko nga palang i-delete ang apelyidong Ortiz dahil pareho iyon ng apelyido ng gwapong mayabang na katabi ko sa upuan nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.
Inis akong napabuga ng hangin at napaikot ang mata nang makita ko na naman ang pangalan ni Mommy sa screen ng cellphone ko. Kanina pa kasi siya tawag ng tawag sa akin kaya paulit-ulit ko namang pinapatay. Wala kasi akong ganang makipag-usap sa kanya dahil alam ko kasing itatanong lang niya kung anong nangyari sa isang linggo ko sa paaralan.
Pinatay ko ulit ang tawag niya. Nawala na tuloy ako sa ginagawa ko at nakalimutan ko tuloy kung ano 'yong dapat kung gawin. Pero ganu'n pa man ay pinindot ko na lang ang Elizabeth Decarlo Ortiz saka ibinigay ang facebook password ko bago ko pinindot ulit save changes.
"Wala naman siguro akong nakalimutan." sabi ko sarili saka in-upload ang profile picture ko saka kinon-firm ang ilan sa mga kaklase at estudyante ng Junob na nag-aadd sa akin.
Itatapon ko na sana ang cellphone ko sa mesa nang tumawag na naman si Mommy kaya sinagot ko na.
"Oo. Okay lang ako at hindi naman ako nakikipag-away." inis na sagot ko agad sa kanya.
"Wala nga pero hinahabol ka naman. Kung wala si Anthony sa tabi n'yo ay talagang ihahataid ka na namin sa kombento."
Inis akong umupo sa higaan.
Naalala ko na naman kasi ang nangyayari sa apat na araw na nagdaan na pagpasok ko sa paaralan. Totoo ang sinabi ni Mommy. Noong unang araw ko sa eskwela ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi namin sila nakita na nag-aabang sa labas pero kinaumagahan naman ay maaga nila kaming hinintay sa labas ng gate. Mabuti na lang at nagkataon namang kakarating lang ni Anthony kasama ang Ate nila ni Cecille habang sakay ng motor kaya umatras agad sila.
Kaya simula no'n ay palagi na kaming hinahatid sa bahay at sa paaralan ni Anthony kaya hindi sila nakakalapit. Mabuti nalang at hindi naman kami magkaklase ni Manon. Pero 'yon nga lang bawi naman sa lider nila kasi palagi akong napagtitripan. Palagi niyang nilalagay ang basura niya sa bag ko at iniipit ako masyado sa upuan ko. Palagi niya akong binubully pero hindi ko na pinapansin. Ang sabi kasi ni Anthony baka daw ang dahilan kung bakit ako sinusulong ng mga kababaihang grupo ng Bloodz ay dahil sa inaasta ko kay Dawidh. Kaya kahit asar na asar na ako ay tumatahimik na lang ako at tinatanggap lahat ng mga pambu-bully niya. Iniiwasan ko kasing makipag-away at natagumpay naman ako kasi bukas ay sa ibang section na talaga ako mapupunta. Hindi kasi natuloy ang pag-tranafer ko noon sa section ni Ma' Ronidel kasi nasira ang isang upuan kaya pina-ayos muna nila.
"Bakit ka pa tumawag sa akin gayung alam mo na namang walang nangyari." sagot ko.
"Alam kong wala ngang nangyari at alam ko rin ang ugali mo. Kaya sigurado akong hindi magtatagal 'yang pagtitimpi mo at reresbakan mo rin sila pagdating ng panahon. Pinapaalalahanan lang kita kung sakali mang mangyari 'yon ay alam mo na kung saan ang susunod mong bagsak."
Inikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Sa dami ng paaralang pwede n'yong ipapasok sa akin. Bakit dito pa? Kung alam mo n'yo namang mas malala pa ang paaralang 'to kaysa sa mga huli kong napasukan?" naiinis na tanong ko.
Nalaman ko kasing alam pala nila ang tungkol sa paaralang 'yon. Pero bakit pa nila ako pinapaaral dito kung ayaw naman nila akong masali na sa gulo at gusto nila akong magbagong-buhay?
"Di ba sabi mo gusto mong magbago?"
"Oh anong koneksiyon no'n?"
"Kaya ka namin diyan pinapaaral at hindi sa maganda at tahimik na paaralan para masigurado talaga naming magbabago ka na talaga. Alam kong hindi ka umaatras sa mga away at hindi ka magpapatalo dahil palaban ka. Kaya diyan ka nababagay para ma-train ang sarili mong hindi ka nga makikipag-away. Kailangan mong pag-aralan kung paano palawakin ang pasensiya mo Elizabeth." sagot ni Mommy.
May point siya sa sinabi niya pero hindi ko lang talaga matanggap na dito nila ako pinaaral sa pinakamalalang paaralan na napasukan ko.
"Mag-ingat ka d'yan. Tumawag ka lang sa amin kung may kailangan ka."
"Psh! tawag my foot!" naiinis na bulong ko at papatayin na sana ang tawag nang marinig kong may sinabi siya.
"'Nga pala. Bakit Ortiz ang ginagamit mong apelyido sa facebook gayung hindi naman natin 'yan apelyido?" tanong niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tiningnan ang facebook account ko. Napatapik ako sa sarili kong noo at napahiga sa kama.
"Ouch! Yawa!" daing ko.
Nakalimutan kong hindi nga pala makapal na kutson ang nasa higaan ko at kawayan pa.
"Aish! Mommy pati ba naman sa facebook ay in-stalk n'yo ako? Ano naman kong Ortiz?! Hindi lang naman siya ang Ortiz sa buong mundo! Mabuti na rin 'yon atleast malaman naman ng iba at umabot sa pandinig niya na magkakamag-anak pala kami!" sigaw ko sa kabilang linya.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Wala!" sagot ko saka inis na pinatay ang tawag.
Malakas kong pinapagsisipa sa ere ang mga paa ko at napasabunot sa buhok ko.
Sinubukan kong i-change ulit pero hindi na pwede dahil after sixty days pa daw.
Luh! Sixty days? Gagong facebook 'to!
I-deactivate ko sana pero naisipan ko huwag na lang.
"Tama. Hindi lang naman siya ang nag-iisang Ortiz sa buong mundo at saka mabuti na rin 'yon para maisipan naman ng iba na magkakamag-anak nga kami. Baka sakali mabago isip ng mga gang na 'yon at matakot sa akin." bulong ko saka nagtalukbong ng kumot.
Bahala na. Basta hindi na naman kami magka-klase bukas.
Mwahaha!
---------
"Anong nangyari? Bakit umiiyak si Maàm Landa?" kunot-noong tanong ko kay Cecille nang humahagulhol itong dumaan sa harapan namin at pumasok sa loob ng classroom ni Sir Bulgado.
Nasa labas kami ng classroom ni Sir Bulgado dahil hinihintay namin si Anthony. Nakaupo kami sa maliit na bench sa ilalim ng punong nangka na nasa kaliwang bahagi ng bandang likuran lang ng stage malapit sa canteen na pagmamay-ari ng asawa ni Sir Bulgado na katabi lang din ng classroom niya.
"Hindi ko alam." sagot ni Cecille sa akin saka sabay naman kaming napatingin sa mga estudyanteng nagtatakbuhan patungo sa labas ng gate.
"Tara!" hinila ako ni Cecille at nakisabay naman kami sa mga estudyanteng nagtakbuhan palabas. Hinihingal kaming nakarating sa bandang entrance ng gate. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang makita namin ang pulang medyo lumang Hondang motorsiklo na nakabitay sa malaking punong mangga sa tapat ng paaralan sa gilid ng kalsada.
"Mamma Mia." hindi ko mapigilang sambit.
Anak ng! Sinong hayop na demonyo ang gumawa nito sa Principal?!
Mga walang takot at walang respeto.
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala na ganito ka-grabe ang mga estudyante dito. Kaya pala umiiyak si Maàm Landa kasi binitay pala ang motorsiklo niya sa labas ng paaralan.
Bumaba ang tingin ko sa lalaking matangkad, maputi at gwapo na may suot na kulay asul na panyo sa ulo habang naghihithit ng sigarilyo. Nasa tabi naman niya ang pinsan kong si Andreah na hindi ko masyadong nakakausap. Umiiyak siya habang nakayuko na nakaupo sa malaking bato na nasa harapan ng Boyfriend niyang half-american na si Raymund na lider ng Cripz.
Sa sitwasyon nila ay mukhang nag-away sila.
Pero bakit nadamay ang motorsiklo ni Maàm Landa? Naguguluhan ako. Kailangan kong tanungin si–
Ha? Nasaan si Cecille?
Luminga-linga ako at hinahanap siya pero hindi ko na siya mahanap dahil sa dami ng mga taong nagkukumpulan.
Anak ng! Iniwan siguro ako.
Lumingon ako sa likuran ko at pumatong sa pangalawang hagdan na semento na nasa bandang kanan ng gate para mas makita ko ang mga tao ng maayos at mahanap ko si Cecille.
Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang taong nasa likuran ko.
Tumingkayad pa ako at mas lalong itinaas ang ulo ko para hanapin si Cecille nang bigla na lang akong ma-out balance kakatingyakad ko.
"Ma–mamamama." sambit ko at hahawak na sana sa babaeng nakatayo sa harapan ko kung saan ako matutumba nang bigla na lang may malalaking kamay na humawak sa braso ko at hinila ako pabalik. Nang dahil sa mabilisan na paghila ng taong 'yon sa likod ko ay hindi ko tuloy mapigilang ma-out balance ulit at mapapaupo na sana sa semento na kinatatayuan ko pero mabilis namang kumilos ang nagmamay-ari ng malalaking palad na 'yon na may mabangong amoy sa likuran ko at hinawakan ako sa magkabilang gilid. Sa ilalim mismo ng kili-kili ko habang ramdam ko namang nakaalalay ang tuhod niya malapit sa pang-upo ko.
Parang tumigil ang mundo at napatingin sa akin lahat ng mga tao. Iyong tipo ng tingin na nagugulat na namamangha saka halos sabay-sabay na napasinghap.
Anong meron?
Lumingon ako at tiningnan ang lalaki sa likuran ko.
Dawidh?! Kailan pa siya nandito?
Lumaki ang mga mata ko at malakas na napasinghap habang tiningnan ang malalaki niyang mga kamay na nararamdaman kong dumapo sa gilid ng suso ko saka ang tuhod niya sa puwetan ko.
Bastos!
Mabilis akong tumayo at hinarap siya.
Sa inis ko ay tinulak ko siya ng malakas sa dibdib saka tinuhod sa harapan niya.
"Bastos!" Malakas na sigaw ko saka mabilis na naglakad palayo.
Ilang segundo ding natahimik ang mga tao sa pag-alis ko. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang makita kong sabay-sabay na nagsitakbuhan ang mga estudyanteng may mga suot na pulang panyo at galit akong hinabol.
"Oh Mio Dio!" sambit ko saka mabilis namang tumakbo sa malaking espasyo ng campus patungo sa classroom ni Sir Bulgado. Muntik pa akong madapa dahil sa pagkakataranta.
This school is f*cking hell!
-MissPhilosopa

หนังสือแสดงความคิดเห็น (243)

  • avatar
    Gena Detosil Bruzola

    i like this story,merong action.and love story meron pang comedy sa eksina,i love it thanks and keep writing a good story.💓💓

    23/08/2022

      0
  • avatar
    AngananganFebamor

    I love this novel...maganda at nakaka aliw...gusto ko yung pagbabatuhan nila ng mga salita,they made me laugh...di sya yung effort magpatawa..matatawa ka na lang talaga habang binabasa mo mga palitan nila ng words...matatawa ka sa mga painosente nilang ways...sa kabuuan maganda ang kwento at nakakaaliw...kudos to the author! 👏👏👏👏👋 to the author...meron ka pa bang ibang novel na na published na complete?😊

    11/03/2022

      8
  • avatar
    RayelaElizer James

    I want to give novelah 100 pts

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด