logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6 || Unexpected Visitors

NARITO ako ngayon sa study room ng demonyo kong ama. Akala ko ay pagkapunta namin sa study room niya ay ilalagay na niya ako sa sarili kong High landscape stroller ko dito sa study room niya at gagawin na niya ang mga naiwang trabaho, pero hindi. Bagkus ay nakakandong ako sa mga hita niya at nakaupo naman siya sa sofa.
Teka, ayos lang ba na paupuin sa kandungan ang isang two month old baby na gaya ko? Sa pagkakaalam ko ay bawal pa. May saltik talaga ang ama ko.
Sampung minuto na kaming ganito nang makaalis na si Butler Forger at hindi parin siya nagsasalita, nanatili parin ang nakatuwid ang postura nito at hindi gumagalaw. Patay na ba siya?
“You.” Sambit ng demonyo kong ama. Ano ba yan akala ko patay ka na at himala nagsalita kana.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya tumingala ako para tingnan siya. Nakatingin din ito sa akin kaya bigla kong binaba ang tingin ko. Naiilang ako.
“I am going to Russia for a business trip, I don’t know how long I will be there. It may be a week or a month before I get back here. “ Anito.
Aalis siya? Bakit mo naman sakin ito sinasabi? Edi safe trip! Enjoy! Huwag ka ng babalik.
“Tonight.” Sambit pa nito. Tiningala ko siya para tingnan. Nakatingin lang siya sa kung saan.
“I’m leaving tonight.” Dagdag nito.
“S’il te plait ne m’oublie pas.”
-----------------------------------
꧁THIRD PERSON’s POV꧂
-----------------------------------
ABALA si Butler Forger sa pag aayos ng mga gamit ni Erden para sa mamayang gabing pag alis nito, hindi damit ang iniimpake nito kung hindi mga baril. Iba’t ibang klase ng mga baril. Nahuli na ng isa sa mga espiya ni Erden na ang isa sa mga miyembro ng ‘Casted Shadows’ isang organisasyon ng pagpatay o Assassination at nahuli na nga ito. Mahirap hulihin ang mga ito dahil kung saan-saang kasuluk-sulukan ng mundo sila nagtatago.
Ngayo’y nahanap at nahuli na nila ay wala ng sinayang na oras si Erden at kailangan na niyang maghanda at makaalis sa lalong madaling panahon.
Habang abala si Forger sa pag aayos ng mga baril ay di niya maiwasan ang mangamba. Naalala niya ang mga sinabi ni Erden sakanya kaninang umaga.
“When I left tonight, I sent someone to kill that child. She can no longer stay here. Even if she stays here, she will die and she will still die here.” Sa huling sinabi nito ay may diin.
Hindi maiwasang maging malungkot si Forger lalo na’t huling araw na makakasama nila ang bata, at hindi rin maiwasan na mangamba dahil sa mangyayari mamayang gabi.
‘Is this really what you want Lord Erden? To kill the child because you are afraid of being close to her? Or are you afraid that she will be like what happened to your older sister?”
Bumuntong-hininga si Forger nang matapos na siya sa pag aayos ng mga baril sa lalagyan na dadalhin mamaya ni Erden.
Lalabas na sana siya nang umagaw sa atensiyon niya ang larawan sa gilid ng kama ni Erden. Makikita sa larawan ang nakayakap na babae sa batang si Erden mula sa likod nito at ang napakagandang ngiti nito ang bumubuhay sa larawan, samantalang si Erden ay parating ganoon parin ang ekspresyon, hindi nakangiti.
Naalala ni Forger na minsan ay na kasama na niya ang nakatatandang kapatid ni Erden. Siya mismo ang nagtuturo ng tamang pag uugali at pamamalakad bilang isang babae. Masasabing napakabait at napakalambing ng dalaga. Mahal ito ng mga magulang niya, kasalungat naman kay Erden na dapat ay bilang isang nag iisang lalaking castello ay dapat wala kang ipapakitang emosyon sa mga taong nakakasalamuha mo.
Malapit sa isa’t isa ang dalawang magkapatid, at magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay. Umalis si Erden sa mansion para makapag aral sa ibang bansa at kasama ako upang bantayan siya.Ngunit dumating ang trahedya sa pamilya ni Erden. Sinalakay ang pamilya nito noong gabing iyon, samantalang siya ay walang kaalam-alam sa nangyayari dahil nasa ibang bansa ito.
Pinatay ang mga trabahador sa loob ng mansion pati ang mga magulang ni Erden, at nilapastangan ang nakatatandang kapatid ni Erden at ginawan ng karumaldumal.
“Why do I remember that incident, it was just a past but hard to forget” Ani Forger a malungkot na tono atsaka bumuntong-hininga bago umalis ng kwarto.
Pinuntahan na ni Forger ang mag-ama sa study room nito pero nang makapasok siya ay wala na roon sina Erden at Eri na ikinataka naman ni Butler Forger.
Sinubukan niyang bumababa para tingnan kung nasa sala ulit sila, at tama ang hinala niya ay na roon nga sila dahil sa mga boses na naririnig niya sa loob ng kwarto.
“What are you fucking doing here!?”
“I just want to visit…”
“And who fucking told you that you can visit here!?”
“Teka muna! Bakit ba ang init ng ulo mo!?”
‘What’s going on there?’
Lumapit kaagad si Butler Forger sa pintuan ng kwarto kung saan dinig na dinig ang nagtataasang boses sa loob ng kwarto. Sinenyasan niya ang dalawang bantay na pagbuksan siya ng pinto saka niya pinaalis sakanilang pwesto, tatawagan na lamang niya ang mga ito kapag natapos na ang kaguluhan sa loob.
Nang makapasok na siya sa loob ay nagulat siya sakanyang nakita.
-------------------------------
꧁  ERI’s POV  ꧂
(At Study Room)
-------------------------------
MATAPOS ang napakatagal na ‘staring challenge’ namin nang abnormal kong ama ay may biglang kumatok sa labas ng pintuan ng study room nito.
Hindi sumagot ang ama kong abnormal, bagkus ay hinayaan niya lamang at hinintay ang pagbukas ng pinto. Nang mabuksan ang pinto ay iniluwa nun ay si Eros na kapangalan ng gago kong Ex noong nabubuhay pa ako bilang si Rei.
“Father, you have visitors.” Ani Eros na ikinataas naman ng kilay ng Abnormal niyang ama.
“They said,They are your friends.” Dagdag pa ni Eros na ikinatayo ng abnormal kong ama.
Muntik na kong mahulog nang bigla siyang tumayo. Aba’t gago muntikan na ko dun.
Dali-daling umalis ang abnormal naming ama habang buhat-buhat ako. Nang makarating kami sa harapan ng pintuan ng living room ay ibinigay ako ng demonyo kong ama kay Eros para siya na muna ang bubuhat sa akin. Agad namang pumasok sa loob ang Demonyo at bumungad sa amin ang di ko kilalang tao. Dalawang lalaking ka-edad ng ama kong demonyo at tatlong batang lalaki na ka-edad nina Ermin,Eren at Eros.
“Hey bestfriend….”
“What are you fucking doing here!?” Galit na sigaw ng demonyo.
‘Wow, what a beautiful scene’
“I just want to visit…”
“And who fucking told you that you can visit here!?” Putol ng demonyo kong ama sa lalaking kulay itim ang buhok at galit na sigaw muli ng demonyo kong ama.
“Teka muna! Bakit ba ang init ng ulo mo!?” Sabad naman ng lalaking kulay abo ang buhok.
Sakto namang pumasok si Butler Forger at gulat sa nakita.
“Lord Voldemort and Lord Valdovino?” Anang Butler Forger.
Kilala din ni Butler Forger ang mga ito?
“Butler Forger! Long time no see!” Masayang bati ng lalaking kulay itim ang buhok.
“It’s good that you’re here Butler Forger, Please scold this motherfucker, we visited him and suddenly he shouting out us.” Ani Lalaking kulay abo ang buhok.
Napabuntong-hininga si Butler Forger saka nagsalita.
“Lord Erden, let us rest them first especially since they have traveled far.” Ani Butler Forger.
Buti ka pa Butler ang bait mong nilalang. Eto kasing demonyong ito biglang naging dragon.
“Ayown! Pwede na din makikain? Gutom na kasi kami eh, paano ba naman tumakas ang isang ito sa misis niya sa pinas, bugbog sarado ang loko.” Usal ng lalaking kulay itim ang buhok sabay turo sa katabi nitong lalaking kulay abo ang buhok.
“Hoy gago! Anong pinagsasabi mo? Binaliktad mo istorya natin, sumama ako dito dahil nagmamakaawa kang samahan kita at lumayas sa pinas.” Depensa naman ng lalaking kulay abo ang buhok.
Nakita kong napangiti si Butler Forger.
Hala! Pinas? Pilipinas!? Kung ganun nasa ibang bansa ako!?
“Bakit kasi napakalayo ng Germany sa pinas, kabanas.” Iritadong sabi ng lalaking kulay itim ang buhok saka umupo sa sofa at ikinandong sakanyang hita ang isang batang lalaki na nasisiguro kong nasa limang taong gulang.
“Who said you can come here? Tss.” Masungit na sabi ng ama kong demonyo na ngayo’y nakaupo na din sakabilang mahabang sofa atsaka ako kinuha kay Eros.
“Wow! May anak kang babae!? Ang cute bestfriend! Pahawak!” Sabik na wika ng lalaking kulay itim ang buhok.
“Fuck off.” Walang buhay na ani Demonyo.
“I’m leaving first to get something to drink. “ Ani Butler Forger.
“Orange juice akin! Yung yellow yung tubig.” Ani lalaking kulay itim ang buhok.
Ano daw? Orange juice pero yellow ang tubig? Hindi ba dapat pineapple or mango juice yun?
“Gusto ko buko juice na may asukal, salamat Forger!” Ani lalaking kulay abo ang buhok.
Aba’t mga siraulo mga kaibigan ng tatay ko!
May mga saltik!
Lumabas na si Butler Forger at wala na lamang kami dito sa loob.
“Kailan ka pa nagkaroon ng anak na babae? Bakit buhay pa siya buddy?” Tanong ng lalaking kulay itim ang buhok.
“Shut your mouth up, Kieran.” Anang sabi nito sa lalaking kulay itim ang buhok.
“Baka naghirap na kaya kapag lumaki yung bata ibebenta na lang siya.” Anang lalaking kulay abo ang buhok.
“Oohh! That’s nice, sakin mo ibenta bud. Ang ganda ng anak mo pwede siyang mapangasawa ng…”
“I said shut the f*ck up!” Galit na sigaw ng demonyo.
Seryoso ba sila? Dito nila pinag uusapan ang ganyang topic sa harap ng mga bata? Pero mukhang wala ding pakielam ang mga batang ito.
Alam din kaya nila? Bakit ako hindi? Anong klaseng tao ang mga ito?
“I have already sent someone to kill this child.”
Bigla akong nanlamig sa sinabi ng demonyo kong ama.
NAKABALIK na ako sa kwarto ko matapos mag usap ang ama kong ubod ng sama at ng mga kaibigan niyang may saltik. Ngayon ay nagpapahinga na sila sakanilang kwarto.
Hindi ko malubos maisip na kahit anong gawin ko ay papatayin parin ako ng ama kong demonyo.
Sa sinabi ng dalawang bugok na kaibigan ng ama ko na hindi ako makapaniwala na kaibigan niya ang mga iyon, ay parang ganoon na talaga ang sistema ng buhay nila na kailangang patayin ang anak na babae na mayroon sila.
Ano na ang gagawin ko? Kinakabahan ako. Natatakot ako. Gusto kong umiyak. Ayoko ulit mamatay. May mga gusto pa akong gawin na hindi ko pa nagagawa noong nabubuhay ako. Nag aral ako ng mabuti para makapag tapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho ng maganda para buhayin sina mama at papa pero ang nangyari naaksidente’t namatay ako.
Mama…
Papa…
Miss na miss ko na po kayo.
Gusto ko na po kayong makita.
“Isn’t she weird? Her tears are falling but she is not crying.” Dinig kong hindi pamilyar sa akin ang boses. Boses ng isang bata.
“Brother Luciel, the maid might see us here and scold us because we entered without asking their permission.” Kinakabahang wika naman ng isa pang bata.
Nakatingin sa akin mula sa itaas ng kuna ko ang nangangalang si Luciel na kulay kayumanggi ang mga mata at kulay pula ang buhok. Teka natural lang ba talaga ang kulay pula nilang buhok?
“Nah, Don’t be nervous Lucien. Our father and their boss are friends so it’s fine.” Ani luciel.
Siguro nga magkaibigan talaga sila. Parehong siraulo ang mga iyon.
“What are you two doing here? Have you been given permission to enter here?” Dinig ko isa pang boses ng isa pang bata na mukhang kapapasok lamang dito sa kwarto ko.
Ano bang ginagawa nila dito sa kwarto ko? Balak ba nila akong pagtripan tutal mamamatay naman ako ganun ba?
“N..No, And you Brother Kei, were you given permission to enter here?” Balik tanong ng nangangalang Lucien.
“No.” Maikling sagot ng batang lalaki na ngayo’y nakatingin na din sakin. Kulay itim ang buhok at kulay itim din ang mata nito. Para bang doll eyes dahil sa sobrang kintab.
“Poor her, She will die at the hands of her father.”-Lucien.
“No, Someone else will kill her, as her father said.” Ani Luciel.
“How pretty eyes she have.” Anang sabi naman ni Kei.
“Yeah, she looks like a kitten.”-Lucien.
“I want her to be my pet, I like cats!” Ani Luciel. Isa ka pa. Magsama kayo ni Efraim. Nakakabanas kayong dalawa.
“Who said my sister would be his pet?”
Speaking of…
Nandito na siya.
“And who are you?” Takhang tanong ni Luciel.
“I’m her owner, and she’s my pet. No one can steal my pet!” Ani Efraim na ngayon ay nakalapit na kay Luciel.
Kailan mo pa ko naging pag aari bata ka!?
“Oh? Is that so? Your pet will die anyway, and you can do nothing but watch her body bathed in her own blood.” Kinalibutan ako sa pagsagot ni Luciel kay Efraim.
Ang mga batang ito. Hindi sila normal.
Normal lang sakanila ang magsalita ng mga ganyan sa ganyang edad nila?
Nagagaya na sila sakanilang ama na parehong mga baliw at may saltik sa pag iisip.
Natahimik si Efraim at ganoon ang iba.
“Heh? Cat got your tongue? No matter what you do, this child will still die just like what happened to our sisters and she will be like them.” Nakangising ani Luciel.
Kinikilabutan talaga ako sa batang ito.
“Enough.” Eksena naman ni Kei na ikinatahimik ni Luciel. “Don’t forget that this is their territory, even if you are the child of their father’s friend, they can still kill you.”
Napaiwas na lamang ng tingin si Luciel.
Grabe ang eksenang ito, ang Kei na ito ang napakabata sakanila pero kung magsalita parang matanda.
Nakikita ko namang mas matanda si Luciel kina Efraim at sa kapatid nitong si Lucien.
Mukhang kasing edaran niya lang si Eros, at si Lucien naman ay mukhang ka-edad ni Eren at ito namang si Kei ay kaedaran lang ni Ermin. My ghad!
“Let’s get out of here Lucien, maybe Dad is already looking for us.” Usal ni Luciel saka lumabas ng kwarto ko at sumunod naman si Lucien.
Naiwan na lamang dito sina Efraim at Kei.
“What are you still doing here? Aren’t you leaving yet?” Masungit na ani Efraim.
Sapakin kitang bata ka naiinis ako sayo.
Hindi nilingon ni Kei si Efraim, nakatingin lang ito sa akin atsaka umalis na.
“Tss, bunch of assholes.” Ani Efraim.
Aba’t ang bata mo pa pero nagsasalita kana ng ganyan?
“Hey, Little kitten. When they come to your room again, you just cry and I will take care of them.”
Aba makautos ah, at ano naman ang balak mong gawin sakanila ha?
“And if you die, don’t worry I will kill Sassy, my personal maid so you can have someone with you in your grave.”
Aba’t tanginang batang ito, akala ko pa naman iko-comfort ako. Mas lalo niya lang akong pinapakaba. At talagang concern sakin na wala akong makakasama sa puntod ko ah.
Tangina gusto kitang bigwasan.
Nanggigigil ako sayo.
Umalis na si Efraim na ikinapasasalamat ko. Mas lalo akong nanggagalaiti sa inis sa tuwing nasa paligid ko siya. Ang lakas mang inis. Bwisit na batang iyon.
Hayss, huwag ko na munang isipin iyon. Kailangan ko munang mag isip ng paraan para manatiling buhay.
At ito na ang huling pagkakataon ko at kapag hindi pa gumana ang plano ko. Edi katapusan ko na.
Hayss, sana lang ay magtagumpay ako sa gagawin ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (201)

  • avatar
    Paul Henrich Untayao

    I like your story please followup the next story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    AliceMiraflor

    Highly recommend!

    29/03/2022

      1
  • avatar
    paglasomairah

    lover

    1d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด