logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 3

KABANATA 3
3RD PERSON's POV
LUNE sighed tsaka tiningnan ang lalaki.
"So, what?" Bored niyang sabi na tila hindi 'big' deal ang pag-bili niya kay Hagura
"Anong so what?! For heaven sake Lune, It's 1 BILLION! Gumastos ka ng isang Bilyon para lang sa isang lalaki?!" Hindi makapaniwalang litanya nito
"Tss, stop over reacting. It's just a money, Ruel. And you know I have a lot of it, so one billion is actually not a big deal." Baliwala niyang sagot sa sinabi ng kaibigan
Napahilot naman sa sentido si Ruel.
Wala na itong masabi dahil alam nitong wala naman siyang pakialam sa pera o sa kung gaano kalaki ang magastos niya.
"Aalis na ako," Ani Ruel tsaka tumayo at tinalikuran siya.
Hindi nito gusto ang naging desisyon na naman ng dalaga.
"Anyway, Hindi na sana maulit ang nangyari five years ago, Lune." May paalala na sabi nito bago tuluyang umalis
"It will never gonna happen again, Ruel." Mahinang tugon ni Lune tsaka bumuntong hininga
Sapat ng isang beses lang 'yong nangyari. At kahit kailan ay wala na siyang balak na ulitin pa ang pagkakamali na 'yon.
Tumayo siya tsaka nag-simulang lumakad sa silid kung nasaan si Hagura.
Napangisi na lamang siya matapos itong makita na natutulog.
Maingat siyang humiga sa tabi nito tsaka ito pinasadahan ng tingin.
Hindi niya alam kung ano pang dahilan kung bakit niya ito binili.
Ilang lalaki na ang nakita niyang ibinibenta roon pero ngayon lang siya nagka-interes na bumili ng isa for some unkown reason.
Hinawakan niya ang mukha nito at hindi niya maiwasang hindi mapailing.
Mayroong maamong mukha si Hagura, katamtaman lang ang katawan nito. May maputing kutis, itim na buhok, kulay brown ang may kasingkitan na mata, matangos ang ilong at ang labi ay manipis na mapula.
Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang kan'yang dimple sa mag-kabila niyang pisnge.
Sa itsura nito ay hindi mo aakalain na galing ito sa mahirap na pamilya.
In simple words, Hagura is really attractive.
Bumaba ang kan'yang tingin sa labi nito tsaka niya hinawakan ang sariling labi at ngumiti.
"So, that's what it taste huh? Sweet..." Aniya ng maalala bigla ang ginawa niyang paghalik dito.
Well, there's only one reason why she did that. He's too noisy and she want him to shut his mouth.
"Re-" Mabilis niyang itinikom ang bibig
Muntik niya ng mabanggit ang pangalan ng taong ilang taon na ring wala.
"This is crazy," Aniya tsaka mariin na ipinikit ang mga mata
She do not want to admit it but just by looking at hagura reminded her of HIM.
But she know it's wrong. Mali na makita niya rito ang lalaki dahil unang-una sa lahat ay magkaiba ang dalawa.
Hindi sila iisa.
.
.
.
HAGURA's POV
"Hmmmm." Mahina akong napa-ungol tsaka idinilat ang aking mata na dapat hindi ko nalang pala ginawa dahil ang mukha ni Lune ang bumungad sa akin
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Mabilis akong bumangon at umatras palayo sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Inis kong tanong sa kan'ya kaya bumangon din siya tsaka ako tiningnan habang humihikab
"It's also my room, My King. I already told you about it earlier didn't I?" Sagot niya kaya agad na nalukot ang mukha ko
Oo nga pala, Bakit ko ba 'yon nakalimutan?
Pero hindi ba't sinabi ko na rin sa kan'ya na huwag niya akong tatawagin na 'My King'!?
Alin ba roon ang hindi niya maintindihan?
"You still didn't eat, My King." Muli niyang sabi kaya nag-iwas ako ng tingin
"Hindi ako naguguto-"
*GROWL*
"Not hungry huh?" Ngisi niyang sabi kaya namumula akong tumayo at nag-iwas ng tingin.
Bwisit ka tiyan! Bakit hindi ka nakisama? Sa harap ka pa talaga ng babae na 'to kumalam ah?
d>_
Napatingin ako kay lune nang may i-dial ito sa kan'yang cellphone.
Ang ganda ng cellphone niya ah.
Sana all 'di ba? Ako kasi walang cellphone e, 'yong keypad kong cp ay nasira na noon pang nakaraang buwan.
Nahulog sa sahig habang nag-huhugas ako ng plato kaya ayon, nahati sa tatlo.
Hindi naman ako makabili ng bago dahil wala akong pera. Uunahin ko pa ba 'yon kaysa sa pagkain namin nila mama?
"Bring all the foods here in our room." Nabalik ang attention ko kay lune ng sabihin niya iyon sa kausap sa telepono
Pinatay niya ang tawag tsaka sa akin tumingin at ngumisi.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kan'ya.
Wala pang dalawang minuto ay bumukas ang pintuan ng silid na kinalalagyan namin at mula roon ay pumasok ang ilang maids at butlers na dala-dala ang mga pagkain na kanina ay nakahain sa lamesa.
Matapos maayos ang mga pagkain sa ibabang bahagi ng malaking kama ay sinenyasan niya rin agad ang mga tauhan na iwanan kami.
"You can eat now, My king." Sabi niya pero hindi ako kumilos
"Ayokong kumain. Baka mamaya ay may lason ang mga 'yan." Sabi ko kaya ngumisi ito
Bakit ba favorite niya ang ngumisi?
Naaasiwa tuloy ako lalo dahil sa nakaka-asar na ngisi niya!
"Nah, No one will dare to poison you in my territory my king. Because if they dare to poison you, I'll kill them." Nakangising aniya kaya natigilan ako
Nag-taasan rin ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.
S-seryoso ba siya?
Killing is illegal right? This woman, is she also a killer?
H-heck! Kung oo, mas lalo lang dapat akong makaalis dito.
"So, rest assured that it's safe to eat. As long as you are in my territory, no one could harm you." Kinindatan niya pa ako kaya nilakihan ko siya ng mata
Bakit ba kinikindatan niya ako?
Nakakasuka lang mga dre!
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng malakas iyong bumukas at humahangos na pumasok mula roon ang isang lalaki.
"Lady Lune! May nangyari raw pong masama kay Master Kuzel." Sabi nito at nagulat ako nang marahas na tumayo si Lune
Her playful smile suddenly disappeared at naging madilim din ang kan'yang awra.
Sino ba si Kuzel? Bakit gan'yan ang reaction niya matapos marinig na may nangyari ritong masama?
She's really scary and unbelievable.
Is she even for real?
"Ready my Car, I'll go there." Utos niya sa tauhan kaya mabilis itong tumango at umalis
Nag-simulang mag-lakad si Lune papunta sa pintuan pero bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya pa muna ako.
"Eat your food my king, and stay here. I'll be back soon." Aniya bago tuluyang umalis
Tumayo naman ako ng sumara ang pintuan. Agad din ako ritong lumapit pero napasimangot nalang ako nang malaman na naka-lock na naman iyon mula sa labas.
Kaasar! Akala ko pa naman ay ito na ang chance ko para makatakas.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng silid na kinalalagyan ko at nanlulumo na napaupo ng makitang wala man lang bintana na pwede kong pagdaanan para makatakas.
Kamusta na kaya si Mama at ang mga kapatid ko? Pati ang Girlfriend ko? Paniguradong nag-aalala na sila sa akin.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at napanganga matapos makita kung anong oras na.
Ala-cinco na pala ng hapon? Ibig sabihin mag-iisang araw na simula ng mapunta ako rito?
"Hindi ito ang oras para sumuko," Tumayo ako tsaka lumapit sa mga pagkain at sinimulan iyong lantakan
Joke lang 'yong sinabi ko kanina kay Lune. Sinong gagastos ng isang bilyon para lang lasunin ito 'di ba? Pabebe lang ako kanina. Isa pa, hindi naman masama ang mag-tiwala sa kan'ya kahit isang beses 'di ba?
Pero infairness, masarap ang mga pagkain na ito ah.
Sila mama kaya, kumain na?
Luminga-linga ako sa paligid upang humanap ng plastic bag na maaari kong paglagyan ng ibang ulam na hindi ko makakain at ng wala akong makita ay kumuha nalang ako ng malinis na damit sa wardrobe na nandito sa kwarto.
Iuuwi ko ito sa amin. Pakunswelo niya na 'to sa pag-bili sa akin sa mga kidnapper.
Ngumisi ako matapos maibalot ang mga pagkain.
"Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ako makakaalis dito," Siguradong sabi ko tsaka tumayo pero agad din akong napahawak sa sikmura ng kumulo iyon
"Pero bago 'yon ay ta-tae muna ako." Mabilis akong tumakbo papasok sa banyo at nadulas pa nga ako pero patay malisya akong tumayo at naupo sa bowl.
Pero syempre, hinubad ko muna ang pang-iibang suot ko.
Common sense mga dre.
Pinisil ko ang ilong upang hindi maamoy ang masamang hangin na kasamang lumabas sa sama ng loob ko.
Anak ng tokwa, naparami ang pagkain ko. Mabuti nalang umalis si lune, dahil kung hindi paniguradong iisipin niyang ang PG ko.
Which is totoo naman...Slight lang.
Pero paano kaya ako makakaalis dito?
"Aha!" Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko matapos may maisip na ideya
Humanda ka lune, hahaha! Pagdating mo mamaya ay wala na ang isang bilyon na ginastos mo.
*PROOT*PROOT*
"Deym, poop-chan! Kailan ka ba mauubos?"
( ꈨຶ ˙̫̮ ꈨຶ )
.
.
.
3RD PERSON's POV
MARIIN na ipinikit ni Lune ang mata bago lumabas sa kan'yang sasakyan ng huminto iyon.
Sinong pangahas naman kaya ang nanakit sa isa sa mga pag-aari niya?
"Where is he?" Agad na tanong niya sa binatang sumalubong sa kan'ya matapos niyang pumasok sa malaki at malawak na headquarter.
"Nasa silid niya, Lady Lune." Sagot nito
"I see, how about you? Are you not hurt, Haru?" Tanong niya rito
Magalang naman itong umiling.
"I am fine lady,"
"That's good, then." Nag-simula siyang lumakad papunta sa silid ni Kuzel at naabutan niya naman itong nakahiga sa kan'yang kama at may benda sa ulo
Ikinuyom niya ang kamao.
"How is he?" Baling niya kay Haru na sumunod sa kan'ya
"Hindi pa rin siya nagigising lady lune, but he's safe now. There's no need to worry anymore." Sagot nito kaya tinapik niya ito sa balikat matapos niyang makahinga ng maluwag sa nalaman
It's a good thing dahil hindi kumplikado ang kalagayan ni Kuzel. Mabuti na lamang at hindi ito napuruhan.
"Good. You did a great job. Thank you Haru." Aniya sa lalaki kaya ngumiti ito tsaka nag-bow
"Always welcome lady lune, it's my duty anyway." Sabi nito kaya ngumiti nalang din siya bago lumabas sa silid na kinalalagyan nila at dumiretso sa Torture Room kung saan paniguradong naroon ang dahilan kung bakit nasa gano'ng kalagayan ngayon si Kuzel.
"Aaahhhh!" Palapit palang siya sa Torture Room ay rinig na rinig niya na mula sa labas ang hiyaw ng taong kasalukuyan doon na pinapahirapan.
Binuksan niya ang pintuan ng torture room at agad namang napunta sa kan'ya ang attention ng mga tauhan na naroon.
Nang makita siya ay huminto ang mga ito sa kanilang ginagawa tsaka tumayo at nag-bow bilang paggalang sa kan'ya.
"You can all leave now. I'll take care of him from here." Aniya matapos senyasan ang mga ito na umayos ng tayo
"We understand, lady lune." Sa huling pagkakataon ay muling yumuko ang mga ito bago tuluyang umalis.
Inilibot niya ang paningin sa loob ng torture room. Ngayon niya lang ito ulit magagamit matapos ang ilang taon, muli na naman kasing kumilos ang pangahas niyang mga kaaway.
Ang itsura ng torture room ay hindi naman gano'n kakaiba. Kulay puti ang pintura nito na may talsik at bahid ng mga dugo na natuyo na roon.
Ang sahig ay makintab subalit may mantya na rin ng dugo na hindi na rin matanggal kahit anong kuskos pa ang gawin ng kan'yang mga tauhan.
Walang bintana sa silid na iyon. Ang nagbibigay lamang roon ng liwanag ay ang isang bumbilya na nakasabit sa kisame kung saan nakatapat ang lalaking nakaupo sa isang silya na nakatali ang kamay at paa.
Hinatak niya ang isa pang silya palapit sa harapan ng lalaki tsaka roon naupo at pinasadahan ito ng tingin.
Sumandig siya sa sandalan ng silya tsaka ipinatong ang kanang siko sa nagsisilbing harang sa gilid ng upuan tsaka siya roon humalumbaba. Ang kaliwa niya namang braso ay nakapatong sa kabilang gilid ng upuan habang marahan na itina-tap ang daliri roon.
Wala kang mababakas na kahit na anong emosyon sa kan'yang kulay asul na mata.
Nag-angat ng ulo ang lalaki upang tingnan siya. Bagama't nakangisi ito ay hindi nakatakas sa kan'yang paningin ang takot sa mga mata nito.
"Look at yourself, aren't you pitiful? If you do not want to end up like that then why did you do it?" Aniya sa naghihirap na lalaki
Tagaktak ang pawis nito at may dugo rin na tumutulo mula sa bibig at ilong nito.
Binalak ng lalaki na ito na taniman ng bomba ang kanilang headquarter pero hindi siya nag-tagumpay dahil nakita siya ni Kuzel at napigilan, pero sa kasamaang palad ay naitulak nito si kuzel dahilan para humampas ang ulo nito sa pader.
Habang papunta sa kanilang headquarter kanina ay pinanood niya ang sinend na video ni Haru.
Ang kuha ng cctv sa nangyari.
Ang lalaki ay isa sa kan'yang tauhan na paniguradong galing sa panig ng kan'yang mga kalaban. Malamang din na sinadya nitong mag-trabaho sa kan'ya upang makapag-espiya.
Mga pangahas talaga. Inuubos ba ng mga ito ang kan'yang pasens'ya?
"So, who ordered you?" Kalmadong tanong niya sa lalaki kahit gustong-gusto niya na itong patayin dahil sa ginawa nito kay kuzel na isa sa mga taong pinapa-halagahan niya.
"Ha! A-akala mo sasabihin ko ang gusto mong marinig? Manigas ka! Kahit patayin mo pa ako ay wala kang makukuhang impormasyon mula sa akin!" Ngising sagot ng lalaki kaya umigting ang kan'yang panga tsaka itinutok sa noo nito ang dulo ng kan'yang baril matapos niya iyong ikasa.
"Go, Shoot me!" Panghahamon ng lalaki kaya ngumisi siya
"Nah, Hindi ka mamamatay ng walang paghihirap." Ngising aniya bago alisin sa noo nito ang dulo ng baril.
Napalunok naman ang lalaki.
"A-anong ibig mong sabihin?" Utal na tanong nito pero imbis na sumagot ay tumayo lamang siya tsaka lumapit sa isang mahabang lamesa kung saan nakasalansan ang mga bagay na pwedeng gamitin pang torture
"A-anong g-gagawin m-mo d-d'yan?" Kinakabahan na tanong ng lalaki matapos niyang ilapag ang baril sa lamesa at damputin ang isang plies at kutsilyo mula roon.
"Hulaan mo." Malokong sagot niya bago bumalik sa harapan nito.
Nag-pumiglas naman ang lalaki na umaasang makakalas ang tali sa kan'yang kamay at paa pero nabigo ito dahil mahigpit ang pagkakatali rito ng kan'yang mga tauhan.
Hinawakan niya ang panga ng lalaki tsaka marahas na pinisil ang pisnge nito dahilan upang maibuka nito ang kan'yang bibig.
"U-uhmm!! Lumayo ka sa akin!" Sigaw nito dahil mukhang alam na nito ang balak niyang gawin
Pilit nitong iniiwas ang mukha at dahil sa pagkairita ay itinarak niya ang kutsilyong hawak sa hita nito dahilan para maibuka nito ng malaki ang bibig at mapahiyaw sa sakit
"A-aahhhh!!" Puro hiyaw ng lalaki ang maririnig sa torture room maging sa hallway papunta rito sa tuwing bubunutin niya ang ngipin nito gamit ang plies na hawak
"It's done," Napangisi siya tsaka pinasadahan ng tingin ang mukha ng lalaki
Huminto ang mga mata niya sa bunganga nito na punong-puno ng dugo dahil sa sapilitan niyang pagbunot isa-isa sa ngipin nito.
Just seeing how blood kept on leaving this piece of sh*t body's satisfied her already.
But it's just the beginning, hindi pa siya tapos sa pagpapahirap rito.
WAKAS NG KABANATA 3

หนังสือแสดงความคิดเห็น (122)

  • avatar
    puspusleonil lee

    I highly recommend this novel it is so great🥰

    25/04/2022

      0
  • avatar
    Maico Cruz

    good nice

    20/08

      0
  • avatar
    EspinosaJezza

    super woow

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด