logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 2

KABANATA 2
HAGURA's POV
UNTI-UNTI kong idinilat ang aking mata tsaka mabilis na bumangon matapos makitang nasa isa akong magarang silid na hindi ko naman pagmamay-ari.
There's no way that I'll be able to own this kind of room.
Bumaba ako sa malambot na kama tsaka mabilis na pumunta sa pintuan at pinihit ang door knob nito pero napasinghal ako ng hindi ko iyon mabuksan.
Paniguradong naka-lock iyon sa labas!
Bakit ba kasi napunta ako sa ganitong sitwasyon?
I got kidnapped and sold to an unknown person.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nangyayari ito? Wala naman akong ginawang masama para danasin lahat ng ito!
“May tao ba d'yan?! Palabasin niyo ako dito!” Sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan
Walang sumagot mula sa labas kaya naman napasabunot nalang ako sa aking buhok.
Napahawak ako sa aking labi ng maalala ang paghalik dito nang babaeng ‘Bumili’ sa akin.
Matapos ako nitong halikan ay hinampas nito ang batok ko dahilan para mawalan ako ng malay.
That's the reason kung bakit hindi ako nakapalag ng ipasok ako rito sa silid na ito.
“Kaasar! Ang lakas ng loob niyang halikan ako!” Himutok ko habang lukot na lukot ang mukha
My first kiss is gone! At worst hindi iyon nawala dahil sa girlfriend ko but because of another woman! Arrgh! My first kiss should only be for my girlfriend.
May narinig akong pag-tunog ng bumukas na pintuan at bago ko pa ito malingon ay naramdaman ko na ang presens'ya ng isang tao mula sa aking likuran.
“You're awake my king,” Halos tumayo ang lahat ng balahibo ko nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa aking batok
Napa-talon pa nga ako sa gulat palayo rito pero kalaunan ay agad ko rin siyang nilingon para tingnan pero wrong timing dahil muli siyang nakalapit sa akin at ikinulong ako sa kan'yang mga bisig ng mapa-sandal ako sa pintuan na nasa aking likuran.
d>_
I am sure na siya 'yong babae na bumili sa akin, sigurado ako roon dahil tanda ko ang kan'yang boses.
Basa pa ang kan'yang buhok kaya naman paniguradong sa banyo siya galing.
“A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Lakas loob na sabi ko ng makabawi at akmang itutulak siya pero mabilis niyang nahuli ang pulsuhan ko at isinandal din iyon sa pader
I tried to get off of her pero nabigo ako.
Bakit ba ang lakas niya?
Babae ba talaga siya?
“You sure are not obedient huh?” Umiiling na aniya
“S-shut up! Bakit ka ba nandito?” Tanong ko
“That question is quite st*pid my king, this is my room for your information.” Tugon niya kaya napapahiya akong umiwas ng tingin
St*pid, Hagura!
“L-let go of me,” Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi matapos kong ma-utal
Hindi siya kumibo kaya naman unti-unti kong ibinalik ang tingin sa kan'ya.
She was just looking at me.
Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng maskara na tanging ang bibig at kaliwang mata niya lang ang makikita dahil ang kanan ay natatakpan ng kan'yang bangs.
Napalunok ako habang nakatitig sa kulay asul niyang mata.
Normal kayo 'yon o Contact lense lang?
‘Aish! Ano bang pinagsasabi mo Hagura? Ano namang pakialam mo roon?’
“Am I pretty my king?” Ngising sabi niya kaya naman agad nanlaki ang mata ko bago siya sinamaan ng tingin
“You are NOT!” Mabilis kong angal kaya napailing nalang siya
“Really huh? Kaya pala na tulala ka.” Mapang-asar niyang sabi tsaka ako binitawan at bahagyang lumayo sa akin
“Huwag ka ngang assumera!”
“Yeah, whatever.”
Nang tumalikod siya sa akin ay pa-simple akong nakahinga ng maluwag habang nakahawak sa aking dibdib.
Suminghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko kanina ay kakapusin ako ng hininga.
Nang maging okay ay lakas loob ako na muling nag-salita.
“Ano bang kailangan mo sa akin? Pakawalan mo na lang ako pwede ba? Paniguradong hinahanap na ako ng mga magulang ko.” Sambit ko sa pagbabakasakali na pumayag siya
Nilingon niya naman ako tsaka siya umiling.
“No, I can't do that my king.” Tugon niya
“W-what? Why not?” Nagtataka kong tanong “Are you afraid that I might tell this to the police? Don't worry, I'll keep my mouth shut as long as you let me go home.” Patuloy ko pa
“No, that's not the problem. Since I bought you, I want you to stay here with me from now on. This will gonna be your new home, and you are not allowed to leave not until I say so.”
Kumuyom ang kamao ko dahil sa naging sagot niya.
“Nagpapatawa ka ba?! Hindi mo ako pagmamay-ari! Tsaka Pwede kitang kasuhan ng kidnapping!” Sigaw ko pero walang nag-bago sa kan'yang reaction
“You can't do that My King. Since in the first place I didn't kidnapped you, I bought you for ONE BILLION remember? So, whatever you say, it won't change the fact that I already owned you.” Baliwala na sabi niya tsaka umupo sa kama at pinag-krus ang kan'yang hita at braso
“Babayaran ko ang 1 Billion na ginastos mo sa akin, paalisin mo lang ako.” Pilit kong pinakalma ang sarili dahil gusto ko talagang umalis sa lugar na ito
Hindi ako dapat narito pero paano ako makakaalis? Hindi ko alam kung nasaan kami, hindi ko alam ang daan paalis sa lugar na ito.
“Trying to fool me My King? I already know everything about you. You came from a Poor family, your father died when you're 13 years old while your mother is a maid of a rich family...” Natigilan ako dahil tama ang mga sinabi niya “And oh, you have two little brothers, Am i right?” Humalumbaba siya habang pinagmamasdan ang reaction ko
“P-paano mo nalaman ang lahat ng 'yan?” Tanong ko kaya ngumisi siya
“Because of my connection and money.” Sagot niya tsaka tumayo at may dinampot sa ibabaw ng kama
Muli siyang lumapit sa akin at huminto sa gilid ko.
“Whether you like it or not, YOU ARE MINE NOW. And don't ever think of leaving me because you can't escape from me, My King.” Bulong niya sa aking tenga
“And here, take a bath. You look like a beggar with your current looks.” Patuloy niya pa tsaka isinabit sa aking balikat ang dinampot niyang damit sa ibabaw ng kama kanina
“Be quick, I'll ask my maid to pick you later. We'll gonna eat breakfast together.” Huling sinabi niya bago lumabas sa silid na kinalalagyan namin
Nang lumingon ako ay wala na siya.
Sinubukan ko rin buksan ang pintuan pero naka-lock na iyon ulit.
Naikuyom ko nalang ang kamao.
Walang sino man ang nagmamay-ari sa akin at kung mayroon man ang GIRLFRIEND ko lang 'yon!
Kahit labag sa loob ay dumiretso ako sa banyo para maligo.
Ngayon ko lang napansin na madungis pala ang ang itsura ko. Ang suot ko ay 'yong trench coat pa rin na pagmamay-ari niya.
I tried not to be amused sa ganda ng damit na ibinigay niya.
Sa klase ng tela nito ay sigurado akong branded iyon.
Isinuot ko iyon matapos maligo at hindi ko maitatanggi na bagay iyon sa akin.
Dati pa man ay alam ko ng hindi pangkaraniwang ang itsura ko. Hindi ako nagyayabang pero iyon ang totoo, there's a lot of women out there who kept on approaching me because of my looks. Some of them even proposed to me even though that's sound crazy but I turned down all of them.
I already have someone I loved. There's a woman I already want to marry. And it's no other than, my girlfriend for three years.
Damn! I never expected na maki-kidnapped ako just because of my looks.
Kasalanan ko ba kung ipinanganak akong may ganitong itsura? Ito na nga lang ang maipagmamalaki ko, pinagnasahan pa ng mga kidnapper.
ಥ‿ಥ
May kumatok sa pintuan ng silid na kinalalagyan ko kaya napalingon ako roon.
“Master, Pinapapunta na po kayo ni Lady Lune sa Dining area.” Sabi nang babae na nakita kong nakatayo sa pintuan na ngayon ay nakabukas na
“Sinong lune? Iyong babae ba na may maskara? Feeling anbu ang potchi mukha namang si Choji.” Humagikhik ako pero agad rin napatigil matapos makitang hindi siya tumawa
Tiningnan niya lang ako na para bang isa akong weirdo.
Pst! Hindi lang siya nanonood ng NARUTO e.
Pero seryoso, LUNE pala ang pangalan ng babaeng 'yon? Hindi na rin masama. Unique ang name niya, parang LUNETA, pwede na rin apelyedo ni Sharon LUNETA. Pft!
“Master?” Kumurap ako tsaka pekeng umubo bago nag-seryoso
“Susunod ako.” Kunwari seryoso kong sagot kaya tumango ito bago umalis
Nang maramdaman na wala na siya ay maingat subalit mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan na hindi niya isinara.
“Freedo—”
“Master?” May nag-salita kaya naputol ang sasabihin ko kasabay ng pagbagsak ng mga braso na kanina ay inangat ko sa ere sa sobrang tuwa
“Oh, hi guys?” Awkward akong ngumiti bago nilingon ang dalawang lalaki na nakatayo sa magkabila kong gilid
May bantay pala sa pintuan ng silid, akala ko ay makakatakas na ako.
Damn, Pain!
ಥ╭╮ಥ
“Please follow us, we'll guide you to the dining area.” Nang lumakad sila ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod
There's no way that I'll be able to escape from them, lalo pa't sa laki ng katawan nila ay paniguradong wala akong laban kapag nahuli nila ako. Isa pa, hindi ko kabisado ang mansion na ito.
Oo, MANSION.
Ang lawak ng bawat madaanan namin, sobrang gara rin. Halatado na mayaman ang nakatira.
Dahil no choice ako kung hindi makisama ay sasakyan ko muna ang kabaliwan nila lalo na ni Lune at kapag nakakita ako ng pagkakataon ay tatakas ako mula sa kan'ya.
“We're here,” Huminto sila tsaka gumilid upang makita ko ang nasa harapan at napanganga ako matapos makitang napakaraming pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa.
Woah!
Kung magluto naman sila ay akala mo may piyesta at marami silang bisita.
Gano'n ba talaga kayaman si lune?
“Take a seat My King.” Napunta ang tingin ko sa dulo ng lamesa matapos marinig ang boses niya.
Nakangisi siya habang nakasandig sa sandalan ng upuan. Magka-krus rin ang kan'yang braso at binti habang nakatingin sa akin.
Nag-da-dalawang isip naman akong naupo sa kabilang dulo ng lamesa.
“You sat too far from me,” Sabi niya pero hindi ko siya pinansin
I heard her sighed kaya napangisi ako.
Ano ka ngayon ha?
“Eat whatever you want to eat. It's all yours.” Dahil sa sunod niyang sinabi ay mabilis akong tumingin sa kan'ya
“P-para sa akin ang lahat ng 'to?” Hindi makapaniwala kong tanong kaya ngumisi siya
“Yeah, It's all yours. Even me, I'm yours.” Ngisi niyang tugon tsaka ako kinindatan
Napaiwas naman ako ng tingin tsaka ngumiwi.
Hindi bagay.
Para siyang langgam na naapakan. Pst!
“You're blushing My King.” Mapang-asar na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin
“I'm not!” Mabilis kong angal.
Ano siya hilo? Bakit ako magblu-blush?
“Tsaka pwede bang huwag mo akong tawagin na ‘MY KING’? I'm not your King. Psychopath!” Asik ko pa tsaka padabog na tumayo
Naaasiwa ako sa kakatawag niya sa akin ng my king. Isa ba akong hari? Kung oo, nasaan ang kaharian ko?
“Where are you going?” Rinig kong tanong niya pero dire-diretso lang akong naglakad pabalik sa silid na kinalalagyan ko kanina
Bw*sit! Nakakaasar ang pyscho na 'yon!
Marinig ko palang ang kan'yang boses ay kumukulo na ang dugo ko.
Ayoko talaga sa kan'ya.
Bakit ba kasi sa dami-rami ng tao sa mundo siya pa ang nakabili sa akin?
Why am i sold to that strange woman?
Nang makarating sa silid ay pabagsak akong nahiga sa kama tsaka nag-talukbong ng kumot.
Nagugutom ako, dapat pala ay kumuha ako kahit isang hiwa ng fried chicken bago ako nag-walked out.
Anak ng tokwa!
Panira kasi ang lune na iyon! Bakit ba kasi kailangan sumabay pa siya sa akin kumain?
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi tsaka ipinikit ang aking mga mata.
.
.
.
3RD PERSON's POV
“Tss,” Napa-ismid nalang si Lune dahil sa sinabi ni Hagura “Psychopath? Do I look like a psycho?" Tanong niya sa mga tauhan nang lingunin niya ang mga ito
Napalunok naman ang mga ito bago sabay-sabay na sumagot.
“Y-you are not Lady Lune.”
“Tss! Leave me alone.” Asik na lamang niya kaya agad na nagsi-alis ang mga ito
Halata naman na sumasang-ayon ang mga ito sa sinabi ni Hagura.
Nag-sindi siya ng sigarilyo tsaka iyon hinithit at ibinuga ang usok.
“Tss! Mukha ba akong pyscho sa itsura ko na 'to?” Aniya.
Hindi pa rin maka-move on sa itinawag sa kan'ya ni Hagura.
Napatitig siya sa reflection niya sa salamin tsaka umiling.
She looked weird because of the mask she's wearing that almost covering her whole face pero hindi naman siya mukhang psychopath. Atleast para sa kan'ya.
Pinatay niya ang sigarilyo at walang tingin na sinalo gamit ang dalawang daliri ang dagger na papatama sa kan'yang mukha
“Nice catch.” Ngising sabi ng isang binata kaya blangko niya itong nilingon
“What are you doing here assh*le?” Malamig niyang tanong dito kaya napahawak ito sa dibdib na tila nasaktan sa kan'yang sinabi.
“Ouch! Is that how you welcome your Handsome Friend, MiLady?” Litanya nito kaya napailing siya tsaka inihagis pabalik dito ang dagger na kan'yang sinalo
Mabilis rin naman iyong nasalo ng lalaki.
“Handsome your ass.” Aniya tsaka dinampot ang isang mansanas na nasa lamesang kaharap at kumagat doon.
“So, kamusta? Anong nangyari sa auction? May nagustuhan ka ba?” Tanong nito
“Yeah, I got something from there.”
“That's good to hear,”
She's actually at the auction to find interesting things pero ang lalaki ang nakuha niya. Hindi iyon ang unang beses na pumunta siya roon pero ito ang unang beses na may binili siya.
“Woah! Ang daming pagkain ah, pinaghanda mo pa talaga ang pag-uwi ko Milady. Sabi na nga ba at mahal na mahal mo ako e.” Biglang sabi ng binata matapos makita ang maraming pagkain sa lamesa
Agad itong naupo sa kan'yang gilid at sisimulan na sanang lantakan ang mga pagkain na nakahain subalit tinapik niya ang kamay nito.
“Tss, that's not yours Jerk.” Aniya kaya natigilan ito kasabay ng pag-kunot ng noo.
“E, Para kanino ba 'to?" Takang tanong nito
“For My King.” Sagot niya na siya namang ikina-tigil nito
“Your king? So it's true...” Biglang sumeryoso ang binata tsaka siya tinitigan “You Bought him 1 Billion in the auction, right?” Sambit pa nito
Kagabi niya lang binili si hagura pero nalaman na agad nito ang tungkol doon? Tss.
Hindi na rin naman nakakagulat. Paniguradong nag-report dito ang tauhan na kasama niya kagabi. Ito rin kasi ang kaibigan na nag-pumilit na ipasama sa kan'ya ang mga tauhan para tumayong bodyguard niya.
WAKAS NG KABANATA 2

หนังสือแสดงความคิดเห็น (122)

  • avatar
    puspusleonil lee

    I highly recommend this novel it is so great🥰

    25/04/2022

      0
  • avatar
    Maico Cruz

    good nice

    20/08

      0
  • avatar
    EspinosaJezza

    super woow

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด