logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 4

KABANATA 4
 
Sakay nang sasakyan ni Nathan ay hinatid niya ako sa aking boarding house. Tahimik lang ako at halos tanging paghinga ko lang ang naririnig ko sobra talaga akong napagod sa araw na ito.
Sinilip ko ang maliit kong boarding house. Nakita kong wala na sa harapan ang aking basket na gulay. Siguro'y nandito ang bakla kong kaibigan kanina at siya na mismo ang nagpasok nito sa bahay.
"Tasia, baka hindi kana sumipot bukas ha!" halata sa kaniyang pagsasalita ang pagbabanta kaya hindi ko maiwasang umismid dahil doon. Naiisip ko tuloy ang mga usok na lumalabas sa kaniyang ilong at tenga sa sobrang pagtitimping hindi ako mabulyawan.
"Opo, Mahal na Prinsipe," sabi ko at yumuko pa ng bahagya pero nang umangat uli ang aking mukha ay binelatan ko lang siya.
"Babae ka ba talaga?" hindi siguradong tanong niya, habang nandidiring nakatingin sa akin.
"Hind halata . . .Tol! Pare! Kumusta?" aksyon ko pa at pabirong nagpaboses lalake.
Narinig ko naman ang pagtawa niya dahil sa biro ko kaya inirapan ko na lang ulit at tumawa rin nang maisip na siguro'y ang panget ko habang ginagawa iyon.
"Huwag mong gawing katawa-tawa ang mukha mo baka pumanget ka lalo."
Biglang sabi niya't sabay lagay ng mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga. Sa sobrang bigla ko'y hindi ako nakagalaw. Parang biglang naging malinaw ang bawat parte ng kaniyang mukha.
Pinagmasdan ko siyang tinititigan ako. Kitang-kita ko ang paghubog ng aking mukha sa kaniyang kulay tsokolateng mga mata. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay para bang ako lang ang nakikita niya ngayon. Na para bang ako lang ang nag-iisang babae sa mundo kaya nasa akin lang ang mga atensyon niya.
Hindi ko alam na sa likod ng mga maangas niyang pagmumukha ay nakaukit pa rin pala dito ang lalakeng ngayon ko lang nakita. Ang makapal niyang mga kilay na mas bumagay sa kaniyang mga nagniningning na mga mata. Ang kaniyang ilong na matangos at masarap pisilin ng pisilin at. . . at ang kaniyang labi na parang inukit mula sa isang larawan noong sinaunang panahon. Para siyang prinsipe na ma'y matigas na ekspresyon.
Isa siyang prinsipe na ngayon ko lang nabigyan ng atensyon.
"Tasia," tawag niya sa akin habang nakakunot ang noo. Napakurap-kurap ako at iniiwas ang paningin sa kaniya.
"B-bababa na ako." Nanginig ang boses ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit ang pagbaba sa kotse ay halos matisod ako.
"Sige," Naging tugon niya lang.
Pagbaba ko'y umalis na din agad si Nathan. Na Ikinaluwang agad nang aking hininga na mukhang kanina ko pa pinipigilan. Tinanaw ko ang kaniyang sasakyan hanggang sa hindi ko na ito nakita pa.
Napag-usapan namin kanina na doon na ako titira sa bahay nila at kahit saan man siya pupunta ay kasama ako, na tututulan ko sana pero agad niya rin naman akong pinigilan. Ani niya pa'y kasama ito sa sweldo at bawal tangihan. Pumayag na lang din ako kalaunan dahil wala naman akong ibang choice. Boss ko siya iyon ang mahalaga sa kaniya.
Pumayag akong sa mansyon nila tumira hangga't nagtatrabaho ako sa kaniya pero hindi ako pumayag na aalis na ako sa bar dahil pagkakakitaan ko din iyon bawat linggo. Panggastos ko na rin ito habang hindi pa ako sumesweldo sa pagiging personal assistant ni Nathan.
"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo, Nathan. Andaming babae pero bakit ako pa?" Bulong ko na lang habang nakatanaw pa rin sa kalsadang dinaanan niya.
Pumasok na ako sa aking maliit na bahay. At dumeretso na agad sa aking kuwarto. Inilabas ko na ang mga damit ko sa kabinet at pinili lang ang mga dadalhin. Konti lang ang mga madadala ko at halos t-shirt lang ito at mga pantalon. Wala akong mga magagandang damit tulad ng ibang mga babae dahil wala naman na akong pambili ng mga ito.
"Yuhooow, Bessy kong maganda pa sa akin!" napangiti ako ng pumasok ang kaibigan ko sa aking kwarto.
"Oh, bakit ka nandito?" Nakataas kilay kong sabi.
"Wala lang!" Tumili siya at umikot-ikot.
Pinapakita ang kaniyang suot na dress na sobrang luwag sa kaniya. Mayroon din siyang wig na suot. Pabebe niya itong kinulot gamit ang kaniyang daliri pagkatapos ay nilagay ang mga takas na buhok sa tenga. Ngumiwi ako.
"Bakla ka, ano na naman 'yang suot mo! Mamaya makita ka na naman ng papa mo tapos iiyak ka kapag napagalitan ka na naman!" saway ko sa kaniya.
Napanguso naman siya. "Ngayon lang naman." sumampa siya sa maliit kong kama at nahiga dito.
"Ewan ko sayo," Pinagpatuloy ko na ang pagtitiklop sa ang damit bago ito pinasok sa aking bag.
"Bakit ka nag-eempake. . .saan ang punta mo?" tanong niya at tinulungan ako sa pagtitiklop.
"Ganito kasi iyon, may natanggap akong trabaho tapos kailangan doon ako sa bahay ng amo ko maninirahan."
Pinitik ko ang kamay niya nang binabalik niya sa karton ang mga damit kong tinitiklop. Agad naman niya itong tinigil.
"We? Baka naman magtatanan kana ha!" nanlalakihan ang mga matang sabi niya.
"Bakit nakita mo na akong nagka-boyfriend?" taas kilay kong sabi sa kaniya.
"Wala nga, pero paano ka rin magkakaroon kung tinatakbuhan mo lahat nang nanliligaw sayo. Buti nga nagtaggal sayo si fafa Ferry ko e."
"Magkaibigan lang kami ni Ferry ano ka ba. At saka kung gusto niya ako dapat niligawan na niya ako dati pa."
"Natatakot kasi sayo yung tao. Siguro hindi niya magawa-gawa kasi alam niyang mawawalan siya ng kaibigan kapag ginawa niya iyon at mabasted mo. Friendship Goals. . ." Natahimik ako. Sa pagkakatong ito'y tinulungan na rin niya ako sa pagtitiklop.
". . . kung friends-friends lang talaga, walang in-laban!" dugtong pa niya. Natahimik ako.
"Kaibigan ko si Ferry at hanggang doon nalang iyon." Nasabi ko nalang sa gitna ng aming katahimikan.
"So, friend zone na nga ang ating Prinsipe Ferry!" Tili niya.
"Ewan ko sayong bakla ka, mabuti pa tulungan mo na lang ako dito."
"Ayoko nga, umalis nga ako sa bahay kasi may trabaho tapos pagtatrabahuin mo pa ako ngayon!"
"Nagrereklamo ka ha?! Ikaw nga yung nanggulo nito e, imbes na malapit na akong matapos!" Gigil kong sabi at pinagtatampon sa kaniya ang mga damit kong wala pa natiklop.
Nanatili ang kaibigan ko hanggang sa matapos ko ang pagtitiklop. Tinulungan niya na rin ako sa paglilinis ng buong bahay at sa pagluluto ng aking panghapunan.
"Hindi ka na matutulog dito, paano si Ferry? Siguradong magwawala iyon at kukulitin ako magdamag para lang sabihin kung asan ka ba talaga." Nasa ekspresyon niya ang pag-aalala. Pumayag naman siya sa desisyon kong doon na lang pero nag-aalala siya baka mapahamak lang ako doon.
Ikinewento ko sa kaniya yung mga nangyari bago ako alukin ni Nathan nang trabaho. Sabi pa niya'y baka isa itong plano para mapaghigantihan ako ni Nathan sa pagsuntok ko sa kaniya noong isang araw. Baka nga, pero kaya ko naman ang sarili ko. Kung plano nga niya ito wala na akong pakealam doon.
"Grabe naman yung pagwawala, hindi naman ganun klaseng tao si Ferry." Natatawa kong sabi.
"Malay mo nga di ba!" Naiiling niyang sabi.
Si Ferry talaga 'yong tipong kaibigan na mawala ka lang ng isang araw at walang paalam, hahalughugin niya na ang buong bayan mahanap ka lang. Siya yung tipong kaibigan at lalaki na hindi mo kayang bitiwan agad dahil sasaluhin niya lahat ng kalokohan mo sa buhay.
Sayang nga lang kasi, lahat ng kabutihan ng puso niya ay hindi ko kayang ibalik. Kung ano ang pinapakita ko sa kaniya, hanggang doon na lang talaga iyon. Kung iba ang pagtingin niya para sa akin, wala na ako doon. Sarado pa ang puso ko para sa ganiyang klaseng relasyon. Hanggang kaibigan lang siya para sa akin.
"Sabihin mo na lang naging kasambahay ako at kailangan stay-in ako para hindi na siya mag-alala masyado."
"Sige, pero kung makulit na talaga sasabihin ko nang sa boss niyo ka nagtatrabaho!"
"Sige na. . . sige, kung anong pwede!"
Papalubog na ang araw nang maka-alis na ng tuluyan sa aking bahay ang aking kaibigan na bakla. Nakita ko ang aking lumang gitara at naisipang dalhin ito sa duyan habang namamahinga doon. Kapag talaga alam kong wala na akong gagawin ay ito ang nagiging libangan ko.
Ang paggigitara.
Tinuruan ako sa paggigitara ni Ferry nung nakilala ko siya noon. Sa kaniya ko natutunan kung paano tumugtog at laruin ang mga chords nito. Simula nun, natutunan kong gumawa ng mga kanta. Hindi ko na alam kung kailan ako huling gumawa ng isang kanta pero ngayon susubukan ko na lang ulit.
Sinimulan kong kumalabit ng ilang mga string pagkatapos ay sinamahan ito ng konting tyempo. Inulit-ulit ko lang ang aking ginagawa hanggang sa na memoryado ko na ang mga ito at hanggang sa sinabayan ko na ng mga liriko.
"'Di pala sigurado,
Ba't mo hinayaan na, mahulog ako
Sana'y umpisa pa lang
Iniwasan na. . ."
Natigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Nathan. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing may nababanggit ako ng mga salita ay siya na agad ang naiisip ko. Napahilamos ako sa aking mukha at napilitang na lang na ibaba sa damuhan ang aking guitara.
"Ah, bakit ba?!" Impit kong sigaw.
Bakit ba iniisip ko siya?! Pati ba naman sa pagkanta ko!?
Muli akong tumayo sa duyan at bitbit ang guitarang pumasok sa aking boarding house. Sinarado ko ito at binuksan lahat ng ilaw sa sala bago pumasok sa aking maliit na kwarto. Nilagay ko sa lalagyan ang aking guitara at itinabi ito bago nagpasyang maglinis na nang katawan.
Tulad nang nakagawian, simpleng damit, pantalon, at sapatos lang ang aking suot bago pumunta sa bar. Sakto namang dumating na si Ferry sa bahay ko nang makalabas na ako sa pintuan. Bago ako umalis ay pinatay ko muna lahat ang mga ilaw at iniwan lang ang sa labas at tsinek na rin ang mga lock ng mga pintuan.
 Hindi rin naman nagtaggal ay nakaalis na kami sa bahay dahil sa tinulungan din ako ni Ferry.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    1d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด