logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 3

KABANATA 3
 
“Ipapadala kita sa isang malaking mansyon at ang tanging magiging trabaho mo lang doon ay magbantay.” Sabi niya bago sumimsim ng kape.
Narito na kami ngayon sa isang sikat na coffee shop sa aming bayan. Dinala niya ako dito matapos kong pumayag sa alok niyang pag-usapan ang sinasabi niyang trabaho.
“Magbantay? Sus, ang dali-dali lang naman pala niyan e!” tumawa ako. “Magkano ba sweldo?” ani ko pa sa ngiting-ngiting kausap.
“Fifty thousand .” Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
“Magbantay lang, fifty thousand na agad?! Pinagloloko mo lang naman siguro ako e!” kinuha ko ang bag ko at akmang tatayo na para maka-alis na sana ako pero pinigilan niya ako.
“Sandali lang naman, Tasia! Hindi lang naman iyon simpleng pagbabantay lang e. Kailangan mo lang naman sundin lahat ng sasabihin niya at hindi ka pwedeng hindi umo-o,” pagkaklaro niya pa.
“Fifty thousand , isang buwan. Magbabantay lang at susundin lahat ng iuutos.” Binilang ko ang magiging sweldo ko kung sakaling umabot ako ng ilang taon doon.
Siguradong milyonaryo na ako! Andami ko na rin mabibili sa magiging sweldo ko. Mababayaran ko na ang mga utang ko sa renta at makakapagpatayo rin ako nang sarili kong tindahan sa palengke!
Bumuga ako ng malalim na hininga. “Deal!” sigaw ko.
“Deal!” mas lalo lang lumaki ang ngisi niya. Inalay niya sa akin ang kaniyang kamay kaya nakipagkamay ako.
Halos mabwesit na ako sa pinapakita niyang ngisi. Ibang-iba kasi iyon sa mga galit na tingin niya sa akin tuwing nagkikita kami at nag-aaway. May halo na itong nakakaloko at para bang napaikot na naman niya ako sa mga kamay niya.
“Ito, pirmahan mo para kung sakaling aatras ka sa deal natin ay alam mo na agad kung ano ang mga babayaran mo.”
“Babayaran?” nagtataka kong sabi at kinuha sa kamay niya ang kontratang inilalahad niya. Binasa ko ang mga nakasulat dito.
Nakasaad dito na kung gusto ko na talagang baliin ang deal namin sa isa't-isa ay dapat sundin muna ang lahat nang iuutos ng ka-deal at bayaran lahat ng mga nagastos sa ilang buwan na kasama ang ka-deal. Na mahigit kumulang limang daang libo.
“Ang duga mo naman Nathan! kung ikaw ang aalis ay madali mo lang magagawa lahat at mababayaran ito dahil mayaman ka pero paano naman ako?!” inis kong sabi. Halos malukot ko na ang papel na hawak ko kung hindi lang ito kinuha agad sa akin ni Nathan.
“Problema mo na iyon.” nagkibit-balikat siya.
“Ahyst, nakakainis ka naman eh!”
Sobrang unfair niya! Porket mayaman siya ay gaganituhin na niya ako!
“Ano payag ka na?” tanong niya pa.
“Pag-iisipan ko muna!” tugon ko sabay tayo. Pinigilan niya na naman ako.
"Ang daya, diba nag-deal kana kanina. . .wala nang bawian 'yon!" sigaw niya.
"Nagbago isip ko. Huwag na lang pala."
“Ohy, saan ka pupunta?” Taranta niyang sabi.
“Uuwi na ako, may trabaho pa ako mamaya.” Binitiwan niya naman ako agad.
Walang lingon-lingon akong lumabas sa coffee shop at nagpara ng tricycle. Nagpahatid na ako sa boarding house, total naman ay malapit-lapit na itong pinuntahan namin doon. Kasya pa itong bente pesos na natira sa akin.
Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang nangyari. May pagkakataong nagkikita kami ni Nathan sa pinagtatrabahuhan kong bar at doon na niya ako kinakausap. Naiinis na ako dahil paputol-putol ang trabaho ko dahil sa kaniya pero hindi ko naman kayang magreklamo dahil siya naman ang may-ari nito. Siya naman ang Boss ko.
Sino ba naman ako para tumanggi. Grasya na mismo ang lumalapit sa akin.
“Ang landi-landi talaga ni Tasia! kay bago-bago, nilalandi na agad si Sir Nathan!” isang araw narinig ko mula sa mga kasamahan ko matapos akong tawagin ni Nathan para kausapin ulit ako.
Napahinto ako sa akmang pagpasok sa kitchen. Bulongan lang ang kanilang ginagawa pero hindi nila alam malapit lang ako sa kanilang dalawa at rinig na rinig ko lahat nang mga paninirang sinasabi niya sa akin.
“Oo nga e, alam mo rin ba na nakita ko sila ni Sir Nate na nag-uusap at nagtatawanan sa locker room! Ang landi-landi talaga! ang sarap tirisin!” kuwento naman ng kausap niya.
“Oh, 'di nga?!” bago pa man makatugon ang kausap niya'y sumingit na ako.
“Alam niyo, kung gusto niyo naman pa lang mag-usap gamit 'yang mababaho niyong mga bibig. Bakit hindi kayo doon sa dancefloor? Kotang-kota niyo na kasi ako e! Baka gusto niyo pati buong baryo makarinig sa mga kuwento niyong wala naman katotohanan! Ano!” sigaw ko sa kanila.
Halos sabay naman silang napalunok habang nakatingin sa akin.
"Ang lakas nang loob niyong pagsalitaan ako nang ganiyan. Akala niyo naman hindi mababaho! Nasa labas pa nga lang ako amoy na amoy ko na mababaho niyong singit! pwe!" rinig ko ang tawanan nang iba naming kasamahan habang tinitingnan kami.
“T-tasia, andyan ka pala hindi ka namin napansin.” Nilingon niya ang kasama at tinanguan ito.
"Ahy wala, doppleganger ko lang ito!" pagsusungit ko pa. Ma lalo lang silang namutla.
"Sige T-tasia, alis na kami!” nagmamadali silang umalis na ikinairap ko na lang.
Mga mahihina!
Sanay na naman akong may umaaway sa akin dahil sa magkapatid na Montecarlos na 'yon. Hindi lang naman ang mga iyon ang sinisiraan ako. Mayroon pang mas malala.
Sinabihan ba naman ako na kabit nang magkapatid sa harap nang madaming tao. Mabuti na lang talaga nandoon din si Ferry kung hindi nasapak ko na ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung naka-droga ba ang babae o nasiraan na siguro nang ulo dahil sa magkapatid.
“Tasia, ano na papayag ka na ba?” nagulat ako ng paglabas ko sa aking boarding house isang araw ay nakita ko si Nathan sa labas.
“Jusko, Nathan Keir Montecarlos, pati ba naman dito sa bahay ko?! Stalker ba kita?”
"Mananatili akong stalker mo kapag hindi mo pa rin tinatanggap ang alok ko,"
"Paano kung Maybe?" alanganin kong sabi. Hindi pa talaga ako sigurado kung papayag ako.
Nagkibit-balikat lang siya. “Yes or No lang ang sagot, Anastasia Nicole Alvarez.”
“No—" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ng bigla niya kong hinila.
“I'll take it as Yes!” sabi niya habang hila-hila pa rin ako papuntang sasakyan niya.
“Hoy, yung mga gulay ko!” sigaw ko.
Habang tinuturo yung mga gulay ko na naiwan sa harap nang king pintuan. Hindi ko pa nga sigurado kung nasarado ko ba ang pintuan nang aking bahay.
“Hayaan mo na 'yan diyan. Mas malaki ang kikitain mo dito!”
Wala na akong nagawa pa nung pinasakay na niya ako sa kaniyang sasakyan. Nung umakto akong lalabas ay dali-dali niya naman itong ini-lock bago tumakbo sa kabilang bahagi sa may driver seat at sumakay dito.
Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero ng lumipas ang mahigit kinse minutos na siyang nagda-drive at nang makita ko na ang isang malawak na rancho ay halos mapanganga na ako.
“B-bakit mo ako dinala dito?” gulat kong sabi.
Sumakit pa ang ulo ko dahil sa mga nakikita ko sa paligid. Ngayon lang ako nakapunta dito pero parang pamilyado na ako sa mga daan.
“Dito kana magtratrabaho simula ngayon.” Iyon lang ang naging tugon niya at nanahimik ulit.
Hininto niya ang sasakyan sa harapan mismo ng kanilang malaking mansyon. Napanganga ako ng pagkababa ko’y bumungad sa harapan ko ang malaking pintuan nito.
“Ang Ganda!” nasabi ko na lang sa sobrang mangha sa nakikita.
Ngayon lang ako nakakita nang tunay na mansyon na ganito kalaki. Ang nakikita ko kasi madalas ay sa Tv lang at minsan pa sa diyaryo.
“Nathan!” rinig kong sigaw ng pamilyadong boses hindi kalayuan sa amin.
Rinig ko rin ang sunod-sunod na padyak nang mga kabayo. Kaya nung lumingon ako ay nakita ko na si Nate na nakasakay sa kaniyang kabayo.
Ang gwapo niya talaga!
‘Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi ng makita itong nakahubad-baro lamang. Ang kanyang pawis ay nagsisihulugan sa kaniyang six packs na abs at ang kaniyang laging nakabagsak na buhok ay ngayon ay magulo na. Basa rin ito dahil sa kaniyang pawis. Ngayon lang ako nakakita nang lalaking pinapawisan pero ang guwapo pa rin.
Napahawak ako sa aking labi. Bakit parang bigla naman akong ginutom? Ang sarap namang ulam nito.
“Tasia?”
Pwedeng one time lang lord? Hulugan mo naman ako ng kanin dito oh, sayang kasi kapag tanggihan ang grasyang nakahain na sa harap mo.
“Tasia!”
“Ay, kanin na may ulam!” sigaw ko nang may biglang sumigaw sa tenga ko.
Sinamaan ko ito ng tingin at nakita si Nathan na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin nang masama.
“Bakit ba!” nangigigil kong sigaw sa lalaking matalim na namang nakatingin.
“Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot!” inis niyang sabi.
“Ah, kanina pa pala. . .hindi ko narinig.” Napakamot ako sa aking noo at napapahiyang tiningnan ulit si Nate na papalapit na sa amin at nakasuot na nang pangitaas na damit.
Sayang!
“Mukhang gutom kana Tasia, tara kain muna tayo.” Pag-iimbita niya sa akin.
Oo, Nate! Tapos ikaw uulamin ko!
Ikinabigla ko ang pagkuha niya sa aking kamay at paghila sa akin papasok sa malaking pintuan ng kanilang mansyon. Nakatingin lang ako sa kaniya. Mas pumula pa ang aking pisngi at sa palagay ko'y pati ang aking tenga dahil sa bigla niyang paglingon sa akin at ang pagngiti nang kay tamis.
Bakit ang hilig-hilig manghila ng magkapatid na 'to?!
“Hindi 'yan ang pinunta namin dito, Nate!” inis na sabi ni Nathan sa kapatid.
Rinig ko ang pagdadabog niya habang nakasunod sa amin dalawa nang kapatid niya.
“Hindi nga, pero baka maubusan siya nang enerhiya kapag nilibot na niya ang buong mansyon. Mabuti na ang sigurado tayo. Malayo pa naman ang clinic na pagdadalhan niya kapag nahimatay siya dito.” Tugon naman ni Nate habang pinagsisilbihan ako.
Tumawa ang magkapatid na ikinapula mismo ng pisngi ko. Ganun na ba ito kalaki para mahimatay ako habang nag-iikot? Baka mamaya maligaw ako dito!
“Tumigil nga kayong dalawa diyan, aalis talaga ako kapag hindi kayo huminto!” inirapan ko ang magkapatid.
“Sige nga kung kaya mo!” ani ni Nate.
“Baka nga paglabas mo pa lang ng Dining Area naligaw kana.” Dugtong naman ni Nathan na hindi na siguro mawawala ang pagtawa.
Madilim man at matatalim ang kaniyang mata habang sinusundan nang tingin ang kapatid niyang nagsisilbi sa akin pero tumatawa pa rin siya.
Natapos ang aming breakfast na sobrang kulit nang dalawa. Hindi ko inakalang may ganitong side pala sila kapag magkasama. Ang tanging problema ko lang sa dalawa ay lagi nila akong inaasar. Bawat subo ko at salita ay lagi silang may pangtama sa akin. Hindi pa sana ito matatapos kung hindi umalis si Nate para magtrabaho.
“So ang tanong sino nga ang babantayan ko?” tanong ko ulit kay Nathan ng winawala niya ang aming usapan kapag ito na ang itatanong ko.
“Ako.” Bumuntong-hininga siya at seryoso na akong tiningnan.
“Ikaw? B-bakit ikaw?!”
Malaki na siya at hindi na kailangang bantayan pa!
“Hindi mo naman talaga ako babantayan. Ang gusto ko lang ay ikaw ang kapalit nang PA kong kabuwanan na ngayon.”
“Ano?! Bakit ka pa nagsinungaling kung iyon lang naman pala ang kailangan mo!”
“Kasi baka hindi ka pumayag sa gusto ko.” Sumimsim siya ng juice sa baso niya.
“Talagang hindi ako papayag! Andaming babaeng nagkakandarapa sayo pero bakit ako pa!?”
“Kasi alam kong hindi ka mahuhulog sa akin. Na hindi ka yung tipong babaeng magkakagusto sa isang tulad ko.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi.
Buong oras ay naging pipe ako habang nakatingin sa kaniya na sinusulat at dinidikta lahat ng mga bagay na dapat kong gawin at kung saan siya laging nagpupunta ay dapat kasama ako. Ni isa wala akong naitindihan doon. Parang nanghihina ako habang nakatingin sa kaniya at pilit pinapasok sa isip lahat nang sinasabi niya.
Kahit ang pagsama sa akin ng mayordoma sa paglibot sa buong mansyon upang malaman ang mga patakaran dito ay naging tahimik ako at tanging tango lamang ang aking nasasagot.
Nasa isip ko lang buong araw ang sinabi ni Nathan. Hindi ko alam pero mayroon bumabagabag sa aking isipan sa mga salitang binitiwan niya na kahit kailan, hindi ako magiging sigurado.
Hindi ako sigurado kung hindi ko rin siya mamahalin tulad ng ibang babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด