logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 2

KABANATA 2
 
 
Maaga akong nagising kinabukasan kahit na pasado ala-una na kaming nakauwi ni Ferry sa boarding house. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan dahil sa magdamag na sinusundan ang isang waitress kung paano ang mga tamang gagawin kapag nagtratrabaho nakami sa bar.
Madalian akong naligo at nagbihis. Ingat na ingat akong hindi sumobra ang oras ko dito sa bahay dahil marami pa akong dapat gawin ngayong araw.
Una, magbebenta pa ako ng mga gulay. Pangalawa, ay maghahanap pa ako ng bagong trabaho. Hindi pwedeng ang magiging trabaho ko lang ay doon sa bar na iyon. Kailangan ko ng mas malaking kita. Higit pa sa kikitain ko doon sa bar. Yung kaya para hindi na ako maglako ng mga gulay. Yung kaya na akong pakainin ng deretso, tatlong beses sa isang araw.
“Uhy, Tasia!” napangiti ako ng kawayan ako ng Ate ni Ferry na si Ate Shol. Tindera sa palengke ang kaniyang Ate kapag umaga at trabahante naman sa isang pabrika kapag gabi.
“Ate Shol!” sigaw ko at lumapit sa kaniya. Ibinaba ko ang aking mga paninda sa bakanteng lamesa bago siya hinarap nang deretso at nakangiti. “Bakit niyo 'ko tinawag, Ate?” tanong ko agad at hinubad ang suot na sombrero at iyon na mismo ang ginamit pangpay-pay sa pawisan kong sarili.
“Huwag ka nang maglako. Ilagay mo na lang ang mga paninda mo sa harapan at tulungan mo na lang ako dito!” sabi niya habang nagsusukli sa babaeng bumili sa kaniyang panindang gulay.
“Hala, Ate sigurado ka ba diyan?” gulat kong sabi. Hindi makapaniwala sa inaalok niya sa akin. Kay gandang biyaya!
“Oo, kaya bilisan mo na para mabenta!” napapalakpak na lang ako at nakangising inayos ang mga gulay ko sa katabing mga gulay ni Ate.
Habang nagbibilang ako ng mga talong ay biglang nag-ingay ang mga nasa kabilang tindahan dahil sa may biglang dumating. Naki-isyoso ako doon at tiningnan kung anong nangyayari. Halos mapairap nalang ako ng makita ko kung sinong dumating at bakit iba ito pinagguguluhan nang halos lahat nang kababaihan dito sa palengke maliban sa akin.
“Naku naman hijo, hindi ko inakalang ikaw pa ang nagdala ng mga 'yan. Nasaan ba si Jose at ikaw pa talaga ang pinapunta dito?” ani ng Ale at may pasimpleng hampas pa kay Nathan.
“Pinapunta ko po kasi silang lahat sa Rancho upang tumulong kay kuya Nate dahil maraming kabayo ang dumating galing ibang bansa at sa pagpipitas na rin ng mga Mangga. Wala rin naman pong magdadala kaya ako na lang po.” Nakangiti nitong ani.
Halos maka-ihi naman sa sobrang kilig ang mga dalagang nakikiisyoso din. Bumalik na ako sa aking pwesto at nagsimula na ulit bilangin ang mga ito.
“Nathan, aalis kana ba, pwede ihatid mo rin ako?” malanding sabi ng isa.
“Baby Nathan, Ako rin!”
“Saan ka mamaya, gusto mo dinner tayo?”
“Ang aga-aga pero ang kati-kati na nang paligid. Hay nako, wala talagang pinipiling lugar ang mga makakati!” parinig ko sa kanila.
Hindi naman talaga ako tutol sa kanila. Kahit ilan pa ang makasama ng warfreak na iyan ay wala pa rin akong pake. Pero nang dahil sa kaingayan nila ay mas lalong napapabagal ang trabaho ko dito.
Kanina pa ako paulit-ulit sa pagbibilang dahil imbes numero ang pumapasok sa isip ko. . .mga malalanding salita na lang na nanggagaling sa mga bastos nilang bunganga!
“Ano na naman problema mo, Miss Panget?” nakataas ang kilay niyang sabi at humalukipkip.
Kitang-kita na tuloy ngayon ang kaniyang mga kalamnan sa braso. Hapit na hapit ang kaniyang suot na kamiseta sa kaniyang katawan kaya mas lalo lang naglalaway ang mga kababaihan. 
“Ako ba kausap mo mahal na hari?” balik kong tanong sa kaniya.
“Ahy hindi! Yung aso, total naman mukha kang aso!” pambabara niya sa akin na tinawanan ko lang imbes na mainis.
“Atleast may kamukha kaysa naman sayo, wala ka ngang kamukha pero mabaho naman ang hininga, pwe!”
Mayabang ko siyang nginisihan bago iniwas na ang paningin sa nakakasuka niyang pagmumukha. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pagbibilang. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
“Bakit ka ganiyan?” bulong niya sa akin.
Hindi pa siya nakuntento sa distansiya namin. Mas nilapit niya pa ang kaniyang mukha sa gilid nang aking mukha na katapat lamang nang aking tenga at doon mismo bumulong.
Kahit na paulit-ulit siyang tinatanong at kinukulit ng mga babaeng nakapaligid sa kaniya ay ako pa rin itong pinapansin niya kahit pa hindi ko siya kinakausap.
“Anong ganiyan?” binalewala ko ang kaniyang lapit kahit na nakikiliti na ako sa bawat dampi nang kaniyang hininga sa aking balat. Amoy na amoy ko ito kaya talagang binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Sobrang bango, amoy mint.
“Bakit ang init ng ulo mo sa akin. Ikaw na nga ang sumuntok sa akin kagabi sa harap nang maraming tao tapos ikaw pa may ganang awayin ako.”
Sa pagkakataong iyon ay hinarap ko na siya.
“Wala ka nang pake kung anong klaseng pakikitungo ang ipapakita ko sayo, basta naiirita ako kapag alam kong nandyan ka na pati 'yang mga babae mo!” sigaw ko sa kaniya.
 “I think I know the reason why are you like that to me. . .are you jealous, Tasia? Gusto mo ba nasa sa'yo lang atensyon ko. Gusto mo ba ikaw lang ngingitian ko. . .hmm?” Napaawag ang aking labi at wala sa sariling naitulak siya dahil sa pagkabigla.
Namumula ko siyang tiningnan gamit ang dalawang nanglalakihan kong mga mata. Ang kapal nang mukha! Ako magseselos?! Hinding hindi ako magseselos dahil lang sa isang tulad niya! Never!
“Ang hangin mo rin e nuh!” dahil sa pagtulak ko'y tuluyan na siyang napaupo sa maruming sahig. Tinulungan siyang makatayo ng mga babae niya. Masasama ang tingin nang mga ito sa akin, na para bang isang galaw ay patay na ako.
Tusukin ko mga mata nila diyan e!
“Bakit ganiyan mo 'ko itrato, Boss mo ko ha!” gigil niyang sabi. Pinagpagan niya ang sarili.
“Oo, Boss kita pero kung nasa bar. Kaya pasensya na, god bless!” inirapan ko siya.
Tinanggal niya ang mga kamay ng babaeng kumakapit sa kaniyang katawan at inisang hakbang ang pagitan namin. Napaatras ako dahil sa biglaan niyang kilos.
“Kahit kailan talaga hindi ka matatakot sa akin pwes simula ngayon, I will make you pay!” nangagalaiti niyang sabi habang nakatutok sa aking mga mata ang kaniyang mga mata na puno nang galit.
“Sige lang. . .”
Napabuga ako ng malalim na hininga ng tuluyan na siyang makaalis ng palengke. Dahil sa naging away namin ni Nathan ay pinagkainitan tuloy ako ng mga babae at kahit sa aming boarding house ay naging usap-usapan ako.
Ako pa talaga ang naging masama, kahit ang war freak na iyon ang nagsimula!
Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Para tuloy akong pinatungan ng ilang sako ng bigas dahil doon. At dahil hindi natuloy ang plano kong maghanap ng trabaho kahapon dahil sa nangyari ay binalak ko na lang ngayon na maghanap.
Pumunta ako sa palengke at pinaiwan ko muna kay Ate Shol ang mga paninda kong gulay. Binayaran na lang niya ako ng sakto para ang magiging kita ng gulay ay sa kaniya mapupunta. Pumayag na lang ako para naman mayroon akong pamasahe at pangkain habang naghahanap ng trabaho.
Naglakad lang ako hanggang kanto bago sumakay sa bus papuntang bayan. Bumaba ako sa may maraming maliliit na vendor at doon binalak magumpisa nang maghanap ng trabaho. Pinuntahan ko ang isang malapit na grocery store. Agad na akong lumapit sa isang cashier na wala masyadong tao na lumalapit.
“Nandito po ba ang manager niyo?” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago masungit na tinuro ang isang pintuan na sa tingin ko'y naroon ang kanilang manager.
“Nasa loob,” Tipid na sabi niya sabay turo niya sa isang pintuan.
“Salamat po,” Hindi na niya ako pinansin pa at nagpatuloy na sa pag-asikaso ng isang customer sa harapan niya.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan. “Pasok.”
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pintuan ay nagsalita na ako.
“Hello po, ako po si Anastasia Nicole Alvarez, mag-aaply po sana-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla na siyang sumingit.
“Walang bakante,”
“Kahit pagbubuhat lang po ng karton o sako ng bigas. Kayang-kaya ko po!” pangunggumbinsi ko sa kaniya.
“Wala nga! Busy akong tao. Hindi ko kailangan 'yang pagmamakaawa mo!” huminga ako ng malalim at tumango na lang bago lumabas na sa silid na iyon.
Siguro naman marami pa namang mga store na pwede kong pag-applyan! Oo tama, marami pa. Hindi pwedeng dito na lang ako tumigil dahil lang sa hindi ako natanggap.
“Fighting!” ani ko.
Nagsimula na ulit akong maghanap ng trabaho. Ginugol ko ang ilang oras na iyon sa paglalakad para lang makahanap ng mas matinong trabaho. Pero lahat ng fighting spirit ko'y unti-unti nang nalusaw ng umabot na lang ng alas-kwatro imedya sa hapon na hindi pa rin ako natatanggap. Kahit sa pagiging vendor ay hindi pa rin! Lahat sila tinanggihan ako!
“Ano ba 'yan, malapit nang maubos ang pera ko hindi pa rin ako nakakahanap!” gigil kong sabi at napakamot na lang sa noo.
Habang papatawid ako sa kalsada'y biglang may humablot sa aking pitaka. Nagulat ako at hindi nakagalaw nung una pero nang mapagtanto ko ang nangyari ay nagtatatakbo ako pahabol doon sa magnanakaw.
“Tulong!” Sigaw ko.
Paulit-ulit ko lang iyong sinisigaw habang sinusundan ang magnanakaw. Mayroon na rin naglakas loob na tulungan ako pero nang mapagod dahil sa sobrang bilis tumakbo ang magnanakaw ay huminto rin at hindi na tumulong pa. Hingal na hingal akong huminto saglit habang nakatingin sa magnanakaw na nakalayo na.
Nanlakihan ang akin mga mata at napanganga ng biglang may sumulpot na kotse sa harapan ng magnanakaw dahilan kung bakit napasubsob ito doon. Lumabas ang may-ari nun kaya nilapitan ko na silang dalawa. Kinuha ko sa kamay nang magnanakaw ang aking wallet at hinampas ito sa mismong mukha niya.
“Kaaawaan sana kita pero hayop ka! Pinatakbo mo pa ako ng ilang metro!” sigaw ko habang hinahampas pa rin ang magnanakaw.
“Aray ko, Aray! Sorry na Miss!”
“Walang sorry-sorry!” hinampas ko nang mas malakas ang lalaki bago hinarap ang may-ari nang sasakyan.
“Salamat nga pala—" napatigil ako ng makita kung sino iyon.
“You owed me a lot, Miss Alvarez.” Nakangiting asong sabi ni Nathan.
Miss Alvarez? “Paano mo nalaman apelyedo ko?!” ani ko.
“Nag-apply ka diba.” Napagtanto kong ang punto niya ay ang pag-aaply ko sa kanilang Bar.
Tumango lamang ako. Tiningnan ko ang magnanakaw kung nasa likod ko pa ba pero nang makitang nakatakbo na'y muli kong hinarap si Nathan.
“Alis na ako,” tumango pa ako ng isang beses pa bago tumalikod pero agad niya akong hinarangan.
“May utang ka pa sa akin 'di ba?” nakataas kilay niyang sabi.
Inilabas ko muli ang aking pitaka at nilabas dito ang bente pesos na naiwan. “Ito oh,” nagulat siya sa pinakita ko.
“Seriously, tumakbo ka nang ilang metro para lang sa bente pesos! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Nakanga-nga niyang sabi. Galit na naman.
Tamad ko siyang tiningnan.
“Mahirap kami, kaya kahit piso pa 'yan mahalaga pa rin sa amin. Hindi kami katulad sa inyo na mayayaman, na kahit manakawan nang isang libo okay lang kasi marami pa kayong pera sa bangko. Kaya kung ayaw mo itong tanggapin bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako, maghahanap pa ako ng trabaho.” Bumuga ako ng malalim na hininga bago siya nilampasan.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang sumigaw siya. “May trabaho akong iaalok sayo!” pasigaw niyang sabi.
Muli, napahinto niya ako sa pamamagitan ng kaniyang mga salita. Hindi ko alam anong binabalak niya pero sa tono pa lang ng kaniyang boses ay parang may masama na siyang pinaplano sa akin. May pakiramdam akong maganda ang magiging alok niya pero nararamdaman ko rin na hindi siya seryoso sa mga sinasabi. Masamang damo siya! Hindi dapat ako basta-bastang nagtitiwala sa mga katulad niya.
Baka pala, isa lang ito sa mga pakulo niya upang makapaghiganti sa akin. Malay ko rin bang sinadya niyang tulungan na lang ako sa magnanakaw kanina dahil akala niya magiging daan ito upang makapaghiganti siya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด