logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 1

KABANATA 1
 
Nang makaalis na ang bwesita kong kaibigan ay agad na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagluto na ako para sa kakainin ko mamayang tanghali at gabi. Ganito ang takbo ng buhay ko. Laging wala ako sa bahay dahil inilalaan ko ang buong oras ko sa pagtratrabaho para magkapera. Kahit anong trabaho, nasubukan ko na. Kahit pagiging mangangalakal, pinatulan ko na para kumita. Kung ano man ang hindi ko pa nasusubukan, siguro iyon ay ang pagbebenta ng katawan na tinutukoy ng kaibigan ko kanina.
Hinding-hindi ko ipagpapalit ang katawan ko para lang sa pera. Kaya kong tiisin ang gumapang sa putikan kaysa ang ibenta ang alin mang parte ng aking katawan.
Habang nagpapahinga naalala ko tuloy ang kaninang sumagi sa isip ko dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. May kinalaman ba ito sa pamilya ko at kung sino ba talaga ako o isang imahenasyon lamang ito na binuo nang isip ko? Pero imposibleng mangyari iyon. Sa dekadang nanirahan ako sa ampunan, ni isang pamilya walang lumapit sa akin para lamang sabihin kung ako ba ang hinahanap nilang anak. Walang humanap sa akin na pamilya. Walang kamag-anak ang kumuha sa akin doon. Siguro, wala na talaga akong pamilya. Nag-iisa nalang ako ngayon sa mundong ibabaw.
Bandang ala-sais nang gabi na nang magising ako mula sa malalim na pagtulog. Hindi ko inakalang aabutin ako ng ilang oras sa pagpapahinga lang. Nasayang na lang tuloy ang ilang oras na dapat inilaan ko sa pagtratrabaho. Tumayo na ako sa duyan na kinahihigaan ko bago ako pumasok ulit sa aking boarding house para kumain. Kakasimula ko pa lang kumain nang saktong pumasok ang isa ko pang kaibigan na si Ferry.
 Si Ferry Zade Javier o mas kilalang Ferry ay isang masipag na anak ni Aling Hena. Anak siya ng landlord namin kaya kahit na gabihin man ako sa pagtatrabaho ay mayroon pa rin magbubukas sa akin nang gate para papasukin ako.
"O, Ferry mabuti naman at nandito ka na!" matamis siyang ngumiti sa akin na halos ikalaglag ng aking panty. . . este panga.
"Dinalhan kita ng gulay para naman may enerhiya ka bago tayo pumasok sa trabaho." Kuryoso kong tiningala siya mula sa aking kinauupuan.
"Saan nga ba ang raket na papasukan natin?" tanong ko. Tumayo ako para makuhanan siya ng pinggan, kutsara, at baso ng makitang nag-uumpisa na siyang magpapak ng ulam na niluto ko. Sumubo muna siya bago siya sumagot.
 "Bar. . ." sabi niya sa gitna ng pag-nguya ng pagkain.
"Ano?!" Bar!  Halos mapatayo na siya mula sa kaniyang kinauupuan ng bigla akong sumigaw.
"B-bakit?" nagtaka siya sa aking kinilos.
"Seryoso ferry, ako? Papupuntahin mong bar? Baka nasa entrance pa lang ako, tawagin na akong bata!" singhal ko dito. Doon na siya tumawa ng malakas. As in sobrang lakas, na akala mo siya lang ang tao dito sa mundo.
"Huwag mo ngang laitin sarili mo, Tasia. Hindi ka pandak, sadyang maliit ka lang tingnan kapag kami ang kasama mo." Napasimangot ako ng guluhin niya ang buhok ko.
"So, sinasabi mo bang hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan para magmukha na akong matangkad?"
"H-ha? Mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko!" namutla siya at halos hindi na malaman ang dapat na gagawin dahil sa sinabi ko.
 Nagtatanong lang naman ako sa kaniya pero bakit parang sineryoso niya?
"Kumain na nga lang tayo!" hinila ko ulit siya pabalik sa kinauupuan niya bago ako umupo sa upuan ko at nagsimula na ulit kumain.
Nang matapos na kami sa pagkain ay umalis na rin naman kami agad. Nang masigurong nalinis na namin ang aming mga pinagkainan at natanggal na ang mga kuryenteng pwedeng makasanhi ng sunog. Mahirap na. Sa sobrang layo ng aming bahay sa mismong syudad ay kailangan pa naming sumakay ng dalawang beses. Una ay sa bus at ang pangalawa ay sa tricycle, pagkababa namin sa sinasakyan naming tricycle ay bumungad na agad sa akin ang hindi pamilyar na bar. Sobrang daming tao ang narito at halos lahat sa kanila ay dumadating na may mga mamahaling sasakyan at kasuotan. Kaya tuloy nang pagbaba namin mismo sa harapan ng bar ay pinagtitinginan kami ni Ferry.
"Magkano bayad, manong?" tanong ko sa driver.
"One hundred per head." Sabi nito na nanatiling nakatingin sa mga taong paparito at paroon.
"Ano? Ang mahal naman!" reklamo ko. Nang dahil sa pagrereklamo ko'y sa pagkakataong iyon ay napatingin na sa amin ang tricycle driver.
"Ganun talaga ang bayad papunta dito!" sigaw niya.
"Dinadaya niyo naman kami na hindi taga rito e!" sigaw ko. Akmang bwebwelta rin pabalik ang tricycle driver nang pumagitna na si Ferry sa amin. Natatawa niya akong inilagay sa kaniyang likod.
"Manong, ako na lang po magbabayad para sa aming dalawa, pasensya na ho!" inabot niya agad sa driver yung bayad, na kinuha naman agad ng huli. Nang makaalis na ito ay agad ko namang hinarap si Ferry at walang pasabing sinapak ito.
"Pabida ka!" singhal ko dito. Napakamot naman siya sa kaniyang braso na sinuntok ko.
"Kaysa naman sayo na puro putak, Quack!"
Quack?
"Hoy, bawiin mo sinabi mo!" sinundan ko siya papasok sa bar. Huminto muna kami saglit para ipa-check ang binigay na I.D ng Manager ng bar.
"Quack." Ulit niya pa.
"Tsk. Bwesit ka talaga sa buhay ko." Nabigla na lang ako ng akbayan niya ako at ginamit ang kaniyang palad upang patahimikin ako sa pagsasalita. Pagtingin ko sa harapan ay halos malula ako sa aking nakikita.
Sobrang daming tao. Sobrang daming mga babae at lalaking sumasayaw sa gitna. Nahilo ako agad dahil sa samo't saring ilaw na gumagalaw sa buong bar. Hinila ako palapit ni Ferry sa kaniya ng malapit akong mabangga ng mga lalaking pasuray-suray sa sobrang kalasingan.
Nabigla ako sa kaniyang inasta hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Doon ko lang nalaman na nakatingin din pala siya sa akin. Sa sobrang lapit niya ay halos makabisado ko lahat ng nunal sa gilid nang kanyang mga mata. Napatayo ako ng tuwid nang may tumawag sa kanyang pangalan. Napatingin din siya sa aming harapan.
"Boss!" sumaludo si Ferry sa lalaking papalapit sa amin. Doon na ako nabigla ng makitang iyon pala ang chinitong malapit makabangga sa akin kanina.
"Miss gulay!" gulat niyang sabi. Napanguso ako.
"G-gulay. . ." halos mamula na ako sa kaniyang sinabi.
Bakit Gulay? Ang ganda ng pangalan ko pero iyon ang naisip niyang ipangalan sa akin.
"Anastasia ang pangalan ko hindi gulay." Ani ko habang nakangisi na pero nawala lang iyon ng balewalain niya lang ang sinabi ko.
"Girlfriend mo Ferry?" tanong niya kay Ferry.
"H-hindi boss." Iling at nahihiyang sabi ni Ferry.
"Boss? So ibig sabihin ikaw ang boss namin?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at malambing akong nginitian.
"Pwede rin ako kung ako ang nandito pero ang totoong may-ari nito ay yung kapatid kong si Nathan." May dumaang waiter at kumuha siya doon ng tatlong inumin at binigay sa amin. Inaya niya kami papuntang sofa at doon namin pinagpatuloy ang aming pag-uusap.
"Naku boss, hindi pa nga kami nakakasimulang magtrabaho pero pinapainom niyo na kami dito." Nahihiyang sabi ni Ferry. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Nandito kami para magtrabaho, hindi para maging guest mo." ani ko naman.
Tumawa ng kay lakas si Mr. Gwapo na boss na namin ngayon. Napatingin tuloy ang mga babaeng magaganda sa kaniya at tiningnan siya ng puno ng paghanga. Sa isang tawa niya nakuha niya na agad ang atensyon ng mga babae. Paano pa kaya kung sila naman ang tingnan ni Mr. Gwapo sa mata, baka lumuwa na ang mga mata nila sa sobrang pagtutok.
"Bago iyon pag-usapan muna natin ang magiging trabaho niyo dito." Tumigil siya saglit sa pagsasalita dahil may bumulong sa kaniyang isang tauhan niya.
Tumango lang siya bilang tugon. "Si Ferry ay magiging isa sa mga waiter, Ikaw Miss gulay, sa kitchen ka o kaya magwa-waitress din. Kadalasan kasing nakukulangan kami ng mga empleyado. Ang iba kasing pumapasok, ang habol lang ay yung kapatid kong babaero kaya napapaalis agad sila dito."
Grabe naman iyon. Hindi na lang sana sila nagtrabaho dito kung ganiyan din naman pala. Hindi naman diyos yung kapatid ni Mr. Gwapo.
"Mabuti na lang iba ako sa kanila." Napatigil ako sa pagsasalita ng may mapagtanto. "Yung sinasabi niyo po bang kapatid mo e yung malditong kasama niyo kanina?" napatawa ulit siya.
"Oo, siya si Nathan Keir ang boss dito at ako naman si Nate Kierron Montecarlos ang co-owner ng bar. Pagpasensyahan mo na si Nathan, kadalasan talaga, mainit ang ulo niya." Kasabay ng pagtigil niya sa pagsasalita ng biglang sunod-sunod ang pagkabasag ng mga gamit ang narinig namin mula sa malayong bahagi ng bar. Sabay-sabay kaming napatayo at lumapit sa mga taong nanggugulo.
Nakita ko ang isang lalaking nakaibabaw sa isang lalaking nakasalamin at sunod-sunod itong pinagsusuntok. Halatang walang laban ang lalaking sinusuntok nito. Paulit-ulit man itong umiiling pero hindi pa rin ito tinitigilan nang lalaki. Walang nagtangkang umawat sa lalaking iyon kaya hindi ko na napigilang lapitan sila. Sinubukan pa akong pigilan ni Ferry at Sir Nate pero hindi pa rin ako nagpapigil. Nang tuluyan na akong makalapit ay hinila ko sa kwelyo mula likod ang taong sumusuntok sa lalaking kawawa na ang mukha. Pagkaharap pa lang sa akin nang lalaki ay sinuntok ko na agad ito sa mukha.
"Oh shit!" rinig kong ani ni Sir Nate at nang mga tao doon.
Sigurado akong proud na proud siya sa akin ngayon.
Natahimik ang buong lugar dahil sa ginawa ko. Hinihingal kong binitiwan ang lalaki na ngayon ay nababakas na sa kaniyang mukha ang pagkabigla at galit. Akmang tatalikod na ako ng biglang may marahas na humila sa aking braso.
"Who the fuck are you!?" galit niyang sigaw.
"E, ikaw sino ka sa tingin mo para makipagaw-" gustong-gusto ko nang lamunin ng lupa at doon na mismo malibing ng buhay ng makilala ko kung sino iyong taong nasuntok ko.
"IKAW!" sabay naming sigaw habang nakaawang ang aming mga bibig. Naramdaman kong lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin kaya ginawa ko iyong oportunidad upang maka-alis sa kaniyang mahigpit na hawak.
Umatras ako sa kaniya ng ilang hakbang. Naramdaman ko namang may humawak sa aking dalawang balikat na ikina-hugot ko nang hininga. Akala ko ibang tao iyon pero nang lingunin ko'y si Sir Nate lang pala'y halos yakapin ko na siya sa sobrang takot. Para nang liliyab ang kapatid niya habang galit na nakatingin sa akin.
"Bro, hayaan mo na. Ako nalang bahala sa kaniya." Itinago niya ako sa likod niya bago masinsinang hinarap ang kapatid.
"Ikaw ba nagpapasok sa panget na 'yan?!" galit niyang sabi.
"Oo, ako. Isa siya sa mga bagong empleyado dito kaya naman hayaan mong ako mismo ang makipag-usap sa kaniya."
"Empleyado?" tumawa siya at tiningnan ako. "Sorry miss pero ngayon palang sinesesante na kita!"
"Nathan." May babalang sabi ni Sir. Nate. Napairap na lang sa kawalan si Nathan bago tumalikod sa amin at padabog na kinuha ang mga gamit niya mula sa isang sofa at lumabas na nang bar.
"Babe, wait!" rinig kong sigaw ng isang babae.
Nandoon lang sana ako sa dancefloor magdamag kung hindi lang ako hinila nang mga kasama ko. Pinagtulungan nila ako sa paghila upang tuluyan na kaming makabalik sa sofa. Sobra pa ang paglalanta ko sa isang gulay na nabubulok.
"Bakit mo naman ginawa iyon, Tasia!" frustrated na sigaw sa akin ni Ferry nang makaupo na kami sa sofang inuupuan namin kanina.
"Nadala lang," halos pabulong kong sabi. Hindi pa rin makapaniwala sa nagawa.
"Nadala? Pera na sana e, magiging bato pa!" sigaw ulit niya.
"E, kasi nakakabwesit. Halatang walang kaya sa kaniya yung lalaki pero nakikipag-away pa rin siya doon. At saka, hindi ko naman alam na yung kapatid pala iyon ni Sir. Nate." Napahilamos na lang siya sa kaniyang mukha. Habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"It's okay, I can talk to him na patawarin ka niya. May kasalanan din naman kami sa iyo kaya alam kong maaayos din ito." singit ni Sir Nate. Sinabi niyang okay na pero para sa akin hindi pa.
"Sorry po talaga Sir Nate!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.
Natataranta na ako dahil baka hindi na ulit kami pabalikin dito sa bar. Malaki pa naman ang suweldo dito.
Tumawa siya. "Okay lang,"
 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด