logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

'Di Rin Pala Habambuhay

'Di Rin Pala Habambuhay

Akdanimakata


SIMULA

SIMULA
 
Ang unang kabanata ng aking kwento ay hindi katulad sa mga prinsesa sa palasyo. Hindi rin ganun kaganda ang disenyo ng mga damit ko pero natuto akong mag-ipon para lang sa kinabukasan ko. Wala na akong pamilya, nagising na lang akong nasa isa na akong bantay bata. Hindi naman naging mahirap ang buhay ko doon dahil pinalaki naman ako ng maayos ng mga bantay doon, lalo na si Sister Sarah. Kung tutuusin pwedeng doon na lang ako sa kanila hanggang sa mamatay ako pero hindi e, kailangan kong iahon ang sarili ko sa kahirapan. Nang mag-isa.
“Anastasia Nicole!”
Idinilat ko ang aking mga mata dahil sa sunod-sunod na ingay nang isang katok mula sa labas ng aking kuwarto. Napatingin ako sa aking kalendaryo at napakamot sa aking batok ng makitang tig-bayad na naman pala ngayon. Mababawasan na naman ang mga naipon ko sa buwang ito.
Ako si Anastasia Nicole Alvarez, isang dalagang nabuhay ng walang kasama. Isang dalagang pinangarap ang maahon ang sarili sa kahirapan. Isang dalagang pinangarap ang mabuhay nang mala-prinsesa pero ang binigay ay isang mala-aliping buhay. Ang buhay na minamaliit nang karamihan.
Bitbit ang aking mga panindang gulay ay lumabas na ako sa aking maliit na boarding house. Doon nadatnan ko ang may-aring kanina pa kumakatok. Hinanda ko na ang aking tenga dahil alam kong sasabak na naman ako sa gyera—gyerang ala'bunganga.
“Bayad!” bungad niyang sabi habang nakapamewang.
Napakagat ako sa aking mga labi at nginitian siya ng matamis. “Naku naman Aling Hena, kay aga-aga nambubulabog ka na. Ayan tuloy, nagkaka-wringkles ka na, tatanda ka talaga nang maaga niyan!”
“Hindi ako madadaan sa pa-ganiyan, Anastasia! Ilang beses na kitang sinabihan, ilang beses na kitang pinaalalahanan. Kaya ibigay mo na sa akin ang bayad mo!” sigaw niya.  
“Alam mo namang ikaw ang pinakamagandang land owner para sa akin e, kaya huwag ka nang magmaldita!” niyakap-yakap ko pa ang kaniyang braso at sinabihan siya ng mga magagandang salita para mas lalo siyang makumbinse.
“Hindi ako naniniwala!” nandyan na naman ang matinis niyang boses.
“Hindi rin naman kasi kapani-paniwala,” Bulong ko.
 “Anong sabi mo?!”
“Ang sabi ko po maniwala kayo sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo. Kasing ganda mo ang araw, nagliliwanag ka kapag nasisinagan. Kaya kung ako sayo Aling Hena, maging mabait na kayo sa akin para mas lalo kang gumanda sa paningin.”
“Talaga ba?” kumunot ang kaniyang noo. Halatang pinagiisipan ang aking mga sinabi.
“Oo naman, Sige ka kapag pinagpatuloy mo 'yan mas lalo lang lalaki ang guhit diyan sa noo mo.” pangungunsensya ko sa kaniya.
“Hala, Sige na nga hindi na ako maniningil sayo ngayon pero next week dapat makabayad kana ha!”
Bumitaw ako sa kaniya at nginitian siya ng malaki. “Talaga Aling Hena?!”
“Oo, sige na sige na. . .aalis na ako, baka malate pa ako sa trabaho ko!” nang mawala na siya sa paningin ko'y agad nagliwanag ang mukha ko.
“Yes!” pault-ulit kong sigaw.
Ang totoo niyan, wala talaga akong pambayad. Ang naipon ko ay para lang iyon sa pagkain ko. Nabawasan pa dahil sa mga utang nang kaibigan ko. Binaba ko muna ang aking mga paninda at ni-lock ang aking boarding house. Kahit alam kong wala rin naman silang makukuha doon. Mahirap lang ako, iyon ang dapat tandaan nila.
“Gulay, Gulay kayo diyan!” sigaw ko, habang naglalako ng gulay.
“Maganda at fresh galing garden ang mga paninda ko, katulad ko!”
“Ali, petchay gusto niyo?” umiling lang ang taong nilapitan ko.
Agad naman akong lumapit sa may tindahan, kung saan nakatambay ang mga babaeng kulang na lang maghubad sa sobrang ikli ng mga damit nila.
“Kamote girl, pangpawala ng kati!” sabay-sabay nila akong sinamaan ng tingin at nang akmang papalapit na sila sa akin ay dali-dali na akong lumayo doon.
Pagod akong umupo sa gilid ng kalye, halos isang oras na rin akong naglalakad pero iilan lang ang bumili. Gutom na gutom na rin ako. Wala pa akong kain mula nang umalis ako sa boarding house kanina. Binuksan ko ang aking tubig na dala para mawala ang uhaw. Halos maubos ko na rin ito.
Nang matapos ay napagdesisyonan ko nang maglako ulit nang mga gulay. Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang biglang may humarurot na kotse paderetso sa akin. Naglakihan ang aking mga mata at nawala ako sa sarili. Hindi ko man lang nagawang igalaw ang aking mga paa para iwasan iyon. Kasabay ng mga sigawan ay ang pagbalot sa akin ng isang ala-ala.
“Mom, saan tayo pupunta?”
“Sa papa mo. Nasa rancho daw sila, may kainan kasama ang mga kaibigan niya.” Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Tanging katawan lang at ang pamilyar nilang mga boses.
“Talaga? Pwede po ba akong makipaglaro kay keir?”
“Sure, honey.”  Nakangiting nilingon ng babae ang kaniyang anak.
“Mommy, may sasakyan!” Kitang-kita ko kung paanong nawala ang ngiting iyon ng makita ang sinisigaw ng kaniyang anak.
“Seatbelt, hon!” Tarantang nilagay ng bata ang kaniyang seatbelt pero hindi pa man naila-lock ito ay nabanga na ang kanilang sinasakyan at gumulong pababa ang kanilang sinasakyan sa isang bangin.
“Miss, okay ka lang ba?” Napahugot ako ng aking hininga at bumalik ako sa aking katinuan ng maramdaman ko ang isang tapik sa aking mukha.
Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko ang isang lalaking may pag-aalalang ekspresyon. Nasa bisig niya ako habang tinitingnan kung may mga sugat ba ako sa aking katawan. Bumangon ako mula sa kaniyang bisig.
“Okay lang ako, salamat,” Kumunot ang aking noo ng wala na sa aking tabi ang mga paninda ko. “Nasaan na mga paninda ko?!” sigaw ko.
Ganun na lang ang gulat ko ng pagharap ko sa may kalsada ay latang-lata na ang mga paninda kong gulay at napailaliman ito ng isang sasakyan na sa isang tingin ay halatang mamahalin. Napatakip ako sa aking bibig.
“Anong ginawa niyo!” sigaw ko at yumuko para kunin ang mga nasayang kong gulay.
“Sorry miss, hindi namin sinasadya!” Sabi ng lalaking may hawak sa akin kanina. Sinubukan niya pa akong hawakan sa braso at pigilang pulutin ang mga gulay ko pero tinapik ko lang ang kaniyang kamay.
“Hindi ka kasi tumatabi, alam mong dadaan kami!” singit ng isang maangas na lalaki na sa tingin ko'y kasama niya.
“Hoy mister, ako pa ngayon ang may kasalanan! Kayo nga yung pagewang-gewang magmaneho. Tapos ako pa ngayon! Saan hustisya doon?!” sigaw ko at dinuro-duro pa siya.
“Miss, sorry talaga. Kasalanan talaga namin ng kapatid ko, Babayaran na lang namin ang mga gulay. Magkano ba ‘yan lahat?” sabi naman nung mabait.
Magkano nga ba? Hindi ko na yan nabilang e?
“Two thousand.” Sabi ko agad at inilahad sa kaniya ang aking kamay. Naku pambayad na din ‘yan sa renta ko kay Aling Hena!
“Two thousand? E ang mumura lang yang mga gulay mo ah! Ano yan, ginto?!” singit ulit ng maangas na lalaki.
“Oo ginto ‘yan. Kaya kung ayaw mong lumobo yang bibig mo, tumahimik ka!” tugon ko at inirapan ito.
Napatawa naman ang kapatid niya bago may kinuha sa sasakyan. Nang makabalik na siya sa amin ay dumukot na siya ng pera sa wallet niya at inilahad na ito sa akin.
“Ito na miss, sorry talaga ha. Kung may masakit sayo pwede ka naming dalhin sa clinic ng pinsan namin.”
Kinuha ko ang inaabot niya na pera at agad itong binulsa. “Huwag na, tama na yung sorry mo para mapatawad kita.” Nginitian ko ito ng matamis.
“Tsk, Pabebe.” Automatikong nahiwalay ang paningin ko sa gwapong chinito at lumipat ito sa maangas na lalaki.
“Panget!” Inirapan ko ito.
“Ako, panget?!” nagpupuyos sa galit niyang sabi.
“Oo, bakit hindi ba? Kanina pa nga akong sukang-suka sa pagmumukha mo e,” Muli ko siyang inirapan at humarap na ulit sa gwapong chinito. “Mr. Gwapo, aalis na ako ha. Salamat ulit!” nakangiti kong sinabi.
“W-walang anuman,” Namumula siyang umiwas ng tingin sa akin.
Tinalikuran ko na silang dalawa at pinulot na ang basket at bilao kong lumipad dahil sa pagbangga na naganap. Bitbit ang mga ito ay umuwi na ako sa aking boarding house. Nagtaka ako ng makitang bukas na ito. Sa pagkakatanda ko’y inayos ko namang mabuti ang pagsarado nito at nakapadlock pa. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng aking boarding house at pumasok na sa aking bahay.
“Sino ka?!” sigaw ko sa taong nakayuko at kinakain ang mga ulam ko sa lamesa. Hindi ito humarap bagkus ay nagpatuloy pa rin sa pagkain.
“Ahy, Kabayo!” gulat kong sigaw.
“Nasaan ang kabayo, nasaan?!” sigaw ng kaibigan ko na siya mismong nanloob sa bahay ko.
“Hoy, bakla ka!” nilapitan ko siya at pabirong sinuntok sa braso.
“Jusko naman, hinaan mo naman boses mo. Nandyan si pader sa kabilang bahay baka mabugbog na naman ang maganda kong face!” napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang sinabi.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” umupo ako sa hapagkainan at kumagat sa tinapay na binili ko kahapon.
“Walang trabaho, walang pera.” Poblemado niyang sabi.
“May raket ako mamaya, sama ka?” napansin ko ang pagkatigil niya, kaya tiningnan ko siya habang patuloy pa rin sa pagkain. Sunod-sunod ang subo ko ng aking tinapay.
Isang oras na kaya akong naglalako doon kanina tapos wala pang kain. Mabuti nalang talaga at mayroon akong tubig kundi siguradong patay na ako pagbalik.
“Mamayang gabi o Hapon?”
“Mamayang gabi—” Naputol ang dapat ko pang sasabihin nang bigla siyang tumili nang pagkalakas-lakas. Tinakpan ko ang aking tenga.
“Huwag Tasia! Maawa ka sa sarili mo!” nabigla ako ng yakapin niya ako nang mahigpit. Todo naman ang tulak ko sa kaniya pero hindi niya ako pinagbibigyan.
“Ano bang pinagsasabi mo diyan?” nagtataka kong sabi.
“Basta huwag, Tasia. Ikaw ang pinaka-paborito kong kaibigan kaya huwag mo 'kong iiwan!”
“Ako lang kaibigan mo.”
“Tasia. . .” patuloy pa rin siya sa pagdrama.
Ano bang problema ng baklang 'to?
“Magtratrabaho lang ako mamaya. . .ano bang dinadrama mo diyan?” Sumisinghot siyang bumitaw sa akin at pinakatitigan ako.
“Diba, mamayang gabi ang raket mo?” tanong niya.
“Oo, ano naman ngayon?” pinagpatuloy ko na ang kinakain kong tinapay. Sunod-sunod pa rin ang kain ko dahil na rin sa gutom ako.
“Pupunta ka rin ba sa red na sogo, katulad nila?”
Nabulunan ako dahil sa naging tanong niya pabalik. Sunod-sunod akong napaubo at hinga nang malalim para kumuha ng tamang hangin. Hindi pa rin ako nakaka-recover nang muli siyang nagsalita.
“Huwag mong ibebenta ang sarili mo ha, mahirap lang tayo pero nakakakain pa rin tayo tatlo sa isang araw.” Halos mahimatay na ako sa kaniyang pinagsasabi.
 
Lord, kayo na po bahala sa kaibigan ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    John Villariaz Villegas

    Ang Ganda❤️🥺

    2d

      0
  • avatar
    RolonaCatherine

    nakaka excite Ang kwento

    16d

      0
  • avatar
    VenturaClarise marbaja

    500

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด