logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2

“Sa section 6 daw tayo ngayon, dalhin nyo yung notebook nyo sa science. Bilisan nya daw, hinihintay na tayo dun ni ma’am.” Sabi ni Carizza pag-pasok na pag-pasok nya ng pinto ng pinto.
“Luh? Ang aga aga, di pa ko handa kabahan shet.” Sabi ko kay Maui kahit naglalabas na rin naman ako ng notebook ko.
“Ash tabi tayo ah.” Sabi ni Jenny nung naglalakad kami papunta sa kabilang section.
“Anliliit nyo tapos tatabi kayo sakin? Pero sige.” Biro ko.
“Aray Ash ah, natatamaan kaming mga kasama mo ah.” Sabi ni Tanya.
“Pipila naman kasi, di rin tayo magkakatabi tabi.” Natatawa kong sabi.
Speaking of pipila, pinapila nga kami bago kami papasukin ng room ng kabilang section. Maaliwalas naman yung room nila pero nag-aagaw kasi yung liwanag at dilim sa room nila, di ko alam kung maliwanag ba o madilim. Pero yung una kong napansin sa paligid ko ay yung mga decorations na hindi tapos. It makes me uncomfortable kasi parang kahit anong oras malalaglag yung styro ng ‘honesty is the best policy’ sa taas ng blackboard nila.
Dahil patuloy kong pinapansin yung mga unfinished decorations nila at mukhang bibigay na nilang decorations sa room, di ko na napagtutuunan ng pansin yung discussion.
“Ash ano daw yung milimeter ng 1 meter.” Sabi sakin ni Maui na nasa harapan ko sa pila. Magkakasunod kami sa pila para sama sama kami sa grupo. Kagrupo kasi namin yung ibang boys ng section 6.
“Ha? Gago wala akong math notebook.” Sabi ko dito.
“Tanong ni ma’am kasi.” Bumaling ako sa katabi ko na boy, I’m sure na may math notebook to kasi room nila to eh.
“Nasan upuan mo?” tanong ko sa katabi ko.
“Diyan sa tabi mo, bakit?” sagot nya.
“May math notebook ka? Sayang points.” Sabi ko rito.
“Eto lang notebook na dala ko eh” napakamot lang sya sa batok nyang sabi.
“Ba naman to, estudyante ka ba?”
Nag-try akong magsolve gamit yung alam ko kung pano magcompute ng meters to milimeters but someone already answer it.
“Ma’am 1000 po ba?” sabi ng kung sino, nung lingunin mo nasa kabilang grupo at si Cassandra pala yung sumagot.
“Sayang yung points, bat kasi wala kayong notebook.” Panghihinayang ko.
“Ok lang yan, bawi nalang tayo next time.” Tinanguan ko lang si Maui pero nakasimangot parin ako kasi sayang talaga yung points.
Nang matapos ang klase bumalik din kami sa room dahil makikinig na naman kasi sa ‘sardines story’ ng teacher namin sa filipino.
Hindi nga ko nagkamali, naisingit nya na naman yun sa discussion. Natatawa ko habang hinuhulaan ko yung mga sasabihin ng teacher ko kasi pang-apat na beses nya na atang kinikwneto samin yon.
“Mau alam ko susunod na sasabihin nyan.” Natatawa kong sabi.
“Tumahimik ka nga Ashley, parang-awa mo na.”
“Bilis na, isang hula lang.” Pangungulit ko dito.
“Oo na, oh sige ano susunod?” umubo ubo ako kunwari tapos pinakinggan yung sinasabi ng teacher namin.
“Alam niyo ba, swerte na kami pag apat yung laman nung sardinas? Kasi ibig sabihin non, makakakain si nanay ng laman ng sardinas.” Sabi ko. Hindi nga ko nagkamali dahil yun yung sinabi nya. Tawang tawa ko habang nagkikwento si ma’am eh. Pati si Maui natatawa na rin sa pinaggagagawa ko.
Wala kaming klase sa english kaya palabas labas kami ng room. Napapagalitan na kami ng teacher sa faculty dahil daw natutulog sya tapos ang ingay ingay namin, nalaman tuloy ng teacher namin sa english kaya pinatawag si Jenny.
Lumabas muna ko para bumili ng tubig kasi init na init na ko sa room, jusko impyerno ata yun eh.
Pagbalik ko galing canteen, nakita ko si Cassandra sa tapat ng room nila.
“Oh nag-iisa ka jan?” sabi ko dito.
“Ah hi?”
“Hello, gusto mo tubig?” alok ko dito. Umiling naman sya bilang pagtanggi. Nilapag ko naman yung tubig dahil ang lamig sa kamay.
“Galing kang canteen?” tanong nya sa obvious naman.
“Hindi ata, galing akong basurahan para bumili ng tubig te.” Pangbabara ko dito.
“Eh? Galing.” Pamimilosopo nya rin sakin.
“Pero seryoso nga, bat ka mag-isa dito? Ok ka lang ba?”
“May pinuntahan sila Charlene. Si Jenny pala? Di mo kasama?” pang-iiba nya ng usapan.
“Alam mo mga tanong mo pang tanga.” Natatawa kong sabi. “Inutusan ni Ma’am, wala nga kaming pasok don tapos may ipapagawa, grabehan talaga yun eh.” Pagrereklamo ko dito.
“Ayos lang yan, kami nga rin eh ang daming pinapamemorize sa english.” Sabi nya.
“Ay ok na pala yung amin, ayoko ng may minememorize na english bulol pa naman ako mag-english.” Pagbawi ko sa reklamo ko.
“Magaling ka naman magsalita sa harap ah? Di naman bulol yun.”
“Ay talaga ba te? Bulol ako sa english ano ba.” Pagmamaktol ko.
Napansin nya ata na naghahanap ako ng pwedeng pagpunasan ng basa kong kamay kaya nag-offer sya ng panyo sakin.
“Thank you.” Sabi ko at ipinangpunas ko na yung panyo nya.
“You’re welcome.” Sabi nya at nginitian lang ako ng tipid.
“Something’s off talaga. Ok ka lang ba talaga?” tanong ko rito nung binalik ko na yung panyo nya.
“Yeah, may iniisip lang.” Sabi nya at umiwas ng tingin.
“Sus di ka ok.” Pamimilit ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay na parang sinasabi na ‘you sure?’. “But nevermind, just tell me ha kung kailan mo gusto magshare ng problems. Andun lang ako sa room, wag ka mahiya tawagin ako.” Sabi ko nalang dito dahil mukhang wala syang balak magkwento. Tinapik ko na sya sa balikat at nagpaalam na ng tuluyan dahil malapit na rin maglunch.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    vloggiemerenz

    ganda thankyou

    5d

      0
  • avatar
    DigamonKyle

    good

    16d

      0
  • avatar
    JañolaJaqueline

    wow . the story is very interesting.. i really really like the story i really enjoy it

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด