logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Six

Xyline's Point of view
Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Janine dahil umalis din ito agad kaya pumunta na ako sa canteen.
Pagpasok ko ay namangha ako sa ganda ng loob. Malawak at kahit na sobrang daming tao ay hindi mo makikitaan ng kasikipan dahil ang iba ay pumupunta sa ikalawang palapag. Hindi rin ganon ka kalat ang bawat table at sahig.
Naglakad ako palapit sa maraming pumipilang tao para bumili ng makakain. Habang nakapila ay inikot ko ang paningin ko at nagbabakasakali na makita ang mga kaibigan ko at hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko ito kasama sila Sheila at si James na kumakaway sa'kin.
Ngumiti rin ako at kumaway pabalik pero natigil ang pagkaway ko ng may tumulak sa 'kin ng bahagya kaya napatingin ako kung sino ang gumawa at nanlalaki ang mga mata ko na makita si Tyler.
"Teka, bakit ka nandito?" Gulat na bulalas na tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya, pero nakakailang sigundo na ay nakatitig parin siya sa'kin sa walang emosyon at parang walang balak na mag salita.
Akala ko ba napagalitan sila? E bakit nandito to?
"I always have a way." Saad nito. Hindi naman nakakainsulto ang pagkakasabi niya pero naiinis ako. Naiinis ako dahil nandito siya, kahit kasi hindi siya nakisali sa pagbaril nakita ko naman na tuwang tuwa siya sa ginawa ng mga kaklase namin, idagdag pa yung nakisali rin ang president na si Gian.
"Hoy, Miss! Wala kabang balak maglakad?" Bigla akong napatingin sa likuran ng may sumigaw dahil parang may mag-aaway. Pero napalunok ako ng makitang lahat ng mga ito ay masamang nakatingin sa'kin.
Tumingin ako sa harapan ko at halos mapamura ako ng makitang wala ng tao sa harapan ko. Meron ding sumisingit at gustong mauna na pero pinipigilan ito ng limang bantay na may hawak na baril.
At dahil sa kahihiyan ay mabilis akong nag lakad para lumapit sa tindera. Bigla akong napatingin sa menu dahil hindi ko alam ang mga pagkain dito at napangiwi naman ako ng makitang iba ang sulat sa menu na sa tingin ko ay nakasulat ito sa japan.
"Bullsh*t! Wala bang translator yang menu na yan!" Banas na saad ko at tumingin sa babaeng tindera pero napalunok ako ng makitang masama itong nakatingin sakin. Halatamg hapon itong babae, medyo singkit kasi ang mata. "A-Ah ito miss, the mixed food." Napapangiwing sabi ko habang nakaturo sa malaking lalagyan na halo halo ang laman. Piece kelp, dashi flakes, rice vermicelli noodles, sliced beef, leeks, etc. Ayan lahat ang nakikita ko sa malaking lalagyan, sabihin na natin na alam ko lahat ng laman pero hindi ko maisip na pwede pala ipagsama sama yun.
"Tsk!" Napatingin ako sa likuran ko dahil sa asik at napataray na lang ako ng si Tyler iyon. Siya lang naman ang malapit sa'kin.
"The name of that food is Shabu-shabu." Hirap at halatang hindi masyadong marunong sa english ang babae ng sabihin niya yun.
Pero hindi iyon ang tumatak sa isip ko kundi ang pangalan ng pagkain. "Ano Shabu?!" Gulat sa saad ko habang nanlalaki ang mga mata. "Teka lang ate! Bakit may shabu kayong tinitinda r'yan! Alam kong isa akong mafia pero wala sa isip ko na kumain ng shabu!" Galit na galit na saad ko.
"Ptff!" Napatingin ako sa likuran ko ng marinig ko ang pag bungisngis nito.
Halata sa mukha niya na pinipigilan niyang tumawa. "Bakit? May nasabi ba akong nakakatawa?" Iritang tanong ko. Dadagdagan payata ng lalaking to ang init ng ulo ko.
Napatingin din ako sa mga tao na nagpipigil din ng tawa. "Ano bang pinagtatawanan ng mga taong to." Iritang bulong ko.
Narinig ko na nagpakawala ng hininga si Tyler kaya napatingin ako dito. "Iba ang shabu na nasa isip mo sa mismong pagkain na yan at walang "Shabung" nakahalo mismo diyan. It's just ordinary food from japan." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit nakapunta kana ba sa japan?"
Nakita ko na parang na babadtrip na ito. "Dito ako lumaki, at kung ayaw mo ng shabu-shabu food. Pwede ka naman pumili ng iba. Maraming nag hihintay sa likuran ko para makakuha ng makakain, siguro naman ayaw mong magalit ang mga to sayo." Napatingin ako sa likuran niya at tama naman siya sobrang daming nakapila at nadadagdagan pa ito.
Humarap ulit ako sa tindera at pumili na lang ng ibang makakain dahil ayaw kong kumain ng shabu-shabu food na sinasabi ni Tyler dahil baka mamaya ay may halo talaga. Remember, don't trust anyone at isa si Tyler sa anyone.
Mag aabot pa sana ako ng pera ng sabihin ng babaeng tindera na libre lang ang mga pagkain dito. Libre nga, hindi ko naman alam mga pagkain dito!
Pag lapit ko sa mga kaibigan ko ay mga nagtatawanan ito kaya ng makita ako ay mas lalo pa silang na tawa kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Hoy! Bruha! Anong pinagsasabi mo r'on kanina. Anong shabu-shabu na yan." Patanong na sabi ni James pero nakangiti ito.
Napabuga naman ako ng hangin. "Ewan ko ba dun! Nagtitinda ng pagkain na may halong sh*bu! Kainis!" Pabagsak akong umupo sa bakante na katabi ni Zhonya.
"Wala kabang alam na pagkain sa Japan?" Na tatawang saad ni Sheila.
"Konti nga lang alam kong pagkain sa bansa ko, sa Japan pa kaya." Nakangiwing saad ko.
"Hindi yan pumupunta sa ibang bansa, pili lang ang lugar na napupuntahan niya." Singit ni Zhonya sa usapan.
Tumingin naman sa'kin sila Sheila at James na may pagtatakang tingin. Napaangat na lang ako ng balikat. "Bawal e." Tanging saad ko nalang.
Ang alam ko, sa bansang Japan ay nakatira rin doon ang ilang kilalang mafia I mean hindi mafia tawag sa kanila kundi y@kuza at alam naman ninyo na isa akong anak ng Queen  at sa oras na makita ako ng mga yun, baka mamaya hindi na ako makabalik ng buhay sa bansa ko. Ang pag kakaalam ko safe naman sa japan dahil hindi basta basta kumukilos, mas gusto nilang gumalaw ng hindi napapansin.
Nag-usap usap pa kami ng kung ano ano at nagpapasalamat ako kay Estella dahil nilihis niya ang tungkol sa pagbabawal ko sa bansang Japan. Kahit na kasi hindi nila alam kung anong dahilan ko ay parang nababasa nila sa isip ko na hindi ko talaga pwedeng sabihin.
Dumating sa punto na nag kwentuhan na lang kami sa oras ng break time namin at nagulat kami ng sabihin ni Sheila na tatlong oras ang break time. Nakasulat daw iyon sa baba ng bawat building miski ang pangalan ng ranggo nakasulat.
Nagtanongan din kami tungkol sa buhay namin at ang mga sinabi ko lang sa kanila ay yung alam kong hindi maapektuhan ang totoo kong pangalan. Nagtanongan din kami kung ilang taon na ang bawat isa samin at nalaman ko na si Sheila ang pinaka bata saming apat(18) sumunod si Estella(19), si Zhonya(19-sa month), Ako(20) at si James ang pinakamatanda. (21) nag sabihan din kami kung may mga kapatid kami at nalaman ko na si Sheila ay may dalawang kuya at ang panganay daw ay nawawala at ang pangalawa ay nandito pero hindi niya makita kung saan ang room, Si James naman ay may kakambal na babae pero patay na. Si Zhonya alam ko na nag iisa lang itong anak pero may step Young sister siya dahil sa bagong asawa ng Mommy niya, si Estella naman ay na bangit niya na rin sa amin ni Zhonya na may kapatid itong batang lalaki pero namatay sa kaguluhang event na pinuntahan nila noong bata pa sila, ako naman ay binangit ko na may kuya ako pero alanganin akong sabihin ang pangalan niya.
Nalaman ko rin kay Sheila na nasa Japan kami, at hindi narin na kakabigla dahil puro pagkain ng Japan ang nandito.
Natapos na ang pagkain namin at ngayon ay nagkukwentuhan na lang at habang nagkukwentuhan ay naisip ko ang picture ng lalaking target ko na nasa bulsa ng blazer ko at bigla ko rin na isip na kung pare pareho kaming nasa level 0 may posibilidad na sila ang susunod na magiging target ko pag dating ng ilang linggo.
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. "Wait!" Natigil ang sasabihin ni Sheila ng isigaw ko ang word na yun.
"Bakit Xyline?" Tanong ni James.
"Bakit parang namunutla ka?" Tanong naman ni Sheila.
"Natatae ka ba? Pwede ka naman pumunta na lang sa cr wag mo ng ipag malaki."  Taas na kilay na saad ni Zhonya dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Tinignan ko sila isa isa at lahat sila naka abang sa sasabihin ko. "Bigla ko lang na isip to, paano kung mag patayan tayo?" Walang pag-aalin langang sabi ko.
Bigla namang sumama ang mga mukha nila. "Ano ba yang pinagsasabi mo." Iritang saan ni Zhonya.
"Xyline?!" Patanong na sabi ni Estella.
"Sa susunod Xyline, wag kana mag iisip." Nakangiwing saad ni James.
"Ano namang dahilan at bakit mo nasabi yan. Hindi magandang biro yan." Malungkot na saad ni Sheila.
Pinahinahon ko ang sarili ko. Nilabas ko ang picture sa bulsa ng long sleeved ko at ganun din ang pangalan niya na nakasulat ay Anthony Pelife.
Kinuha iyon ni Estella. "Ano to?" Tanong nito.
Huminga ako ng malalim at sinabi na siya ang target ko ngayon at dahil sa sinabi ko ay napaisip din sila sa target nila. Hindi pa pala nila na pupuntahan ang mga lockers nila dahil wala naman silang mahalagang gamit doon. Sinabi ko rin sa kanila ang nasa isip ko at napaisip din sila.
"Anong gagawin natin ngayon? Totoo ang sinabi ni Xyline." Nababahalang sabi ni James.
"Paano kaya kung…," Sinadyang hindi tinapos ni Sheila ang sasabihin dahil tumingin ito sa amin isa isa. "...iba iba yung level natin." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at parang napansin niya naman na hindi namin na intindihan ang sinabi niya. Huminga siya ng malalim. "Ganito, nung nagtanong kasi ako sa naghatid sa kin papunta sa Dorm ko tinanong ko kung ilang agwat pwedeng pumatay sa level 0 then sinabi niya na lima ang agwatan. Kung level 0 tayo ngayon ang pwedeng pumatay lang satin ay hanggang level 0 to 5 at ang sunod naman ay level 6 to 10. Sayang lang dahil kung magkakaklase tayo hindi tayo magkakapatayan."
Natahimik kami sa sinabi ni Sheila. Kung alam ko lang na, kapag magka kaklase kami ay hindi kami pwede magpatayan.
"So, ang gagawin na tin?" Biglang tanong na sabi ni Zhonya kay Sheila.
"Kailangan magkakalayo ang level natin. Dapat ang isa nasa level 1 muna then ang sunod ay nasa level 6, sunod naman nasa level 11 at level 16, ganun." Sabay sabay kaming napatungo ng maayos na sabihin ni Sheila iyon.
"Kung ganun sino ang pinakamataas na level?" Tanong ko.
"Ikaw na lang." Bigla akong napa atras ng bahagya dahil sa sinabi ni James.
"What the... ayoko nga!" Nanlalaking mga matang sabi ko. Ayoko pang pumatay ng marami, sa isa panga lang parang nahihirapan na ako. At kung papatay ako ng marami baka makasanayan ko na.
"Bunutan na lang." Suggestion ni Estella.
Sabay sabay naman kaming tumango. Kumuha si Sheila ng papel sa bag niya at doon sinulat niya ang mga level na makukuha namin. Pagkatapos niyang mag sulat ay pinakita niya samin ang mga level at doon ay nakita namin ang mananatiling level 1 muna. Tapos level 6 then level 11, level 16 at level 21. Tinanggal niya muna ang laman ng bag niya bago tinupi ang papel at isa isa nilagay doon ang ang mga papel. Inalog alog niya yun pagkatapos ay pinaharap niya samin ang bag isa isa. Una niyang pinakuha si James sunod si Estella, Zhonya at ako ang huli at ang na tira ay sa kanya.
Sabay sabay namin yun binuksan nang dahan dahan. Parang hindi naman ako makahinga habang binubuklat iyon ng dahan dahan. Napadiin ang hawak ko sa papel ng makita na level 6 ang nakuha ko.
"Shit! naman! Level 11." Malungkot na sabi ni Zhonya.
"Yes! Level 1!" Naka ngiting sabi ni Estella habang nag tatalon sa saya. "Ikaw Xyline level ano ka?"
Hinarap ko sa kanya ang papel. "Six." Walang ganang sabi ko.
Tumingin naman kami kay Sheila at James na may pangamba dahil nasa kanila ang mataas na level.
"I-Ikaw Sheila?" Alanganing tanong ko.
Pansin ko na parang kinakabahan ito dahil nung ipakita niya ang papel samin ay nanginginig ang mga kamay niya. "Level 16.." Mahinang sabi niya at dahil sa sinabi niya ay sabay sabay kaming napatingin kay James at doon nakita namin ang mukha niya na parang binagsakan ng langit at lupa.
"Ikaw ang.."
"Level 21." Malungkot na saad nito. "M-Mga besty parang hindi ko kayang p*matay."
Hinalo ni Sheila ang likod ni James dahil sa parang maiiyak na to. Pinahinahon muna namin si James bago ulit kami mag usap usap.
Sinabi ni Sheila na ngayong week kami mag sisimula at sa linggo ang katapusan, dapat kailangan matapos ang pag patay namin sa loob lang nitong week, dahil kung sa susunod na linggo pa ay baka dun na kami magbanggaan, at sana habang ginagawa namin to hindi kami mag banggaan dahul may pusibilidad parin.
Nang matapos ang usapan ay sinabi ni James na mag punta kami bukas malapit sa feild dahil may nakita daw syang magang tambayan nang sabihin niya yun ay nag kanya kanya na kami dahil may problema pa kaming dapat gawin, habang naglalakad ako ay tinitignan ko ang mga mukha ng mga na nakasalubong ko dahil baka mamaya ay nakasalubong ko na ang target ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Liziel Sosas

    rjrhgetwtwr2t4j4jjrjdhgsgsgdhrtktmrkrkekwywgdjjddjopkyreafjjfjgkuluktjrhgewfwffwwrwtegtjjyk7okytjrhwfwtey4opotirhrheefsHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAMBOTAHAHAHAHAHAHAHAWHWHWHWHWUWUIWJWWWAKOLASABOTHAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAWHWHAHAHAHWHAHAHAHIAOEKRGFKOSJRBFJWOOWIRJSKWKEJRJNDKDOWKmbtiskibajajejowowojfjorififidwolwksdnbfhhreuwiwijhshahahaahahahahahahahhahahhaahhahahahahahauwiwiwowoakndjfjdiriewowru7d66fyfydhsjaqpwlskdjdjjdiS NICE STORY WOWWWWWWWWWWWWW

    04/07

      0
  • avatar
    Hanz Villanueva

    it's ah good game

    23/10

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ud pls😅

    02/09/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด