logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

Nakauwi na kami ni Zaniyah dito sa bahay. Tinawagan niya si Tito Ramon (daddy niya) at pinakiusapan na dalhan siya rito ng damit at dito siya matutulog. Si Mama naman ay natuwa dahil matagal-tagal na rin no'ng huling natulog dito si Zaniyah. Yinakap niya agad si Zaniyah pagpasok namin, eh. Sabi niya pa ay, "Niyah ang laki mo na, nak!"
Nakipagkwentuhan si Zaniyah kay Mama at tawa sila nang tawa. Ako naman ay nandito sa sofa, nanonood lang ng afternoon drama. Tahimik lang ako at nag-focus sa pinapanood. Mukha namang ako na ang pinag-uusapan ni Mama at Zaniyah dahil nakatingin sila sa akin. Sinabi ata ni Zaniyah ang lahat ng nangyari. Ayos lang naman sa akin 'yon dahil ayos lang din kay Mama. Ayaw no'n nang may tinatago ako sa kaniya. Nakikinig naman 'yon si Mama at hindi nagagalit. Supportive talaga 'yan kahit saan man.
Dumating si Tito Ramon at nakipag-usap muna kay Mama. Si Zaniyah naman ay inakyat na ang mga gamit niya roon sa kwarto ko. Sabi ko sa kaniya ay ayusin niya na sa cabinet ko ang mga gamit niya para hindi marumihan.
Umakyat na ako sa kwarto at naligo. Humiga ako sa kama at kinuha ang aking cellphone. Nag-scroll lang ako sa Faceboom dahil wala naman akong magawa. Nakita kong may latest post si Liandre kaya viniew ko.
Liandre Villamor is with Clarisse Kein Miller
"Day well spent <3"
'Yan ang caption niya at ang picture ay magkatabi sila ni Clarisse sa sofa.. Naroon ata sila sa bahay nila. Sana all naman, beh! Ganda talaga ni Clarisse. Wish ko Clarisse na lang pangalan ko next life.
Masaya rin naman kami kahapon, ah? Bakit hindi niya pinost? At saka kaninang umaga, nanood pa kami ng sunrise! Kumanta pa kami! Bakit hindi niya pinost 'yon?
Ay, wala pala kaming picture.
Bakit hindi siya nanguha ng picture namin?! Edi huwag!
Magsama sila!
Nanginginig kong pinatay ang cellphone ko at hinagis sa lalagyan ko ng maruruming damit. Siniksik ko ang mukha ko sa unan ko at nagtalukbong ng kumot. Tumili ako sa unan ko para walang makarinig. Binuhos ko talaga lahat ng inis ko kay Liandre roon. Alam kong masyado pang maaga matulog pero gusto kong itulog 'tong sakit na nararamdaman ko. Para akong mawawala sa sarili sa sobrang sakit. Bakit ba kasi ganito ang epekto sa akin no'n, eh!
Hindi ko naman siya masisisi. Hindi niya naman alam na gusto ko siya..
Umiyak ako nang umiyak nang tahimik. Hinayaan ko ang sarili kong ilabas lahat ng sakit at sama ng loob. Hanggang sa napagod ako at tuluyan na nakatulog.
Nagising ako nang marinig ang nagsisigawan sa baba. Dali-dali akong bumaba at nakita kong nandoon si Papa sa pinto nakatayo, si Mama naman ay nakahawak sa lamesa at nakatayo, habang si Zaniyah naman ay naka pagitna sa kanila. Huminto ako sa palapag ng hagdan kung saan hindi nila ako makikita. Ano bang nangyayari rito?
"Tito Simon at Tita Vivlan tama na po! Maririnig kayo ni Vian sa taas. Nasasaktan po ang anak n'yo ngayon 'wag na po nating dagdagan.." Saad ni Zaniyah. Inaawat niya pa rin si Mama at Papa.
"Hindi, eh! Simon! Malaki ang tiwala ko sa 'yo.. Kaya hinayaan kita na kahit isang beses sa isang buwan ka na lang uuwi! Ano 'to? Simon ano 'to?! Ano 'tong litrato mo na nakikipaghalikan ka! At sino ba 'tong babaeng 'to?! Wala ba 'tong pamilya?!" Sigaw na saad ni Mama habang umiiyak. Natanaw ko na niyakap siya ni Zaniyah. Kumalabog ang puso ko.. Nagulat ako sa nalaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko at nagsimulang bumuhos ang mga luha ko. Peste! Akala ko paggising ko, wala nang sakit! May panibago pa pala!
Parang timutusok ang puso ko sa sinabi ni Mama. Nanatili ako dito sa pwesto ko dahil gusto kong malaman kung bakit sila nagkakaganiyan. Titigil sila pag bumaba ako, alam ko 'yon. Magpapanggap silang walang nangyayari.
"Bakit ba?! May pangangailangan din naman ako, Vi-" Hindi na natuloy ni Papa ang kaniyang sasabihin nang malakas siyang sampalin ni Mama.
"Pangangailangan?! Edi umuwi ka rito! At punan natin 'yang pesteng pangangailangan mo! Hindi 'yong maghahanap ka ng babae sa Maynila!May anak kang babae! Simon, gamitin mo 'yang kokote mong nabubulok!" Sigaw ni Mama kay Papa habang humahagulgol siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang taong gusto ko, may gustong iba na kasama niya pa ngayon. Ang tatay ko, may kabit sa Maynila. Ang nanay ko, nasasaktan. Ang best friend ko, umiiyak na rin sa mga nalalaman niya. Ano ba 'tong nangyayari. Parang hindi na kinakaya ng pagkatao ko 'tong mga nangyayari. Gusto kong tumakbo papunta kay Liandre.. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ko magawa! Sobrang sakit na!
"Alam mo, Vivlan, wala ka nang magagawa. Buntis si Claridad.. Magkakaanak na kami, Vivlan. Pumunta ako rito para kunin ang mga gamit ko at sumama kay Claridad.. Huwag kang mag-alala dahil isasama ko si Vivianna nang wala ka nang iisipin pa." Kalmadong saad ni Papa. Tumayo ako at halos takbuhin ang hagdan pababa.
"Sinong nagsabing sasama ako sa 'yo? Kinamumuhian ko lahat ng manloloko at may kabit sa mundo.. Alam mo 'yan. Alam mong ayaw ko sa ganiyan.. Pero ikaw din pala.. Ikaw! Ganoong klase ka rin pala! Ikaw ang unang lalaki kong minahal! Pero ikaw din ang unang nanakit sa 'kin! Lumayas ka kung gusto mo at huwag ka nang babalik dito! Kaya namin ni Mama mabuhay nang wala ka!!!!! Sumama ka sa pesteng kabit at anak mo! Congrats nga pala, ha?! Magkakaanak ka na! Magpakabuti ka, Simon! Umalis ka na!!!!" Gigil na gigil na sigaw ko sa kaniya. Kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Alam kong alam nila na narinig ko sila. Naluluhang tumingin sa akin si Zaniyah at Mama. Na-guilty ako sa sinabi ko kay Papa. Ngunit sobrang sama ng loob ko! Akala ko, perpekto ang pamilya ko! Nagkakaproblema kami, oo, pero masaya pa rin kami noon, eh. Kainis naman!
"Anak magpapaliwanag ak-" Pinutol ko ang sasabihin niya at sinigawan ko siya.
"HINDI KO KAILANGAN NG PALIWANAG MO! MANLOLOKO KA AT 'YON ANG TOTOO! ANG KAPAL NG MUKHA MO! AKALA KO IKAW ANG POPROTEKTA SA AKIN! UMASA AKO NA IKAW ANG MAYAYAKAP KO LALO NA NGAYONG NASASAKTAN AKO! PERO HINDI! DINAGDAGAN MO LANG 'YONG SAKIT! LUMAYAS KA NA RITO! HINDI KO KAILANGAN NG AMA, MAY NANAY AKO!" Singhal ko sa kaniya habang nanginginig. Sobrang sakit na ng mga mata ko kakaiyak. Napapagod na ako. Sana lang kasi nandito si Liandre, kaso nandoon siya sa taong gusto niya. Lahat na lang sinasaktan ako. Deserve ko ba 'to? Ang saya-saya ko lang nung nakaraang araw. Tapos ngayon, nagdudusa ako sa sakit. Ano 'to, payback time ng kasiyahan ko?
"Anak.. Pasensya ka na. Patawarin mo si Papa." Naluluhang sagot niya at unti-unting lumalapit sa akin. Nanggagalaiti ko siyang tinignan.
Umatras ako nang umatras, "Diyan ka lang! Huwag kang lalapit kung ayaw mong masaktan! Sa akin, humihingi ka ng tawad, sa asawa mo, hindi?!" Patuloy na pagsigaw ko sa kaniya. Nakikita kong inabutan ni Zaniyah ng tubig si Mama at pinapakalma niya ito. Niyakap niya ang ulo ni Mama at isinandal sa kaniya. Nagpapasalamat pa rin ako na naririto ang best friend ko, eh.
Sumuko na siya at napaupo sa sofa. Walang ibang maririnig kundi ang pag-iyak naming apat. Hinang-hina na ako. Gusto ko na umalis dito. Para akong pinagkakaisahan ng mundo.
"Lumayas ka na, Simon. Huwag kang aasa na tatawagin pa kitang Papa. Wala akong tatay na gaya mo." Malamig na saad ko sa kaniya. Ang sakit no'ng nasabi ko. Hindi ko inakalang masasabi ko 'yon kay Papa. Ang sama ng loob ko.
"Zaniyah, alagaan mo muna si Mama. Pasensya ka na kung nadamay ka pa. Papahangin lang ako." Paalam ko kay Zaniyah. Tumango siya at bahagyang ngumiti.. Sinisigurado niyang siya na ang bahala kay Mama.
"Anak.. Please.." Pakiusap ni Simon habang siya'y umiiyak. Sa tingin niya ba sasama ako sa kaniya at aabandonahin si Mama? In his dreams.
"Pag naabutan pa kita dito pag-uwi ko, ipapakulong kita." Banta ko sa kaniya.
Lumabas ako ng gate at tumakbo nang tumakbo papunta roon sa tambayan ko. Oo, tambayan ko lang. Wala naman si Liandre. Magpapalipas muna ako roon hanggang alas diyes ng gabi. Gusto kong mapag-isa, gusto kong mag-isip. Gusto kong magpahinga. Kasi hirap na hirap na ako. Kaarawan ko pa naman bukas, tapos ganito ang nangyayari sa akin? Best Birthday gift, ah. Tumawa na lang ako sa kawalan. Wala na akong magagawa, eh. May anak na sila no'ng kabit niya. Mukha namang mahak niya 'yon kaya nga siya lalayas sa bahay para panagutan, eh. Mga pesteng tao!
-<3

หนังสือแสดงความคิดเห็น (103)

  • avatar
    Jahziel Salvador

    sweet

    15d

      0
  • avatar
    AcebedoJessiett

    join

    16d

      0
  • avatar
    Jhay Ar Almano

    salaman

    20d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด