logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

She is an Angel

She is an Angel

binibining_journo


Prologue

Prologue
Third Person’s POV
Angel Anne Sanchez is a grade 10 student of St. Jude Academy along with her friends, Crisha Shane Alvarez, Aleah Jane Sanchez, Zoey Madrigal, Ken Jasper Dela Cruz, and Sebastian Dave Población. They are all together for about four years and still counting. She is a scholar in the academy. She has so many friends. Many people adore her because of her friendly and kind attitude. In short, she is an extrovert.
Caloy is a grade 10 student of the same school. He has Paulo Garcia and Ken Jasper Dela Cruz as his buddies. He does not like to be in a center of attention. He is an introvert. Yet, he has always been the talk of their school because of his academic achievements. A week won’t end without him being on the first page of their school newspaper because of how many competitions he has won.
One day, while finishing his article in the library, he has encountered a girl which is Angel having a hard time carrying her things.
“Need help?” Caloy initiate and Angel looked at him confusingly, “Uhm, okay lang?” she asked. He did not answer the question. Instead, he carried her things immediately and put them on the table. “Salamat,” Angel said after. He just smiled.
Caloy has had a liking for Angel ever since. It’s nothing for him since it’s just a small admiration for him. Who would’ve not liked her? Kind, determined, and her smile... angelic. Like her name. He smiled with what he is thinking and continued writing the unfinished article that he will pass on to their editor afterward.
“Hey wake up!” Crisha shouted in a low voice since they are in the library.
“Angel! Really? Going here just to sleep?” And Angel woke up still confused about what is happening. “Huh?” she asked.
“30 minutes kang tulog uy, sabi mo mag-aaral. Ano yun napanaginipan mo yung lesson?” Zoey sarcastically said. “Huh? Pwede ba yun?” Aleah innocently asked.
“Ask Angel,” Crisha said. Almost laughing. “Huwag nga kayong tumawa diyan!” Angel shouted. Then the librarian looked at her. She just gave the librarian a peace sign.
“Ituro niyo nalang sa’kin kung paano yun. Hindi ko magets haha,” She whispered to them.
“Maybe bukas na lang? Reminder, we’ll have dinner together later. I don’t want to be stressed,” Crisha said and rolled her eyes.
“Yeah, ako rin,” Zoey agreed. “Kita na lang tayo maya huh?” Aleah said.
Angel’s POV
Naghiwa-hiwalay na kami ng dinaanan. Habang naglalakad, nakasalubong ko si kuyang tumulong sa’kin kanina. Mukhang aligaga. Hindi sa mukhang kailangan niya ng tulong magbuhat, isang envelope lang naman yung dala niya. Lalapitan ko n asana siya nang may biglang umakbay sa’kin. “Hep! Hep!” ani Dave.
“Hooray?” patanong kong sambit—tawa lang ang ibinigay niya. “Uwi ka ba muna bago lumafang? Hahaha Hatid na kita,” sabi nito.
“Yun! Sige ba! Libre pamasahe nanaman ako—Pero si Aleah ba? Hindi mo susunduin?” sabi ko na nginiwian na lang niya.
“Ayaw magpasundo eh,” sagot niya.
---
“Salamat sa paghatid. Kitakits nalang later,” sabi ko bago ako lumabas sa kotse niya. “Sunduin pa ba kita?” tanong niya.
“Kahit hindi na noh, malapit lang naman rito lalaka—” naputol yung sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. “Gege sunduin nalang kita—pero wait may tatanong kasi ako tungkol kay Ale- huwag na nga kita nalang tayo maya.”
Wala naman na akong nagawa, pinaharurot na agad niya ang sasakyan niya. Sige, hintayin ko nalang siya. Baka kasi magkasalisihan pa kami. Pero ano kaya yung itatanong niya? Bahala na sila ni Aleah dun.
---
*BEEP *BEEP
Ilang oras ang nakalipas at 7pm na rin. “Ma, pa! Alis na ho ako, uwi ako bago mag 11pm hehe bye po!”
Nasa labas na ako kaya’t sumigaw nalang ako para marinig ako nila mama. “Ingat kayo!” tugon naman ni papa. Hindi na ako sumagot at sumakay na sa kotse.
“Zup” sabi niya. “Zup! Tara na?” sabi ko naman. Ngumiti na lang si Dave.
Kami na lang ang hinihintay pagkarating namin sa café. “Bakit naman ang tagal mo? Ikaw nga ang pinakamalapit dito!” reklamo ni Zoey.
“Hoy! 7:30pm ang usapan! 7:15pm pa lang kaya magtigil ka! Masyado ka kasing maaga!” balik kong sagot sakanya.
“Para naman kayong mga bata, tss!” singit ni Aleah.
“Coming from you?” sabay naming tugon ni Zoey.
“Stop, okay?” sumabad na si Crisha. Hays. Ganito naman kami lagi eh haha parang hindi magkakaibigan kapag nagbabardagulan, pero yung barda namin, biruan lang naman yun.
“Teka sabay kayo ni Dave? Kayo ba?” tanong ni Zoey na ikinagulat ko.
“Ha? Kadiri!” sabay naming sabi. “Magpinsan kami tanga!! Fake friend!!” Naiiyak kong sabi sa tawa.
“Ha? Magpinsan kayo?” tanong ni Aleah. “Hindi naman halata noh? Hahaa leah naman haha,” si Dave na ang sumagot.
“Pinsan kasi ni mama ang tatay niya. Hindi pala natin napag-uusapan yun?” Sabi ko.
“Kung napag-uusapan natin yun edi sana hindi kami nagtatanong diba?” sagot ni Zoey.
Natigil ang usapan naming nang dumating si Jasper. Ang isa pa naming kaibigan. “Oh tamo! Hindi naman pala kami ang pinakahulinh dumating tas reklamo kayo diyan!” Sabi ko sakanila.

“Ops, sensya na mga dre traffic, kainis late na rin natapos practice,” kamot ulong paliwanag ni Jasper, varsity player siya.
“Ha? May practice dre?” gulat na tanong ni Dave.
“Ha? Oo yari ka kay coach umabsent ka nanaman uy! Hindi nakukumpleto ang isang lingo nang hindi ka na-absent. Ito namang si coach sa akin ka pa laging tinatanong. Akala naman ata niya may maisasagot ako,” mahabang sambit ni Jasper. Sasagutin pa sana siya ni Dave nang magsalita na si Crisha.
“Pasok na tayo, shall we?” mataray na singit ni Crisha. At pumasok na sa loob ng café.
“Iyan yari kayo,” panakot wari ni Aleah at sumunod na kay Crisha.
“Paano ba natin nagging kaibigan yan? Taray!” Pabulong na sabi ni Dave.
“Magtigil ka nga! Crush mo naman si Crisha dati diba? Ahahaha!” sagot naman ni Jasper.
“Tama na nga kayo! Parang mga sira. Nako. Kayo ang hindi ko malaman kung bat naming nagging kaibigan,” sabi ni Zoey at sumunod na kila Crisha.
Siguro kung hindi ko kaclose tong mga ‘to, iisipin ko nang hindi naman talaga magkakaibigan. Hilig kasi buskahin ang isa’t isa. Pero never naman kami nagkakasakitan ng loob at if ever man, nag-aayos naman rin kami. Mabigat kaya sa loob kapag ang kaibigan mo ay may tampo sa’yo o sa isa sa grupo niyo.
Papasok na sana ako sa café nang may makita akong pamilyar na lalaki. Yung lalaking tumulong sa’kin kanina. Nagbabasa siya ng isang libro habang tumatawid sa kalsada. Ni walang pakialam na masagasaan. Hahayaan ko na lang sana siya roon at papasok na sa café nang makita kong malapit na talaga siyang masagasaan, kung kaya’t tumakpo agada ko palapit sakanya at hinatak siya.
“What the—” mapapamura na sana siya nang putulin ko ang kaniyang pagsasalita.
“Wag mo nga akong murahin, hinatak kita kasi muntik ka nang masagasaan, noh,” pa-irap kong sabi sa kaniya. Mangha niya akong tiningnan. “Oh, I’m sorry, that was so careless of me,” sagot niya.
“Okay ka lang ba?” “Are you alright?” sabay naming sabi.
“Ikaw ang muntik masagasaan, hindi naman ako kaya ako dapat ang magtanong niyan,” sabi ko sakaniya.
“Yeah—” naputol ang pagsasalita niya nang sumingit bigla si Jasper. “Bud, is dat chu?” sabi niya pertaining to kuyang muntik nang masagasaan. “Kilala mo siya, Jas?” tanong ko.
“Hindi naman sa pagmamayabang, ah! Kaibigan ko lang naman ang laman lagi ng newspaper ng school hindi ko alam kung dahil sa mga achievements o dahil member siya ng publication.

Hays hindi naman sa nagmamayabang ako ah!” sagot niya sa tanong ko na hindi naman nasagot.
“By the way, huy Caloy! Bakit ka nandito? Miss mo ko?” Caloy pala ang pangalan niya, hmm.
“Muntik na siya masagasaan habang tumatawid eh, hinatak ko na lang,” sabi ko at muntik na siyang (Jasper) hindi tumawa. Note the sarcasm please.
“How dumb,” singit ni Crisha. Hindi ko alam na lahat pala sila ay lumabas na.
“Agree, sorry for the inconvenience, I’ll have to go,” sabi nalang ni Caloy. “Wait! Gusto mong sumama na sa amin? Busy ka ba? Let’s be friends!” patalikod na sana siya nang sabihin ko iyon bigla. Hindi ko alam pero feeling ko dapat naming siyang kaibiganin.
“Tama, bud. Hindi ka naman ata busy. Sabi mo kanina lang naipasa mo naman na yung article sa EIC niyo. Tara na,” pilit ni Jasper at hindi naman na niya hinayaan itong sumagot at hinatak nalang ito biglaan. Hindi naman na tumanggi si Caloy at nagpahatak na lang.
---
Matiwasay naman kaming natapos. Nakakuwentuhan din nila si Caloy pero mostly yung dalawang lalaki lang ang nakausap nito. Minsan ay sumasabad kami lalo na si Crisha na puro pambara naman ang ginagawa sa tatlo.
Nakauwi na silang lahat bukod sa amin ni Caloy. Mamamasahe lang rin pala siya. Naghihintay kami rito ng tricycle. Sabi niya sabay nalang daw kami at sino ba naman baa ko para umayaw, diba? Hehe.
“Huy! Kilala mo ba ako? I am Angel, by the way. Angel Anne Sanchez. Can we be friends?” nakangiti kong sabi sakaniya.
“I know you, I have already written a sports article about you, and, yes, we can be friends. Thank you nga pala kanina,” sabi niya. “Ano ka ba? Wala yun. Kung ikaw rin naman ang nasa posisyon ko, gagawin mo rin yun,” pagkatapos kong sabihin yun ay kinain na kami ng katahimikan hanggang sa may tricycle nang dumaan.
Ako na raw ang una niyang ihahatid. To make sure na ligtas akong makauwi. Na-appreciate ko iyon.
Third Person’s POV
“So, I’ll leave you here now. Please take care,” Caloy, said to Angel before she enters her house. “Oo sige, ingat ka, ha,” she responded with a big smile. “I will,” he answered in his mind.
“She is an Angel, indeed,” Caloy whispered to himself.
---
Weeks after, they became close friends. Who knows? Maybe deeper than that.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    Maria Salvador

    wow

    15d

      0
  • avatar
    lerivalawrence

    di ko pa nababasa ang buong kwento pero sa smmary palang ay kPanapanabik na... i think i enjoy this new story.. 😊😊😊♥️♥️♥️

    04/07

      0
  • avatar
    James Raises

    awesome ❤️

    30/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด