logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 5

Nasa loob na ng sasakyan si Jovy suot ang kanyang wedding gown na maikli lang ng konti sa ibabaw ng kanyang tuhod. Natatakpan ng belo na hanggang bewang ang kanyang mukha, bitbit niya ang boquet ng peach roses at walang pag sidlan ang kaba sa kanyang dibdib.
"Ma'am Jovy nandito na po tayo sa simbahan." Sabi sa kanya ng driver at kaagad naman siyang bumalik sa kanyang ulirat.
Mabilis siyang pinagbuksan ng driver at dahan-dahan siyang bumaba sa kotse. Pag dating niya sa bungad ng simbahan ay napabuntong hininga muna siya bago humakbang papasok.
Walang emosyon si Robert na nakatayo sa harap ng altar habang inip na inip na naghihintay sa pag lakad ni Jovy palapit sa kanya.
Wala rin namang ibang nararamdaman si Jovy kundi puro kaba. Lalo na ng mapalingon siya sa mga magulang ni Robert. Huminga ulit siya ng malalim. Nang makarating siya sa recession ng kasal ay kaagad na hiningi ni Robert ang kanyang kamay. Napairap muna si Jovy bago niya ibigay ang kanyang palad.
Pag katapos nilang mag sumpaan sa harap ng altar ay pilit ang kanilang mga ngiti sa isa't isa sa harap ng mga bisita.
"Okey now you may kiss the bride." Sabi ng pari.
Dahan-dahang inangat ni Robert ang belo ni Jovy at nang makita ang ayos ng babae sa kanyang harapan ay sandali siyang natigilan. Bahagyang napakunot noo siya at agad na kumurap kurap upang gisingin ang sarili mula sa pagkakatulala.
Sandali niyang tinitigan sa mga mata ang nakasimangot na si Jovy. Huminga siya ng malalim at mabilis itong hinagkan sa mga labi.
Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na sila sa White garden Resort na pagmamay ari din naman ng pamilya Martinez. Doon ginanap ang reception. Lahat ng mga empleyado ay dumalo at pati na rin ang mga matatagal ng mga kaibigan ni Robert. Ngunit si Jovy ay walang kakilala kahit isa. At iyon ang napansin ng Lola ni Robert na si Donya    Feliciana. "Hija. Napansin kong wala kang bisita kahit isa. Where's your family and friends?" Tanong niya.
Napa tikim naman ng wine si Jovy bago siya sumagot. Tumingin lang sa kanya si Robert na kinakabahan na rin sa kung ano ang isasagot ni Jovy.
Huminga muna ng malalim si Jovy. "Pasensya na po kayo Donya Feli-"
"Mamu! Just call me mamu. Your a grand daughter now." Seryosong wika ni Donya Feliciana.
Yumuko si Jovy at kahit papano ay naramdaman niyang belong pa rin siya sa family kahit na puro pag papanggap lamang ang lahat.
"Mamu..." Huminga muna ng malalim si Jovy. "Ang totoo po kasi niyan ay wala na po akong mga magulang. Ilang taon po akong nanilbihan sa aking tiya, at dahil gusto ko na rin po maging independent ay lumuwas po ako dito sa maynila para maghanap ng trabaho.  At..." Lumingon siya sa nakikinig na si Robert. "At nakilala ko po itong si Robert."  Dagdag niya pa, sabay pilit na ngumiti at muling uminom ng wine.
Gumuhit naman ang pagka dismaya sa mukha ng matanda dahil sa kwento ni Jovy. Kinuha niya ang kanyang pulang abaniko at nag simulang magpaypay. "Maswerte ka at kami ang pamilyang natagpuan mo. Wala ka palang mga magulang? Ikaw ba ay marunong sa mga gawaing bahay?" Tanong ni donya Feliciana habang nakakunot ang noo at naka ismid.
Kumurap-kurap si Jovy at napayuko, "kaya ko naman po aralin yon-"
Mabilis na tumayo si Robert sa upuan at hinila sa braso si Jovy. "Halika na nga!"
Hindi pa man sila nakakaalis ay biglang lumapit sa kanila si Mr. martinez ang ama ni Robert. Halata na nakainom na ito pero kaya pa naman niyang i-manage ang sarili. Humawak  siya sa balikat ni Robert at inabot ang isang long envelope kay Jovy. "Congratulations sa inyong dalawa ng anak ko. Take this Jovy.. This is my wedding gift." Sabi niya habang nakangiti.
Kaagad naman na tinanggap ni Jovy ang Envelope. "Salamat po." Nahihiya niyang sabi sabay tipid na ngumiti.
Kaagad naman na lumingon si Mr. Martinez kay Robert at tiningnan niya ito ng masama. Napayuko naman si Robert at binitawan ang braso ni Jovy.
Tumayo naman si Donya Feliciana at tinapik sa balikat si Robert. "Ipapa deliver ko nalang sayo bukas ang regalo ko sa inyong mag asawa."  Bigla naman dumating si Madam Choi. Ang ina ni Robert. Inabot nito ang isang box na kulay gold kay Jovy na kasing laki ng box ng sapatos. "Take this Jovy, This is for you. Welcome to the family." Nakangiting sabi nito.
Napangiti naman si Jovy, "thank you po mom- mommy..." Nahihiya niyang sabi.
******
After 2 days ay pinuntahan na ni Robert at Jovy ang bahay nila na niregalo sa kanila ni Mr. Martinez. Hawak ni Jovy ang title ng bahay na nakapaloob sa isang long brown envelope na inabot sa kanya ni Mr. Martinez nung gabing pagkatapos ng kasal nila ni Robert.
Hindi umiimik si Robert at masama pa rin ang loob dahil sa nangyari.
Maya't maya naman umiismid si Jovy sa tuwing mapapatingin siya sa naka simangot na mukha ni Robert.
"Wag ka nga tingin ng tingin!! Siguro pinagtatawanan mo ako ngayon no?" Galit na wika ni Robert.
Napa angat ng isang kilay si Jovy. "Ha? Bakit naman kita pagtatawanan? Baliw ka ba?" Tanong niya.
Napaurangod na naman si Jovy dahil sa biglang pag preno ni Robert. Nagsalubong ang kilay ni Robert at halos umusok ang ilong niya ng hampasin niya ang manibela sa sobrang inis. "I swear to God this is freakin' crazy!! How could dad do this to me?" Dismayadong tanong niya.
Lumingon sa kanya si Jovy habang inaayos ayos ang nagulong buhok. "Oh wag kana mag alala kasi pagkatapos natin mag divorce ililipat ko pa rin sa pangalan mo ang bahay na niregalo nya. Hindi naman ako interesado eh." Sabi ni Jovy sabay irap.
Bahagyang natawa si Robert. "Tss... Hindi interesado? Eh parang ayaw mo nga bitawan yang titulo ng bahay!!" Nakakunot noo niyang sigaw.
Lumingon naman kaagad sa kanya si Jovy at nagkunot noo. "Baliw ka ba? Kita mong mahalagang bagay to! Alangan naman ipatong ko kung saan saan to diba?" Pasigaw niyang sabi.
Napaismid si Robert at lumingon kay Jovy na nakakunot noo na nakatingin sa kanya. Ilang segundo na hindi sumagot si Robert at nanatili siyang nakatitig ng masama kay Jovy. "Sinisigawan mo na ako ngayon ha?" Bulyaw niya.
Huminga ng malalim si Jovy at inalis ang tingin sa nagagalit na si Robert. "Huwag mo nalang kasi akong kausapin. Kunyari nalang hindi mo ako kasama." Mahinahon na sabi niya.
Umismid na naman si Robert. "Tss... Hindi kasama." Bulong niya sabay iling at nagsimulang magmaneho.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    DE Onairam

    very good

    18d

      0
  • avatar
    Saffron Lace Mamaril

    that was the first time in the world

    12/08

      0
  • avatar
    Jillian Cometa Caoile

    💗💗💗💗💗

    31/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด