logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4

Habang nasa loob ng office si Robert at Jovy ay tila umurong na ang kanilang mga dila dahil simula palang ng umaga ay wala na silang imikan.
Kanina pa rin gustong mag tanong ni Robert kay Jovy dahil hindi niya mahanap ang log book ng monthly sales na tinago ni Jovy. Kaya lang ay mas nangingibabaw ang kanyang pride. Ang hinihintay na lamang niya na maunang mag salita ay si Jovy. Pero masyado rin matigas si Jovy at talaga namang buo ang desisyon niyang hindi kausapin si Robert dahil sa kasalanang ginawa nito sa kanya.
Seryoso ang mukha ni Jovy habang nag titipa sa keyboard sa harap ng computer. Nakaupo siya sa kanyang table at inaayos ang inventory sa computer. Maya't-maya naman ang tingin sa kanya ni Robert.
Tuwing mapapatingin naman si Jovy kay Robert ay mabilis naman na binabawi ng binata ang kanyang tingin at binabalik ang atensyon sa computer.
Nang hindi na mapigilan ni Robert ang kabyang sarili ay padabog na siyang tumayo sa kanyang upuan at padabog na nilapag ang dalawang kamay sa lamesa.
Napasighap naman sa gulat si Jovy at napakunot noo na tumingin sa galit na si Robert.
"Ano ba? Hindi ka ba talaga magsasalita?" Sigaw ni Robert habang nakakunot noo na nakatitig kay Jovy.
Huminga ng malalim si Jovy at umirap at binalik ang paningin sa computer. "Isulat mo nalang sa note pad ang gusto mong sabihin tapos idikit mo don sa likod ng pinto." Seryoso na sabi ni Jovy habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa.
Napatiim bagang naman si Robert at parang umakyat ang dugo sa ulo niya dahil sa inis. "Ano ba! hindi ka ba talaga titigil? Mag usap nga tayo!" Masungit na sabi ni Robert.
Napa hilot sa sentido si Jovy, "Paki dikit nalang don sa pinto ang sasabihin mo." Sabi niya at tinuloy ulit ang pag aayos sa inventory.
Hindi na maipinta ang mukha ni Robert. Napakuyom na lang siya ng kamao at huminga ng malalim. Umupo siya ulit at nag halukipkip habang nakatingin ng masama sa busy'ng busy na si Jovy.
Halos mag iisang oras na silang walang imikan at tila sasabog na sa pag titimpi ng inis si Robert.
Mabilis na naman siyang tumayo at padabog na sinipa ang paa ng kanyang upuan. Nagulat na naman si Jovy at napaangat ng tingin sa papalapit na si Robert.
Galit na galit ang mukha nito ng ibagsak niya ang mga kamay sa mesa ni Jovy. "Mag usap nga tayo!!!" Sigaw niya kay Jovy habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.
Napairap ulit si Jovy, "pakidikit na lang sa pin-"
"Ano ba!!! Huwag mo na nga i-mention ang pintuan!!! Gusto ko mag usap tayo!!!" Galit na galit niyang sigaw sabay hawak sa braso ni Jovy at hinila niya ito patayo.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Jovy. Kaagad naman na napaangat ng tingin si Jovy kay Robert at tinitigan niya ito ng masama. "Ano bang sasabihin mo kasi? Sabihin mo na at madami pa akong gagawin." Sabi ni Jovy.
Napaismid si Robert. "Tss... Wag mo na tapusin yan!!! Ako na ang gagawa lahat niyan! Basta mag salita ka lang! Kausapin mo ako, o di kaya magtanong ka ng kung ano-ano!! Malapit na tayong ikasal ano ba!" Seryosong sabi ni Robert habang nakakunot ang kanyang noo.
Napaangat ng isang kilay si Jovy. "Aba! Kasalanan mo yan!!" Sabi niya sabay alis ng mga kamay ni Robert sa kanyang balikat. "Ikaw naman ang may pakana ng lahat ng ito diba?" Dagdag pa niya.
Nagtiim bagang naman si Robert. "Utang na loob sumunod ka naman sa akin!! Umakto ka lang na parang matagal na tayong mag kakilala. Mahirap bang gawin yon?" Galit na sigaw ni Robert sabay hawak sa braso ni Jovy.
Huminga ng malalim si Jovy at tsaka binawi ang braso niya kay Robert ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Justine, bitbit ang gray na suitcase.
Natigilan naman si Jovy at Robert at ang galit na mukha ni Robert ay biglang napalitan ng matatamis na mga ngiti. Ang mahigpit na paghawak niya sa braso ni Jovy ay biglang gumaan. Mabilis niyang hinila si Jovy at napasandal ito sa dibdib niya. Kaagad niyang niyakap si Jovy. "Oh kuya! Ikaw pala..." Nakangising sabi ni Robert.
Kumunot naman ang noo ni Justine. "Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong niya.
"Ah- eh... Kasi itong si honey ang kulit ehh. Kinikiliti niya ako." Nakangising sabi ni Robert.
Napakunot noo naman si Jovy at mabilis na tumingala kay Robert. "Anong kiniki-" Naputol na ang sasabihin ni Jovy ng bigla siyang halikan ni Robert sa labi.
Nanlaki ang mga mata ni Jovy at halos nakalimutan na niyang mag exhale sa sobrang pagka bigla dahil sa ginawa ni Robert.
Maging si Justine ay napakunot ang noo at natigilan na lamang sa kanyang mga nakita. At nang matauhan siya ay kaagad siyang tumikhim at mabilis naman na kumalas si Jovy mula sa pag kakayakap ni Robert. Ngunit inagapan siya kaagad sa balikat ni Robert at pwersahan na inakbayan. Napatiim bagang na lamang si Jovy at nag halukipkip.
Napatingin ulit si Robert kay Justine at hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa kanyang labi.
Napailing na lamang si Justine at mabilis na nilapag ang gray na suitcase na hawak niya sa table ni Robert. "Nandyan ang lahat ng mga dumplicates ng mga sales ng buong isang taon. Iwan ko na yan sayo. Ikaw na ang bahala, pasensya na rin kung naistorbo ko kayong dalawa." Sabi niya sabay tingin sa nakasimangot na si Jovy.
Nang magtama na naman ang kanilang mga mata ay kaagad ulit na yumuko si Jovy. Huminga ng malalim si Justine at mabilis na lumabas ng pinto.
Nang maramdaman nila na nakaalis na talaga si Justine ay mabilis silang lumayo sa isa't isa. Mabilis na pinunasan ni Jovy ang kanyang mga labi ng palad niya. Maging si Robert ay dumura dura sa maliit na trash can katabi ng kanyang table.
Kaagad na nilingon ni Jovy si Robert at tiningnan ng masama. "Bakit mo ako hinalikan? Kadiri ka! Hindi mo ba alam na first kiss ko yon?" Masungit niyang tanong.
Nag salubong na naman ang mga kilay ni Robert at muli na naman naglaho ang kanyang matatamis na ngiti. "Kailangan kong gawin yon dahil nandon si kuya! Bakit akala mo ba gusto kitang halikan? Kadiri kaya!!!" Singhal ni Robert.
Kaagad naman na napakuyom ng kamao si Jovy at napatiim bagang. "Alam mo? Kung hindi lang ako napasubo sa kalokohan mo na to, mas gugustuhin ko pa rin makasama si Justine kaysa sa hambog at walang modo na katulad mo!!!" Sigaw niya, sabay irap at talikod sa nakakunot noong si Robert.
"Anong sabi mo?" Mabilis na inagapan ni Robert sa braso si Jovy at kaagad naman na napalingon si Jovy sa kanya. "Sa tingin mo ba gusto kita? Kaya nga ikaw ang pinili kong maging asawa eh. Dahil alam kong hindi kita magugustuhan. Ginawa ko lang naman yon dahil para malamangan ko si kuya kay mommy at daddy. Dahil gusto na ng parents namin na magkaroon ng apo. Ngayon dahil ang alam nila na buntis ka, ang dahilan ng kasiyahan nila ngayon ay ako." Pangisi-ngisi na sabi ni Robert.
Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Jovy dahil sa mga narinig niya. Hindi niya inaasahan na yon pala ang pinaka dahilan ng lahat kung bakit siya ang napili ni Robert na kontratahin bilang asawa nito sa loob ng isang taon.
Hindi na siya nakasagot dahil alam niyang wala naman na siyang panalo kay Robert. Isa pa ay kailangan niya ng trabaho at pera dahil mag isa na lang siya sa buhay. Hindi na rin naman siya maaring umurong pa dahil nagkaroon na rin sila ng kasunduan at nag pirmahan pa sa kontrata. Pag umurong siya ay magbabayad siya ng limang milyon at saang langit naman niya hahagilapin ang ganoong halaga.
Bahagyang napaismid si Robert habang nakatitig sa nakatulalang si Jovy. "Baka iniisip mong gusto kita. Humihingi lang ako ng pabor sayo. At gawin mo lang ang lahat ng makakaya mo para paniwalain ang lahat na asawa kita at pagkatapos non ay wala tayong magiging problema." Seryosong sabi ni Robert.
Hindi na nakaimik pa si Jovy. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga tinuran ni Robert.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    DE Onairam

    very good

    18d

      0
  • avatar
    Saffron Lace Mamaril

    that was the first time in the world

    12/08

      0
  • avatar
    Jillian Cometa Caoile

    💗💗💗💗💗

    31/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด