logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

Habang magkakasabay kaming magkakaibigan kumakain sa pantry, nakita kong palapit sina Cess at mga kaibigan niya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos kong umalis sa birthday party niya noong nakaraang Sunday. Nakakahiya ang ginawa ko pero tinext ko siya na kinailangan ako ng kakambal ko, naintindihan naman daw niya.
Siniko ako ni Dale na katabi kong kumakain. Lahat tuloy sila napatingin na kay Cess na palapit. Nahiya pa yata siya nang makitang lahat kami nakatingin na sa kanya.
"Hm, Theo..."
"Bakit?" Tanong ko.
"Nabalitaan ko na sinugod ka ni Clint nung isang araw. Okay ka lang ba?"
"I'm fine," sabi ko.
"Ano, can we talk after you eat?"
Napatingin ako sa mga kasama ko, kay Cleo. Nakangiti naman siya sa akin. Lahat sila inaanticipate ang isasagot ko. Na-pressure ako sa mga tingin at ngiti nila.
"O-Okay." Sabi ko.
"Thank you! I'll text you."
Umalis na sila at nag-umpisa na akong tuksuin ng mga kasama ko. Pilit ko naman sinasabi sa kanila na wala iyon. Gusto talaga nila ako mag-try tumingin sa iba, pero hindi alam ni Cleo na sinusuportahan ako ng mga kaibigan namin dahil sa alam nilang may nararamdaman ako. Nagkausap na rin kami ng mga boys, ani Troy, okay na ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko para kay Cleo tutal ay wala na sila ni Zed. Pero ani Dale, hindi tama lalo na't kakagaling lang sa break up ni Cleo at nasasaktan pa rin siya. Si Dean naman ay sinabihan akong mamili sa dalawang options. Napapailing na lang ako sa kanila.
"Huwag ka na matorpe, Theo." Nakangiting sabi ni Cleo. "Kailangan mo ng makakasama lagi rito."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Nandiyan naman kayo..." ikaw...
"Bakit ganyan naman ang tono mo, Cleo? Aalis ka ba?" Tanong ni Hazel.
"Ha? Hindi naman." Tumawa si Cleo. "Para si Theo naman ang magsasabi ng problema sa lovelife sa akin."
"Sa tingin mo kapag nagka-girlfriend si Theo, pwede pa kayong mag-bestfriend? Syempre magseselos ang girlfriend niya nun!" Sabi ni Troy.
"May mga ganung babae ba talaga?" Pagtataka ni Cleo.
"Oo kaya. Kahit sa aming mga lalake, imposible hindi kami magselos kapag alam naming may bestfriend na lalaki ang girlfriend namin." Sang-ayon ni Dean.
"I agree. Kung ganito na marami tayong magkakaibigan, okay lang sa akin. Pero kung iisa talaga pinaka-close mo tapos babae pa, nako, magagalit ako sa boyfriend ko." Sang-ayon na rin ni Lyra.
"Sa tingin n'yo nagselos si Zed noon kay Theo?" Tanong ni Cleo.
"Bakit siya magseselos kung hindi ka naman niya gusto in the first place? Ginamit ka lang niya para makaganti sa kuya mo diba?"
Tinapik ni Dean si Celine sa dire-diretso niyang pagsasalita. Napayuko si Cleo. Sinamaan namin ng tingin si Celine.
"Ah eh, hehe. Sorry, Cleo." Ani Celine.
"Okay lang. Tama ka naman e." Malungkot na sabi ni Cleo. "Dapat nga hindi ko na rin siya binabanggit lalo na sa inyo."
"Mahirap talaga mag-move on, Cleo. That's fine. Nandito lang kami." Sabi ni Hazel.
Pagkatapos namin kumain, iniwan ko na sila. Pinuntahan ko si Cess sa sinabi niyang room sa building nila. Naabutan ko siyang mag-isa. Umupo ako sa tabi niya.
"Sorry kung iniistorbo kita." Ngumiti siya.
"Ayos lang. Sorry pala ulit doon sa debut mo."
"Ano ka ba, naiintindihan ko. Kumusta na kakambal mo?"
"She's fine. Ayos na sila ni Troy."
"Troy, 'yung kaibigan mo rin diba?"
Tumango ako.
"Hm, Theo..."
Napalingon ako sa kanya. Nakayuko siya pero nang mag-angat siya ng tingin sa akin, nakita ko ang pagpipigil niya ng hiya.
"Wala ka bang nararamdaman para sa akin?"
Nanlaki ang mga mata ko. Gaano kalakas ang loob niya itanong sa akin iyon? Pero nakikita kong nahihiya siya pero nakuha pa rin niya akong tanungin. Saka bakit siya ang nagtatanong? Bakit siya na babae ang gumagawa ng paraan?
Samantalang nung may maramdaman ako para kay Cleo, hindi ako katulad ng ibang mga lalaki na magkakaroon ng lakas ng loob umamin at manligaw. Natorpe ako. Inisip ko ang pagkakaibigan namin na maaaring masira kung sakaling umamin ako sa kanya at ligawan ko siya. Pero importante ba 'yon? Dapat bang inuna ko ang pagkakaibigan namin ni Cleo noon?
Tumayo ako at nakita ko ang pagkagulat niya. There's no way I can this without hurting her. Pero mas maigi na siguro itong ngayon pa lang masabi ko na sa kanya para hindi siya umasa. Saka sino ba ako para magpaasa ng babae?
"Sorry, Cess. I'm in love with someone else."
Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano pa dapat kong sasabihin. Hindi naman ako marunong mag-pacify ng feelings ng ibang tao lalo na't ibang babae. Kaya kong kausapin at i-comfort sina Cleo at Shey, pero dahil iyon ay sa kakilala ko sila. Pero si Cess? We barely knew each other.
"I'm sorry, aalis na ako." Sabi ko nang wala na talaga siyang sinabi.
Binalikan ko na ang mga kaibigan ko na nasa room na at nagtatawanan. Natapos ang klase at hinintay ko ulit si Shey sa parking. Pagkauwi namin, nagpalit agad ako ng damit.
Kinagabihan, katext ko si Cleo. Nag-aya siya makipag-video call para maturuan ko siya sa mga namiss niyang lessons. Hindi naman ako tumanggi at tinuruan siya. Natapos kami nang tawagin na ako para mag-dinner at ganun din siya.
Pagkatapos ng dinner ay bumalik na ako sa kwarto ko. Katext ko pa rin si Cleo.
Cleo:
Thank you ulit, Theo! As usual, lagi ka nandiyan for me.
Ako:
Wala 'yon. Kumusta ka na?
Cleo:
Ako ba o 'yung puso ko? Haha. Ayos lang. Nalaman ng parents ko ang nangyari, sina Zed at Kuya hindi na nagkaayos.
Ako:
Nagsisisi ka ba na sinabi mo sa kuya mo?
Cleo:
Hindi. Siya na rin nagsabi, mas okay na nasabi ko sa kanya kung hindi, hanggang ngayon nagpapakatanga siya na okay silang magkaibigan.
Ako:
Pero hindi kailangan umabot sa nadamay ka sa gulo nilang magkaibigan.
Cleo:
Okay lang 'yun. May natutunan naman ako sa experience na 'yon.
Ako:
Handa ka bang magpaligaw ulit?
Cleo:
Hindi muna ngayon. Saka wala naman manliligaw sa akin. Hahaha.
Paano kung sabihin kong ako? Papayagan mo ba ako, Cleo?
Biglang pumasok sa kwarto ko si Shey kaya hindi na ako nakapag-reply kay Cleo. Kinamusta lang din ako ni Shey at nakipag-kwentuhan. Nanghingi siya ng tulong na ipakilala si Troy sa parents namin. Nasabi na rin ni Shey kay Kuya Stanley at wala naman problema sa kuya namin. Syempre, wala na akong magagawa. Basta ang sinabi ko sa kanya...
"Matanggap man nina mommy't daddy si Troy, ako pa rin ang escort mo sa debut."
Tumawa si Shey. "Oo naman, Theo! Birthday natin 'yun!"
Ginulo ko ang buhok niya. "Basta huwag ka na ulit iiyak sa akin kapag sinaktan ka ni Troy! Binigyan na kita ng warning."
"Hindi mo naman ako matitiis kapag nasaktan ako."
"Ang proud mo ha?"
Ngumisi siya. "We're twins, hindi mo ako iiwan."
Ngumiti na lang ako.
Kinabukasan, nahuli ako ng dating. Napansin ko ang pagkaiba ng awra ng mga kasama ko. They all look down.
"May problema ba?" Pagtataka ko.
Tinapik lang ako sa balikat ng katabi kong si Troy.
"Cleo, you better tell him." Ani Celine.
"Alin?" Tanong ko.
Malungkot ang mga mata ni Cleo na humarap sa akin. "Mamimiss ko kayo, lalo na ikaw Theo." Ngumiti siya.
"Bakit? Aalis ka?"
Dahan dahan siyang tumango. "Ililipat ako ng school ng parents ko. Si kuya nagawa niyang humindi saka hindi siya pwede lalo na't graduating na siya."
Para yata akong nabingi sa narinig ko. Si Cleo magtatransfer ng ibang school? Bakit? Bakit siya ang kailangan lumayo, siya na nga itong nasaktan?
"Bakit?" Halos hindi ko iyon mabigkas. "Hindi mo naman kailangan lumayo. Okay na diba?"
"Obviously, she's not okay, Theo. Hindi ganun kadaling mag-move on kapag sinaktan ka." Sabi ni Celine.
"Celine." Suway ni Dean.
"Paniwalaan n'yo ako, okay lang ako, guys. Oo, nasaktan ako, at masakit pa rin kapag naaalala ko, pero anong magagawa nun diba? Naloko ako pero hindi naman katapusan ng mundo."
"Huwag ka nga magpakatanga, Cleo. You are not okay."
"Walang matinong babae ang magiging okay agad after masaktan."
Nabibingi ako sa mga sinasabi nila. Tama sila. At ang tanga ko para itanong kay Cleo na okay naman siya. Napaniwala agad ako sa mga sinabi niya na okay lang siya. Ang tanga ko para hindi maramdaman na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon, na pinipilit lang niyang ipakita na masaya siya, dapat nakita ko sa kanya iyon. Mas close kami diba? Bakit nabulag ako sa mga malulungkot niyang ngiti?
Kumuyom ang kamao ko. Tumayo ako at iniwan sila roon.
"Theo!" Tawag nila.
Bahala na kung hindi ko mapasukan ang unang subject namin. Umalis ako at lumayo. Pero may biglang humawak sa braso ko at hinigit ako. Napahinto ako sa paglalakad.
"C-Cleo..."
"Theo, sorry." Aniya.
Kumuyom ulit ang kamao ko. Akala ko kaya siyang i-comfort. Hindi pala. Kahit si Shey hindi ko alam i-comfort. Hindi ako marunong magpacify ng tao. Hindi ko alam paano iparamdam sa kanila na nandito lang ako, na pwede silang magtiwala sa akin para sabihin ang tunay nilang nararamdaman. Pero hindi. Si Shey hindi niya ako nagawang kausapin sa problema nila ni Troy dahil nahiya siya sa akin. Ganun din ang rason ni Cleo noong hindi niya ako kinakausap. Bakit sila nahihiya sa akin? Kung talagang mapagkakatiwalaan nila ako, hindi ba dapat komportable sila sabihin sakin iyon?
O baka hindi ako marunong mag-advice? Hindi ko pa nararanasan masaktan kaya hindi ko alam ang tunay nilang nararamdaman. All I have is sympathy, I couldn't empathize.
"Kailangan mo ba talaga umalis?" Tanong ko.
"Hindi ako maka-hindi sa parents ko."
"Iyon lang ba talaga ang dahilan?"
"Hindi..."
"Kung ganun, ano?" Tanong ko.
"Hindi ako maka hindi kasi may parte sa akin na gusto ring lumayo muna... pero naisip ko paano ako lalayo kung nag-aaral ako. Kaya nung sabihin sa akin ng parents ko na itatransfer ako, hindi ako nagdalawang isip."
Humigpit ang mga kamay ko. Hindi ko masabi na isipin niya kami. That's so selfish. Hindi pwedeng unahin niya kaming isipin kaysa sa sarili niyang nararamdaman. Nasasaktan siya at ang tanging naisip niya ay lumayo. Dapat suportahan ko siya diba? Pero hindi ko yata kakayanin na malayo siya sa akin.
"Don't worry, baka babalik din ako next school year. Sisiguraduhin kong makakapag move on na ako!"
Napalingon ako kay Cleo. "Hindi na ba kita mapipigilan?"
Napatikom ako sa sarili kong tanong. Gusto kong bawiin. Gusto kong sabihin na hindi lang ako ang may gustong umalis siya, kaming magkakaibigan. Pero nagpapaka-selfish nga ako ngayon.
"We'll stay in contact."
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maimagine ang araw araw na pagpasok ko na hindi ko makikita si Cleo sa harap ko, na hindi ko siya kasamang kumain sa pantry, na hindi ko siya kasamang makipagtawanan sa mga kaibigan namin.
"I like you, Cleo!"
Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Nasabi ko siya! Umamin ako!
"T-Theo..."
Tumalikod ako. Hindi ko makayang tingnan ang reaksyon niya. Alam ko mababasted ako, pero hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para umamin. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil ang lakas ng tibok ng puso ko.
Tinalikuran ko na siya. Hindi ako ready marinig ang sasabihin niya. Natatakot akong maramdaman ang pinaramdam ko kay Cess kahapon. I turned Cess's feelings down, now it's my time to be turned down by Cleo.
Nakuha kong mag-absent sa lahat ng subjects namin. Tinext ko si Shey na sumabay na lang kay Troy mamayang pag-uwi. Umalis ako ng school at pumunta sa restaurant ni Kuya Stanley. Mabuti na lang wala si daddy rito. Nagtataka pa si Kuya Stanley dahil nag-skip ako ng klase.
Pinatay ko ang phone ko dahil baka tawagan ako ng mga kaibigan ko. Nahihiya ako sa inasta ko. Pakiramdam ko wala akong karapatan gawin iyon, wala akong karapatan pigilan si Cleo sa desisyon niyang paglayo. Pero hindi ko maiwasan hindi masaktan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    Mi Chelle Leaoligao Alimonda

    ang sakit Pala nito pro may matutunan ka sa story

    20/07/2022

      1
  • avatar
    Yniego Zion Barte

    yes

    02/08

      1
  • avatar
    AllyzahLady

    ...

    28/07

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด