logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 1

Hindi ko kailanman naisip na iiyakan ko ang isang babae. Nang malaman ko na sinagot na ni Cleo si Zed, parang gumuho ang mundo ko. Is this even a simple crush? Parang hindi na. Sa kanya lang ako nahumaling ng ganito. Siya lang ang iniyakan ko.
“Theo...” Kumatok si Shey sa kwarto ko. “Can I come in?”
Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mukha kong basa ng luha. Hindi ako pwedeng makita ni Shey o nina mommy na umiiyak. “Bakit? I'm busy, Shey.”
“May sasabihin lang sana ako,”
“Sabihin mo na... just don’t come in.”
Saglit na natahimik ang kakambal ko. “Ah, hindi na pala. Bukas na lang.” Hindi ako nagsalita. “Good night, Theo!”
Natigilan ako. I know, by now, alam na ni Shey kung bakit ayaw ko siyang papasukin sa kwarto ko. She even said good night to me. Hindi niya ako kailanman binabati ng good morning o good night. And the way she talked a while ago, alam kong may alam na siya.
Bakit ko ba iniiyakan ang isang bagay na hindi ko agad binigyan ng pansin? Naging torpe ako. At kung kailan handa na akong magtapat sa kanya, saka naman siya nagkaroon ng boyfriend. First boyfriend niya pa!
Pilit kong kinalimutan ang lahat ng sakit. Ayokong makita ako ni Cleo kinabukasan na maga ang mga mata. Isa pa, baka asarin lang ako ng mga kasama namin.
Hinalikan ko na si mommy pagkatapos ko kumain. Nagmano na rin ako kay daddy. Wala si Kuya Stanley ngayon dahil maaga siyang kinailangan sa restaurant nila. Siya na ang nagmamanage ng restaurant na iyon na iniwan ng kanyang tunay na ina.
“Shey, ano? Sasabay ka ba?” Tanong ko sa kakambal kong napaka-bagal kumain.
“Oo, wait lang!” Sagot niya.
“Magpahinga ka muna habang kumakain si Shey, anak.” Sabi ni mommy.
Iniwan ko na sila doon para kunin ang bag ko sa sala. Kinuha ko na rin ang helmet at ang susi ko. Umupo muna ako habang hinihintay si Shey. Palagi kaming ganito tuwing umaga. Kahit pag-uwi ay siya palagi ang hinihintay ko. At kung magkataon man na napapaaga siya, reklamo siya ng reklamo dahil sa paghihintay sa akin.
Binitawan ko muna ang helmet ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Dean.
Dean:
Bro, nagpapatulong si Zed isurprise si Cleo.
Kumunot agad ang noo ko. Tss. Ako dapat ang gumagawa ng mga surprises para kay Cleo. Ako dapat ang kasama niya. Pero masyado akong mabagal kaya naunahan ako.
Ako:
Bakit sa atin? Hindi ba niya kaya?
Dean:
I don't know, bro. Are we going to help him?
Ako:
May magagawa pa ba ako? Sige na. Papunta na ako.
Ano naman kayang klaseng surprise ang gagawin ni Zed para kay Cleo? Napaisip tuloy ako. Gusto kong sirain ang plano niya pero hindi ako ganung tao e. Ayokong magalit si Cleo sa akin. Ayokong masira ako sa kanya.
Nang matapos na si Shey ay sabay na kaming pumasok. Wala naman siyang binubuksan na topic habang nasa biyahe kami. Ayoko na rin naman maalala pa ang kagabi. Naiinis ako sa sarili ko na nagawa kong umiyak dahil lang sa babae.
Pagkarating namin sa school, humiwalay agad si Shey sa akin. Pero bago siya tuluyang makawala sa paningin ko ay nakita ko ang isang lalaking lumapit at sumabay sa kanya. Tumakbo agad ako para mahabol sila. Kilala ko ang likod na ‘yon.
“Shey!” Tawag ko.
Napahinto sila sa paglalakad pero hindi sila humarap sa akin. Mas binilisan ko para makapunta sa harapan nila. Nalaglag ang panga ko nang makita ang kasama niya. At hawak pa niya ang mga libro ni Shey. Tumitig ako sa kanilang dalawa. Pareho silang hindi makapaniwala na nahuli ko sila.
“Anong ibig sabihin nito? Nililigawan mo ba ang kakambal ko?” Tanong ko sa lalaking hindi ko inakalang siya pa ang maglalakas-loob na lumapit sa kapatid ko.
“Ah... Eh... Hindi ba pwede, Theo?”
Kumunot ang noo ko. “Hindi pwede.” Sagot ko agad.
“Theo, ano ba!” Pagpipigil ni Shey sa akin.
“Bakit? Pinayagan mo na ang mokong na ‘to?”
“Oo. Bakit ba?”
“Hoy, Aurora Shelthiel! Hindi ka pa namin pinapayagan magpaligaw!”
“Bro, ano ka ba! Nanliligaw pa lang naman ako e. Ano bang masama doon?”
Sinamaan ko ng tingin ko ang kaibigan ko. “Troy, I know you when it comes to girls. At kung lolokohin mo lang ang kapatid ko, itigil mo na ‘to.”
“Theo naman. Isusugal ko ba ang pagkakaibigan natin kung hindi ako seryoso sa kakambal mo?”
Kumulo agad ang dugo ko. “Troy!” Sigaw ko.
“Theo, pwede ba! Hayaan mo na ako dito.” Naiinis na sabi ni Shey at naglakad na.
“Bro, sorry talaga. Balak ko naman sabihin sayo e. Kita na lang tayo mamaya ah!” Tinapik pa ako sa balikat ni Troy bago niya sinundan si Shey.
Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko kailanman naisip na sa lahat ng pwedeng lumapit sa kapatid ko ay si Troy pa. Iba silang dalawa ni Dean pagdating sa babae. Kilala silang playboy dito sa school at hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang mga type ni Shey. Lahat na yata ng mga sikat na lalake dito sa school ay crush niya.
“Theo!”
Napalingon agad ako sa babaeng nagpapatibok ng puso ko. Inayos ko ang salamin ko at hinarap siya. Siya ang nagpapatibok pero siya rin ang nananakit dito. Napakalaki ng kanyang ngiti nang lumapit sa akin.
“Cleo,”
“Ang lalim yata ng iniisip mo ah? May problema ba?” Tanong niya.
“Ah, wala naman.”
“Hindi ka pa ba papasok?” Nakangiti pa rin niyang tanong.
“Papasok na.”
“Tara na!” Masaya niyang sabi saka hinawakan ako sa kamay para makasabay. “Alam mo ang saya ko ngayon...” Aniya habang naglalakad na kami. Nakakapit pa rin siya sa braso ko.
“Bakit?”
“Tanggap nina mom at dad si Zed para sa akin. Kilala na rin kasi siya at pinagkakatiwalaan dahil kay kuya.”
Kaya pala napakalaki ng mga ngiti niya. Wala naman akong magagawa kaya sa tuwing nagsasabi siya sa akin ay nakikinig na lang ako. Kaya nga ako naging kaibigan hindi ba?
“Ikaw, Theo? Wala ka pa bang liligawan?” Tumingin siya sa akin.
“Wala pa.” Pilit akong ngumisi. May boyfriend na kasi ang gusto kong ligawan. Nahuli na ako.
“Bakit naman? Natatakot ba sila sakin dahil lagi kitang kasama?” Tumawa siya. “Para saan pa’t bestfriend kita kung hindi ko siya kikilatisin diba?”
Nilingon ko siya. Hindi mo naman siya kailangang kilatisin pa dahil ikaw mismo iyon, Cleo. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ako nahuhulog sa araw araw mong pagngiti sa akin. Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto.
“Wala pa naman e.” Sabi ko.
“Basta kapag meron na, ako una mong sabihan ah? Tayo mag-bestfriend diba?” Ngumisi siya.
“Oo naman,” Sagot ko na lang.
Hindi mo lang alam na ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Nakasara na marahil ang puso mo dahil may naglalaman na niyan. Wala ng pag-asa pa para mabuksan ko muli iyan. Wala ng pag-asa para makapasok ako. Kahit ilang pagkatok ang gawin ko, alam kong hindi mo ako pagbubuksan.
“Wow! Para kanino kaya ‘yan?” Tanong niya habang papasok na kami sa building namin.
Napalingon ako sa mga nasa paligid. Bawat estudyante ay may hawak na pink rose. Nang makalapit kami sa unang estudyante ay inabot niya ang kanyang hawak na bulaklak kay Cleo. Punong-puno ng pagtataka ang kasama ko. Hindi siya makapaniwalang para sa kanya ito. Mas sasaya sana ako kung ako ang may pakana nito.
“Oh my god! Para sa akin ito?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
May mga estudyante din sa bawat baitang ng hagdanan. At bawat hakbang namin ay binibigyan siya ng bulaklak. Nang makaakyat na kami sa 2nd floor kung saan nandun ang room namin ay tumambad na sa kanyang harapan ang lalaking umokupa na sa kanyang puso. Tinatago niya ang kanyang mukha sa mga dala niyang teddy bear, chocolates, at bulaklak.
“Zed?” Natatawang hula ni Cleo.
Binaba niya ang mga nakaharang sa kanyang mukha. Napakalaki din ng kanyang ngiti at kitang kita ang kanyang braces. Tss. Oo na, mas gwapo siya sakin, mas maappeal, mas habulin ng mga babae. Ano ba namang panama ko sa kanya? Kaya nga siya ang sinagot ni Cleo diba?
“Hi!” Bati niya.
Napalingon ako kay Cleo nang bigla siyang bumitaw sa akin para takbuhin ang distansya nila ni Zed. Sinalubong niya ito ng yakap. Isa na namang bad picture para sa akin. Nakaka-ilang album na ako na silang dalawa palagi ang nasa pictures. Wala ako sa mga picture na ‘yon dahil ako ang kumukuha ng bawat picture nila. Ako ang nakakakita. Ako ang nasasaktan sa bawat masaya nilang pagsasama.
“I love you, Cleo.” Nakangiting sabi ni Zed.
“I love you too!” Ganting sabi ni Cleo.
“Ayieee!” Kanya kanyang hiyaw na at palakpak ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
Lumabas sa room namin ang mga kaibigan ko. Laking pagtataka ko nang nandun na agad si Troy. Hindi ko siya pinansin. Naglakad na ako at lalagpasan ko na sana sina Cleo pero hinigit ako sa braso ni Zed.
“Thank you, bro!” Aniya. “Thank you sa inyo!” Nilingon niya ang mga kaibigan ko na nasa tapat lang ng room namin.
“Theo, kakuntsaba ka niya dito?” Nakangiting tanong ni Cleo.
Napatitig ako sa kanya. Pilit kong kinalimutan ang sakit na nararamdaman ko. “Wala naman akong ginawa.” Sabi ko na lang at tuluyan na silang nilagpasan.
“Thank you!” Pahabol na sabi ni Cleo. Pero hindi ako sigurado kung para saan ba iyon o para sa boyfriend niya.
Bakit nga ba siya magte-thank you sa akin? Wala naman akong ginawa. Si Zed ang may pakana ng surprise na ito kaya para sa kanya ang thank you na iyon.
Nakatanggap ako ng tapik sa mga kasama ko nang madaanan ko sila papasok ng room. Kaagad nila akong sinundan sa pwesto ko at umupo na rin sila sa kanilang pwesto.
“Ang swerte ni Cleo no? Boyfriend niya si Zed Roces!” Dinig kong sabi ng isa naming block mate.
Napalingon ako sa kanila. Tinapik ni Dale ang balikat ko. “Hayaan mo na, bro.” Aniya na para bang papatulan ko ang mga kaklase namin.
“Gusto mo bang ipakilala ka na lang namin sa iba, Theo?” Suggest ni Troy.
Sinamaan ko agad siya ng tingin. “Hindi ako katulad mo. Saka hindi pa tayo tapos.”
Nagtaka agad ang mga kasama namin. “May problema ba kayo?” Tanong ni Hazel.
“Theo naman. Hindi ko siya sasaktan. Promise.”
“Hindi ko ipagkakatiwala ang kapatid ko sayo.” Matigas kong sabi.
“Ha? Nililigawan mo si Shey, Troy?” Pagtataka ni Lyra.
Tumango lang si Troy bilang sagot.
“Gago ka, bro! Magkakaibigan tayo dito!” Sabi ni Dean.
“Hindi ko naman sisirain ang pagkakaibigan natin.” Pagtatama ni Troy.
“Siguraduhin mo lang, Troy. Isa ako sa makakalaban mo. Subukan mo lang.” Sinuntok ni Dean sa braso si Troy.
“Naku, Troy! Siguraduhin mo lang na magbabago ka na talaga.” Sabi ni Hazel.
Sinamaan ko na lang ulit ng tingin si Troy. Hindi na ako nagsalita at ganun din sila. Natahimik na kami hanggang sa pumasok na si Cleo bitbit ang mga bigay ni Zed sa kanya. Pinagmasdan ko ang likod niya. Nasa harapan namin silang apat na babae samantalang nasa likod kaming mga lalaki.
“Kamusta naman ang hair mo, Cleo? Saya mo ngayon ah.” Puna ni Lyra.
“Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni Zed ‘to, guys. Thank you rin sa inyo. Kasabwat niya pala kayo.” Alam kong sobrang laki ng ngiti niya habang nagsasalita siya. Lumingon siya sa amin sa likod at huminto ang tingin niya sakin. “Thank you!”
“Huwag ka lang niyang sasaktan, Cleo. Bubugbugin namin ‘yon.” Sabi ni Dale.
“Hindi no. Sa kuya ko pa lang bugbog sarado na siya.” Tumawa siya.
Sana nga, Cleo. Sana nga hindi ka niya saktan dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko. Ngayong nakikita kitang masaya, magpapaubaya ako. Hindi ko naman maibibigay sayo ang ganyang mga ngiti mo kaya okay na sakin makita kang ganyan kahit hindi ako ang dahilan. Kahit pa masakit, titiisin ko na lang basta ako pa rin ang bestfriend mo. Sa akin pa rin magsasabi ng mga problema mo. Sa akin ka pa rin mag-oopen up. Sana, Cleo. Sana.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (88)

  • avatar
    Mi Chelle Leaoligao Alimonda

    ang sakit Pala nito pro may matutunan ka sa story

    20/07/2022

      1
  • avatar
    Yniego Zion Barte

    yes

    02/08

      1
  • avatar
    AllyzahLady

    ...

    28/07

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด