logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1

“Whoo! Sa wakas matatapos na rin ang 3rd year!” sigaw ng kaklase kong si Adrian. Napatingin naman ako halos sa mga kaklase ko. Ang gugulo na nila dahil nga raw malapit na ang final exam. Kinakabahan na nga ako dahil next week na 'yon at kailangan kong mag-aral nang mabuti.
“Hoy, dzai! Tara na lunch time na kaya! Ano bang iniisip mo,” tanong ni Melissa.
“Trabaho, kailangan ko ng trabaho sa summer vacation. Hindi kasi kasya 'yong sweldo ko do'n sa restaurant sa pinagtatrabuhan ko. Baka hindi ako makapasok sa 4th year.”
Bigla naman niya akong hinila patayo. “Ano ka ba? Nandiyan naman mama mo. For sure, tutulungan ka no'n magbayad para sa tuition. Tara na, kain na tayo nagugutom na talaga ako!”
Kinuha ko na ang bag ko, at nagpahila na sa kaniya hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Sobrang dami ng tao at halos lahat ay maingay dahil pinag-uusapan na ang nalalapit na final exam. Mas nakaka-stress dito sa cafeteria dahil sa sobrang iingay nila.
“Ano ba 'yan?! Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Smile na kaya dzuh!” pagtataray ni Melissa. Nandito kami sa pila at hindi pa rin makausad. Nag-crossed arms siya at biglang humarap sa'kin.
“Hay nako! Kung mayaman lang ako. Pinag-aral pa kita. 'Wag mo muna problemahin 'yan. Kain muna tayo!”
“Ang ingay rito. P'wede bang sa gazebo na lang tayo kumain,” reklamo ko pa. Buti na lang at hindi narinig ng iba.
“Bawal magdala ng pagkain do'n! Sa field na lang tayo. Relaxing pa ang daming puno!”
“Kapag natapos na talaga 'tong school year mag-iingay ako ulit!”
Sabay kaming nagtawanan ni Melissa. Mas maingay pa nga ako sa kaniya madalas. Kaya siya ang dumadaldal ngayon dahil hindi siya sanay na tahimik ako.
Pagkatapos bumili ng pagkain ay dumiretso na kaagad kami sa field. Naglatag pa kami ng iilang papel para makaupo dahil baka madumihan ang damit namin.
“Ang init! Wala bang hangin?!” inis niyang tanong at ipinapaypay pa ang kamay sa mukha. “Bobita! Sumipol ka para lumapit sa'yo. Ingat nga lang baka may amoy,” pang-aasar ko. She rolled her eyes.
“Hindi ako marunong!” reklamo naman niya. Tinawanan ko naman siya. “Ako rin, e,” bawi ko pa kaya sumabay siya sa pagtawa.
“Nasa'n pala si Romelyn? Bakit hindi pumasok?” tanong ko. Humarap naman siya sa'kin habang kumakain ng burger. “May emergency raw sa bahay nila, e. Hayaan mo na, pinasabay naman niya sa'kin 'yong dapat ipasa.”
Nakita ko naman ang mga ilang students na nagkakagulo mula sa malayo. May pinagkakaguluhan sila at hindi ko mawari kung ano dahil nga tinatabunan na ng ilan pang students.
“Anong meron do'n?” tanong ko kay Melissa. Tumingin naman siya sa tinitingnan ko. Nanliiy naman ang mga mata niya. “May seminar daw kasi. Dagdag tips daw para sa'tin. Oo nga pala, ala-una 'yon sa quadrangle.”
Gosh! Ang init-init pa naman do'n. Walang kahangin-hangin tapos sobrang boring pa! Nakakaloka talaga. Buti sana kung maayos ang speaker at hindi boring mag-discuss kaso hindi, e. Sobrang boring talaga!
“Tara na, baka ma-late tayo. 'Tsaka hanap na rin tayo ng mauupuan.”
Kaagad kaming pumunta sa quadrangle. Maraming upuan na ang nakahilera doon. Mabuti na lamang at kakaunti pa lang ang students. Dumiretso na kaagad kami malapit sa may unahan. Sa 2nd row, hindi naman by section ang seats, pero ang iba kong kaklase nang makita kami ay sumama na lang din sa'min.
Wala pang 15 minutes ay napuno na kaagad halos lahat ng seats. Kaya ang iba nando'n sa dulo at nakatayo lang. Sobrang dami naman ata ng nasa course namin ang alam ko ay 7 sections lang 'yon? Tapos per section ay mayroon lang 35 students. Bakit sobrang dami naman namin? Ngayon ko lang napansin na nakisama pala ang ibang course. Ano bang meron bakit nandito halos lahat?
Kita ko ang mga uniforms nila ay iba-iba. Ang iba ay galing pa sa nursing, psychology, engineering, at architecture. Halos lahat ata nandito na, e.
“Bakit ang daming students? Akala ko ba sa course lang natin?” tanong ko kay Melissa na nakaharap sa kaklase ko at nagke-kwentuhan. “Ayun nga! Ang sabi ni Maricar ay may g'wapo raw na photographer na kasama ang speaker.”
Dahil lang sa g'wapo? Anong trip nila? Porke't g'wapo kailangan nang dagsain? Like what?! Hindi ko na lang 'yon pinansin at humarap sa stage. Nasa dulo ako ng line kaya medyo bungad ako. Sinadya ko rito dahil kapag nasa gitna ako jusko! Napaka-init para akong nasa oven.
Umakyat na ang speaker at nagsimulang magsalita. Nilibot ko naman ang paningin ko. May tatlong photographer nga ang ni-hire nila. Gano'n ba ka-bigtime ang speaker namin ngayon?
“I'm surprised that so many students interested in our seminar, now, huh? Never mind. Good afternoon, students. I am Chantrea Zolpario, CEO of C.Z. signature events. I just wanna share my experience how to become a successful event organizer.”
“Excuse me, miss?” Napalingon naman ako sa nagsalita kaya napatigil ako sa pakikinig. May hawak itong DSLR Camera.
“Yes?” tanong ko sa kaniya. Umupo naman siya sa gilid ko, habang nakatukod ang isang paa. Bale nasa medyo gitna siya. Since, wala naman ng upuan sa tabi ko.
“Can you hold this for a moment? Aayusin ko lang 'tong sintas ko,” malumanay niyang pakiusap. Tumango ako at kinuha sa kaniya ang hawak niyang cam. Binalik ko naman ang tingin ko sa speaker. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Melissa sa tabi ko kaya inis ko siyang tiningnan.
“Parang papatayin ka na ng mga ka-schoolmate natin sa sama ng tingin,” bulong niya at tumawa-tawa pa nang mahina. Inilibot ko naman ang paningin ko. 'Yong iba ay nagbubulungan, ang iba naman ay ang sama ng tingin sa'kin.
Anong ginawa ko sa kanila? Sa peripheral vision ko naman ay napansin kong tumingala na 'yong photographer kaya lumingon na ako sa kaniya at iniabot ang camera.
“Thank you,” sabi niya at kinuha ito. Naglakad na siya paharap at kumuha ng litrato. “Ang weird naman,” bulong ni Melissa. Kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ng alin?” tanong ko.
“Wala, nevermind.” Mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang seminar. “Thank you everyone for listening. Kahit na ang alam ko ay ang photographers namin ang tinititigan niyo,” sabi ni Ms. Chantrea.
Nagtawanan naman ang mga students maging ang mga professor. Buti na lang talaga at friday na ngayon! Ngayon ay palabas na kami ng gate. Maingay na naman dahil sa bulungan nila.
“Hoy, dzai! Tara kikiam tayo,” aya ko kay Melissa. Napatingin naman ako sa ginagawa niya inaayos ang gamit niya sa bag habang naglalakad. “Sandali, ayusin ko muna 'to. Nasira pa 'ata zipper. Hinto nga muna tayo saglit.”
Huminto kami sa waiting shed na malapit sa gate. “Ano ba nangyari riyan? Dadaan pa ako sa restaurant, 'no.”
“Teka, ito na maayos na. Ayan tapos na!” Nang maayos na niya ang zipper ay ibinalik niya ito sa pagkakasabit sa likod niya. Palakad na sana kami nang may humawak sa balikat ko.
'Yong photographer kanina. Ano na namang kailangan nito? “'Yong panyo mo naiwan,” sabi niya sabay abot sa'kin ng panyo at agad din siyang umalis. Ha? Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Nandito naman ang panyo ko, ah. Same colors nga.
Sinuri ko ang panyo na binigay niya, may nakalagay na initials. K.J.J. Hindi naman sa'kin 'to! Ibabalik ko na lang sa kaniya 'to para siya na magbalik kung saan niya nakuha.
Tatawagin ko na sana siya kaso nawala siya sa paningin ko. Nasa'n na 'yon? Ang bilis naman maglakad no'n. Isasauli ko na lang 'to kapag nakita ko siya ulit.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (40)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    08/08

      0
  • avatar
    Hajj Jameel Acob Dimaampao

    good

    22/07

      0
  • avatar
    Shein Jamar

    beautiful

    21/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด