"Lul, 'bat 'nyo pinaiyak?" Dinig ko ang boses ni Rainn. "Tanga, pa-victim! Ikaw kaya nagsimula!" Sigaw ni Cassy. "Kasi naman, eh! Napaka-pakialamero mong ulan ka! Diligan mo na lang mga pechay ni Aling Rutha kesa magpa-iyak ka pa ng pinsan mo!" Pakinig kong sigaw ni Louisse. "Why would you all put the blame on me? Bakit parang kasalanan ko pa?" Reklamo ni Rainn. "Hep, Hep, Hep, bakit may umiiyak d'yan?" Pakinig ko ang boses ni manong. Ni-start na niya ang makina ng service ngunit hindi pa rin ako matahan. "Shhh, Sol....Cha's not mad." Napatigil lang ako sa pag-hikbi ng dahil sa sinabi ni Rainn. He sounded solemn as if he wanted me to believe what he just said although it wasn't as easy as he thinks it is. Should I? Tumingala ako at pinalis ang ilang butil ng luhang lumandas sa'king pisngi. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Charisse na ngayon pala ay nasa kaharap na upuan ko na. "Cha, I'm sorry, Cha.... Mag-kaibigan lang naman kami ni Leo......I don't know why he texts me like that, I swear....Hindi ko siya ni-rereply-an........Kahit ipa-backread ko pa sa'yo lahat....I would never do that....Hindi ko magagawang agawin sa'yo si Leo....I was there for the whole three years that you've admired him......Nasaksihan ko kung pa'no mo siya magustuhan.....I'm not a snake to have the guts to even do that.....Please believe me, Cha-" "Okay lang, Sol. You don't have to be sorry. I believe in you." She cut me off. Gods! Tears of joy subconsciously pooled down my eyes. Gusto kong mag-tatalon sa tuwa! She just believed me and she's not mad at all! This is the kind of friend everybody needs. "I love you, Cha." Anas ko at lumiban sa kabilang seat upang yumakap sa kanya. "I love you too, cuz." She said at sinuklian ang yakap ko. "H-hindi ko naman talaga 'yun aagawin sa'yo, eh!" Sambit ko pagkakalas namin sa aming yakapan. "I know! Stop crying then!" Tugon niya at tinawanan na lang ako. Oh god, thank you for giving me a best friend and cousin like her. I promise to pay her back for everything. I'll always be behind her, ready to catch her when she falls just like what she did to me. I promise. "SANA ALL!" Napadpad ang titig ko kay manong na siyang sumigaw noon. Nagtawanan naman kami at naghiyawan. "Sana all nga po, manong." Rinig kong mahinang bulong ni Rainn na siyang biglang katabi ko na pala ngayon. Naka-pandekwatro siya ngayon at naka-harap sa'kin. "Leche ka, akin na cellphone ko!" Hinampas ko pa ang kanyang balikat. Tinawanan lang niya ako. "Oh, gagalet?" Sarkastiko niyang sambit at inabot na rin sa'kin sa wakas ang iPhone ko. Nadadala ng malakas na hangin ang aking nakalugay na buhok sa kasalukuyan. Napaka-sariwa ng hangin at kay ganda ng panahon. Tinatanaw ko ang mga nadaraanan naming mga subdivisions, simbahan, mall, tirahan, at kung anu-ano pa. Hinayaan ko lang ang aking sariling damhin ang kagandahan ng paligid na siyang ipinagkaloob at ipinagkatiwala ng Diyos sa atin. Nangangalahati pa lamang ang distansya ng aming service patungo sa mga bahay namin. Ngunit nang lingunin ko ang aking mga pinsan, ay mga tulog na pala sila. Naka-sandal sa pinto, naka-tungo, nakaub-ob, at naka-sandal sa katabi. Ngunit isa lang ang nanatiling gising – si Rainn. Ganoon pa rin ang upo niya kagaya ng sa kanina. Naka-pande-kwatro at naka-harap sa'kin. Pinanood ko siyang pagmasdan sandali ang tanawin sa labas. Hinahangin ang kanyang buhok kahit naka-suot siya ngayon ng turband na pang-babae. Mapilantik rin ang kanyang mga pilik-mata, dinaig pa yata kaming mga babae. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at bumaling sa'kin. "Why?" Kumunot ang kanyang noo. "Wala lang." Simpleng sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya. "Weh?" Tumaas ang kanyang isang kilay. "Wala sabi." "Crush mo'ko, noh?-" "Weird lang kase. Ngayon ka lang yata sumabay sa service sa buong grade nine natin." Sambit ko at ngumuso. Asa siya. I don't do crush-es anymore. Nawawalan na'ko ng gana simula nung mag-grade nine ako. Bukod sa wala akong makitang gwapo, ay I couldn't find nor provide any space for it. Napakamot siya sa kanyang batok at nag-half smile. "Kaya nga, eh. Weird 'no?" Umirap ako sa kanya at mahinang tumawa. Nakakapagtaka lang dahil hindi siya sumama ngayon kay na Gino, Tyron, o kung sino-sino pa mang mga gang or fraternity leaders sa school namin. Baka natauhan na siya. Sana nga. * * * * * * * * * * * * * * * "Calling the attention of the classes of St. Vincent Ferrer, St. Stephen, St. Ambrose, St. Gregory, and St. Scholastica, you are all required to attend the mass at the chapel this morning. Thank you and have a nice day." Inilayo ko ang microphone mula sa'king bibig pagka-salita ko. Narito ako ngayon sa lobby. It's just another normal school day. "Sol, kami na ni Lance bahala d'yan. Punta ka na sa chapel." Tinanguhan ako ng pinsan kong si Felix, na siyang papalapit ngayon patungo sa'king gawi. "Sige, salamat." Nginitian ko siya at matapos noon ay dumiretso na'ko sa'ming classroom upang tawagin ang aking mga kaklase. Hingal na hingal pa'ko bago makarating sa third floor sa sobrang layo ng inakyat ko. If only I possessed such a great amount of money, I would've facilitated an elevator in here. I mean, we're neither poor nor rich naman; we're just amidst. And I'm outwith appeased with what we held unto. Natuto akong makuntento because mom and dad did not inherit what they have right now - they worked their asses hard for everything we have right now. "GREGORY, ARAT NA SA CHAPEL!" Sigaw ko sa mga kaklase ko sa may bungad ng pintuan at iginiya pa ang aking kamay. "YES, PRESI!" Sabay-sabay pang hiyawan nila at lumabas rin kaagad ng classroom. Napaka-sarap sa pakiramdam ang maging President ka tapos lahat ng mga occupants mo ay sinusunod lahat ng sinasabi mo. Kung pwede nga lang pati sa gobyerno ay ganoon rin. We could've made our country progressive by now. Tama na, wag na tayong mag-expect. "Sol, tabi tayo, ha?" Napangiti ako nang marinig ang boses ni Charisse. Umakbay siya sa'kin. "Kanina pa kitang katabi," I grinned from ear to ear at naglakad na kasama siya patungo sa school chapel. * * * * * * * * * * * * * * "A reading from the Holy Gospel according to Matthew." Ako ang naatasang maging Gospel reader for today. Nakatayo ako ngayon sa maliit na podium at doon nagsalita. Hinarap ko ang mga tao roon, na siyang mga teachers, madre, at mga schoolmates ko. Habang nililibot ko ng tingin ang aking mga mata, ay nahagip nuon bigla si Rainn, na siyang nagku-krus sa kanyang noo ngayon! "Glory to you, O Lord." Oh, God! Bumalik lamang ako sa tamang estado ng aking pag-iisip nang tumugon ang mga tao. Binalewala ko na muna ang pagka-masid ko kay Rainn, at imbes ay nagsimula nang basahin ang nakasaad sa Bibliya. Nang matapos ang misa, ay nag-bow muna ako sa altar bago tuluyang lisanin ang chapel. Huli siguro akong lumabas dahil nagdasal pa ako nang matagal doon. There I saw Rainn, nakasandal sa pader at tanggal na ang mga bandage sa mukha at katawan niya. Bakas pa rin ang kaniyang mga sariwang sugat dahil kahapon lamang naman niya iyon natamo. Kaunti pa ay mapagkakamalan na siyang mummy neto. "Hi, Gospel reader!" Ngumisi siya sa akin at kumaway. Lumitaw ang dimples sa magkabila niyang pisngi. Lumapit naman ako sa kanya upang siya'y kausapin at kamustahin na rin ang mga sugat niya. He had been good to me these past few days. He didn't act so bad like how we used to. Sign na siguro 'to na tama nga 'yung quotation na "Change is the only constant thing in this world." "Hi mo, mama mo." Sarkastiko kong sambit at umirap pa sa kanya nang magka-lapit na kami. "Lol, ganon pala ganapin 'yung mga misa." Aniya sa seryosong tono. "Bakit ka pala biglaang napa-attend?" Kumunot ang aking noo at sinuri siya. Never have I ever seen him go to church, chapels, attend masses, novenas, communion, Rosary, or any religious-related circumstances in life. Lalo tuloy akong naniwalang nagmi-milagro talaga ang Diyos dahil sa pagbabago ng pinsan kong ito. And I hope that it would be steadfast. Consistency is never that easy to attain. But I believe that everybody has the capability to change, to grow. Even little by little. Through baby steps. Because a small step forward is still a part of moving forward. I have faith that my cousin could do it. "Masama?" Nag-angat siya ng kilay at ngumisi. "Hindi naman. Nakakapanibago lang." Madalas kasi, nakakasalubong ko siya tuwing umaga at nakikipag-rambulan pa sa mga kaibigan niyang mga seniors. Kung hindi, ay nasa canteen siya at may nilalanding mga grade seven or eight. "I'm trying to change.....basta para sa'yo..." Mahina niyang bulong ngunit pakinig ko pa rin, leaving me hanging down.
nice mangada yong story
05/02/2025
0good
19/06/2024
0nice
17/06/2024
0ดูทั้งหมด