logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Six: Mother

Wala kaming kibo ni Mama sa loob ng dalawang araw hanggang sa mapag-alaman ko na iba ang tinutugis ngayon ng mga pulis na hinihinala nilang suspek sa pagpatay.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.
Napagtakpan nga ang kasalanan na ginawa ni Mama. Nakokonsensya ako, sa totoo lang. Kapalit ng kalayaan ni Mama ay pagkakabilanggo ng ama nila Shia at Shaun.
Noon ko lang din nalaman na nagkapatid silang dalawa.
Nagtatago na si Mang Cardo, at ilang araw ko na hindi nakikita si Shaun sa dating tagpuan. Kinakabahan ako para sa kanilang, hindi ko maiwasang isipin na baka alam na rin n'ya.
Paano kung may alam si Shaun?
May kumirot sa puso ko nang maisip na siguradong kamumuhian ako ni Shaun kapag nagkataon na alam nga n'ya na si Mama talaga ang pumatay.
"Ma." Nakita ko s'yang naglalakad papunta sa pintuan, kaya tinawag ko. "Saan po kayo pupunta?"
It takes a few seconds before he barely answered my question.
"Magpapahangin lang."
Look at those thin arms and legs, her posture. Ang laki ng ipinayat n'ya. She already have a skinny body, but this time everything became worse, atatakot ako para sa kalusugan n'ya. Ang bigat sa loob. Ang bigat-bigat.

Napatayo agad ako nang makita s'yang pumasok. Alas diyes s'yang lumabas at ngayon na alas-sais ng gabi na s'yang umuwi.
"Ma, saan ka ba nagpunta?" Gusto ko s'yang taasan ng boses, pero ayoko muna pasamain ang loob niya. Kahit ako na lang. Magtitiis ako. "Nag-luto po ako, kumain ka muna. Magpapainit na rin po ako ng tubig, pampaligo mo."
Imbis na sagutin, tinitigan lang n'ya ako. At nagulat ako nang itaas n'ya ang kamay at idinampi sa pisngi ko.
Ramdam ko yung gaspang, bunga ng paghihirap n'ya noon sa pagtatrabaho, hanggang ngayon. Nakatitig lang ako sa mga mata n'yang tila ba pagod na naghahanap ng mapagpapahingahan sa akin.
Mariin kong pinagdiin ang mga ngipin para lang pigilan ang sarili na maluha.
"Nakakahiya ako." She said with a hit of pain. "Anak kita, pero ikaw pa mas naging ina sa ating dalawa."
"Ako na nanay, walang naging kwenta."
Tinanggal ko agad ang kamay nito sa pisngi ko 'tsaka s'ya tinalikuran. Ayokong makita n'yang umiiyak ako. Nasa punto s'ya ng buhay na kailangan n'ya ng mapagkukuhanan ng lakas, at kahit 'yon lang sana ang maibigay ko.
Tahimik lang kaming naghapunan, nang matapos, dumiretso agad s'ya sa banyo. Ilang minuto ko rin inilibang ang sarili sa paghuhugas ng dalawang pinggan. Talagang tinagalan ko para huwag sanang magisip ng kung ano-ano hanggang sa matapos si Mama sa paliligo. Akala ko didiretso na s'ya sa kwarto pero muli ko s'yang naramdaman sa likod ko.
"Alina.." nakakapanlambot ng tuhod yung boses n'ya.
"Anak, pasensya ka na talaga, ha. Mapatawad mo sana si Nanay."
Hindi ako kumibo hanggang sa makapasok s'ya sa kwarto n'ya. Isinampal ko sa bibig ang palad kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng mga luha. Itinukod ko ang kaliwang kamay sa lamesa para kumuha ng suporta dahil hindi ko na magawang makatayo nang maayos dala ng sobrang bigat at sakit na nararamdaman. Naiwan ako roon, umiiyak nang tahimik sa kusina.
May isang gabi pa na inaya n'ya ako na tabihan s'ya sa pagtulog. Pero tumanggi ako. Hindi sa ayaw ko sa kanya. Ayoko lang na makita n'ya akong umiiyak. Hindi ko rin kaya dahil ayokong makita n'yang bumigay ako.
Ilang araw s'yang ganoon, lalabas, uuwi bago mag gabi. Andoon lang ako sa pintuan o sala, naghihintay sa pagbalik n'ya. Ang kaibahan, hindi na s'ya namamansin. Tahimik lang s'yang kakain, tatango, iiling kapag tinatanong.
Iniisip ko na baka idinidistansya lang n'ya ang sarili para makapag-isip. Mas mabuti na rin 'yon, maghihintay ako hanggang sa maging ayos na ulit ang lahat.
Pagkababa ko sa bisikleta, tumakbo agad ako palapit sa isang pamilyar na likod ng tao.
"Shaun.."
Maski ako nagulat sa pag-crack ng boses ko nang tawagin ang pangalan n'ya. Nanakit ang panga ko sa pag pigil ng kung ano man na gustong lumabas, pero ang hirap, hanggang sa lumabo ang paningin ko dahil sa nag-uunahang mga luha.
Tumayo s'ya, pero hindi ko makita ang kahit anong reaksyon sa mukha niya dahil sa nagtutubig kong mata. Para na akong batang umiiyak na magsusumbong sa kanya.
Pero parang tumigil ang lahat nang maglakad s'ya palayo hanggang sa lampasan niya ako.
I was too stunned to move, to make a noise. He ignored me..
Was.. he mad?
Alam na ba n'ya?
To be honest, simula nang lumipat kami rito, walang pumapansin sa akin. Hindi ko gusto nang atensyon. Pero pansin ko lang ni minsan, wala pang ibang tao na ipinukol ang tingin sa akin.
Ganoon naman ang gusto ko eh. Walang pakielamanan. Pero may parte rin na mahirap.
Wala akong malapitan, wala makausap sa tuwing kailangan ko ng karamay.
Sanay naman akong mag-isa. Nasanay naman ako, pero putya. Ano bang meron kay Shaun at parang matagal ko na s'yang nakakasama para masaktan ng ganito sa hindi n'ya pagpansin sa 'kin.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko't hinabol siya. Pero mas laking gulat ko nang tumagos yung kamay ko sa balikat n'ya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (87)

  • avatar
    MacaurogJasmine

    thank you ☺️☺️

    05/08

      0
  • avatar
    MagbanuaVichie Joy

    exciting

    31/07

      0
  • avatar
    Wa Jid

    goods

    18/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด