logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Five: Shaun

Tatlong araw na nang mabalitaan namin na wala na si Ate Rima. Natagpuan ito sa ilalim ng tulay malapit sa likod ng pamilihan, walang buhay.
"Ma.."
Pumasok ako sa kwarto nito bitbit ang isang plato na naglalaman ng kanin at ulam, at isang baso na puno ng tubig.
Madilim ang kwarto, sarado ang nag-iisang bintana at hindi manlang binubuksan ang ilaw. Nang tuluyang makapasok, inilapag ko sa side table ang hawak at tinabihan si Mama na nakaupo, nakaharap sa saradong bintana. Tulala.
Matinding kirot ang naramdaman ko, ang masaksihan si Mama na ganoon ang kalagayan.
"Ma, kain na.."
Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi pumiyok, o bumakas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayan siya't tulala, walang buhay ang matang nakatingin sa kawalan.
"Lina.."
Halos bumuhos ang luha ko sa pagbulong n'ya ng pangalan ko. Pigil na pigil ang mga 'yon na tumulo lalo na noong lingunin niya ako gamit ang matamlay, tila pagod n'yang mga mata. She seems lost.
"Pinag tanggol lang naman kita.." she continued. Pinipigilan ko ang pagkurap pero wala rin 'yon naging tulong. "Hindi ko sinasadya.. Lina, hindi ko sinasadya.."
She continuesly shake her head, habang inilalayo ang tingin sa akin at bumaling ang pagkatulala n'ya sa kawalan.
I want to tell her she did nothing wrong just to comfort her.. but we.. we both know what she did was unforgivable..
I run, all I did was to continuously run. Yun lang kasi alam kong paraan para tumakas. Umaasang malalampasan ko lahat ng ito sa pamamagitan nang pagtakas.
Hinayaan ko na tumulo yung mga luha na kanina po pa pinipigilan, umaasa akong mababawasan lahat ng sakit at bigat sa dibdib ko ngayon. Para akong sasabog. Hindi mag kanda-mayaw ang kung ano sa dibdib ko, na nagpapahirap pa sa akin sa paghinga.
Patuloy lang ako sa pagtakbo, ni wala sa isip ko kung lumalakas ba ang paghikbi ko. Gusto kong mag labas. Gusto ko na matapos lahat ng 'to.
Dahil sa mga nag-uunahang luha na lumabas, hindi ko na nakita na may nakaharang pala sa daan hanggang sa bumunggo na lang ako sa bagay na 'yon.
"Alina, a-anong nangyari?"
Pinunasan ko agad ang mga luha sa mata ko habang iniiwasang tingnan ang mukha niya.
Ramdam ko ang sa magkabilang balikat ang init sa mga palad n'yang Naka hawak doon. Hindi ako sumagot at sinubukang piglas, hindi rin naman s'ya nag matigas at binitawan din ako.
Hindi pa man din ako nakakalayo, naramdaman ko s'yang hinawakan ako sa balikat at muling pinaharap sa kanya. Pinunasan ko agad ang mga luha sa mata ko habang iniiwasang tingnan ang mukha niya.
“Ano bang pake mo.” I didn't meant to be rude, e
pero wala na akong kontrol sa sarili. “Wala nga kasi 'di ba? wala!”
“Alina, hindi ako tanga para maniwala kasi kitang-kita ko--”
I cut his words. “People should stop acting or pretend they care about other people, because they actually didn't, they never do!”
Bahagyang itinaas ko ang dalawang kamay. “I understand, naiintindihan ko. May sari-sarili tayong problema eh.. right? so just don't, Shaun, don't. I'm fine, I am alright, I don't need them, I don't need their empathy, basically, what I am trying to say is I don't need anybody, including you, Shaun.”
“You do.” I was a little shocked sa sinabi n'ya. Hindi ko na lang s'ya tiningnan.
Sa mga oras na 'to, dapat nahihiya na ako. Dapat tumigil na ako sa pag-iyak dahil kaharap ko ang ibang tao. Pero parang mas gusto ko pang humagulgol ngayon na nasa harapan ko s'ya..
..kay Shaun.
***
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parehas lang kaming nakatayo, nakatulala ako sa kalawakan, sa karagatan sa malayo habang s'ya, ramdam ko na minsan ay sumusulyap sa akin.
"Makikinig ako." Pambabasag n'ya sa katahimikan. Pansin n'ya siguro na wala paring tigil ang pagtulo ng luha ko.
Umiling ako, habang walang naka-imprentang ekspresyon sa mukha at diretso lang ang tingin sa harapan. "Hindi mo maiintindihan."
"Paano ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin."
"Kahit sabihin ko, Shaun. Hindi mo maiintindihan." Bahagyang lumakas at dumiin ang pagkakasabi ko. Kahit na ganoon, bakas naman ang panginginig. Alam kong pansin n'ya 'yon.
Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin. Pero natatakot ako na mahusgahan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Mama. Sa iniisip kong mga posibilidad, muli na naman akong naiiyak.
Alam kong nakapako lang sa akin ang mga tingin n'ya. Ramdam ko ang awa n'ya sa akin. I hate whenever people see me being vulnerable. I hated it.
But infront of him, parang okay lang.
"Ang hirap.."
I never, open up my misfortune to others. People will listen but they'll never understand.
"Shaun, anak lang ako. Pero ako nahihirapan.."
I started to cry again. I've never been this weak infront of other people, I want to stop myself but I can't. I just can't.
"Naging makasarili ako minsan, oo, may nagagawa akong mali, aminado ako! pero sobra na. Sobra naman yatang parusa 'to!"
"Why.." walang lakas kong bulong. I knew that this time, tuluyan na naman akong bumigay.
Humihikbi kong inilagay ang dalawang palad para takpan ang mukha. Huminga ako nang malalim bago tanggalin 'yon at buong lakas na sumigaw.
"WHY!?"
Parang naglabas ng kaunting bigat sa dibdib ang ginawa ko. Dahil doon, itinuloy-tuloy ko na at umaasang mailalabas nito lahat ng sama ng loob sa pamamagitan lang ng pagsigaw.
"ALL— ALL I WANT IS TO BE FREE, PERO BA'T MAS LALO AKONG NAKUKULONG! MONTHS, YEARS.. UNTIL WHEN? HANGGANG BA MAMATAY AKO?"
Nanlambot ng tuluyan ang tuhod ko hanggang sa mapaluhod. Sa halo-halong emosyon na nararamdaman, ni hindi ko na pansin na nasa likod ko na siya.
Sa lamig ng panahon, I immediately feel the warmth, between his arms, that was slowly wrapping around my body. And all of a sudden..
I felt home..
Mas lalo akong naiyak. And what he did was tightening the grip, like he wouldn't want to let something go.. again.
"Shaun— S-Shaun, may sarili akong buhay, may sarili rin akong problema." I continued..
I will not deny that it was the warmest, that heals every wounds I have right now, from the burning thorns and scorching cold of life.
We stay there for a few minutes, with that position. Walang gumagalaw. Shaun's at my back, I could even feel a little of his breathe, it is warm, and gently hitting my checks.
I craved for home, freedom, healing, care and importance from the people I used to be with. But I never thought that all of this things, I'll receive from the person I just newly met..
"Breathe, Alina."
He said, naramdaman n'ya siguro kakaiba ang paghinga ko dahil paiyak na naman ako.
"Cry whenever you want. Walang mali ro'n. And if it didn't work.."
Hindi n'ya itinuloy ang sinasabi, but I get it when he tightened the hug again. Nagsimula na naman akong maluha.
"Anak ako, masakit para sa 'kin na makitang nagkakagano'n Nanay ko. Tulala. Hindi makausap nang maayos, ni hindi ko mapakain.."
"Hindi ko na alam.." ramdam ko ang sakit pati ng lalamunan ko marahil sa pagsigaw kanina kaya ngayon, paos na ako. "Alam kong mali, maling-mali pero hindi ko kaya.."
He probably didn't know what am I talking about. And that's fine.
"What she did was wrong, but fuck 'cause I cannot turn my back on her.. kasi ako rin ang dahilan." I paused, para huminga. "I-I don't know how, hindi ko alam kung bakit, wala akong alam, hindi ko alam kung paanong naging ako."
"I hate her. I hate her so much." Saying those words, mas lalo lang akong nasasaktan. Naiinis ako sa ginawa n'ya. She committed murder, dahil sa akin. "Naiinis ako sa ginawa n'ya— pero hindi ko s'ya kayang talikuran kasi si Mama 'yon eh. Mama ko 'yon."
"Kaya kapag nahirapan s'ya, nawawala sa sarili, mas mahirap para sa akin, para akong mababaliw. S'ya dapat gumagabay sa akin, s'ya dapat nagpapalakas ng loob ko bilang Nanay."
"Oo, s'ya takbuhan ko sa halos lahat ng bagay, pero paano na ngayon, sirang-sira s'ya.. Eh paano naman ako..?"
Naramdaman kong unti-unting kumalas ang pagkakayakap n'ya sa akin. Umusod siya at pumwesto sa gilid ko.
"When the world turns its back on you. Remember the name, Shaun." He said. Napalingon ako sa kanya, tumambad sa akin ang maaliwalas n'yang mukha. "Pogi 'yon."
Sinamaan ko s'ya ng tingin, but in the end, kasabay nang pag-singhal ko ang marahang pag-tawa.
"Paano ka?" tanong ko. "Sinong nandyan para sa 'yo?"
Namuo na naman ang katahimikan sa paligid. Lumipas ang isang minuto, but he did not answer my question, kahit hindi n'ya sahihin, alam ko na ang sagot.
I felt bad for him.
Sa dami ng bumabagabag sa isip ko, may isa pang tanong ang kusa na lang lumabas sa bibig ko.
"Shaun, it's just me or.. did we already met before?"
He didn't answer, again. Instead, mahiga ito at walang akong ipinikit ang mata. I blinked a few times.
Siguro akala ko nga lang. Hinayaan ko na lang na hampasin ang balat namin nang malalakas at malamig na hangin.
Sa totoo lang, parang ayoko na umalis doon. Ayoko na balikan ang gulo sa likod namin. Humiga rin ako sa mga damo, I shut my eyes, at hinayaang palipasin ang oras.
Sa paraang 'yon, tila tuluyang bumigat ang talukap ng mata ko, marahil sa pagod kakaiyak, hinayaan ko na lang din ang sarili para kahit papaano, maiwasan ko na mag-isip nang mag-isip.
Narinig ko pa s'yang nag salita pero hindi ko naintindihan dahil mas pinili kong itulog ang lahat, kahit saglit lang. Kahit saglit lang, bigyan ko naman nang pahinga ang sarili.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (87)

  • avatar
    MacaurogJasmine

    thank you ☺️☺️

    05/08

      0
  • avatar
    MagbanuaVichie Joy

    exciting

    31/07

      0
  • avatar
    Wa Jid

    goods

    18/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด