logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 Four: The news

"Anong ginagawa mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat na napaharap sa likuran. Tumamabad sa akin ang isang tao na naka halukipkip. Teka..
Mariin akong napalunok habang tinititigigan ang pamilyar n'yang mukha.
"Maya.."
"Yep!" She exclaimed. As I stepped backwards, nagsimula s'yang humakbang pa abante. "Alina pangalan mo, right? kilala mo naman na ako."
She smiled, with a laughter. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano dahil doon. Her presence doesn't feel heavy. Para lang akong kumakausap ng tao.
"Dito ka rin tumatambay?" Tumagos ang tingin nito sa likod ko, patuloy s'ya sa paghakbang hanggang sa malampasan n'ya ako.
Dream. This must be just a dream.
But, fuck, no. This is real. I am talking to a freaking ghost.
Humarap itong naka ngiti sa akin. Hindi alintana kung anong ekspresyon ang ipinapakita ko.
"You must be shocked."
"Who wouldn't?" ani ko, muli n'ya akong tinalikuran. Hindi pa rin ma proseso sa utak ko na kumakausap ako ng multo ngayon. Pero kahit na gustong-gusto kong tumakbo, I couldn't move this freakin' feets of mine.
"Araw-araw ka ba rito?" muli n'yang tanong na hindi man lang ako nililingon. Hindi ako sumagot pero narinig ko ang mahinang pagsinghal niya. "Siguro nakikita mo na rin s'ya."
Humarap s'ya sa akin. Kahit na bahagyang dumilim ang mukha niya dahil tinalikuran n'ya ang sinag ng araw. I still can see her doll like face, smilling at me. Pero hindi lang 'yon ang na pansin ko, may kakaiba rin sa gawing mata n'ya. Pinaningkitan ko 'yon at sinubukan aninagin.
"Alina."
Napalingon ako sa likod nang marinig ang pamilyar na boses. It's Shaun. Pero hindi s'ya nag-iisa. Isang payat na braso ng bata ang nakapalupot sa bewag niya mula sa likod. Bahagya pa 'yon sumilip para tingnan ako.
"Shia.." mahinahong pakiusap n'ya sa batang tila natatakot na animoy may nakikitang multo. Maya-maya ay lumabas din ito pero nananatiling nakadikit sa lalaki.
Speaking of..
Ganoon na lang ang panlalamig at pangangapal ng batok ko. Sa halos sampung segundong pagkalingat, wala na agad yung kanina kong kausap.
"Alina, ayos ka lang?" dinig kong sabi ni Shaun kaya muli ko silang nilingon. "Namumutla ka."
'Yon lang ang huli kong naalala bago magdilim ang buong paligid.
***
I've had a bad dream last night. Dala na rin siguro ng mga nangyayari sa akin sa labas kaya halos wala ako sa mood na magkikilos buong araw.
I've been seeing a ghost. Hindi naman ako ganito noong masa syudad kami. Posible ba na kusang nag-open ang third eye ko pagkarating namin dito sa probinsya? isn't it impossible?
I mean, as far as I know, kung hindi ang mga eksperto, pwede ko rin buksan 'to kung gugustuhin ko. Pero hindi kailan man pumasok sa isip ko na buksan 'to.
"Saan punta, Alina?" bungad ni Mama sa akin paglabas ko ng kwarto. Mukhang kakapasok lang din n'ya galing sa labas.
"D'yan lang po."
Sumakay ulit ako sa bisikleta. Naisipan ko lang na maglibang, since I noticed that i've been stressing myself for thinking too much, sa mga tao na hindi naman na nag-e-exist sa mundo.
Nadaan ako sa isang bakuran, narinig ko ang mga sigawan at tila pagkabasag ng mga bote. Sinadya kong bagalan ang pag padyak para pasimpleng maki-usosyo.
"SIGE SIRAIN MO 'YAN!" sigaw ng pamilyar na babae. Parang s'ya yung isa sa dalawang babae sa palengke noong kinuha ko ang naiwan na pinamili ni Mama. "SIGE!"
Ganoon din ang isang lalaki na walang habas na itinataob ang mga lamesa na may puting tela at parang naka ayos dahil may nagaganap na kasiyahan.
"GANYAN 'YAN, PAMBIHIRA ANG UGALI. KARMA MO NA PAGKA MATAY NG ASAWA MO!" muling sigaw ng babae na naka dungaw sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay nila, kasama ang ilang tao na naroon sa ikaunang palapag at ang iba ay narito sa labas sa kalsada para maki-usosyo.
Maya-maya ay hinila ng lalaki ang isang bata galing sa gilid at pwersahang kinaladkad. Iyak nang iyak ang bata at tila takot na takot pero walang magawa kung hindi ang bilisan ang paglalakad.
It's Shia..
"TUMIGIL KA!" sigaw ng lalaki sa bata na agad tinakpan ang bibig niya kahit na pahikbihikbi. Ramdam ko ang panginginig sa buong katawan ko nung mga oras na 'yon, habang pinapanood kung paano ma dapa ang bata sa bilis ng pagkaladkad sa kanya, imbis na itayo nang maayos, marahas pa n'yang hinila pataas ang braso ng bata na may pagkakataong nakaluhod itong napalahad.
Halos manlambot ako sa nasaksihan dahil ba naman sa liit ng braso, maaari 'yon na mapilay. Isa pa, pag-angat ng bata, sumilay agad ang pulang likido at malaking sugat sa magkabilang tuhod.
"YUNG BATA! DALAWA NA NGALANG ANAK MO PINATAY MO PA YUNG ISA! NAPAKA DEMONYO MO HAYOP KA WALA KANG KALULUWA! MABUTI LANG SA 'YO INIWAN KA NG ASAWA MO KASI WALA KANG KASING DEMONYO!!"
Buong araw na lang ako nagkulong sa bahay, na abutan ko pa si Ate Rima na kausap n'ya sa sala. Noong dumating ako, biglang nag-iba ang ekspresyon nito na tila napilitan lang ngumiti-ngiti at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Ayos lang. Naiintindihan ko naman na baka naiilang s'ya dahil sa nangyari sa bahay n'ya noong nakaraan. Hindi ko rin s'ya masisisi dahil unika hija n'ya si Maya.
Kinabukasan, alas singko ng umaga ako lumabas ng bahay. Pumunta sa madalas kong puntahan sa lugar na 'to.
Tumambad sa akin ang naglalakasang hampas ng malalamig na hangin, ang tunog ng nag-hahaplusang dahon at damo, pati na ang bawat hampas ng alon sa ibaba.
The dark blue sky was clear that seems giving me a time to think and reflect. The silence of people, the time for nature to be free and be loud.
Just like how mind and people battled. Mind is unstoppable, because we overthink. People did not actually became empty, the fact that we just didn't know how to arrange things in our mind anymore.
We just get used to it and became part of our everyday life, until we reach our final destination.. and die.
What happened to me this past few days are totally.. less than what I expected.
This is better than pure silence, it feels like nature's comforting me. I hope, once the sun sets, the world will flipped into something with peace, and no violence anymore.
But we all know, humans are one of the main when it comes creating chaos.
Dalawang araw pagkatapos ang nasaksihan, naging payapa naman ang buhay ko kahit papaano. Hiniling ko na sana magtuloy-tuloy na 'yon nang magimbal na naman ang bayan sa isang balita.
"SI RIMA, PATAY NA!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (87)

  • avatar
    MacaurogJasmine

    thank you ☺️☺️

    05/08

      0
  • avatar
    MagbanuaVichie Joy

    exciting

    31/07

      0
  • avatar
    Wa Jid

    goods

    18/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด