logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

"Nasa'n si Ashley? Nasaan siya?"
Sinalubong ni Lenon ang nagbabagang mga mata ni John at pinahid ang dugo sa gilid ng kaniyang labi gamit ang likod ng nakakuyom niyang kamao. Ilang segundo lamang ay lumapat na ito sa pisngi ni John. Nawalan siya ng balanse at sumalampak sa malamig na sahig. Agad na tumayo si Lenon at maangas na dumura.
"Kulang pa 'yan sa sakit na idinulot mo kay Ashley!"
Dahan-dahang tumayo si John.
"Sabihin mo sa akin, sinadya mo ba ang lahat ng ito? Planado mo ba 'to?"
"Ang alin? Ang pagpunta ni Ashley dito? Siguro?" naka-ngising wika ni Lenon.
"Gago ka!"
Humalakhak si Lenon.
"Hindi ako salamin, John."
"Nakiusap ako sa'yo Lenon, nakiusap ako sa'yo kanina na huwag ipapaalam kay Ashley ang tungkol sa engagement party."
"Wala akong ipinangakong kahit ano."
"Non, magkaibigan tayo!"
"Kaibigan ko rin si Ashley."
Sarkastikong ngumisi si John.
"Talaga ba? Mahal mo siya, Lenon and you're taking this opportunity to have her! Sinisira mo kami!"
"Ikaw ang sumira sa inyong dalawa, John! Ikaw! Huwag mong isisi sa iba ang bunga ng kagaguhan mo!"
"Hayop ka!"
"Hindi nga ako salamin sabi!"
Nagbuno ang dalawang binata at nagpalitan ng suntok at sipa. Bumagsak si John sa semento, hindi siya hinayaan ni Lenon na makabangon. Dinaganan niya ang tiyan ng binata at kinwelyuhan hanggang umangat ng ilang metro ang leeg ng binata mula sa lupa.
"Sa tingin mo ba kapag naghiwalay kami ni Ashley, may pag-asa ka sa kaniya? Wala! Hinding-hindi ka niya mamahalin kahit kailan!" hinihingal na wika ni John habang nakaguhit sa mga labi ang isang nakakainis na ngiti.
"Tumahimik ka!"
Walang-awang pinagsasapak ni Lenon si John na halos mawalan na ito ng ulirat. Natigil lamang siya nang marahas siyang hinila palayo ng dalawang gwardiya. Kasunod ng mga ito si Maia. Agad na lumapit ang dalaga sa nakahandusay na binata. Napangiwi siya sa itsura ng kaniyang fiancee. Duguan at puno ng pasa.
Humalakhak si John at maya-maya ang kaniyang malulutong na tawa ay naging mga hikbi. Itinakip niya sa kaniyang mga mata ang isa niyang braso.
"Ash, I'm sorry. I'm really sorry," paulit-ulit niyang bulong.
Napahinga nang malalim si Maia at mas piniling iwanan ang binata. Lumapit siya kay Lenon.
"Wala ka bang awa?" galit niyang tanong.
"Ikaw? Hindi ka ba naaawa sa kanila? Look at John. He's hurting, he's crying, hindi dahil sa mga sapak ko kun'di dahil alam niyang mawawala na sa kaniya ang taong pinakamamahal niya. Ganoon din si Ashley. She's broken. Bakit nga ba hindi, pinagtaksilan siya ng dalawang tao pinagkakatiwalaan niya."
Pinakawalan si Lenon ng mga gwardiya at iniwanan silang dalawa. Dahan-dahan na ring nagsisi-alisan ang mga taong naki-usyoso sa nangyari.
Hindi makapaniwalang ngumisi si Ashley.
"Pwede ba, Lenon? Stop pretending na para bang ako lang ang guilty dito, sinabi mo kay Ashley ang tungkol sa engagement party namin, kaya niya nalaman. Sinadya mong malaman niya."
Napayuko na lamang si Lenon. Oo, plano niyang gawin iyon pero hindi niya nagawa. Naunahan siya.
"Kailan pa tayo umabot sa ganito, Maia?"
Umiling ang dalaga.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang wala ng atrasan 'to."
"Mas mahalaga ba talaga sayo ang pagmamahal kesa sa pagkakaibigan?"
"Maybe? Kung papipiliin ako kung sino ang kakayanin kong mawala, kayo ba o si John? Pipiliin ko kayo ng paulit-ulit. I'm sure, ikaw din."
Hindi nakasagot si Lenon dahil totoo ang mga sinabi ni Maia.
Nahihirapang tumayo si John at pagewang-pagewang na naglakad paalis.
"John, where are you going?"
Tumakbo palapit si Maia at hinuli ang braso nito na agad namang iwinaklit ng binata.
"Wala kang pakialam," malamig niyang turan.
"Hanggang kailan mo ako tatratuhin na para bang kasalanan ko lang ang lahat?"
Napatigil si John sa paglalakad.
"Hindi ko ginawang mag-isa 'tong batang nasa sinapupunan ko! Hindi kita pinilit na panagutan 'to! Ikaw ang nagkusa! Ikaw ang nangako sa mga magulang ko na pakakasalan mo ako! Ngayon, kung hindi mo naman kayang tuparin iyon, mas mabuting ipalalaglag ko na lang 'to para wala ng kasalan na maganap!"
"Gawin mo ang gusto mo. Wala na akong pakialam."
Marahas na napabuga ng hangin si Maia dahil sa labis na pagkabigla.
"John! Kapag hindi ka tumigil, tototohanin ko ang sinabi ko!"
Nagpatuloy lamang sa paglalakad si John sa kabila ng mga banta ni Maia.
"John!"
"John!" malakas na sigaw ng dalaga kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Let him for now," wika ni Lenon kay Maia, "kailangan nilang mag-usap ni Ashley. Huwag mong dibdibin ang mga sinabi niya, he didn't mean any of it. Baka makasama sa bata."
Tinitigan nang masama ni Maia si Lenon.
"Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi mo pero, hindi lang ikaw ang nakakakilala kay John, Lenon. Alam ko din kung kailan siya seryoso at hindi, at lahat ng mga sinabi niya kanina, seryoso siya do'n."
Tinalikuran ni Maia si Lenon at mabilis na tinahak ang daan papasok ng hotel habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
"Responsableng tao si John, alam mo din iyon 'di ba? At si Ashley, palagi niyang pinipiling gawin kung ano ang tama. Palagi."
Hindi makapaniwala si Maia sa narinig dahilan para mapatigil siya. Humarap siya kay Lenon at sinuklay pataas ang kaniyang buhok.
"Pinaparinggan mo ba ako? Oo may kasalanan ako kay Ashley, pero may kasalanan din naman siya sa akin ah. Bakit ako lang ang nagmumukhang masama dito? Alam niyang gusto ko si John pero inahas niya pa rin siya sa akin. Siya ang unang nag-traydor. Binabalik ko lang sa kaniya ang eksaktong bagay na ginawa niya sa akin."
"Hindi ka niya trinaydor sa kahit na anong paraan, Maia. Walang kayo ni John, kaya wala siyang inahas sa'yo."
Sarkastikong tumawa si Maia.
"Oo na! Ako na ang traydor! Ako na ang masamang kaibigan! Sa tingin mo ba masaya ako sa sitwasyon na'to? Sa tingin mo ba ginusto ko 'to? Hindi, Lenon! Oo, akin nga si John! Pero iyong puso ng gagong iyon pagmamay-ari ni Ashley! Pinandidirihan niya ako, sagad hanggang buto ang pagkamuhi niya sa akin! Daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan niya! Mas pinili kong maging masamang kaibigan kesa maging mamatay tao. Kung mali pa din iyon, hindi ko na alam kung ano ang tama."
Nagpatuloy sa paglalakad si Maia ngunit matapos lamang ang ilang hakbang, muli siyang tumigil subalit, hindi na siya humarap kay Lenon.
"Ikaw na ang bahala kay Ashley. Huwag na huwag mo siyang pababayaan. Kailangan ka niya, lalo na ngayon."
Tumingala siya sa kalangitan. Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa kaniyang labi.
"Sinong mag-aakala na ang halos pitong taon nating pagkakaibigan, masisira lang pala ng isang gabi ng pagkakamali," malungkot niyang wika kasabay ng paglandas ng isang butil ng luha sa kaniyang pisngi na pinapatingkad ng liwanag ng buwan na tumama dito.
...
Tanging ang malalakas na sigaw ni Ashley na puno ng paghihinagpis, sakit at galit ang maririnig sa paligid ng kubo. Dito siya dinala ng kaniyang mga paa. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat sa kanila ni John. Walang nagbago sa ayos nito. Kung ano ang itsura nang lumisan sila, ganoon pa rin.
Balot ng luha ang kaniyang mga mata at halos kapusin siya ng hangin dahil sa kaniyang sunod-sunod na mga hikbi at marahas na pagtanggal sa mga letter balloons na nasa dingding kasama ng mga disensyo na nakapalibot dito. Kulang na lamang baliktaran niya ang buong kubo, mailabas lang ng buo ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Napasalampak siya sa sahig dahil sa pagod. Dumapo ang kaniyang mga mata sa mga larawang nasa tali ng helium balloons. Muling sumiklab ang galit sa kaniyang puso. Agad siyang tumayo at binalibag ang lamesa. Isa-isa niyang tinanggal ang mga larawan at pinagpupunit.
"Bakit? Bakit? Bakit? Bakit?" bulong niya na may diin. Kanina niya pa tinatanong iyan sa sarili, subalit wala siyang mahagilap na sagot. "Bakit?" malakas niyang sigaw at marahas na itinapon ang pinagpira-piraso niyang litrato.
Muli siyang sumalampak sa sahig at mariing hinawakan ang isang lobo hanggang sa ito'y pumutok. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nakakaawa ang kalagayan niya, batid niya iyon. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at tumayo. Naglakad siya palabas at umupo sa picnic blanket. Inilibot niya ang mga mata sa mga larawang nasa christmas lights na nakabitin sa ere. Muling tumulo ang kaniyang mga luha. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sarili na bumalik sa mga senaryong nasa mga larawan. Gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi, ngiting may halong lungkot at panghihinayang.
Umawang ang kaniyang mga labi nang maramdaman ang isang pamilyar na presensiya. Umupo siya sa kaniyang tabi at sumandal sa kaniyang likod. Sa hindi niya mawaring dahilan, pinapawi ng init ng likod ng binata ang kaniyang galit. Nanatili silang tahimik. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Nakabibingi, subalit napaka-kalmado.
Binasag iyon ng mag-vibrate ang cellphone ni Ashley. Sa pag-iisip na ama niya iyon, agad niyang kinuha ang cellphone at nabasa ang isang mensahe na sumagot sa lahat ng mga katanungang kanina pa naglalaro sa kaniyang isipan.
'She is pregnant and he is the father."
Dahil sa walong salita na iyon, nalinawan si Ashley.  Mapait siyang ngumiti.
"I'm sorry," pabulong na wika ni John.
Mariin siyang napapikit at hinayaan ang mga luhang rumagasa.
"So, she's pregnant that's why you two have to get married?"
Tumango si John na para bang makikita iyon ni Ashley. Panay na rin ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
"I'm sorry."
Isang hikbi ang tumakas sa mga labi ni Ashley na pumiga sa puso ni John.
"Ash, I don't want to lose you. Tell me, what do I have to do to make you stay?"
Sarkastikong ngumisi si Ashley.
"Ayaw mo akong mawala pero ginawa mo ang eksaktong bagay na sisira sa ating dalawa."
"It was an accident. A drunken mistake that I will regret forever."
"Kaya ko namang patawarin ang pagkakamaling iyon. Kaya kong magpanggap na parang walang nangyari pero, John, nagbunga ang pagkakamaling iyon. Sabihin mo sa akin? Paano ako lalaban sa isang responsibilidad na hindi mo pwedeng talikuran?"
"So, you're breaking up with me?"
"Iyon ang hinihingi ng sitwasyon. Iyon ang kailangan nating gawin."
"Hindi mo ba ako mahal? Ba't ang dali para sa'yo na magsalita ng ganiyan?"
"What do you want me to do? Maging kabit? John, you know that I deserve better and Maia, she deserves more."
Hinawakan ni John ang mga balikat ni Ashley at pinaharap sa kaniya ang dalaga.
"Ako? Ashley, I deserve to be with someone I love!"
"Then, mahalin mo si Maia. Turuan mo ang sarili mong mahalin ang babaeng magiging ina ng mga anak mo."
"Hindi ko kaya."
"As if that is an option."
Muli silang binalot ng nakakabinging katahimikan.
"Let me tell you a very funny story," wika ni Ashley habang ang mga mata nasa nakabitin na mga litrato. "I have a friend and she has a boyfriend. They had a perfect relationship, so perfect that she thought he will be the man she was going to marry. He was part of her every plan for the future, only to find out that he was already part of someone else's. Funny, right?"
Ang mga tawa ni Ashley ay naging mga hikbi.
"I'm sorry."
"Sana magic word na lang ang sorry na kapag nagkamali ka, sasambitin mo lang, woosh, ayos na. Pero, hindi eh. Hindi. Ikakasal ka kay Maia, magkakaanak kayo at magsasama habang buhay. Ako? Magiging busy sa pagpapagaling ng puso ko. I don't know how long will it take, but I'm sure I will get there somehow. Mahaharap ko din kayong dalawa na hindi nasasaktan."
"We're really breaking up."
"Yeah. We're breaking up. 'Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na sa ganitong paraan tayo magtatapos. Can I ask you something, John? Gaano katagal niyo na ako pinagmumukhang tanga ni Maia?"
"Three months."
"God! Wow! Three months." Tumango-tango si Ashley at tumayo. "Goodbye, John. I love you," nginitian niya ang binata. Ngiting laman ang mga katagang hindi niya kayang sambitin.
"I love you, Ashley. Forever. Always."
Pinanood ni John ang paglisan ng babaeng pinakamamahal niya. Sa wakas nakapagpasiya na siyang sabihin ang bagay na rason kung bakit siya nalasing, at maaring maging rason upang makalimutan niya ang namamagitan sa kanila sa madaling panahon.
"Ash!"
Napatigil si Ashley.
"May posibilidad na magkapatid tayo."
Wala sa sariling napahawak si Ashley sa kaniyang tiyan.
"Iyon ba ang rason kung bakit ka nagpakalango sa alak? Sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan? Sana sinigurado mo muna."
Nagpatuloy sa paglalakad si Ashley, nanginginig ang kaniyang mga tuhod at nagririgodon ang kaniyang puso.
"Do you know what I regret the most?"
Muling tumigil si Ashley at hinintay ang sunod na mga katagang sasambitin ng binata.
"Nang gabi iyon, sana, sana nakinig na lang ako sa'yo. Sana sinamahan na lang kitang manood ng kdrama magdamag."
Napasinghap si Ashley at napatakip sa kaniyang bibig. Naalala niya ang gabing tinutukoy ni John. Ang ikatlo at huling araw ng Senior's Day. Mariin siyang napapikit. Hinihiling na sana hindi na lamang niya nalaman.
"Alam mo kung ano ang pinagsisihan ko ng lubos ngayon? 'Ando'n ako nang gabing iyon. Nagpunta ako, pero mas pinili kong maghintay sa labas na parang siraulo. Kung alam ko lang na mangyayari ang gano'n. Sana mas pinili kong pumasok kesa unahin ang kaartehan ko. Sana, hindi natin tinatapos ang relasyon natin ngayon."
To be continued...
Memory Box: Elementary: Grade 4: First day of school: Lunch Break: Cafeteria
Naka-upo si Maia sa pinakasulok na mesa sa cafeteria. Tahimik na kumakain ng mag-isa. Gaya ng kasanayan. Gaya ng kagawian. Tahimik siyang bata, pangunahing rason kung bakit wala siyang kaibigan. Idagdag pang palagi siyang seryoso at animo mangangain ng tao. Inilibot niya ang paningin sa maingay na paligid, na ang pangunahing bumubuo ay mga tawanan, halakhakang 'ni minsan hindi pa nagawa ng lalamunan ni Maia. Naiingit siya subalit hindi niya alam kung paano makikipagkaibigan.
Babalik siya sa wisyo ng may naglapag ng tray sa mesang kinauupuan niya. Dahan-dahan siyang nag-angat at nakita ang pinakamaamong mukha na nakita niya sa buong buhay niya. Maihahalintulad niya siya sa mga prinsipe na nasa mga fairy tale books na binabasa niya. Umupo siya at agad na nilantakan ang kaniyang pagkain.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng init si Maia, init na minsan hindi niya naramdaman sa sariling mga magulang at sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Sa unang pagkakataon, may nakasabay siya sa pagkain at sa unang pagkakataon nagkaroon siya ng ganang kumain.
Simula ng araw na iyon, araw-araw siyang sinasabayan sa pagkain ng batang lalaki subalit 'ni minsan hindi sila nag-usap. 'Ni magpalitan ng pangalan, hindi nangyari. Ngunit, masaya na siya sa ganoon. Kuntento na siya.
Hanggang sa nagbago ang lahat pagtuntong niya ng ikalimang baitang. Naglahong parang bula ang batang lalaki. Kahit anong hanap ang gawin niya sa buong campus, hindi na niya siya nahagilap. Sa murang edad, napagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ng kakaibang kiliti na nararamdaman niya sa tuwing makikita niya ang batang lalaki. Sinikip niyang alamin ang pangalan ng bata at nagtagumpay naman siya. Itinatak niya sa isipan ang pangalang iyon at ang imahe niya sa kaniyang isipan. Ipinangakong sa muling pagtatagpo ng kanilang malandas, gagawin niya ang mga bagay na pinagsisihin niyang hindi gawin.
High School: Grade 7 si Maia samantalang 8 naman si John.
"Top 1! John Austine Jimenez!"
Napatayo si Ashley mula sa pagkaka-upo sa fence ng science park ng marinig ang pangalang sinambit ng gurong nagsisilbing mc ng kanilang first grading recognition. Nagliwanag ang kaniyang mukha ng makilala ang lalaking umaakyat sa stage.
Pumalakpak siya nang malakas at sumigaw habang tumatawa na parang nasisiraan ng ulo dahilan para makuha niya ang tingin ng mga kapwa niya mag-aaral subalit patuloy pa rin siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1)

  • avatar
    Johara Eve Villaverde

    nice

    21/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด