logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

chapter 2

Plotted Revenge
Irish Fhrixe's pov
Mayroong panunuri na nakatingin si Francia sa aking kabuuhan nang makapasok ako sa bahay na ginawang hide out. Nakaupo siya sa mahabang sofa sa sala habang ako naman ay nakatuyo sa hindi kalayuan niya.
"Buti naman alam mo pa ang papunta dito," aniya. "Bakit basa ka?" Agad na tanong niya.
Imbis na sumagot ang tanong ni Francia, iba ang mga salitang lumabas sa aking bigbig. Hindi ko napigilan na maging sa pagkakatanda ko kasi hindi ako umuwi sa Pilipinas para sumagot ng katanungan.
I seriously stared at her. "Natapos muna ba ang pinapagawa ko sayo, one month ago?" Balik tanong ko dito.
Tumagilid ako ng kunti habang nasa kanya pa rin ang aking mga mata. "Oo naman," she bragged. "Gusto mong makita? Follow me."
Tumalikod siya sa akin pero agad rin siyang muling humarap. Pinukulan ko siya ng nagtatanong na ekspresiyon bago pinaglakihan ng mga mata.
"Before that, dry yourself first," tinuro niya ang kabuuan ko. "Change your dress."
"Don't worry, Francia. I'm good, I'm not really wet," I breathed. "Gusto ko ng malaman kung sinu-sino ang babasagan ko ng noo."
"Ikaw bahala..." She smiled, a little. "Sumunod ka sa akin."
Sumunod ako kay Francia papasok sa isang silid na wardrobe lamang ang nakapaloob. Pagbukas ni Francia sa wardrobe tumampad sa amin ang hagdanan putungong underground. Hindi na ako nagtaka sa nasaksihan dahil kahit ako ay alam na ang bawat bahay na pagmamay-ari ni master ay mayroong underground. Ito ang ginagawang stock room ng products.
Bumaba kami roon. Umupo ako sa upuang bakal at pinatong ang aking paa sa mesang nasa harap. Binuksan ni Francia ang malaking monitor na nasa harapan gamit ang keyboard habang nasa gilid siya dito.
"Beware, hindi basta- bastang mapapasok ang mansyon ng mga villarica. Bukod sa daan nilang tauhan, isama na rin natin ang CCTV nakapaligid, at bared wire electric security fence na nakapalibot sa kanilang pader," entro ni Francia.
May inilahad na larawan ng mansyon si Francia. At basi sa nakikita ko medyo mahirap ngang pasukin ang makabagong mansyon na ito. May kababaan nga ang pader pero protektado naman ito ng bared wire electric fence. Ang gate naman ay de-remote. Hindi rin ito maakyat dahil sa CCTV na nakakakabit sa paligid.
But for Irish Fhrixe Dives- Silvana everything is simple. She's excellent of all, bear in mind.
I pulled out a chewing gum within my pocket. Binuksan ko ito saka inilagay sa bibig at minuya habang may mapaklang ngiti. "Do you really think I can't handle my mission?" Inis kong tanong.
Francia clicked the enter on the keyboard. Natanaw ko ang isang litrato ng babae kasama ang isang kasing edad nito na lalaki at batang babae. Muling itinoon ko ang paningin sa nasa harapan.
"No, ang gusto ko lang sabihin ay mag-iingat ka," she sighed before continued. "The next target, Masha Villarica-Astley. CEO of Golden hotel. Siya ang Panganay na anak ni Luksurio. Asawa niya si Gusion Astley at may pitong taon gulang silang anak na babae."
Nakatuon ang aking paningin sa monitor, sinaulo ang lahat ng naririnig ko mula kay Francia. Kinabisado ang mga mukha ng mga taong babasagan ko ng noo.
She clicked the next. "Second target, Carrie Villarica. twenty eight Years old and she's the President of VILLARICA DESCENT UNIVERSITY," clicked. "Third target, Esmeralda Villarica. Second wife of Luksurio."
pinakita ni Francia ang larawan ni Esmeralda, kasing-edad lang niya ito. Nagkasalubong ang aking kilay nang may nabuong tanong sa aking utak tungkol sa kanyang na banggit.
"What do you mean? About second wife," tanong ko kay Francia na nabaling sa kanyang ang aking pansin.
Simpleng humarap si Francia sa akin at sinagot ang katanungan ko. "Siya ang ikalawang asawa ni Luksurio. Ang unang asawa nito'y namatay sa car accident," sagot niya. "At balita ko asal hayop ang kanyang pag-uugali. Triple mo ang iyong pag-iingat."
"Don't worry about that Francia, asal hayop siya, halimaw naman ako. Tingnan natin kung sino ang pinakamabangis sa amin," nag-uumigting ang boses kong sabi.
Matalim kong tinitigan ang kaharap habang may ngiting-aso. Bumalik ang paningin ko sa monitor. Bumuntong-hiniga muna si Francia bago nagpatuloy.
"Your last target is sen. Luksurio Villarica. A retired General. Siya ang puno kaya dapat siya ang unahin mo."
Gusto ko ang kanyang plano ngunit meron akong sariling panuntunan sa plano. Mayroon akong sariling kalakaran kung paano tapusin ang mga Villarica. Sisiguraduhin ko na malilipol ko silang lahat at kahit ligaw na ugat nila'y hindi tutubo!
"No Francia, kailangan niyang maramdaman kung anong naramdaman ni master nung nawala si mommy at aerran," mabulusok kong sagot.
"Decision mo yan," aniya.
Marahas kong Binaba ang aking mga paa na nakapatong sa mesa. Tumayo ako nang matuwid at tumalikod. Hahakbang na sana ako para lumabas ng underground nang biglang nag-salita si Francia. Hindi ko ito inasahan.
"We're not done. Meron ka pang isang target na kailan mong makilala," pabulong nitong sabi.
Kunot-noo akong napalingon na mayroong pagtataka. "Akala ko ba, luksurio is the last."
"Nope, he's not! Meron pang isa. Makinig ka. You're fourth target is Redeemer Fhryck Villarica. Twenty three years old. At siya ang nag-iisang lalaking anak ni Luksurio."
I gave her a dim expression. At may kasabikan akong hinintay na makita ang larawan ng lalaking tinutukoy nito. Who's this guy? Is he really special?
"Come on, Francia. Who's this guy?" Bagot kong tanong dito.
Umaawang ang bibig ko sa gulat nang makita ang larawan na . Agad rin akong nakabawi at napahalakhak na lamang. Ganoon din ang kaharap naka-awang ang labi. Wow, a nice game of doom!
Natahimik na lang ako ang may namuong plano ang mataba kong utak. I sharpened my gaze at Francia. Ang nakakabinging katahimikan ang sumunod. I have an idea and it is going to be a secret, an absolutely secret!
"Francia," pukaw ko sa katahimikan. "kailangan ko nang tauhan para sa aking palano."
"Sige, bibigyan kita. Sasamahan kita bukas para puntah-"
"No, gusto ko ngayon na at hindi ka kasama," agaw linya ko.
Matapos kong magbihis nagpahatid ako sa hideout ng tauhan ni Francia. Wala siyang nagawa kundi hayaan lamang akong umalis. Hindi rin naman niya ako mapipigil dahil kung gusto ko, gusto ko at walang makakaawat sa akin kahit sino.
Huminto ang aking sinasakyan sa tapat ng isang lumang bahay. Malaki-laki rin ang bahay na ito, halatang maraming mga dagang halang ang kaluluwang nagkukubli.
"Lady Irish, nandito na tayo," ani ng driver.
Tumaas ang dugo ko sa inis dahil sa aking narinig. Madali akong bumaba sa sasakyan at tumayo sa labas ng driver seat. Siniyasan ko ang nagmamaniho gamit ang aking hintuturo na bumaba at dali naman niya akong sinunod. Tumayo siya sa aking harapan, nakayuko habang maamo ang mukha. Ako nama'y brusko na naka-kuyom ang kamaong umiigting.
"Ano po yun, lady—"
Hindi niya naituloy ang kanyang nais sabihin nang dumupo ang aking kamao sa bibig niya. Kasunod ay hinipan ko ang aking kamaong medyo sumakit dahil sa naging malakas ang pagkakasuntok ko dito.
"Ano sa tingin mo, lady pa rin na ako?" Sa aking kamao parin nakapukos ang paningin ko.
"H-hindi n-na po, boss," nanginginig ang boses niyang sagot.
Tinapunan ko nang matalim na tingin ang driver na eyeball lamang ang gumalaw. Kitang-kita ko ang labi niyang dumudugo habang nanginginig ang buong katawan sa hilakbot.
"Next time na tatawagin mo akong lady sisiguraduhin kong hindi bibig ang mababasag sa'yo kundi ang noo mo na," sabi ko.
He took one step back while trembling. "P-patawad b-boss, ayaw ko pangmamatay," Utal-utal niya.
Umiling-iling ako, pumihit at nagmartsa patungo sa bukas na pinto ng bahay. Pumasok ako dito at marahang humagpang papuntang gitna ng sala habang nagmamasid-masid. Ang bahay ay masyadong tahimik. Pero ika nga basta tahimik may paparating na panganib. Hinanda ko ang aking sarili sa puwede na mangyayari.
Isang lalaki na parang MMA player sa laki ng katawan ang sumalubong sa akin. Nakatayo siya sa isang sulok, medyo madilim ang loob ng bahay dahil sa makulimlim na ilaw kaya hindi ko siya napansin kanina.
"Naligaw ka ata, miss. Kailangan mo nang tulong?" Tanong ng armando.
Ngumiti ako habang humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay na mayroong mambabastos. Nakangiti parin ako ngunit sa loob-looban ko'y nangliliyab na ako sa poot.
"Anong gusto mong gawin miss?" Dagdag nitong tanong.
Ngumuso ako habang nakataas ang aking kanang pisngi. At kaagad kong binaliktad ang kanyang kamay na kina-ngiwi niya. "Ang gusto ko ay balian ka ng buto," maangas kong sabi. "Ano miss parin na ako?"
"B-bitiwan mo ako!" Singhal nito. "Sino ka ba!?"
I gazed at him in a sharpen way and I pushed. Kasunod ay nagpakawala ako ng isang suntok sa kanyang mukha kasunod ay roundhouse kick at dahil dito nakatulog ito ng wala sa oras. That was a very easy move. Dumura ako habang nakatingin sa natutulog na lalaki kasunod ay napailing-iling sa naging laman ng aking utak. Wala ka palang ibubuga!
Napatayo ako nang matuwid nang biglang nagsulputan ang mga kalalakihan sa bawat sulok ng sala. Mayroon silang mga tingin sa akin na kung kutsilyo lamang ito kanina pa butas-butas ang katawan ko.
"Patayin n'yo siya, wag nyong hayaang makalabas siya dito ng buhay," utos ito ng isang lalaking nakatayo sa harapan ko. Siya yata si Gregorio, ang headman.
Susugurin na sana nila ako pero mapigilan ko sila. "Bago n'yo yan gawin, magpapakilala muna ako." Kalmado kong saad. Kumuha muna ako nang chewing gum sa bulsa ng suot kong itim na jacket. Binalatan ko ito at inilagay sa sariling bibig.
"Bago ko durugin ang mga buto n'yo magpapakila muna ako," bubumuntong-hiniga ako. "By the way... Do you know Irish Fhrixe Silvana? Nais n'yo bang tikman ang bala ko para makilala n'yo ako!?"
I looking at them, seriously. Napaurong ang mga kalalakihan na mayroong takot sa mukha. Si Gregorio naman ay dali-daling lumuhod habang namumutla ang mukha. Takot siya, walang masisidlan ang takot niya sa akin.  
"L-lady Irish, patayin n'yo na po ako," he was trembling on fear.
"Kung tatawagin mo pa akong lady, I'll make your wish come true!" Inis kong hiyaw.
Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili sunod sininyasan ko si Gregorio na tumayo gamit ang aking hintuturo. Sumunod rin agad siya sa akin ngunit ganoon parin, takot.
"Ano yun, boss?" Tanong ni Gregorio.
Mapakla akong ngumisi. "I have a job for you, Gregorio. I want unspotted. Make sure there should no mark be left," puro ang boses kong pagkasabi.
"Makaka-asa ka boss, malinis pa sa Holy water ang aking pagtatrabaho," paninigurado ni Gregorio. Yumuyuko siya habang sinasagot ako. Tumalikod ako sa kausap, kinuha ang chewing gum na aking minumuya at dinilit ko ito sa talampakan ng boots kong suot.
"Siguraduhin mo dahil wala akong sablay pagdating sa noo!" Banta ko dito.
There's a hundred of evil living in my body, but in my rifle there's a thousand indwelling in it. Kapag-magkakamali siya hindi ako maghihinayang na ilaan ang isa sa kanya.
Humarap ulit ako dito. "Ang tatrabahuin mo ay si Redeemer Fryck Villarica. Kilala mo naman siya, di ba?"
"Oo boss, anak siya ni Luksurio Villarica," sagot nito.
Nagpakawala ako nang isang mapaklang ngiti. "Good. Sundan mo siya palagi. Gusto kong malaman bawat lugar na pupuntahan niya, kung anong ginagawa niya bawat minuto."
Let start the plotted revenge.
Redeemer Fryck's pov
One week later...
I winced because of Carrie's voice. Tumataginting ito sa pandinig ko. Umupo ako ng matuwid, sumandal sa backrest at huminga ng malalim.
"Go home immediately!" Carrie behest. "Masyadong dilikado, alam mo naman na may gustong pumatay sa atin."
"Yes ate, I'm on the way home," I answered. "Dadaan lang kami sa pharmacy para bumili ng gamot sa allergy."
"After that go home. Dilikado ngayon lalo na malapit nang election." Her voice was full of worry and anxiety.
Mga tao talaga para lang manalo kayang pumatay ng tao. What kind of human being they are?
Bumuntong-hiniga ako at mahinahon na sinagot ang kausap sa cellphone bago pinatay ang tawag. Nilaglag ko ang aking cellphone sa'king kandungan saka sumilip sa bintana.
E
gsakto ang pagsilip ko sa labas nang mahagilap ng aking paningin ang nag-iisang pharmacy na madadaan pauwi ng mansyon.
"Manong Renz, hinto muna tayo sa pharmacy," mando ko sa nagmamaniho.
"Yes, sir," agad na sunod ni Renz.
Huminto sa tapat ng pharmacy ang kotse. Agad akong lumabas at humakbang patungo roon. Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad ng may dalawang lalaking nakatakip ang mukha ang lumapit sa akin.
Hinawakan ako nila sa dalawang braso. "Villarica, sumama ka sa amin," bulong ng isa.
"Anong kailangan n'yo sa akin?" Tanong ko sa kanila. "Pera ba kailangan nyo? I can give you."
"Hindi, ikaw ang kailangan namin," sagot ng isa.
Puwersahan nila akong iginaya papunta sa kanilang itim na van. Halatang planado ang pagdukot sa akin. Sapilitan akong lumingon kay mang Renz, napaawang ang mga labi ko nang makitang nakabulagta na sa lupa ang matanda at walang malay.
"Kunin niyo ang inyong kamay mula sa akin!"
Sapilitan kong binabawi ang brasong hawak ng dalawa pero matipuno ang katawan at masyadong malalakas sila kaya nabigo lamang ako. Ganoon nalamang ang aking pagkagulat ng may itim na sport car ang biglaang huminto sa harap namin. Muntik pa kaming sagasaan. Ilang dagkal na lang ang layo ng gulong nito sa amin.
"Ano, tutunga ka lang diyan? Sakay na!"
Agad akong nakabawi sa gulat ng marinig ang boses ng babaeng nasa driver's seat. Isa-isa kong sinikmuran ang dalawang nakahawak sa akin kaya nabitawan nila ako.
"Maki-sakay ako ha..." Ani ko.
Iwan ko kung saan ko nakuha ang idea na magpaalam sa gitna ng mga nangyayari. Basta sadyang lumabas na lang siya sa aking bibig!
"Sure!" Brusko nitong sagot. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.
Listo akong pumasok, at hindi pa ako nakaseatbelt pinaharurot na nito ang sasakyan. Nabuwal ako sa pagkakaupo habang napahawak sa gilid ng backrest. Nambilog ang aking mata ng biglang pinabilisan ng nagmamaniho ang pagpapatakbo.
"Whoo-hoo!" Napahiyaw si Redeemer.
"This is so exciting!!" Sigaw ng babaeng nasa driver's seat. Puno ng galak ang mukha nito.
Pakiramdam ko lumulutang na kami sa hangin dahil sa tulin ng takbo ng sasakyan. At habang lutaw sa kasiyahan ang babae nagmamaniho na parang ngayon lang nakahawak ng monobela, puno naman ng kaba ang aking puso.
"Stop the car!" Hindi ko mapigilan na mapasigaw.
She braked the car sharply at the side of the road. "What's your problem, payatot?" Taas noong tanong nito habang nakanguso at nakataas ang kanyang kanang pisngi. Ang angas. Buti naman naalala pa niya ako.
Binuksan ko ang pinto. "Hindi nga ako mamamatay sa mga kidnapper na yun, mamamatay naman ako sa nervious." Bumaba ako, at bulyong naglakad pabalik.
Ilang hakbang ang naging pagitan, lumingon ako paharap sa aking pinanggalingan nang biglang may pumutok na baril. Hindi ko namalayan kung saan ito nanggaling basta naramdaman ko nalang na kumirot ang aking kaliwang braso. Sumulyap ako dito at dugong tumatagos ang aking naaninag.
"God," Anas ko.
I felt someone standing at my back. Marahan ko itong nilingon pero hindi ko pa nakita ang mukha niya malakas na tampal ang naramdamanan ko mula sa aking batok at ito ang dahilan nang pagkawala ng aking malay.
Nagising ako sa isang estrangherong silid. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang matapang na pabango ng loob. Umupo ako sa kamang aking pinaghigaan kasunod tiningnan ko ang aking braso na kumikirot. Nakabinda na ito. Biglang may pumihit ng doorknob mula sa labas, ganoon nalang ang manbibilog ng aking mga mata. Dali-dali akong muling humuga upang magpanggap na tulog.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (4)

  • avatar
    RiveraRechel

    it was good read to revenge for family na nawala sayo

    24/12/2022

      1
  • avatar
    Sophia Lorreine Ong

    i love your story^v^

    12/05/2022

      0
  • avatar
    VilliarelLouise Natasha

    ang ganda po ng story nyo!

    14/03/2022

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด