“Huwag po. Maawa kayo sa akin,” pagmamakaawa ng isang bata. Nandito lang ako, pinapanood ang nangyayari at hindi makagalaw. Nais kong lumapit sa kinaroroonan nila pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pwesto ko. “Maghubad ka!” maawtoridad na sabi ng lalaki. “Ayaw ko po,” nanginginig sa takot na ani ng bata. Sinampal ng lalaki ang bata dahilan para mapaiyak ito. Tinakpan ng lalaki ang bibig ng bata saka lumingon sa paligid. Nagtama ang aming mga mata. Hindi. Hindi maaari. “Hindi!” sigaw ko at napamulat. “Hanna, ayos ka lang?” tanong ni Nimpha. “Pawis na pawis ka.” Nakaramdam ako ng likidong umaagos sa pisngi ko kaya pinunasan ko agad ito. “Nasaan si doc Raven?” “Hindi namin alam, bunso,” sagot ni ate Jana. Agad kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin at bumangon sa aking kama. “Hanna! Saan ka pupunta? May lagnat ka pa!” Wala na silang nagawa upang pigilan ako dahil hindi ako makakapayag na hindi ko makausap si doc. “Maghubad ka. Maghubad ka,” paulit-ulit na umiikot iyan sa aking isipan. Napapaiyak na lang ako. Hindi ko alam kung saan ako ngayon papatungo ngunit tila nagkukusa ang paa ko na maglakad. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko at sana naman ay kay doc Raven. Napadpad ako sa harapan ng pintuan ng isang silid. Kumatok ako. Pinagbuksan naman ako. Tila nagulat pa si doc nang makita ako ngunit pinapasok na lamang ako. Naupo ako sa isang bakanteng upuan. May kausap na pasyente si doc. Tila nakikita ko ang sarili ko sa kausap ni doc. Para bang ako siya noong kinakausap din ako ni doc. Oo, naaalala ko ang kaganapang iyon. Umiyak ang kausap niya at hindi ko alam ngunit tila nagkusa ang katawan ko na lumapit sa babae at yakapin siya. Nagulat naman siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagluha. Napayakap din siya sa akin. Nagdaan ang ilang minuto at tumahan na rin siya. Lumayo naman ako kaunti upang makapag-usap sila ni doc. Nahiga ako sa kama rito sa silid dahil tila kailangan ko munang magpahinga. Nakaramdam ako na tila may humahaplos sa hita ko. Napamulat ako ngunit wala namang tao sa tabi ko. Nanaginip lang siguro ako. “Sino kayo?” tanong ko sa dalawa pang taong nandito sa silid. Napaupo ako sa kama. Tila lalabas na ang babae. Lumabas na nga siya. Lumapit naman sa akin ang lalaki. “Ako ‘to, si doc Raven. Sino ang kausap ko ngayon?” “Hindi ko po alam. Paano po ako napunta rito?” Hinawakan niya ang aking kamay. Agad ko naman itong binawi. “Hanna, ikaw mismo ang pumunta rito.” Akmang aalis na sana ako sa kama ngunit tila hindi ako makaalis. May pumipigil sa akin. “Nga pala, sino po si Hanna?” “Ikaw.” “Po? Ako po? Hindi, ako po si Nana.” “O sige Nana, bakit ka nandito?” “Ewan ko po.” Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. “Sandali ah, Nana. May ipapakita ako.” Inilabas niya ang kaniyang cellphone. “Ito, tignan mo oh.” Tinignan ko naman ang litratong ipinapakita niya. Napatitig lang ako sa litrato. Siya iyong isa at hindi ko malaman kung sino iyong isa ngunit parang nakita ko na siya. Tinititigan ko lang ito hanggang sa mapangiti. “Doc Raven?” tawag ko pagkaraan ng ilang minuto. “Ikaw na ba iyan Hanna?” “I don’t know. Maybe? Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nandito. I woke up from a dream.” Naupo si doc sa tabi ko pagkatapos niyang magbuntong-hininga. “Can you tell me what dream it is?” “I saw a kid and a man is telling her to take off her clothes. I was watching them until the man looked at my place that awaken me.” Napabuntong-hininga si doc. “The dream of yours is a part of your past, Hanna.” “What do you mean my past, Doc?” “You told me about that when we meet for the second time.” Napahiga ako sa kama. “Bakit gano’n, Doc? Natatakot ako. Kanina lang nanaginip yata ako na may humipo sa akin.” “Hanna, you’re strong. Want me to tell you a story?” Napalingon ako kay Doc at nakangiti siya. “Tungkol saan po, Doc?” “Tungkol sa iyo.” Nagulat naman ako. “Sa akin po?” Tumango siya. “Oo. Handa ka bang makinig?” Tumango na lamang ako. “The day before your accident, you called me at may hiniling ka sa akin. Iyon ay ang ipaalala ko ang iyong nakaraan. Iyon ay kung handa ka na ba?” Naalala ko iyong araw na iyon. Tumango na lang ako kahit tila may pumipigil sa akin. “Nakwento mo sa akin na muntik ka nang makapatay ngunit muntikan ka ring patayin.” Something flashes in my mind. Nasa isang lumang bahay ako at ang mga nanakit sa akin. Sinasakal ako ng isang babae at ang isa naman ay hinihila ang buhok ko. Ang iba naman nilang kasamahan ay nagtatawanan. Bigla na lang akong nanlaban kaya may muntikan na akong masaksak gamit ang gunting ngunit tila may pumigil din sa akin. Agad na lang akong tumakbo palabas ng lugar na iyon. “Naalala ko po, Doc, ngunit hindi ko na matandaan kung sino ang mga taong iyon nang nangyari ang insidenteng iyan. Malabo ang mukha nila sa aking memorya.” “Natatandaan mo ba kung paano ka nakawala sa lalaki na pinaghuhubad ka at muntikan ka nang gahasahin?” Napaupo ako nang maayos at bigla na naman akong napaiyak. Nanginginig na rin ang aking mga kamay. Tinapik naman ni doc ang balikat ko ngunit hindi ko alam kung bakit ko tinabig ang kaniyang kamay at itinulak. Umalis ako sa kama at patakbong tinungo ang daan patungong pintuan pero napigilan ako ni doc. “Huwag po! Ayaw ko po! Please po. ‘Wag! Pakawalan n’yo na po ako. Tulong!” Nagbukas ang pintuan at may mga pumasok. “Anong nangyayari?” tanong ng isang lalaki. “Doc! Anong ginagawa mo?” turan ng isa pang lalaki. “She’s a patient with MPD,” ani ni doc at tila naintindihan naman ng dalawang pumasok iyon kaya lumabas na rin. “Huwag n’yo po ako iwan! Tulong!” “Ssshh, hindi ko gagawin ang ginawa ng guy na iyon sa iyo. Okay?” Nagpumiglas ako. “Hindi! Hindi! Pakawalan n’yo na po ako!” Niyakap niya ako at hinigpitan niya ito. Mas napalakas na lang ang iyak ko. May bigla akong naalala. Sinampal ako ng isang lalaki dahil ayaw kong sundin ang gusto niya. Nang napaiyak ako ay tinakpan niya ang aking bibig. Napalingon siya sa paligid. Pinagsisipa ko siya at pinagbubugbog. Napakawalan niya ako at pinaalis na sa lugar nang may mga taong dumaan doon. Umiiyak akong umuwi. “Doc,” mahinang sambit ko. Nagsalita si doc ngunit hindi ko naunawaan dahil tila nahihilo na naman ako. Naramdaman ko na lang ang panghihina ng katawan ko.
Sana all
30/05/2025
0sino nga ba si Hanna
10/03/2025
0hava
17/10/2024
0ดูทั้งหมด