logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

CHAPTER 7
LAUREN'S POV
"Ouch!" Napasigaw ako. Aray!
"Anong nangyare sa'yo?" tanong sa akin ni Nerd at agad na napatayo at lumapit sa akin.
"Awww... Nasugatan iyong paa ko!" sabi ko.
Inupo niya ako sa upuan.
"Aish! Sino bang naglagay ng pako rito? Patingin nga..." sabi niya.
Umupo siya sa baba pagkatapos ay pinatong iyong paa ko sa tuhod niya. Hinawakan niya iyong galos.
"Masakit!" sabi ko. Bigla niyang hinipan.
"Mahapdi pa ba?" Tinignan niya ako. Kitang kita ko iyong concern niya. Basta tinitingnan lang niya ako. Shit! Ang awkward.
"Okay na." Nilayo ko iyong paa ko sa kanya.
"Are you sure?" tanong niya.
"Yes!" sabi ko at tumayo.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong niya pa.
"Bukas na lang tayo mag-practice. I want to go home," saad ko.
"Kaya mo ba? Hatid na kita."
"No. Kaya ko iyong sarili ko."
"Baka mapano ka, hatid na kita," offer niya.
Hays, bakit ba ang kulit niya?
"I said no! Kaya ko!" Napasigaw na ako.
"Oh sige, pero bukas ha? Ako na munang mag-uuwi ng gitara. Ingat ka. Pakakasalan pa kita." Pabulong na lang iyong last sentence niya pero mukhang seryoso siya nang sinabi niya iyon. Hindi ko narinig kaya na curious ako at nagtanong.
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Sabi ko ingat ka. Wala kase ako sa tabi mo para alagaan ka," nakayukong sabi niya.
"Psh!" sabi ko lang tapos tumalikod na. Pero napangiti ako. Seriously? Napangiti ako? Hays, bat ba kase ang bait niya sa akin?
Naglakad na ako pero naghintay lang ako ng taxi. Ang sakit pa rin eh. Galos lang naman pero ang hapdi.
Pagdating sa bahay, iika-ika akong pumasok.
"Napano ka?" bungad ni Cassandra. Lagi ba talaga siyang nakaabang? Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa loob.
"Lauren..." tawag niya.
"Pwede ba... pagod ako. Please, leave me alone," sabi ko. This time, I said it softly.
"Okay..." Pinabayaan na lang niya ako.
Umakyat na lang ako sa room ko. Paghiga ko...
"Kumusta na kaya sina Mother Rosa?" sabi ko sa isip ko.
Iyong phone ko, kailangang mabawi ko na.
FLASHBACK
"Happy birthday, Princess!" bati sa akin ni Mother Lina.
"Salamat po," sabi ko sabay yakap sa kanila.
"May gift kami sa'yo ng mga bata," saad ni Mother Rosa at may kinuha siya sa isang envelope.
"Oh..." May inabot siya.
Tiningnan ko iyong laman, pictures!
"Saan niyo po nakuha itong mga ito?" tanong ko.
"Sa bag mo, noong nakita ka namin," tugon ni Mother Lina.
Tiningnan ko iyong mga pictures... Picture ni Mama at picture ng Papa ko. Oo, nasa bag ko nga ito. Bago kami umalis ni Mama noon, I decided to bring this pictures sa bag ko. I don't know why pero, baka dahil ramdam ko na iiwan ako ni Mama? Haaay.
"Siya ba yung Mama mo?" tanong ni Mother Lina.
"Opo..." sagot ko at malungkot na ngumiti.
"Ito? Papa mo? Anong pangalan?" tanong naman ni Marissa, kasama ko sa bahay ampunan.
"Ahhh, oo. Pero hindi ko alam iyong pangalan nya eh."
"Ha? Bakit?" tanong niya pa.
"Ah...kase..." Nag-iisip ako ng isasagot ko.
"Lauren, heto pala oh," biglang sabat ni Mother Rosa. May inabot siya.
     "Wow! Ang ganda po!" bulalas ko. May picture siyang binigay. Maliit lang. Parang 3×3 size. Sa picture na iyon, parang collage na nandoon si Mama, Papa, sina Mother Rosa at ako. Ang ganda.
     "Sinadya kong maliit lang iyan para madala mo kahit saan," sabi ni Mother Rosa.
     "Salamat po..." sabi ko sabay yakap sa kanya.
END OF FLASHBACK
     Iyon iyong dahilan kung bakit gusto kong mabawi iyong phone ko. Dahil nandoon iyong picure namin, kung kailan nagkasama-sama kami ng mga taong mahalaga sa akin kahit sa edited na picture lang.
KINABUKASAN: SABADO
     10:00 am na ako gumising. May practice pala kami ni Nerd! Tumayo na ako nag-ready. Hindi ko nadatnan si Cassandra. Buti naman! Haaay. Umalis na ako.
     "Saan nga kase kami magkikita ni Nerd?" tanong ko sa sarili ko habang inaalala kung saan.
11:00 na! Aha! Sa harap ng school! Agad akong pumunta ng school. Walking distance lang naman eh. Mga 11:30, nakarating na ako sa school.
     "Nasaan na ba iyong Nerd na iyon?" iritang sabi ko.
     "Lauren!" sigaw ni Nerd habang kumakaway. Tsss. Parang bata!
     Lumapit siya sa akin.
     "Hi, kumain ka na ba?" tanong niya. 
     "I'm here for practice. For my phone! Stupid!" sabi ko.
     "Hmmm, okay. Sayang may steak pa naman ako, may sili pa. Ayaw mo? Ngumisi siya. Tsss!
     Kumukulo pa naman iyong tiyan ko! Argh! Hindi kase ako nakapag-breakfast eh! Ang bango pa naman ng steak!
     "Akin na!" sabi ko sabay kuha roon sa nakaplastik.
     "Kukunin mo rin pala eh," sabi ni Nerd. I just rolled my eyes.
     "Tara, kain muna tayo roon sa may ilalim ng puno," anyaya ni Nerd. Sumunod lang ako sa kanya.
     Pag-upo namin, kumain na kami.
     "Hindi ka ba naaanghangan?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot. "Uyyy, kausapin mo naman ako."
     "Nasan iyong mga instrument?" tanong ko long.
    "Ah, nandoon," sabi niya sabay turo doon sa may mesa na may katabing dalawang upuan. After that, kumain na lang muna ako ulit pero na-distract na naman ako nang mapansin na tumitingin siya sa akin.
     "Bakit mo ba ako tinitingnan?" tanong ko. Hindi na ako nakatiis eh.
     "Wala lang," sabi niya habang nakangiti. Bwisit!
     "Bakit nga?" Iritado na naman ako.
     "May dumi ka kase eh," tugon niya.
     "Ha?" nasabi ko na lang.
     Hinawakan niya iyong baba ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang malapit siya sa akin. Shit! Bakit kinakabahan ako? I hate that feeling kaya tinanggal ko iyong kamay niya.
     "Ako na!" sabi ko at nagpunas ako. Awkward kase!
     Because of that I didn't mindi him na lang at kumain na lang nang kumain. Parang 'di ako nabubusog. Psh!
     Pagkatapos naming kumain, nag-start na kami ng practice. Tumugtog muna ako ng gitara habang kumakanta siya. Maganda iyong boses niya...
     "Magaling ka na ah! Pero iyong part mo? Memorize mo na ba?" tanong niya na para bang excited.
     "Oo," tipid kong sagot.
     "Parinig naman oh!" all smiles niyang sabi.
     "No..." sabi ko.
     "Sige na..." pangungulit niya,
     "No!" matigas kong sabi.
     "Pleaseeee."
     "No!" pasigaw kong sabi.
     "Ehhh..." pagmamaktol niya.
     "I said—"
     "No. Sabi ko nga eh," dugtong niya sa sentence ko. Napakamot na lang siya ng ulo. Psh! Ang kulit ng taong ito!
     "Hmmm..." Narinig kong sabi niya. I didn't mind him.
     "Pwedeng magtanong?" sabi niya at alanganing ngumiti.
     "You're asking me already," sabi ko. Napakamot na naman siya.
     "Ahhh, kase... May..." utal na sabi niya.
     "What?" tanong ko. Panira ng oras eh. Psh!
     "Wala, wala..." sabi na lang niya.
     "Wala? Wala kang magawa sa buhay mo?" sabi ko sabay irap. Kainis!
     "Hehehe," tawa niya habang nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim.
     "One more thing, Nerd. Huwag mo nga akong tingnan!" saway ko sa kanya.
     "'Di ko mapigilan eh," mahina niyang sabi. Ano raw?
     "Ang alin?" tanong ko.
     "Wala po," sabi niya. Bwisit talaga 'to!
     "Palagi kang wala!" sabi ko.
     "Pag sinabi ko, magagalit ka eh." Yumuko sya.
     "Ewan ko sa'yo!" sabi ko sabay tayo, "Uuwi na ako."
     "Agad-agad?" tanong niya. I just nodded.
    "Hatid na kita." offer niya ulit.
     "Please, stop!" sabi ko. Psh! Ang kulit talaga!
     "Sorry. Okay sige, bye. Ingat ka," sabi niya sabay ngiti sa akin.
     Haay! Ang kulit niya! Pero sweet siya... Psh! Anong sabi ko?
MONDAY AFTERNOON
At Don Ignacio High
     "Kinakabahan ako! Whoa! Halos buong school manonood sa mga performances natin!" saad ni Erica.
     "Oo nga eh! Haaay. Grabe!" Halatang kinakabahan din si Shiela.
     "Nathaniel, kanina ka pa lingon nang lingon ah," reklamo ni Ericka.
     "Si Lauren eh. Nasaan na kaya siya?" sagot ni Nerd.
     "Nandito ako," sabat ko. Nasa likod lang kaya ako. Psh!
     "Lauren? Ikaw ba? Kinakabahan ka rin 'no?" tanong sa akin ni Shiela.
     "Psh! Hindi ah!" sabi ko. Bakit naman ako kakabahan?
     Naputol iyong usapan namin nang dumating si Mrs. Cruz.
     "Be ready, malapit na kayo," anunsyo ni Mrs. Cruz.
     Pinaupo niya kaming lahat sa mga upuan for audiences. Isa-isa raw kaming tatawagin. Marami ng natapos, halos lahat nakapag-perform na.
     "OMG! Last kayo 'di ba?" tanong ni Shiela.
     Tumango si Nerd.
     "Haaay! After niyan kami na, tapos kayo na!" aligagang sabi ni Shiela.
     " Oo nga eh," tugon naman ni Nerd.
     "Shhh... Shut up!" sabi ko. Ang dadaldal! Psh!
     "Miss Policarpio and Miss Baltazar, sa back stage na po," biglang sabi ng isang babae sa amin.
     Tumango naman iyong dalawa at pagkatapos ay tumayo na.
     "Good luck!" sabi ni Nerd. Bigla nila akong tiningnang tatlo. Weird look.
     "Why?" tanong ko. Tinitingnan lang nila ako.
     "Okay, good luck," sabi ko nang nagsink-in na sa akin. They smiled then tumakbo na iyong dalawa sa back stage. Nag-smile naman sa akin iyong Nerd.
     Mga after 5 minutes, nagsalita na ulit iyong emcee.
     "And now, to sing a song that represent their friendship, let's give a round of applause for Miss Shiela Balatazar and Miss Ericka Mae Policarpio!"
     "Wow, HAHAHA. Ang dami nilang fans," sabi ni Nerd. Nagpalakpakan kase iyong mga tao.
     "Good afternoon to all of you, bago po namin kantahin itong song na 'to, gusto lang po naming idedicate ito sa isa't isa at kay Lauren. I love you Lauren!" sabi nila habang nakatingin sa akin. Psh! Kung ano-anong pinagsasabi ng dalawang 'to!
     In-start na nila iyong song, halos palakpakan lahat. Marunong pala silang mag-piano.
     "At kung kailangan mo ako, sa oras ng iyong pag-iisa... Kung naninimdim, asahan mong ako ay darating," awit ni Shiela.
     "Kung kailangan mo ako, sa sandaling bigo na ang lahat... Pusong kay tamis, kailan ma'y di kita matitiis," inawit naman ni Ericka ang parte na iyon.
     "Sa sandaling kailangan mo ako..." sabay nilang kinanta iyong last part. Ang galing naman nila. Pumalakpak ako at ngumiti sa kanila. Pagkatapos no'n, bumalik na sila sa upuan nila.
     "Grabeee!" bungad ni Shiela pagkaupo niya.
     "Sobrang nerbyos!" sabi naman ni Ericka.
     "Ang galing niyo," sabi ko at ngumiti sa kanila.
     "Salamat, Lauren," sabay na sabi nila.
     "Miss Revilla and Mr. Montano. You're next. Mag-ready na raw po," sabi no'ng babae kanina.
     "Lauren?" tawag ni Nerd sa akin as a sign na 'Tara na.'
     I nodded then stood up.
     "Go Cutie! Go Lauren!" cheer ni Shiela.
     "Good luck! Galingan niyo!" saad naman ni Ericka.
     "Go Laurniel!" masayang pahabol ni Shiela. Laur-Niel?
ERICKA'S POV
     "Go Laurniel!" masayang pahabol ni Shiela. Tsss! Sira talaga itong si Shiela! Nakita kong nagtaka si Lauren.
     "Tsk! Huwag ka ngang maingay! Marinig ka ni Lauren eh!" saway ko sa kanya.
     "Hindi naman niya alam!" sabi niya pa. Pasaway talaga. Hays.
Kinakabahan ako para sa kanilang dalawa!
NATHANIEL'S POV
At Backstage
     "Hoy Nerd! Anong ibig sabihin ng Laurniel?" biglang tanong sa akin ni Lauren.
     "Ha? E-ewan!" tugon ko.
     "Bakit nauutal ka?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
     "Ehhh w-wala. K-kinakabahan lang ako," sagot ko. Well, that's true naman.
     "Huwag kang kabahan. Kaya mo 'yan, kaya natin."
     Bigla akong naging kalmado dahil sa sinabi niya lalong lalo na nang ngumiti siya. Napangiti na rin ako.
ERICKA'S POV
     "Excited na akooo!" masiglang sabi ni Shiela.
     "Halata nga," bulong ko.
     "And now, last but not the least, to sing an OPM song about unconditional love, let's give it up for Mr. Nathaniel John Montano and Miss Princess Lauren Revilla!"
     "Whoa! Galingan niyo!" sigaw ko.
     "Ikaw rin naman excited eh," biglang sabi ni Shiela.
     "Shhh!" sabi ko.
     Lumabas na mula sa back stage sina Nathaniel at Lauren. May dala silang gitara. Haaay... Heto na!
     "Good afternoon to all of you. Thank you for joining us here from 10:00 am until now. Ngayon po, kami ay aawit ng isang kanta na walang pinipili at hahamakin ang lahat pagdating sa pag-ibig. In short? Long lasting, unconditional, not measurable and true love. We hope you like it," pagsisimula ni Nathaniel.
     "Start na!" excited na sabi ni Shiela.
     Tinugtog ni Lauren iyong intro ng kanta. Magaling siyang maggitara ah! Pero, kakanta kaya siya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1357)

  • avatar
    SanPedroJhonpeter

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    JulaoPrecious

    so good and I relate to its story

    15d

      0
  • avatar
    Noel Colarde

    ganda

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด