logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

LOVE YOUR ENEMY

LOVE YOUR ENEMY

BinibiningAttorney


CHAPTER 1

CHAPTER 1
LAUREN'S POV
     I am Princess Lauren Revilla, but don't you dare call me Princess, because that— Tsk! Anyway, I hate going to school. I love gimmicks. I love to smoke. I love bullying other people. I hate people especially my parents. I hate those people who left me.
     Hindi mo ako mapipilit na gustuhin iyong mga tao o mga bagay na ayaw ko talaga. Ayaw ko ng plastikan. Wala ako sa mood na makipaglokohan at magsayang ng oras sa mga taong bandang huli, bigla ka lang din iiwan.
I heard a loud knock.
     "Princess, wake up! First day of class mo ngayon!" the girl shouted.
     "Tangina, gising na! Sa lakas ba naman ng boses mo!" sagot ko habang nakahiga pa rin.
     I noticed na bumaba na siya kaya kahit labag sa loob ko ay bumangon na ako. Mabilisan akong naligo at nagbihis para makaalis na. Tsss. Ayokong mag-stay sa bahay na 'to kasama iyong babae na iyon! After kong magbihis ay bumaba na ako.
Nadatnan ko siyang hinihintay ako sa ibaba.
     "Oh Princess, anak bakit hindi ka naka-uniform?" tanong niya nang makita ako.
     Wait, ANAK? May gana pa siyang tawagin akong anak pagkatapos ng ginawa niya?
     Nag-init na naman ang ulo ko kaya nasagot ko siya.
     "Don't you dare call me Princess! My name is Lauren! And, how dare you to call me 'anak?' I am not your daughter and I don't have a mother like you!" I told her angrily.
     "Ahm, sorry. Ahhh papasok ka ba nang hindi naka-uniform? Mag-breakfast ka muna. Sabayab mo na ako," sabi niya sa akin. Tsss. Nakakairita talaga 'tong babae na'to.
     "Yes! Ano bang pakialam mo sa suot ko?" sabi ko sa kanya. Hinarap ko siya, "Ano bang pakialam mo sa akin?"
Yumuko lang siya at ako naman ay lumabas na ng bahay niya.
     Kaasar iyong babae na iyon! Anak? Psh! Wala siyang karapatang maging ina!
     Naglakad na lang ako papuntang school. Sure ako na nandoon sina Shiela at Ericka. Sila lang iyong mga itinuturing kong kaibigan. Elementary pa lang kase kami, magkakaklase na kaming tatlo.
     Pagkarating ko ng school, tama nga ako.
     "Hoy! Shiela! Ericka!" tawag ko sa kanila nang makita ko sila.
     Aba! Naka-uniform ha? Lumapit sila sa akin.
     "Oh, Lauren, ikaw pala. Buti pumasok ka?" tanong ni Shiela nang makalapit sila sa akin.
     "Ako? Papasok? Psh! 'Di ah!" tugon ko.
     "Ha? First day pa lang ah!" sabat ni Ericka.
     "So? Oo nga, tara cutting tayo!" sabi ko sa kanila.
     "Ehhh? Pwede pass muna? Ehhh kase baka bumaba iyong mga grades ko, tsaka baka pagalitan tayo," utal na sabi ni Shiela.
     "Grades? Mapagalitan? Kailan ka pa naging concern about diyan ha?" natatawa kong tanong kay Shiela.
     "Hmmm, kase iyong totoong reason niya, may bagong transferee daw na cute guy kaya gusto niyang makita," pambubuking ni Ericka.
     Psh! Cute daw? Katarantaduhan na naman. Tsss.
     "Ahhh, so papasok kayo?" tanong ko.
     "Yup. Kung okay lang sa iyo at hindi mo kami aabangan mamaya sa labas," sabay nilang sabi.
     "Aabangan? Kailan ko pa ginawa iyon sa inyo?" natatawa kong tanong.
     "Maraming beses na!" sagot ni Shiela.
Umiling na lang ako.
     "Sige okay lang, pumasok na kayo," sabi ko pagkatapos ay tumalikod na.
     "Wait! Kame?" pahabol na tanong ni Ericka.
     "Oo! May aasikasuhin lang ako," sabi ko habang hindi lumilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palayo kahit narinig ko sila na tinatawag ako.
     Pumunta ako sa lugar kung saan ako nanggaling noon. Nakita ko iyong mga tao roon, masaya. Parang noong nandoon pa ako, masaya kasama sila. Hindi ako pumasok. I don't want them to see me. Gusto ko lang makita iyong kalagayan nila.
     Bigla na lang may humawak sa balikat ko, pagtingin ko...
     "Princess? Ikaw ba iyan?" tanong sa akin ng isang babae.
     Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tumakbo ako. Narinig ko pa rin siyang tumatawag sa pangalan ko.
     Pangalan ko noon...
     Dumaan ako sa bahay pero hindi ako tumuloy dahil nandoon pa rin si Cassandra, ang babaeng nang-iwan sa akin.
     Now you know kung bakit ganoon ko siya pakitunguhan. Psh!
        At dahil nga nandoon si Cassandra, I decided na pumasok na lang ako sa school at dumiretso ng room. Noong malapit na ako sa room, I saw Shiela and Ericka looking at me.
        Pumasok na ako sa room at hindi ko napansin na nandoon na pala si Mrs. Rivera.
      "Miss Revilla! You're late!" bungad sa akin ng English teacher naming si Mrs. Rivera.
      "I know," sagot ko tsaka dumiretso sa pagpasok.
      Sinundan niya ako.
      "San ka nanggaling?" tanong niya.
      "None of your business," sagot ko then umupo na ako sa tabi nina Shiela at Ericka. Pagtingin ko sa teacher. Nanlilisik iyong mga mata niya sa akin. Then I just snob her.
      "You're so rude talaga!" bulong sa akin nina Shiela at Ericka habang natatawa.
      Hindi umubra si Mrs. Rivera kaya bumalik na lang siya ulit sa harapan.
      "Okay, Mr. Montano. Continue," sabi ni Mrs. Rivera sa lalaking nasa harapan.
      Ewan ko ba pero natatawa ako roon sa lalaking nakatayo sa harapan. Nakatingin siya sa akin at mukhang takot na takot. Psh!
     Matutulog na sana ako nang bigla na lang akong kinalabit ng dalawa.
     "Ang cute niya 'no?" sabi ni Shiela habang nakaturo doon sa lalaking nagbabasa. Kinikilig pa ata ang gaga.
     "Oo nga!" sabat naman ni Ericka na ngayo'y namumula naman!
      Nako, parang mga ewan. Psh!
     "Psh! Cute 'yan?" tanong ko sa kanila.
     "Oo! Don't you find him cute?" tanong ni Shiela.
     "Nope. Weird, pwede pa," sabi ko sabay sumukob na lang sa desk.
     "Ang bitter mo kase eh!" aabay na sabi nila.
     Bitter pala ha? 
     "Araaay!" reklamo nila.
     Binigyan ko sila ng tig-isang sapak! Pagkatapos no'n, sumukob na lang ako ulit.
     Bitter? Eh hindi naman talaga cute. Pananamit pa lang tapos may weird pa na eyeglasses. Color yellow na socks? Ewww! 
     So ayun. As usual, hindi ako nakinig sa klase at natulog lang.
NATHANIEL'S POV
     Hi, ako nga pala si Nathaniel John Montano. Transferee ako kaya hindi pa ako masyadong familiar dito sa Don Ignacio High. Scholar ako at mahabang kwento kung bakit ako napunta rito. Laki ako sa Korea at noong umuwi kami ng Pilipinas, ito iyong pinakamalapit na school sa amin kaya dito ako nag- aral.
     Laki man ako sa Korea, kapag sa bahay, Tagalog kami mag-usap kaya hindi naman ako naninibago.
     So far hindi naman ako nahihirapang mag-adjust dito. Mababait naman iyong mga students at teacher. Siguro dahil private, mayayaman at may iniingatang pangalan kaya disiplinado sila.
     Pero iyong babae kanina... Nakatatakot siya, but honestly, parang gusto ko syang maging kaibigan. Mukha naman siyang mabait eh. Sadyang parang ganoon lang ang personality niya— astig.
     Noong tumingin siya sa akin, doon ko nalaman na may kabutihan siya. Siguro ganoon lang talaga siya umasta dahil may mga pinagdadaanan siya. Makikita mo naman kase iyong lungkot sa mga mata niya. Sana mapalapit ako sa kanya.
     Whoever you are, nan dangsin eul joo ahaeyo.
LAUREN'S POV
     "Uyyy! Lauren, gising! Uyyy!" Rinig kong sabi ni Ericka.
     "Recess na!" masiglang sabi naman ni Shiela.
     Bumangon naman ako mula sa pagkakasukob. Ganito lang ginagawa ko sa school. Eh kahit naman hindi ako mag-aral, papasa rin ako basta magbayad si Cassandra.
     "Tara! Punta tayong canteen," sabi ko pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagtungo roon.
     Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa canteen, may tatlong palaka na nga na nagtsi-tsismisan.
     "OMG! Nandiyan na iyong rebelde!" sabi ng isang clown, este babaeng punong puno ng make-up.
     "Oo nga, iyong 'miserable!'" sabi naman ng isang babae na kulot na kulot iyong buhok kahit hindi naman niya bagay.
     "Oo nga! Nakaaawa!" sabat din ng babae na sobrang iksi ng damit.
     "Pinagtitripan ka!" natatawang sabi ni Shiela.
     "Naghahanap ng sakit ng katawan iyang mga iyan," nakangisi namang sabi ni Ericka.
     "Sige, kaya muna iyan ha? Babush!" sabi nilang dalawa tapos umupo na. Ako naman, humarap doon sa tatlo.
     Hinarap ko iyong unang babaeng nagsalita.
     "Sinong rebelde?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
     "Ikaw!" maarteng sabi ng babaeng clown.
     "Psh! Ako? Wow! Baka ikaw iyong rebelde! Why? Because of your make-up. Sa sobrang kapal ng make-up mo, mukha ka nang clown! Well, baka nga rebelde ka kaya pinakarami mo iyong foundation, eyeliners, lipstick at blush on mo, para hindi ka makilala ng mga pulis na humahabol sa'yo!" I smirked. Nagulat na lang siya.
     Then, I faced the second girl.
     "What did you call me?" tanong ko sa kanya habang naka-smirk.
     "Miserable!" madiin na sabi ng kulot.
     "How dare you to call me miserable? Baka ikaw! Sa sobrang miserable mo na kaya namatay lahat ng buhok mo. Napagkamalan tuloy pugad ng mga ibon!" sabi ko sa pagmumukha niya.
     Gulat pa rin iyong dalawang babae nang harapin ko naman iyong pangatlo.
     "Ikaw? Anong sabi mo kanina?" tanong ko sa kanya.
     "Nakaaaawa ka!" mapang-asar na sabi sa akin ng babaeng walang pambili ng tela.
     "Ako? O ikaw? Ehhh mas mukha ka ngang kaawa-awa eh! Sa sobrang iksi ng mga damit mo, parang hiniram mo lang iyan sa bunsong kapatid mo iyang suot mo. O baka naman nagkulang sa tela iyong nagtahi niyan dahil kinuha mo lang sa kurtina ng kapit-bahay niyo. At alam mo kung bakit mas kaawa-awa ka? Kase kahit gaano mo man ilantad iyang mga legs mo, dahil puro peklat naman, walang magkakamaling tignan man lang iyan!" sabi ko sa kanya.
     "WHAT. DID. YOU. SAY.?" sabay na sabi nilang tatlo.
     "You, you, and you! You wanna fight?" sabi kosabay sipa sa isa at sabunot sa dalawa.
      Naglabasan na iyong ibang estudyante, habang sina Shiela at Ericka, mukhang nag-eenjoy sa panonood sa amin. Habang nakahiga pa sa sahig iyong sinipa ko, at hawak ko iyong buhok ng dalawa, nagsalita ako then I smiled.
     "Ngayon, ipapakita ko sa inyo iyong rebelde at miserableng sinasabi niyo. Pero hindi ako iyong kaawa-awa after nito, kung hindi kayo!" banta ko sa kanila.
     Pinag-untog ko iyong dalawang hawak ko then sinampal nang magkabilaan iyong isa hanggang sa mamula na siya. Pinaghihila ko iyong damit ng isa hanggang sa mapunit, at pinagbubuhol naman iyong buhok noong isa pa.
     "Gusto nyo pa?" I asked but they cried like a baby then ran fast. I laughed.
     "Nice lines ha!" Ericka told me, noong umupo na ako sa table namin.
     "Yeah! And nice moves!" dagdag ni Shiela.
     "Of course!" I answered.
     Nag-order na sila. Alam naman na nila kung ano iyong palagi kong ino-order.
     Mga walang hiya iyong mga babaeng yun ah! Wala silang karapatang sabihin sa akin iyon dahil wala silang alam! Pero bakit ganoon? Bakit parang nasaktan ako? Bakit parang tama sila?
     "Uyyy. Iniisip mo ba iyong mga sinabi nila? Huwag monf pansinin iyong mga iyon," saad ni Ericka pagbalik nila sa table.
     "Oo nga! Kain na lang tayo oh! Masarap 'to!" sabi naman ni Shiela sabay abot sa akin ng pagkain.
     Psh! Itong mga ito, napapasaya ako! Buti na lang nandito sila. Sila lang talaga kase iyong nakakaintindi sa akin.
Nathaniel's POV
     Papunta sana ako sa canteen nang bigla na lang nagtakbuhan iyong mga tao palabas ng canteen.
     "Napano kayo?" tanong ko roon sa isang babae na tumatakbo.
     "Si Lauren! Nag-transform!" sabi niya sabay takbo palayo.
     What the hell? Nag-transform? Haist. Wala akong makuhang matinong sagot kaya pumunta na lang ako ng canteen. And I saw her na nakikipag-away. I know naman na mali ang makipag- away pero alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ng mga kaaway niya sa kanya.
     Grabe talaga 'to, parang hindi babae. Ni hindi man lang siya nagalusan at nadaplisan ng mga kaaway niya. Wala na lang talaga silang nagawa kung hindi umiyak at tumakbo.
     Pag- upo niya sa table nilang magkakaibigan, napansin kong nalungkot si Lauren. 'Yan ang sinasabi ko, may lungkot sa kanya. At tinatago ng matapang at malakas na pinapakita niya ang malambot at mabuting tao sa loob niya.
Lauren's POV
     After naming kumain, bumalik na kami ng room. Halos lahat ng mga teachers, nakatingin sa akin. Well, sanay na ako!
      Pagdating namin sa room...
      "Miss Revilla! Nakipag-away ka raw sa mga students ni Mrs. Rivera?" tanong ng Math teacher namin, si Mrs. Castro.
      Anyway, kay Mrs. Rivera pala students iyong mga iyon. Mana sa bulok niyang ugali! Psh.
      "No ma'am. Hindi ako nakipag-away," sagot ko.
      "No? Nakita mo ba kung gaano kapula iyong pisngi ng isa? Iyong pinagbubuhol mong buhok? At pati damit ng isa, pinuntirya mo!" sermon sa akin ni Mrs. Castro.
     "Ma'am, gusto nila iyon eh," tugon ko.
     "Gusto? What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.
     "Nakita niyo ba yung make-up ng isa? Ang kapal! Pero kulang daw iyong blush on niya, kaya tinulungan ko siya na mas papulahin iyong pisngi niya. Then iyong kulot, sawa na raw sa hair style niya, walang pamparlor! Kaya hinila ko iyong buhok niya, at ginawan ng new hair style. Then iyong last, nakulangan pa sa iksi ng damit niya kaya binawasan ko pa. Ma'am, I'm just trying to be FRIENDLY!" sabi ko then nilampasan siya at umupo.
     Halos lahat ay tumatawa maliban doon sa nerd na transferee ata. Si Mrs. Castro naman, napahiya! Umupo na kami sa mga upuan namin.
     "What's funny?" tanong niya kaya tumigil sila sa pagtawa.
***
     After the class, naglalakad ako mag-isa para umuwi. Ehhh iyong dalawa kasi, nagpaalam. Sinundo. Haaay! Ewan!
     I'm on my way nang bigla na lang may sumipol na lalaki.
     "Ahem, ahem! Nandito na siya!" sabi ng isang lalaki habang pumapalakpak. Psh! Mukhang adik.
     "Wow, maganda't sexy pala eh!" sabi naman ng isa pang lalaki na kasama niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Psh! Mula ulo, mukhang paa!
     "Ano? Bubugbugin ba natin? O baka pwede namang daanin sa magandang usapan, 'di ba sexy?" sabi pa ng isa nilang kasama. Ngumiti siya sa akin. Ngiting aso! Mukhang bull dog.
     Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin pero bigla nila akong hinarang.
     Hinawakan nila ako sa magkabilang braso. Sino ba 'tong mga mukhang aso na ito?
     "Sino ba kayo ha? Bitiwan niyo nga ako!" sabi ko habang nagpupumiglas.
     "Kami lang naman iyong mga syota ng mga binugbog mo sa canteen," sabi ng unang lalaki.
     "Ah! Kaya pala pare-pareho kayong mga asshole!" sabi ko at dinuraan iyong pangatlong lalaki.
     "Aba't palaban ka pala talaga eh!" Dinuro ako ng pangalawang lalaki na mukhang paa.
     "Humanda ka!" Nanlisik iyong mga mata no'ng mukhang manyakis.
     Mas humigpit iyong hawak ng dalawa sa akin habang nasa harapan ko naman iyong isa. Ako naman, pinipilit na makawala sa pagkakahawak nila.
     "Bitiwan niyo siya! Huwag niyo siyang sasaktan!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1357)

  • avatar
    SanPedroJhonpeter

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    JulaoPrecious

    so good and I relate to its story

    16d

      0
  • avatar
    Noel Colarde

    ganda

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด