logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Melancholy of Us

Melancholy of Us

hannahdulse


Prologue

Prologue
Naranasan mo na bang makakita ng mga kaluluwa?
Tingnan mo sa iyong likuran, baka may babaeng umiiyak ng itim na likido at humihingi ng tulong mula sayo.
Sa gilid mo, may batang nakatunganga sa iyo habang ikaw ay takot na takot na. Ang kaniyang mukha ay kasing puti ng nyebe at mangitim-ngitim ang ilalim ng kaniyang mga mata.
Sa paanan mo, may makikita kang maputlang balat ng paa pero walang ulo ang may-ari no'n. Nakasuot ng pang-madre at may hawak na rosaryo.
Buksan mo ang inyong cabinet, bubungad sayo ang matandang lalakeng butas ang mata habang paulit-ulit na sumisigaw gamit ang kaniyang nakakapangilabot na malamig na boses.
Buksan mo ang iyong drawer at bubungad sayo ang putol na kamay na may-ari sa babaeng hindi mo pinatuloy sa iyong tahanan.
Silipin mo ang labas ng bintana, may dalagang nakatayo doon na may napakahabang buhok at nakasuot ng kulay puting bestida.
Pumunta ka ng banyo. May lalakeng nakabitin ang leeg sa isang lubid. Dilat ang mga mata at maputla ang balat. Lumalabas ang dugo mula sa kaniyang mga mata at mapupula ang kaniyang mukha.
Magingat ka sa iyong dinadaanan dahil baka may mabangga kang nilalang. Tahimik lang 'yan sila pero kapag nagagalit ay wagas.
Huwag kang magingay sa tuwing sasapit ang gabi dahil sila ay naghahanap ng matutuluyan pansamantala.
Lahat ng 'yan, nakita na ng mga taong may third eye. Lahat ng yan, sanay na ako. At dahil sa third eye, kasing lamig ng boses ng mga kaluluwang nakasalamuha ko ang pakikitungo ko sa ibang tao.
"Ai? Hindi ka pa ba matutulog?"
Napabuntong hininga ako nang pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko ay nandoon na si Mama, nakatayo sa gilid ng kama ko habang nakangiti.
"Magbibihis lang po ako, Ma."
Kasama ko nga ang pamilya ko. Si Papa, ang mga kapatid kong si Kuya Jefferson at Ate Ivonie. Pati na din ang kaluluwa ng Ina kong sa loob ng limang taon ay hindi pa rin umaalis sa tabi ko. Sa tabi naming lahat.
"Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Mama, diba Ai? Ikaw ang paborito ni Mama."
I ignored her. She's my Mom but she's long dead now. Her skin is as blur as a ghost that I've seen since my existence. In sixteen years.
"Ma, hindi mo pa ba nakikita ang puting liwanag?"
I've been asking her that for five years. Araw-araw. Ako na yung nagsasawa. Yung ibang kaluluwang nakikita ko sa ospital ay agad nilang nakita ang puting liwanag. It's either they are going to heaven or to hell. It's either their souls can be at peace or they will suffer more.
I'm a nerd talking with ghosts.
--
Kung sa bahay ay buntot nang buntot ang kaluluwa ni Mama sa 'kin, sa paglabas ko naman ng bahay ay isang batang babae na makulit ang palaging nakasunod sa 'kin.
Maputla ang kaniyang balat, naka-pigtail ang buhok at may bahid na dugo ang kaniyang kulay puting damit.
She's jumping with full of joy habang sumasabay sa 'kin. Wala namang bakas ng dugo ang kaniyang katawan kaya nagtaka ako kung bakit may dugo sa damit niya.
How did this little girl died?
"Ate Aidee! School ka na?"
Like what I did to other ghosts na nakikita at kinakausap ako, hindi ko siya pinapansin. Sanay na ako sa kakulitan niya. Ewan ko kung hindi pa ba siya nagsasawa sa 'kin sa pagiging snob ko lalo na sa mga kagaya niya.
There are lot of people who can see them too. Pero ewan ko lang kung bakit sa 'kin pa talaga sila sunod nang sunod at nanghihingi ng tulong.
Am I that special?
Sabi kasi ni Mama nang maging kaluluwa na siya, may something raw sa 'kin na iba sa mga may third eye na tao. I don't know what that is. Maybe that's the reason why they're asking for my help.
It's because I'm special.
"Sayang Ate Ai, 'no? Patay agad ako kaya di ako naka-school."
Everyday, every ghost that I've encountered, every ghost that talks to me and asking for my help, I ignored them. Everyday. Every minute and every second. Hindi ko sila pinapansin.
Pero dahil sa sinabi ng batang multo na 'to ay nahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid. Maaga pa naman, alas-kwatro pa ng umaga. Hindi naman gaano karaming tao dito sa Barangay Fatima. Wala pa akong nakikitang taong naglalakad sa kalsada naming hindi sementado.
"Daisy, you don't have to say that."
Humarap ako kay Daisy at bahagyang yumuko sa kaniya para magkalebel ang mga mata namin. I know this is a wrong move to talk to a ghost like her. Sabi ng Papa ko, I don't need to get involve with them. Except sa kaluluwa ng Mama ko.
"Daisy, He has a reason why people died. Why He chose you to die early. Please don't mention it again, ha? He has a plan to you, and to the people who died."
I saw sadness all over her face. Nakayuko siya at nilalaro ang teddy bear na palagi niyang dala. Kagaya ng damit niyang may bahid ng dugo, meron ding dugo ang kaniyang laruan pero hindi niya pinapansin 'yon.
Sa tuwing umaalis ako sa bahay, I expected her to wait for me outside our red gate. Hindi siya pumapasok sa loob dahil nandoon si Mama, tailing me around the house.
And now, katulad na niya ang mga pusang gala. Wala siyang pernamenteng lugar. I don't know kung saan siya pumupunta tuwing gabi. Daisy is such an affable kid. Happy-go-lucky na bata.
And she didn't remember a single memory from her past.
"Pero Ate Ai. Nakakalungkot din kasi na kaluluwa na ako. Nakakainggit din kasi yung mga batang kagaya ko na pumupunta sa school, Ate Ai."
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya lalo na nang makita ang mga batang masayang naglalakad habang nakauniporme at may nakasukbit na bag sa kanilang magkabilang balikat. I felt guilty for not helping Daisy.
Gusto ko mang tulungan ang mga multong humihingi ng tulong mula sakin para makaalis na sila dito sa lupa, hindi ko pwedeng gawin. Wala mang third eye si Papa, nararamdaman naman niya na may multo sa paligid lalo na sa mga umaaligid sa 'kin.
Papa is a Paranormal Expert before. May mga gamit siya patungkol sa mga paranormal. He is also haunting ghosts every night. Kahit na wala siyang third eye gaya ko, alam kong nararamdaman pa rin niya ang mga kaluluwa. Like my Mother's soul, too.
"Magandang umaga, Aidee!"
Nilingon ko si Manang Doris kasama ang kaniyang tatlong apo na ihahatid siguro niya sa eskwelaha. Manang Doris is already in her fifties pero siya pa rin ang nagaalaga sa mga apo niya imbes sa kaniyang mga anak.
Ngumiti lang ako kay Manang Doris at sumabay na sa kanila.
"Magandang umaga rin, Manang Doris. Sabay nalang po tayo."
Tatlo ang mga apo ni Manang Doris; si John na nasa grade one, Jack na nasa grade two at si Joveth na grade four. Ang kukulit nga nila, eh.
Muli kong nilingon si Daisy sa likod pero wala na siya. She already disappeared.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (28)

  • avatar
    Alanis Can

    nkakalula talaga ang story.

    13/08

      0
  • avatar
    BetasaAlbert

    good luck

    22/07

      0
  • avatar
    Rey John Epifanio

    nice story 👏

    18/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด