logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER SIX

"So kailan pa, at paano nag-umpisa?" Nakakawit ang mga braso ni Gwen sa braso ko habang nilalakad namin ang kahabaan ng pasilyo papunta sa Music Room.
Katatapos lang ng klase namin, at dahil dakilang hindi na ata makapaghintay itong si Gwen, paglabas ko ng room nandoon na siya at nakatanghod na naghihintay sa akin.
Alli didn't attend our afternoon class, kasi pinatawag na siya sa org. nila at may aayusin daw silang event na mangyayari next week. Kaya naging excuse siya sa mga subject teacher namin.
Minsan naiisip ko na rin na sumali sa mga org. org. na 'yan, para hindi lang ako nasa loob ng room. Nakakapagod kaya makinig nang makinig sa lecture jusko. Pero at the end of the day, walang pumapasok sa isip ko. Char, sadyang 'di lang talaga ako nakikinig.
Sabi sa gc namin ay doon na lang daw kami magkita-kita sa Music Room kung sino ang gustong pumunta. Paniguradong si Lathan pa lang ang nandoon dahil maaga pa 'yon sa mas maaga.
I sighed. "I don't know when it started. Basta I'd been liking him for two years na." Inalis ko ang pagkakawit niya sa braso ko, at ako naman ang kumapit sa braso niya. Sa iisang lalaki, grabe na 'yong problema ko. What more kung nasa isang relationship na ako 'di ba?
Jusko, Lordie ganito ba talaga kahirap?
"Sa two years na 'yon, ano'ng nararamdaman mo sa t'wing kasama mo siya?" seryosong tanong niya.
Napasisip naman ako. "Masaya, nakakakilig..." I answered wholeheartedly.
"Binibigyan mo ba ng meaning 'yong mga actions niya minsan?" Nakatingin siya sa malayo pero ramdam ko sa boses niya ang pagkaseryoso. Kapag sa mga ganitong situation talaga, naaasahan ko 'tong babaeng 'to.
"Yes."
She suddenly snapped her fingers in the wind. "Ayan! Diyan ka natanga, kasi 'yong mga actions niya towards you is binibigyan mo ng meaning kaya ka nagiging masaya, at kinikilig." Humawak siya sa braso ko at bahagya 'yong tinapik-tapik.
Nakukuha ko ang punto niya, pero masama nga bang bigyan ng meaning 'yong ganoon. Kung sa ganoong paraan ko napapasaya 'yong sarili ko?
Hindi ko na nabilang kung ilang buntong-hininga na 'yong napakawalan ko. "Gusto ko 'tong maalis Gwen, ayokong sa kaniya ko 'to maramdaman." Napayuko ako sa isiping iyon. Lalo pa't mukhang may something sa kanila ni Alli. Hindi ko maiwasan na mag-isip nang mag-isip tungkol sa kanila.
Tumigil siya sa paglalakad, at umupo kami sa isang bench na 'di kalayuan mula sa Music Room.
"Bakit ayaw mong sa kaniya maramdaman?" she asked.
Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa pader kasabay n'on ang pagpikit ko ng aking mga mata. It suddenly recalled to me all the memories I've shared with Lathan.
Lahat ng tawa, iyak, seryoso, mga katangahan, katarantaduhan na kasama ko siya, nagpabalik-balik sa aking isip na para bang kailan lang 'yon nangyari pero matagal na panahon na.
Bakit nga ba ayokong maramdaman sa kaniya ang bagay na 'yon?
Natatakot akong mahalin siya, gayong alam ko sa sarili ko na nag-uumpisa na.
Ganitong-ganito ako noon sa past relationship ko, four years ago. And it happened that it broke me like a piece of glass. Na kahit anong ayos ang gawin mo, hindi na maibabalik pa sa dati. At ayokong umabot sa puntong aabot na naman ako roon.
'Mahirap, napakahirap.'
I slowly opened my eyes. "You know what happened to me four years ago, Gwen..." I sighed. "And loving someone is one of my fears right now..." I added.
I saw in my peripheral vision that she adjusted her body position papaharap sa akin. "It all happened four years ago, Zy. Four years ago." She litterally emphasized the word four years ago.
I hardly closed my eyes. "'Yong four years ago na 'yon, Gwen, 'yong takot na sa 'kin pa rin hanggang ngayon. Na baka umabot sa puntong ako na naman ang dehado kasi ako nag-umpisa nito..." Nararamdaman ko na parang may bumabara sa lalamunan ko habang nagsasalita ako. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi ko na sa 'yo ah, na ayokong sa akin nag-uumpisa ang nararamdaman kasi kahit ano'ng gawin ko mauulit at mauulit lang din 'yong nangyari noon."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at bahagyang pinisil iyon. "Hindi mangyayari kung ano ang nangyari noon, kung bibitawan mo na 'yon. Na kung hindi mo iisipin na parehas ang nasa kasalukuyan at nakaraan, makakawala ka sa pangyayaring iyon, Zynl." Pilit niyang ipinapaintindi sa akin ang mga lumalabas na salita sa kaniyang labi.
"P-paano?" It was almost a whisper.
I saw determination in her eyes. "Let yourself love someone without thinking about what might happen next." She smiled.
I shook my head repeatedly. Inalis ko ang kamay niyang nasa kamay ko, at ngumiti sa harap niya. "We'll see, then." Tumayo ako at dumeretso sa loob ng Music Room.
Pagkabukas ko ng pinto, literal na napatitig ako sa kung ano ang nakikita ko ngayon sa harap ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso ko, na hindi ko naman puwedeng maramdaman.
I saw Lathan happily teaching Alli to play guitar, while their fingers are touching.
What a sight.
I never thought that I would reach this point. Happy crush lang talaga ang dapat kong maramdaman sa kaniya, pero hinayaan kong lumalim ng ganito, so ang dulo, ako na naman ang dehado. P*tangina, nakakapagod na, ah.
And for the nth time, I convinced myself that Lathan is such a friendly person that's why he did that.
Sadyang hindi lang talaga ako nagsabi sa kaniya na turuan niya ako, kaya siguro hindi niya nagawa sa akin 'yon. Sus, why do I need to compare myself, though?
Instead, I let myself smile and greeted them, even though I felt the ache in my heart. "Hi, Lathan and Alli!" Lumapit ako sa kanila at binigyan sila ng high five. Wala lang, para naman hindi awkward sa akin 'yong nakita ko.
It was all normal, may gusto lang ako kay Lathan, kaya nabibigyan ko ng meaning 'yong nakita ko kanina.
They both smiled at me. "Nasaan si Gwen?" tanong ni Alli.
"I'm here." Seryoso ang boses ni Gwen nang sumagot siya sa tanong ni Alli. Seryoso din ang mukha niya na animo'y isang hindi kilalang tao ang nasa harap niya.
Ganoon naman siya e, sa tuwing hindi niya kilala 'yong tao, grabe kung magseryoso. Ewan ko ba sa trip nito, at ang seryoso ng face ngayon.
Nilapag ko ang bag ko sa puwesto kung saan ako palaging nakaupo malapit sa puwesto ni Lathan kapag naggigitara siya. Pero ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ko na nandoon ang bag ni Alli.
I just shrugged and put my bag next to that seat. Ayoko ng mag-isip, hahayaan ko na lang. Baka in that way, bukod sa pag-confess literal na maalis 'yong nararamdaman ko sa kaniya.
Dumating din kaagad iyong tatlong lalaki na mukhang sumimoy pa sa Accounting Department, 'yon kasi 'yong mga target nila ngayong semester at kita naman sa mukha nila ngayon na may mission accomplished na naman sila. Mga lalaki talaga, jusko.
Naging mabilis lang ang pag-pa-practice nila ngayon kaya maaga rin kaming lahat nakauwi. Wala naman daw kasi silang masiyadong gig, and wala pa rin naman in-announce sa kanila na may performance sila para sa school. Kaya hindi nila masiyadong pina-practice ang sarili nila. Pabor din naman ako roon, para kahit papaano ay maaga silang lahat makapagpahinga.
I let myself feel the warmth of my bed, and I stared at the ceiling with a full glow in the dark stars. Up until now, hindi pa rin kami nakakapag-usap ng nanay ko, at hindi ko alam kung may balak pa ba akong kausapin siya kasi paulit-ulit na lang naman ang nangyayari. Walang pagbabago.
Tumagilid ako at kinuha ang cellphone ko sa side desk. I opened my Twtr app, and I posted the thoughts in my head.
zeynil @ashaiya
things will get worse soon, if I let myself go deeper into these feelings.
I checked the wall clock beside me and it was already 10 PM in the evening. I couldn't sleep, and so I decided to go outside and spoil myself with a lot of food in the nearby convenience store.
Foods din ang one reason kung bakit ako happy 'no! Hindi lang lalaki.
Kinuha ko ang sweater ko sa cabinet at dahan-dahang lumabas ng bahay. Buti na lang busy masiyado si mama sa pag-aayos ng business namin kaya hindi na mahirap sa akin ang tumakas. Saka malapit lang naman ang convenience store sa bahay namin, it usually takes three minutes bago makapunta roon. As in sobrang lapit lang talaga.
Pagkapasok ko dumeretso agad ako sa stall ng ice cream and mga chicha. 'Yon lang naman palagi kong gustong bilhin dito. Ice cream lang talaga nakakapag-calm down sa akin sa t'wing may mga bagay akong hindi maintindihan sa isip ko. Sa t'wing malalim iniisip ko, pagkain lang talaga ang ginagawa ko. I don't know, it somehow calmed me down.
Nang makapagbayad na ako sa counter umupo ako sa iisang desk na mayroon ang convenience store na 'yon. Ewan ko ba rito at malaki naman ang space pero iisang table lang ang pinalagay nila. May nakaupo roon na naka-hoodie at nakatalikod sa akin. Hindi naman sigurong masamang umupo, at halos wala naman siyang ginagawa roon at mukhang tambay lang dito e. Wala rin ata siyang kasama kaya walang pakundangan akong umupo sa katapat niya.
Malalim na buntong-hininga ang ginawa ko, bago ko binuksan ang chicha at ice cream sa harap ko. "Bakit kaya mga mga taong nagpapagulo sa sistema natin?" I suddenly blurted out and looked at the person who was in front of me.
He's a guy, and the lines on his forehead are now noticeable. Sino ba namang hindi, e kinausap ko lang naman siya ng ganoon lang! Ni hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong 'yon, o bakit 'yon lumabas sa bibig ko.
His shoulders were crossed against his chest, and he looked into my eyes, which made me feel some goosebumps. "You're in love, then," he uttered in a baritone voice.
He answered me? What the actual f*ck, sinagot niya 'yong tanong ko?
I was about to speak once again, but then he suddenly stood up, and he was talking on his phone now.
Umalis siya sa harap ko na parang walang nangyari. Wala naman kasi talagang nangyari, sinagot niya lang naman 'yong tanong ko. Pero I didn't expect that it would happen!
Who is that guy, though?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (36)

  • avatar
    Yohan Ortega

    sana mabigyan niyo ako ng maraming para sa aking pag-aaral at saka magtapos ako kayo na po ang bahala lord salamat single lahat masasabi ko po sa inyo bakit hindi po ba ito scam po ito sana totoo po ito magkatapos lang po sa aking pag-aaral sana po ikaw na po ang app na magkaperan po dapat ang magbigay sa akin ng pag-aaral ko dapat po gabayan niyo ako marami na po ang na-download kong game pero dapat ikaw lang po ang magpasaya sa akin sali lang po sa inyo lord tsaka itong app mo dapat ikaw lang

    10/08

      0
  • avatar
    Jhonwin Lopez

    its nice game

    17/07

      0
  • avatar
    CahambingJerald

    good story

    08/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด