logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

CHAPTER SIX.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay zack, matalim niya akong tinitigan kasabay nang pag angat niya sa cellphone ko.
"Naiwan ko pala!"
Aabutin ko sana iyon pero nilayo niya, kainis!
"Pasaway ka talaga." Bulong niya sa mismong tainga ko, napapikit ako dahil sa init hininga niya.
Umirap ako at tinignan siya nang masama, nakipag laban siya ng titig sa akin. Syempre hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Ano ba! Akin na ang cellphone ko!" Singhal ko sa kanya, parang walang narinig na tumayo ito.
"Omg! Nikkola boyfriend mo?" Dinig kong tanong ni cain.
Nilingon  ko sya.
"No!" Sigaw ko, napakurapkurap si cain.
Nakaka stress naman, umirap ako at binalik ang tingin kay tito na matalim ding nakatitig sa akin.
"Let's go, we need to talk." Hinawakan ni Zack ang braso at hinila patayo. 
"Hey! What are you doing! Gurang ka!" Malakas na sigaw ko sa mukha.
"Shut up! Nikkola." Sabi niya nang hindi tumingin sa akin.
Wala akong ginawa nang hinila niya ako palayo kay Cain at hermes. Oh my! Hermes My loves wait for me.
I tried to remove his hand from my arm but he was too strong! Ilang beses pa akong nag pumiglas hanggang sa mapagod at sumuko na ako.
Okay bahala kang gurang ka.
Sabi ko sa sarili ko at hinayaan nalang syang hilahin ako at dalhin kung saan nya gusto.
Nakakaloka ka Zackarias!
Nag angat ako ng tingin sa kanya nang huminto kami sa likod ng school. Galit na galit na Tumingin sya sa akin at medyo napapahigpit na din hawak nya sa braso ko. Nag iigting ang panga nya tinagilid nito ang kanyang ulo na tila ba kinakalma ang sarili.
Oh my! Magiging si hulk na siya.
Hindi ako nagpatinag pilit kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko at nagtagumpay naman ako.
"Whats your problem tito! Look!" Inangat ko braso ko na may bakat ng daliri niya. Nakita kong pinagmasdan niya ang braso ko.
Nagulat ako sa reaksyon niya, ginulo niya ang buhok niya.
Anong problema nito.
Matalim nya akong tinignan. "Bakit ang tigas ng ulo mo Nikkola!" Malakas na sigaw niya, napapikit Ako.
Bakit ano bang ginawa ko?
Medyo natakot ako pero hindi ko nalang pinahalata. Protektahan niyo po ako sa lalaking ito.
"Anong bang ginawa ko!?" Sigaw ko din, lumayo ako ng konti.
Nakita kong kinagat niya ang labi niya kaya namula ito, in fairness ha ganda ng labi niya.
"Sinuway mo ako!"
Jusmeyo! That's it?  Iyon lang ang kinagagalit niya, what the hell!
"That's it? Iyon lang? Ang liit na bagay tito bakit mo pinapalaki. At ano naman ngayon? Si mommy nga hindi ko sinusunod ikaw pa kaya!"
Hindi ito sumagot sa halip ay mariin siyang pumikit na tila ba kinakalma ang sarili.
"D*mn nikkola! Why you're so stubborn!" Sigaw niya.
Jusko naman, bakit ba nya pinoproblema niya ako. Ako nga hindi ko pinoproblema ang sarili ko.
"Ikaw din! Bakit mo ako pinapakialaman!"
Feeling hot daddy ba ang peg mo tito.
"Oh my! tito Zackarias! Bakit nagpapaka istress ka sa akin, bakit di mo ako hinayaan!"
Matalim niya akong tinignan. "You're my Responsibility, Nikkola."
"Yes, i know! Nandoon na tayo na responsilibilidad mo na ako alam ko iyon! Pero hindi mo ako kailangan bawalan sa gusto kong gawin! Si mommy nga hindi ako binabawalan ikaw pa!"
"Im not her. Kung hindi ka niya binabawalan noon, ako ang gagawa."
Napahilamos ako sa mukha ko. Nakakainis!
"Can i get my phone now?" Mas kalmado nang tanong ko.
"Yeah, you can. But you need to promise me."
"Ano?"
"Promise me na susundin mo na ako."
Para matapos na ito pumayag nalang ako.
"Okay promise, now give me back my phone." Nilahad ko ang kamay ko. Inilapag nya ang cellphone ko sa palad ko.
"Aalis na ako, may pasok pa ako, umuwi kana tito." Sabi ko at tinalikuran sya, batid kong nakasunod lang sya akin.
"Nikkola." Tawag niya sa akin.
Umirap ako at humarap sa kanya.
"Yes?"
Bumaba ang mata niya sa braso ko.
"Does it hurts?"
Tumingin ako braso ko at binalik din agad ang mata sa kanya.
"Not really, sige na aalis na ako."
Hindi ko na sya hinintay sumagot nagmadali na akong bumalik sa pwesto namin kanina pero wala na si Hermes at Cain kaya bumalik nalang ako sa room.
Pagbalik sa room tinignan ko ang braso ko na namumula. Bumuntong hininga ako, grabe naman sya magalit. Naiintindihan ko ayaw nyang madisappoint si mommy pero sobra naman ang pagbabawal nya sa akin.
Nakaka stress.
Dahil sa nangyari'ng yon wala ako sa sarili ko kaya naman natapos ang isang oras na wala akong natutunan at naintindihan sa tinuturo ng teacher namin. Nag paalam na si ma'am kaya kanya kanyang ayos na sa mga gamit at sarili nila ang mga kaklase ko.
Hindi na ako nag abalang mag ayos nang sarili dahil maganda naman ako kaya ano pang aayusin ko?
Kaya ang mga gamit ko nalang ang inayos ko, nilagay ko ang textbook ko sa bag at pagkatapos ay lumabas na sa room.
Sa labas naabutan ko si Keeyon na nakahilig sa railings nang makita niya ako umayos siya ng tayo. Umirap ako at umarteng di sya nakita. Naglakad na ako im sure tatawagin niya ako.
"Nikkola."
Bingo!
Sabi na ei, ikaw rin naman mag hahabol sa akin Keeyon.
Dahan dahan akong lumingon at humalukipkip.
"Yes?" Tanong habang nirorolyo ang buhok ko.
"Im sorry, hindi pa naman tayo break diba." Lumapit siya sa akin at hahawakan sana ko pero pinigilan ko siya.
"Dont you dare touch me Kee, and for your information, we're done, diba ikaw ang nakipag break." Pekeng akong ngumiti.
"Nadala lang ako, babe huwag naman ganito."
"Whatever." Sabi ko tinalikuran sya, hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.
"Nikkola."
Hinawi ko ang kamay niya.
"What?!" Medyo inis na tanong ko.
Sino bang hindi maiinis kailangan ko nang mag cr tapos ayaw pa niya akong paalisin.
"Second chance, please." Pagsusumamo niya.
Tumango ako, hindi dahil gusto ko kung hindi dahil kailangan ko na talagang mag cr.
"Do what ever you want keeyon." Sabi ko at mabilis na nag lakad.
Ang hirap din talagang maging maganda. Nagpatuloy na akong sa pag lalakad hanggang sa makalabas na ako ng university. Madilim dahil alas sais na ng gabi.
Tumingin ako sa paligid hinanap ko ang sasakyan ni tito Zack, ang sabi niya susunduin niya ako.
Now where he is? Bakit wala pa siya? Ano ito gagantihan niya ako dahil sa hindi ko pagsunod sa kaniya at hindi niya susunduin. Kaasar!
Pinandyak ko ang paa ko habang nakapamewang. Sobrang init ng dahil sa usok na mula sa makina ng mga sasakyan at sobra pang ingay. Nasaan na ba siya ayoko pa naman na pinaghihintay ako.
Tumunog ang cellphone ko mula sa bag ko kaya walang ganang kinuha ko 'yon ang tinignan ang mensahe galing na unregistered number.
Sino naman kaya ito. Binasa ko ang text na 'yon.
Unknown:
Mag commute ka nalang, may sakit si Zack kaya hindi ka niya masusundo.
Wow! Just wow! Mag commute ako, inikot ko ang mata ko at inis sinipa ang water bottle sa harap ko.
Arggh! Nakakainis! Ang lakas ng loob niyang sabihin susunduin ako tapos ang ganito ang mangyayari! Nakakainis kang gurang ka.
You're liar! Gigil na gigil na napasiga ako dahil sa sobrang inis kaya naman pinagtinginan ako ng mga ilang dumadaan.
Huminga ako ng malalim. "Calm down Nikkola." Nag inhale ako. "Calmdown, you're Pretty it's okay!" Pinikit ko ang mga mata ko at ilang ulit na huminga ng malalim. "D*mn! I can't calm down! Kainis!" Sigaw ko.
"Sasakay kaba miss?" Sigaw ng driver ng jeep na huminto sa harap ko.inis na nilingon ko siya.
"Yes!" Sigaw ko at padabog na sumakay ng jeep, pumwesto ako sa dulo at pilit na kinalma ang sarili ko.
Hanggang sa makababa ako ng jeep mainit ang ulo ko hanggang sa makapasok sa Village. Hindi din naman kalayuan ang bahay ni tito sa gate subdivision kaya hindi din naman ako nagtagal sa paglalakad.
Nang makarating sa bahay padabog kong binuksan ang pinto. Napatigil si Sarah sa ginagawa niyang pagbabasa ng magazine tsaka ako walang ganang tinignan.
"Mukhang pagod na pagod ka Nikkola?" Peke niya akong nginitian.
Pwe plastic! Umirap ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa kusina.
Kaagad kong binuksan ang refrigerator at kumuha at tubig at ka agad 'yong nilagok. Sobrang uhaw na uhaw ako at pagod na pagod at lahat ng ito ay kasalanan ni tito.
Dinig na dinig ang bawat yabag ko sa buong bahay dahil tumatama ang takong ng sapatos ko sa tiles. Sinasadya ko talaga iyon para inisin si Sarah dahil mukhang abala siya sa pag babasa.
"Nikkola pwede bang mag dahan dahan ka sa lakad mo, kakalinis ko lang ang putik ng sapatos mo." Reklamo niya. Inis na nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"And so? Edi mag linis ka ulit trabaho mo 'yan hindi ba." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa hagdan.
"Wala ka ba talagang modo Nikkola?" Nakapamewang na tumayo siya at tumingin sa akin.
"Meron pero hindi ko ipapakita sayo dahil bwiset ka." Nginisian ko siya.
Nakita ko kung paano gumalaw ang labi niya.
"And Sarah. by the way, huwag kang feeling prinsesa dahil Sarah ang pangalan mo. Because you're not okay." Sabi ko at nagpatuloy na sa pag akyat.
Ang hilig niya talagang manira ng araw.
Saktong pagdating sa taas lumabas si Tito Zack mula sa kwarto niya. Nakasuot siya ng black ripped jeans at white plain tshirt mukhang kakagising niya lang.
Mukhang nagulat siya ng makita ako. Tumawid ako ng tayo at humalukipkip at sinalubong siya ng masamang tingin.
"Paano ka nakauwi? Ang sabi ko hintayin mo ako.." nagtagis ang bagang niya.
Wow! So maghihintay ako hanggang mamaya doon hanggang sa dumating siya.
Umirap ako. "Baka nag commute ako hindi ba?" Sarkastikong sagot ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"Nikkola kinakausap kita ng maayos, kaya sagutin mo ako ng maayos. bakit hindi mo ako hinintay?"
"Maayos naman ako!" Sigaw ko mismo sa mukha niya. "Ikaw ang hindi! Ang sabi mo susunduin mo ako pero hindi naman pala! At kung tatanungin mo ako kung paano ako nakauwi nag jeep ako! Happy now?" Sigaw ko at magmartsa papunta sa kwarto ko.
"Nikkola!" Tawag niya sa akin. Naiinis na nilingon ko siya.
"What?" Sigaw ko. "Don't talk me! I hate you! You're a f*cking talksh*t!" Sigaw ko at padabog na sinarado ang pinto.
Ang kapal ha gusto niyang hintayin ko siya doon hanggang sa makarating siya.
Hindi na talaga ako maniniwala sa gurang na iyan. Mamayang tulog siya hahanapin ko iyong susi ng kotse sa kuwarto niya.
"Nikkola!" Sigaw niya at kumatok.
"What! I don't want to talk to you!" Sigaw ko. "Diba may sakit ka kaya hindi mo ako sinundo kaya magpahinga kana nakakahiya naman sayo!" Dagdag ko at padabog na hinagis ang bag ko sa sahig.
"Tsk, you're such a brat, Nikkola." Dinig kong sabi niya bago marinig ang mga yabag niya paalis.
Edi brat na wapakels sayo! Kainis talaga!
Emotionalangels.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (274)

  • avatar
    MrPogi

    Bitin po Ms. A hehu 🤧 pero super ganda ng story na ito. Worth my time talaga 🤎🤎🤎 HIGHLY RECOMMENDED 🤎🤎🤎

    23/06/2022

      1
  • avatar
    GillegoTricia

    super Ganda po Ng story nyo po

    24d

      0
  • avatar
    Kaye Cee Rubillos

    super ganda I’m still waiting for part 2

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด