logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Nakarating na kami rito sa Pilipinas, sa bandang Manila Airport. Kanina nga gustong-gusto ko nang bumaba dahil ang awkward ng paligid! Ugh!
"Maddy! Makikita na rin kita!" Excited na sigaw ko pagkababa ko ng Eroplano. Hindi na namin nakita si Hezekiah, ang sabi ng piloto ay mauna na raw kami dahil may ginagawa siya kaya nauna na kami. Bahala sila basta makakauwi na ako! Yesssss!
Umuwi kaming magkakaibigan nang ligtas, yeah right. We are ligtas. Kaya nang pagkauwi ko, "MADDYYYYYYYYYY!" sigaw ko sa loob ng bahay.
"ANAKKKKK!" he hugged me, and kissed my cheek. Natawa naman ako sa asal naming dalawa.
"MADDY! BAKIT 'DI KA MUKHANG NAG-AALALA?" pasigaw na tanong ko habang yakap siya.
"Wag ka namang sumigaw, anak!" Sabi niya at tinakpan ang tenga. Napailing ako sabay kunot-noo, bakit hindi sisigaw?
"Bakit 'di ka nag-alala, maddy?" Ulit ko habang nakatingin ng deretso kay Maddy.
"Kasi nakita ko sa news na binato mo ang kwan ni Hezekiah! Bad ka nak!" Dahilan para mapahiya ako, oh nooo! Baka mas lalong lumubog ang kompanya! No wayyy! Baka may mga crazy fan si Hezekiah! Shit.
"Ih! Ikaw kasi maddy! Ayoko nga'ng ikasal." Reklamo ko habang nagpumapadyak-padyak pa at nakatingin sa kanya ng deretso.
"You need to, anak, mawawalan tayo ng kompanya. Iyon ang kompanya na ipapamana ko sa'yo dahil pinaghirapan yon ni mommy mo." Yan na naman, maddy. Nakakainis! Naiiyak tuloy ako!
"Taga-saan nga uli yung ipapakasal mo?" Kunwaring interesado ako kahit na iniba ko lang ang usapan.
"Nasa London sila pero galing silang Japan." Huh? Japan? Woah! Bigtime. Pero ayaw ko pa rin!
"That's great, maddy! Pero! Hindi ibig sabihin non na gusto kong ipakasal sa taong yon." Kasi 'di ko naman siya kilala. Tsaka ayaw ko! Hindi ko naiimagine ang sarili kong makasal sa kanino!
"Yan na naman tayo, anak." Seryosong saad ni Maddy dahilan para kabahan ako at mapalunok.
"A-alam mo ba, Maddy na ang ganda–" ko. Sinubukan kong ibahin ang usapan kaso nagsalita na siya.
"Magpalit ka, yung magarang damit. May pupuntahan tayong party." Seryoso na naman siya. Lagot ako. Napalunok ako sabay ngiti ng pilit.
"Saan po?" Takang tanong ko, kasi hindi naman siya nagsasama sa mga party na pupuntahan niya. Ika niya noon, ayaw niya akong isama dahil masyado raw akong maganda.
"Basta, magpalit ka na." Alam kong nagpipigil si Maddy ng galit kapag ganyan. Bakit ba siya galit? Huhuhu.
Umakyat ako sa kwarto ko, at naghanap ng magarang damit. Dress ba yon? Or gown? Basta raw magara! Ano ba yung magara? HAYS.
Bigla kong nakita ang gown ni mommy noon, nakita ko 'to sa kwarto niya, dahilan para kunin ko ito. Ang ganda.
Kulay pula na isa lang sabitan sa balikat na may mahabang tela. May belt na kulay ginto sa bewang at ang haba nito ay hanggang paa.
Kinuha ko ito at isinuot, ang ganda talaga. Gusto kong isuot ito kaya sinubukan ko, wow.
Ang ganda kooooooooo talagaaaa~
Nagulat ako nang biglang pumasok si Maddy, "wow! Ang ganda naman niyan, nak, teka! Ayusan kita."
Pinaupo ako ni Maddy sa harapan ng salamin at sinuklayan ang buhok ko. Nagulat na lang ako nang naririnig ko ang singhot ni Maddy.
"May sakit ka po ba?" Takang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa repleksyon ng salamin.
"W-wala anak." Pumipiyok pa ang boses, nagulat ako nang may tumulong isang luha sa kabilang mata niya.
"Bakit po kayo umiiyak?" Takang taka na tanong ko. Ang weirdo naman ni Maddy!
"W-wala anak, don't mind me." Pilit na ngiti ni Maddy. Ano ba yan. Baka mabaho naman ang ulo ko kaya siya umiiyak! Teka! Hindi pa ba ako naliligo? Ay! Oo nga pala, naligo ako. Pero paanong bumaho yung buhok ko?
"M-maddy, wag niyo na lang pong amuyin hehe." Nagtataka akong tinignan ni Maddy dahilan para mapasimangot nalang ako.
"Huh? Ang alin?" Pakunwari pa si Maddy! Ano ba yan!
"Yung buhok ko po, baka yan po ang dahilan kung bakit ka umiiyak hehe." Nagulat ako nang humalakhak si Maddy.
"Hindi! Ano ka ba! Hahahaha!" Tawang-tawa? Hays. Baliw na si Maddy. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa matapos niyang ayusin ang buhok ko, at minake-up'an.
May talento talaga si Maddy sa mga ganyan na sekreto lang namin.
NANDITO kami sa sasakyan namin, si Maddy ang nagmamaneho at ako ay nasa tabi niya.
"We're here." Napatingin ako sa paligid, woah. Ang ganda naman nito, tsaka isa pang sikat na lugar sa Pilipinas.
"Sino–" tatanungin ko na sana kung sino ang pinuntahan namin dito pero bumaba na siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.
Tumambad sa amin ang maraming reporters, sa harapan kasi kami huminto ni Maddy, may red carpet pa at maraming kumukuha ng letrato.
Ngayon ko lang alam na isa akong artista! HAHAHA! Artista ako! Artista ako!
Nakahawak ako sa braso ni Maddy, "Bakit po sila kumukuha ng letrato?" Takang tanong ko kay Maddy. Hindi makapunta yung mga reporters dito kasi may humaharang na sa kanilang gwardiya.
"Don't mind them, anak, just continue walking hanggang sa makapasok tayo sa loob." Ha? Ano yung sinabi ni Maddy? Wala akong naintindihan!
"Ano po? Magsalita ka po ng Tagalog, 'di ko po kayo maintindihan." Reklamo ko na nagpangiti lang sa kaniya.
"Wala, wala. Pasok na tayo sa loob." Pumasok kami sa loob, doon lang kami tinigilan ng mga kumukuha ng letrato at ng mga reporters kasi hindi na sila pwedeng pumasok dito.
Nilibot ko ang paningin ko at nagulat ako nang makita ko sila Peta! Anong ginagawa nila rito? Waaa? Bakit hindi nila ako sinabihan?
"Maddy, bakit meron sila Peta?" Takang tanong ko habang nakatingin pa rin kila Peta.
"Tara roon, anak." Hindi niya sinagot tanong ko! Ang sama ni Maddy! Huhu.
"Sige, Maddy."
Meron yung mga magulang nila Liam, Purple at Lope roon. Sila lang ang may magulang, at ako. Kaya pala tahimik silang lahat, 'ni hindi manlang nila ako tinawag kahit na nakita nila ako!
Ang sama!
"Hello!" Bati ko sa kanilang lahat at umupo. Katulad dati, walang pumansin sa akin dahil kasama nila yung mga magulang nila.
Iginala ko ang paningin ko para hanapin si Liam pero wala siya katulad ng nakasanayan. Kapag kasama ko si Maddy ay takot siya.
"Mr. Wyatt, I heard that your daughter is getting married, who is that unlucky man?" Anong pinagsasabi ng mama ni Purple? Naiinis tuloy ako dahil 'di ko maintindihan ang sinasabi niya!
"Mom!" Sita ata ni Purple, sita ba o sigaw? Base sa pinag-uusapan nila.
"Shut up, Mrs. Khali." Nagtiim ang panga ni Maddy dahilan para magtaka ako.
"Ano pong pinag-uusapan niyo?" Takang-taka na tanong ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanila.
"Hahahaha! She's really an idiot, just like you Mr. Wyatt." Napatingin naman ang lahat sa nagsalita kasama ang tawa. Ang ama ni Lope.
"Hey, Dad."
Ano ba yan? Wala akong maintindihan! Kaasar naman! Bahala na nga sila!
"Magtagalog nga po kayo! Hindi ko–" napahinto ang pagbubunganga ko nang namatay ang ilaw.
Napatingin ang lahat sa stage at ganoon na lamang ang gulat ko–namin na meron'g nakasulat na...
Sia Celice Wyatt engagement party.
Bakit pangalan ko lang nakasulat? Mas lalo akong nagulat nang tumaas ang ilaw at itinutok ito sa isa pang nakasulat, kung sino ang papakasalan ko.
Hezekiah Bradley & Sia Celice Wyatt engagement party.
Sinong Hezekiah 'yan? Hindi naman'g pwedeng si Hezekiah na miyembro ng Last Maverick 'yan kasi sikat sila masyado at impossible yon. Maaring kapangalan niya lang.
"Let's welcome, Sia Celice Wyatt!" Napuno ng palakpak ang buong silid at tinignan ko si Maddy na pinipilit akong umakyat dahilan para mapilitan ako.
Ano ba 'to?! Hindi naman sinasabi ni maddy kung sino ang papakasalan ko! At lalo na kung anong okasyon ngayon!
"What can you say about your incoming wedding with Mr. Hezekiah? " nakangiting bungad ng host.
Dahil sa inis, sinagot ko siya hawak ang mic. "Uh, I don't know." Totoo. Hindi ko alam.
"Hahaha. Let's welcome, Hezekiah Bradley!" Sigaw uli ng host dahilan para mahinto ang nasa paligid ko.
Unti-unting umakyat ang lalaking Hezekiah ang pangalan dahilan para malaglag ang panga ko sa gulat. Ibang-iba siya kumpara noong una ko siyang nakita. Mas pormal siya at malamig ang mga mata niya habang nakatingin ng deretso sa akin.
Nanginig ang buong katawan ko dahil sa nakita. H-hindi pwede!
"Ikaw?!" Sigaw ko habang nakaturo sa kaniya.
Tumaas ang isang kilay niya, tinatanong kung ano ang sinasabi ko. "YOU?!" Ulit na reaksyon ko. Parang tanga lang!
"Yeah." Alam niya? Napatingin ako kay Maddy, nakita ko sa mata niya ang konsensya. Napakagat ako ng ibabang labi, I'm disappointed.
Sumeryoso ako at muling tumingin kay Hezekiah. Si Hezekiah ang isang miyembro ng Last Maverick, at hindi ako makapaniwala dahil ang isang sikat na tao ay papakasalan ko.
"What can you say about your incoming wedding?" Takang tanong ng host na nagsira sa katahimikan.
"Honestly, I don't know who to marry. I was just surprised when she will be that girl! She threw a phone through me during my recent concert, that's why we know each other." Muntik na akong ma-nosebleed sa sinabi niya. Luh? Ano raw? Joke. Matalino kaya ako.
"So, you don't know each other?" Nagtatakang tanong ng isa sa mga nagtaas ng kamay. Bakit ba kailangang magtaas ng kamay? Recitation? Recitation? Tse!
"Yeah." Pormal na sagot ni Hezekiah na inirapan ko lang.
May nagtaas na naman ng kamay at tumayo, "is this force? Force marriage?" Nakatingin siya kay Hezekiah kaya hindi na ako sumagot.
"Yeah." Maikling sagot naman ni Hezekiah habang nakatingin sa mga mata ko dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko sa titig niya. Shit ka! Gago! Parang mamamatay kasi! Huhu.
May nagtaas na naman! Ano ba naman yan! Tas bigla-bigla na lang silang tatayo! "Do you love each other?" Nagpapalit-palit ang tingin niya sa amin ni Hezekiah kaya ako na ang naunang sumagot. Ano ba yan, kasasabi lang na ngayon lang kami magkakilala.
"NO WAY." Maririin na sabi ko. Duh! Hindi naman talaga! Assumera naman ang mga tao rito. TSAKA BAKIT BA SILA TANONG NANG TANONG?!
"O-oh." Narinig ko ang hinayang at halos lahat ay tuwa ngunit puro babae.
"Any questions?" Sarcatic na tanong ko sa mga audience. Mga epal pala sila eh, hindi sila nakasalita.
"Pwede na po ba kaming bumaba?" Baling ko sa host na ikinatango niya naman kaya dumeretso ako sa upuan namin nila Maddy habang pinapanood ng mga tao ang lakad ko.
"You're really stupid, Sia." Napatingin ako sa biglang nagsalita. Mommy na naman ni Purple.
"I'm not. Why did you said that po?" Magalang at makalmang tanong ko.
"Cause you're really are." Napapikit na lang ako sa inis dahil ayaw kong patulan ang mama ni Purple. Ng mama ng kaibigan ko na nandiyan palagi para sa akin.
"Ahh! Hehe." Pilit na tawa ko at sumubo ng pagkain.
HALOS dalawang oras na nang matapos ang engagement party namin ni Hezekiah. Nagplaplano nga ang ilan kung kailan yung kasal kaso hindi raw dapat sila yung nagdedesisyon dahil hindi naman namin sila kaano-ano.
Sabi ni Maddy sa akin na bukas uli ng gabi ay makikipag-meet na kami sa mga magulang ni Hezekiah, which is yung business partner ni Maddy kaya I need to be calm.
Naiinis ako kasi SIYA ANG PAPAKASALAN KO! Ayaw ko ng gano'n na tao! Okay sana kung sila Liam, at Lope pa! Pero hindi eh! Isang masamang sensitive na tao!
Hays!
Hindi ko alam pero ayaw ko ng ganitong set-up. Yung pilit lang kasal niyo, sa di niyo mahal na tao!
Pero kailangan ko ito para sa kompanya na iniwan ni Mommy, at para sa paghihirap ni Maddy. Mahal ko silang dalawa kaya ko ito ginagawa.
"SO, this is your daughter?" Kinagabihan, nandito na kami sa bahay nila Hezekiah Bradley sa Pinas.
Totoo nga'ng mayaman sila dahil mansyon ang bahay nila, magkatapat kami ni Hezekiah ng upuan at nasa tabi ko si Maddy. Yung Mommy naman ni Hezekiah ay nasa tabi niya habang ang daddy niya ay nasa punong upuan.
Nahihiya ako at kinakabahan dahil hindi ko pa ito nagawa sa buong buhay ko! Oo na! Oo na! Tanga na 'ko! Ang sakit naman ng salitang yon! Huhu.
"Yes Mrs. Shimaki." Pormal na sagot ni Maddy. Hindi ko alam ang pangalan at hindi na ako interesado roon.
"Don't call me Mrs. Shimaki. That's too formal." Sabi ng mommy ni Hezekiah, ang meaning ng Shimaki ay Shima means Island at ang ki ay tree. So, Island Tree. Wow. Ang ganda naman ng surname nila!
Ay teka! Bakit pala Bradley yung kay Hezekiah? Gusto kong itanong kaso nahihiya ako, bahala sila sa buhay nila. Charot.
Basta ako kakain lang.
"What should I call you then?" Alam kong pekeng ngiti ang ipinapakita ni Maddy.
"You can call me Miyoko. That's my name, it means a beautiful child of a beautiful generation." Ewan ko kung pagmamayabang yon pero hindi. Normal lang ata 'yon sa kanila. Besides, maganda naman si mrs. Shimaki.
Maganda naman talaga siya kaya siguro pinangalanan siyang Miyoko. "Mom, it's so embarrassing." Naiinis na sabi ng isang babae na mukhang mas bata sa amin ni Hezekiah.
"Opps, sorry, Mikazi." Pilit na tawa ni Miyoko, este tita Miyoko.
"Let's have some toast!"
"Cheers!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (20)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    super thank you

    12h

      0
  • avatar
    Nishita Koriomite

    🙏🏼🙏🏼

    30/06

      0
  • avatar
    DaenAntonio

    nice story

    18/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด