logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4: Officially a Demon Hunters

"She pass I think. If may hindi sang ayon, fight with me" Hindi ko expect na sasabihin niya yon kahit papano ay may tinatago naman pala siyang mabuting puso.
Nakatingin siya sakin ng seryoso at naiilang ako don kaya umiwas ako ng tingin.
"As if may maglalakas loob" Bulong ni Immix sa sarili niya. 
"Pack your things from now on you will be living with us." Walang emosyon na sabi nito.
Tila tumigil ang mundo ko dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko.
"Thankyou! Promise I will do my best." Determinadong sabi ko at tumingin na sakanya...
He nod at kinausap si Niteõ.
"You two seems close... Niteõ samahan mo siya and say some of info that she needs to know."
"Sure"
............

Paalis na kami ni Niteõ nang lumapit si Reverie... Alam ko mag kaibigan sila nung Amity at nag aalala lang siya kaya tinulak niya ko nang ganon. I understand naman.
"It's okay Reverie di mo kailangan mag sorry. I understand you" Nginitian ko siya bilang pag confirm na ayos lang talaga. Kung may kailangan mag sorry dito, yung Amity yon, wala naman daw talaga yon sa test sabi ni Niteõ. Ang parte nang test ay ang pag hanap ko nang Heasquarter nila at ang pag talo ko sa mga Demons pinakawalan pala talaga nila. Halos hindi ako makapaniwala na kung ganon pala ang test nila panigurado ay halos wala talagang makakapasa.
Nakakamangha na isipin na kahit ilang beses na akong muntik bawian nang buhay ay nakakaligtas pa rin ako.
Pusa siguro ako andami kong buhay eh.
Umalis na kami at hindi ko na inintay na mag salita si Reverie dahil halata naman na sobrang hiyang hiya siya at hindi manlang makapag salita.
"Tara na." Sa backseat ako umupo. Napatingin naman sakin si Niteõ ng nakakunot ang noo.
"Bakit?" Tanong ko.
"Makapag salita ka parang driver mo ako ah. Lumipat ka dito sa front seat." Ang arte naman wala na akong nagawa dahil mukhang hindi siya mag papatalo. Bumuntong hininga muna ako bago lumipat nang pwesto.
"Ano ba yan Kaira! Pwede naman lumabas tas lumipat, ganyan pa talaga  ginawa mo." Anong masama sa pag gapang...
"Ingay mo, mag drive kana." Utos ko, halos naging close agad kami dahil feeling close siya. Wala naman akong ibang makausap bukod sakanya dahil puro busy ang kasama niya at Umalis si Frigus, Amity at Vadon may ginawang misyon.
"By the way Kaira magaling na agad ang mga sugat mo?" Napatahimik ako dahil don hindi ko alam ang isasagot ko kinakabahan ako. Pag nalaman niya ay baka kung ano ang isipin niya.
"Ah...eh... Medyo... Nilagyan ko nang make up para di na sila halata." Sana maniwala ka. Ang totoo wala talaga kong dalang make up kahit naibalik na sakin yung bag ko walang laman na make up yon.
Tumango siya at parang naliwanagan.
"Ah. Ganon ba..." Natahimik siya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya.
"Kaira may mga kailangan kang malaman. This information is for Association only. Konti lang muna ang sasabihin ko dahil baka di mag sink in lahat sayo" Saad niya.
"Pwede naman kahit marami, hindi naman ako bobo para di maintindihan lahat." Medyo natawa siya dahil sa sinabi ko. Pero biglang sumeryoso ang ekspresyon niya.
"Beast...Ayon ang humabol sayo, they are wild as animal. Kung kumain sila nang tao ay sobrang brutal at kahit Rogue kinakain nito."
"Rogue?" Nag tatakang tanong ko.
"That is the one who make Beast. If kinagat niya ang tao o kinain nang hindi tapos at hindi tinatanggal ang puso ay nagiging Beast to. Rogue is a smart one parang tao lang. Nakakapag bago sila nang anyo kung kailan nila gusto at sila ang utusan nang mga Daunting."
"Daunting?" Nag tatakang tanong ko.
"Daunting is the most high rank in Demons clan. It's have 3 types kagaya nang sinabi ko kanina Beast is the lowest Rank and Rogue is middle rank and Daunting is the highest Rank." Nakatingin ako sakanya habang nag sasalita siya, seryosong seryoso siya. Nag ddrive siya kaya nasa kalsada ang tingin niya. Ngayon ko lang nalaman na may iba't ibang klase pala nang Demons.
"Anong klase nang Demon ang Daunting?"
"Sila lang ang may kakayahan na makapag pabago sa tao bilang Rogue. Pero hanggang ngayon at hindi namin alam kung paano nila nagagawa yon. Masyadong malihim ang mga Daunting. Pero sa ngayon ay konti nalang sila bilang nalang sa daliri. Dahil napatay na ito nang mga Demon Hunters na nasa mataas na antas, at halos karamihan sa pinakamataas na antas nang Demon Hunter's ay napatay na din nang Daunting.
"May antas din ang Demon hunters?"
"Oo. may ibang demon hunters din sa ibang lugar, Pag nasa headquarter ipapaliwanag sayo ni  Pridian." Excited na agad ako makabalik dahil sa sinabi niya. Utang ko kay Pridian ang buhay ko dahil siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok dito.
"Nandito na tayo. Baba na wag ka mag madali, take your time." Ngayon ay nakangiti na siya mas bagay sakanya ang nakangiti kesa seryoso. Kumaway na ako at tumakbo.
Natapos na ako madami na akong dinala dahil ayoko na bumalik sa lugar nato masyadong masakit ang ala ala na nandito... Pumunta ako sa likod nang bahay dahil nandon ang puntod nang Lola ko, Magulang ko, matagal na bago ako makabalik ulit dito. Matagal na rin akong lumipat simula ng pinatay sila. Napaupo ako sa sahig dahil sa lungkot na nadarama ko, nang hihina ako... Pati ang kapatid ko pinatay nila sampung taong gulang  palang iyon na dalawang lalaking kambal at isang taon na sanggol.
"Mabibigyan ko na din nang hustisya ang pagkamatay niyo." Pinunasan ko ang luha na patuloy na tumutulo sa mata ko.
Hindi ko malilimutan ang gabi na iyon pag kauwi ko galing school ay patay na silang lahat. Halos hindi ko na sila makilala dahil sa dami nang sugat at galos at halos wala nang laman loob. Dati ay hindi ako naniniwala sa mga Demons na nababalita sa syudad namin dahil sino ang maniniwala sa ganon ngayon, pero nang nangyari ang karumal dumal na sinapit ng sa pamilya ko ay sinampal ako nang katotohanan.
Pag ka tayo ko ay naramdaman ko na may tao sa likod ko. Mabuti at ready ako may hawak akong dagger. Mabilis ko itong hinarap pero walang tao. Nakahinga ako nang maluwag guni guni ko lang siguro. Pag ka harap ko ay napaupo ako dahil sa gulat nakatayo siya sa harap ko hindi ko siya kilala. Agad kong tinutok ang dagger ko sakanya. Tao siya kaya nag dadalawang isip ako kung sasaksakin ko siya. Lalaki ito na kasing edaran ko lang siguro at maputla siya pero halata mong malakas. Makisig at may itsura. 
"Lumayo ka sakanila. Sa oras na may mangyari na masama sayo ay kukunin kita." 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (57)

  • avatar
    Brylle James Barrientos

    magaling

    25d

      0
  • avatar
    Gejon Oliverio

    ok ra

    27d

      0
  • avatar
    NakamuraHayato

    cool at nice let's read it's so good quality

    22/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด