logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 With Archival

Fallen Galaxy La Chance
“Hmm,” ungol ko ng makaramdam ako ng sakit sa ulo ko, braso ko, at sa binti ko.
Bahagya kong iginalaw ang katawan ko pero kahit kaunting kilos lang ang maramdaman ko ay nasasaktan na ang katawan ko.
Bahagya kong binuksan ang mga mata ko pero hindi ko kaya ang liwanag na galing sa araw kaya maingat at dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko upang takpan ang sinag ng araw.
Nagtataka ako bakit ang daming galos ng aking kamay. Iniangat ko ang isa ko pang kamay at ganoon din. Bakit ang — ah naalaala ko na ang nangyari sa akin. Nag-away nga pala kami ni mama tungkol sa scholarship ko na nawala at nabundol ako ng isang sasakyan.
Tapos may pumasok na lalaking may dala-dalang medicine kit. Matangkad at may hitsura ang lalaking ito pero walang abs. Kapal ng mukha na magsemi naked wala naman pandesal. Ano ‘to bamboo stick na naglalakad?
“Gising ka na pala,” hindi tulog akong hindut ka!
“Bakit ako naririto, Archival?! Anong ginawa mo sa akin?!” galit kong tanong sa kaniya.
“Easy cheap girl. Hindi kita pagdidiskitahan. Hindi kita gusto at hindi ko type ang ganyang body. Napakataba at napakapandak, ano ka minion?” sabay lapag niya ng medicine kit sa lamesa na katabi ko lang.
“Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang sumagasa sa akin! Ikaw! Muntikan mo na akong mapatay!” hindi ko siya masaktan kaya sinisigawan ko na lang. Pakiramdam ko tuloy ang daming problema ang dumating sa akin ngayong araw.
“H—hindi a—ako,” sabay iwas ng tingin niya sa akin. Kahit na anong sabihin niya ay hindi ako maniniwala. Napairap na lamang ako at nagcheck sa buo kong katawan. Ang dami kong sugat, galos, at pasa. Naghalo-halo na sila.
“Nadatnan kitang nakahandusay sa kalye na punong-puno ng sugat. Hindi ko na nahabol yung nakasagasa sa iyo at hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon kasi kitang-kita ko na parang critical na ng kalagayan mo,” tahimik lamang ako sa kaniyang pagsasalaysay. Sinisipat ko ang aking katawan ng dumako ang mata ko sa damit kong suot. Hindi akin ito. Saka wala akong suot na panty at bra.
Nakita niya ang buo kong katawan. Ang pribado kong katawan na matagal ko ng iningatan. Wala na. Walang-wala na. Nakuha na niya iyon ng ganoon lang kadali.
“You rapist!” sabay bato ko sa kaniya ng unan na nasa likod ko. Lahat ng madampot ko ay ibinato ko na sa kaniya kahit pa itong bedsheet na mabigat naibato ko na sa sobrang galit ko.
“Hoy! Huwag makapal ang mukha mo. Ako na nga ang nagligtas sa iyo nung nandoon ka sa kalsada. Dapat magpasalamat ka sa akin dahil ako ang nagligtas sa iyo sa kamatayan mo. Hindi mo na dapat ikagalit kung nakita ko ang katawan mo ang mahalaga buhay ka ngayon. Saka hindi ako madaling maakit sa babaeng wala naman dibdib. Ano ka living plywood? Puwera na lang sa maganda mong puwetan at —”
“Anong nakita mo?!” sabay takip ko sa aking perlas na iniingatan.
“May balat ka pala sa bandang pechay mo,” kahit pa hinang-hina ang buo kong katawan ay nagawa kong tumayo sa kama niya at hinabol siya. Panay lamang ang takbo niya makalayo lamang sa akin.
“Papatayin kitang, animal ka! Wala akong pakialam kung makasuhan man ako ng animal rights ang mahalaga mawala ka aa landas kong talipandas!” panay lang ang takbo niya hanggang sa naapakan ko ang basahan pagkatapos ay nadulas ako.
“Aray!” hindi ko alam kung ano ang uunahin kong hawakan. Yung ulo ko bang tumama sa sahig o yung balakang kong malakas ang bagsak sa sahig.
“HAHAHAAHAHAHA!” tangina hindi na lang ako tulungan lakas pa niya tumawa. Masama ko siyang tinitigan pero hindi siya natakot at patuloy lamang siya sa pagtawa.
“Ang bobo mo naman cheap girl. Nasagasaan ka na nga, nabugbog ka na ng nanay mo, nadulas ka na sa sahig, at naumpog ka pa. Grabe naman kamalasan ang inabot mo ngayon araw —” mahina man ang katawan ko ay pinilit kong tumayo. Bahagyang nahihilo at nagdadalawa na ang aking paningin pero dapat kong kayanin. Pinilit kong makalakad kahit namimilipit na ako sa sakit.
“Anong gagawin mo cheap girl?” tanong niya sa akin habang naglalakad paatras. Palayo ang kaniyang hakbang sa akin habang ako naman ay lapit nang lapit sa kaniya.
“Tss!” sabay suntok ko sa kaniya ng malakas. Bakit hindi siya tumumba? Ang lakas naman ng lalaking ito. Tsk! Teka — bakit pakiramdam ko ako yung tutumba?
“Shit! Ang init mo!” pilit kong inilalayo ang kamay niya sa katawan ko pero masyado siyang malakas. Isa siyang bamboo stick pero bakit parang malakas pa siya sa akin.
“Gago! Libog lang ‘yan,” mahina akong natawa sa sinabi ko sa kaniya.
“Hindi ako nalilibugan sa isang miniature creature na kagaya mo,” tugon niya sa akin.
Nagtaka ako ng biglang umangat ng paa ko mula sa sahig na aking tinatapakan. Hanla? Magiging anghel na ba ako? Kukunin na ba ako ng guardian angel ko? Mamamatay na ba ako? Sure na ba talaga to, bro?
“Don’t look at me like that,” bakit? Paano ko ba siya tignan?
“Ikaw ba guardian angel ko?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Imposible naman maging guardian kong itong kumag. Baka imbes sa langit niya ako dalhin e sa impyerno.
“Bato reveal pa nga,” bato? Ano ang kinalaman ng bato sa tinanong ko sa kaniya? Siya yata ang nakabato at hindi ako.
“Ibaba mo ako! Demonyo ka! Hindi mo naman ako dadalhin sa langit e. Sa impyerno mo ako dadalhin. Isa kang alagad ni Lucifer! Ahhh! Sisigaw ako dito!” pananakot ko pero hindi siya natinag. Dahil sa ayaw kong magpabuhat sa kaniya ay gumawa ako ng nakakatangang desisyon.
Iniumpog ko ang ulo ko sa kaniya. Kaagad naman niya akong binitiwan. Hindi ko naman na inaasahan na babagsak na naman ako sa sahig. Pangatlong beses na akong sinasalo ng sahig baka sahig na talaga ang forever ko.
“Holy shit, Fallen! Fuck you bitch!” sabay alis niya sa aking harapan. Hinang-hina na ako. Parang hindi ko na kaya. Umiikot na din ang paningin ko tila dalawa na nga ang nakikita ng dalawa kong mata.
Ang sakit. Ang bigat ng pakiramdam ko punong-puno ng hinanakit, sama ng loob, at galit. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Mabigat na din ang mga mata ko. Gusto ko ng pumikit pero kapag pumikit ako wala akong makita. Wala akong makita pero naalala ko lahat ng nangyari sa akin simula kanina. Pananakit ni mama, pagsagasa sa akin ng kung sino man, at ngayon na naririto ako sa bahay ni Archival.
“Bakit ba kasi ang kulit mo? Napakapasaway na cheap girl,” bumalik siya? Binalikan niya ako.
“Sorry na, Archival,” bulong ko sa kaniya at nawalan na ako ng malay kung ano pa ang sumunod na nangyari.
ʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔ
Ilang araw na ba akong hindi nagigising? Ang tangi ko lang naalala ay nasa kamay ako ni Archival. Yung scene na hinampas ko yung ulo ko sa kaniya hanggang doon lang.
Kaagad kong kinapa ang damit ko. Hindi na ito cotton kagaya nung t-shirt na pinasuot sa akin ni Archival nung naalaala ko pa. Seda na ang tela at napakasilk niya hawakan. Iniangat ko ang kamay ko at napag-alaman kong sleeveless ito. Bumaba ang kamay ko mula sa tiyan hanggang sa — tangina bakit ang iksi naman?! Halos kaunti lang ang agwat nito mula sa aking kaselanan.
Kaagad kong kinapa ang kumot at itinaklob ito sa aking tiyan. Hindi pa ako nakuntento ay inilagay ko pa ang unan sa bandang puson ko. Napakamanyakis talaga nitomg si Archival.
Naalaala ko na may sugat ako sa braso ko. Kinapa ko ang kanang braso ko, napakahaba palang sugat ang tinamo ko mula kay mama. Kinapa ko naman ang kaliwang braso ko ay ganoon din ang haba ng sugat kagaya sa kanan.
Sinunod kong hawakan ay ang mukha ko. Walang gauze na nakalagay sa mukha o maski sugat pero kung ididiin ko ang hawak ko sa mukha ko’y masasaktan ako. Nag-iwan si mama ng pasa sa mukha ko.
“Pangit ka na nga mas lalo ka pang pinapangit ng nanay mo,” nagulat ako ng biglang nagsalita si Archival na kanina pa yata na nasa gilid ko’t pinagmamasdan kung paano ko obserbahan ang katawan ko.
“Alam ko — may dahilan si mama kung bakit niya ginawa sa akin ito. Gusto niya lang na maging matino ako — mag-aral ng mabuti para makaahon sa kahirapan,” tugon ko. Sinubukan kong umupo. Gamit ang kanan at kaliwa ay tinukod ko upang makakuha ng puwersa. Akala ko madali lang pero hindi, nanginginig ang braso ko.
“Hmm. So may dahilan din ba ang mama mo para pagpokpokin ka niya?” dumilat ang mga mata ko at tumingin sa kaniya ng masama.
“Stop staring like a tiger. Always remember you’re not tough, you’re just a cheap girl. Weak bitch!” hindi ko inaalis ang matatalim kong tingin sa kaniya. Kung nakakamatay man ang pagtitig baka matagal na niyang nakasama si Lucifer.
“Wala kang alam kaya manahimik ka na lang,” sagot ko sabay irap.
“Alam ko. Sinagot-sagot at nilabanan mo si professor Alberting kaya nawalan ka ng scholarship. Hindi kayang bayaran ng nanay mo yung tuition fee mo sa AU kaya gusto niya na magpokpok ka na lang,” sabay ngisi niya. Ngising mapanlait. Ngisi ng mga hipokrito.
“Stalker ka din ‘no? May part-time job naman ako kaya maaari kong bayaran iyon kahit pa matagal,” tumaas ang kanang kilay niya sabay halukipkip sa harapan ko tila ba hindi siya naniniwala.
“Really? Para ipaalam ko sa iyo, Fallen baka kasi nakakalimutan mo —” sabay pitik niya sa ulo ko. Parang nagpipitik lang buko kung pitikin ang ulo ko.
“4 million ang tuition fee natin sa AU whole year it means 1 million per semester. Baka kahit pa tumanggap ka ng sampung part-time job hindi mo pa din mababayaran ang tuition fee sa AU. Baka tama talaga ang mama mo na magpokpok ka na lang. At least ‘di ba kikita ka ng 1 million sa isang kamahan lang partida mukha kang virgin,” sabay halakhak niya ng sobrang nakakainis parang ngayon palang guato ko na siyang saksakin ng isang milyong beses.
“Alam mo — nagtataka din ako kung bakit mo ako kinuha sa kalsada e puwede mo naman akong hayaang mamamatay doon. Hayaan na matuyuan ng sugat. Hayaan na lapitan ng mga bastos. Hayaan na dilaan ng mga asong gala. Bakit mo ko kinuha kung lalaitin mo lang din pala?! Kung sasabihin sa akin na nagpokpok na lang sana ako! Sana hinayaan mo na lang ako!” hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag-uunahan pumatak. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maging mahina kagaya ng sinasabi niya.
“If I leave you, the chances will be gone forever. There’s the reason why I chose to let you lived than to see you dead. Could you not ask me why? Just let destiny answer it for me,” ang seryoso ng mukha niya habang nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang plano niya at mga balak niya sa susunod na araw sa akin. Tumalikod na siya at balak ng umalis sa kuwarto na kinalalagyan ko.
“I don’t trust you!” sigaw ko. Lumingon siya sa akin pero hindi pa din binibitawan ang doorknob. Maya-maya pa’y lumakad siya papalapit sa akin sabay hawak sa mukha ko at inilapit ito sa kaniya.
“Hindi ko hinihinging pagkatiwalaan mo ako. Ang bobo mo naman kausap! Hindi ka ba tinuruan ng — oh — hindi ka nga pala matuturuan ng mama mo ng right manners kasi ‘di ba sinong matinong magulang ang sasabihan ang anak na magpokpok na lang ito. Hays!” pinisil-pisil niya pa ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.
Lumayo na siya ng ilang pulgada sa akin pagkatapos ay humalukipkip siyang muli.
“Just keep your body sexy para naman may makuha kang sugar daddy na kayang bayaran ang tuition fee mo sa AU,” sabay ngisi niya.
“Fuck you! Fuck you, Archival!” sigaw ko tapos ginantihan niya lang din ako ng ‘fuck you’ finger sign.
Cross My Heart I Swear It’s You
Written By: SEA_GM

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Lawrelyn Mae Benola But

    maganda

    29/06

      0
  • avatar
    TomolinCurvie

    thank

    17/06

      0
  • avatar
    SulitHazel

    great story

    12/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด