logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

H A R A Y A (Pain Series #1)

H A R A Y A (Pain Series #1)

sweetiepumpkin07


PROLOGUE

June 10, 2020
NAAALALA mo pa ba?
Ngayon ay araw ng Miyerkules, Hunyo 10, 2020. Ngayong gabi gaganapin ang kauna-unahan kong pagdalo sa tinatawag nilang malaking event na kadalasang ipinagdiriwang ng mga estudyanteng kagaya ko, ang Highschool Night Celebration.
Kasama ko si mama ngayon papunta sa covered court namin, doon kasi napagdesisyunan ng mga SSG officers na magdiwang ng HSC. Suot ko lamang ang aking kulay dilaw na fit na t-shirt at nakamaong pants.
Kahit naman kasali ako sa The Beans, hindi ko pa rin talaga kayang magsuot ng mga bestida. Ang The Beans ay ang lugar para sa isang katulad kong manunulat. Dito namin ipinapasa ang mga articles na ginawa namin. Kami rin ang nagpapaalam sa mga kapwa namin estudyante kung ano na ang mga nagaganap sa loob ng campus. Sports Editor ang position ko roon, ayon din sa napag-usapan namin kanina sa SSG office, kailangan daw na nakabestida kaming lahat.
Hindi ko nagawa ang pangako ko sa kanila. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na kami sa court ni mama. Kasalukuyan pa'ring naghahanda ang mga estudyante at naglilibut-libot sa mga perya. Naalala ko nga palang malapit na rin ang fiesta rito sa amin. Pinagmamasdan ko lang sila habang nakasunod ako sa likod ni mama. Nahihiya rin ako sa mga kasama kong officers din dahil ang ilan sa kanila ay nakasuot ng magagandang dress habang ako ay hindi.
Ngumingiti na lamang sila sa'kin kaya mas lalo akong napayuko. Nagtaka naman ako dahil lumampas kami sa court kaya tinanong ko si mama kung saan siya pupunta. Natigilan na lamang ako nang may makitang pamilyar na tao.
Nakaupo siya sa baba ng river gangplank malapit sa kinatatayuan namin ni mama. Railings naman ang nasa likod niya at sa baba namin ay isang ilog. Nakasuot siya ng kulay abong damit at nakaitim na maong pants habang nakayuko at nakatingin sa pula niyang sapatos. Walang pagbabago. Siya pa rin ang lalaking iyon na minsan ko nang hinayaang sakupin ang puso ko.
Pilit ko mang iwasang hindi siya sulyapan ay hindi ko magawa. Para niya akong namagnet, kahit pilitin kong diretso lang ang tingin ko ay hindi ko mapigilang hindi siya titigan.
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib na kanina pa nagwawala. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng kaba. Napapikit ako sa inis. Hindi ko na dapat siya sinulyapan. Bakit kahit malayo siya ay kilalang-kilala ko pa rin siya?
Marahil ay tama nga ang sinasabi nila. Kapag kilala mo o mahalaga sayo ang isang tao, kahit gaano pa karami ang mga taong makikita mo sa iisang lugar, makikita at makikilala mo pa rin ang taong iyon na naging parte na ng iyong buhay.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ilang beses ko na bang sinabi ngayong taon na nakamove-on na ako sa kanya? Ilang beses ko na bang niloko ang sarili kong wala na akong nararamdaman sa kanya?
Nagkamali ako.
Hindi pala ganoon kadali ang lahat.
Dahil simula ng mga araw na hindi ko na siya nakikita. Habang tumatagal, akala ko mababawasan ang nararamdaman ko.
Nagkamali ako.
Akala ko magiging masaya ako at makakalimutan ko na siya dahil ginawa niya ang bagay na iyon. Niloloko ko lang pala ang sarili ko. At napatunayan ko ito ngayong gabi.
Habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko at nakatingin sa kanyang pulang sapatos. Habang papalapit nang papalapit na kami sa gawi niya. Hindi pa rin naaawat ang puso ko sa pagkabog ng sobrang bilis.
Walang saysay ang lahat ng panloloko ko sa aking sarili.
Nagkamali ako.
Dahil sa halip na makalimutan ko siya ay mas lalo ko lang siyang minahal.
Nagkamali ako.
Dahil akala ko ay wala na akong nararamdaman para sa kanya. Mali na naman ako. Hindi ko akalaing masisira ang mga plano ko. Akala ko ba ay handa na akong makita siyang muli? Na ayos lang sa'kin kahit hindi ko na siya nasisilayan sa bawat sandali?
Limang buwan na ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita. Ngunit hanggang ngayon...bakit mahal ko parin siya? At mas lalo ko pang minamahal?
Napahinto na lamang ako at tiningnan siya. Hindi naman siya makagalaw at nanatiling nakatingin sa sapatos niya. Alam ko. Ramdam kong naramdaman niya rin ang presensya ko. Ngunit kagaya ng dati, balewala pa rin ito sa kanya. Hindi siya umangat ng tingin.
Napakuyom ako ng palad.
Nasa harapan ko na siya pero wala pa rin siyang balak na gumalaw. Napakagat na lamang ako ng aking labi. Tanggap ko na rin naman hindi ba? Bakit ba napaka assuming ko?
"Ashianna..."
Napatingin naman ako kay mama nang tawagin niya ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinigilan ang sariling huwag siyang lingunin. Nauna na ulit sa paglakad si mama samantalang ako ay nagdadalawang isip pa kung lilingon ba ako o hindi.
Paano kung sinulyapan niya na pala ako? Edi sayang 'yon! Hindi ko na napigilan ang aking sarili at muli ko siyang sinulyapan. Ganoon na lamang ang pagbagsak ng aking balikat nang makitang wala na siya sa river gangplank.
Simula nang mangyari iyon ay nawalan na ako ng gana sa celebration. Para na akong lantang gulay ng umakyat sa stage para sa panata naming mga officers. Wala na rin akong pakealam kung ako lang ang nakamaong pants sa lahat ng mga kasama ko. Nasa unahan pa man din ako. Tutok na tutok pa sa'kin ang nakakasilaw na ilaw galing sa harapan ko kaya hindi ko na magawang tingnan ang mga taong nakatingin sa'kin o sa amin ngayon.
Natapos ang aming panata kaya napagdesisyunan kong magpahangin muna sandali. Pumunta akong muli sa river gangplank dala ang pag-asang makikita ko siyang muli roon.
Napabusangot na lamang ako ng mukha nang makitang walang katao-tao sa river gangplank. Wala na rin akong kasama ngayon dahil pumunta muna si mama sa mga kumare niya kaya bumalik na lang akong muli sa court.
Habang naglalakad ako pabalik ay pinagmamasdan ko ang mga taong makakabangga ko. Natigilan naman ako nang muli ko siyang makita kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti na lamang ako at nag-isip ng plano kung paano niya ako mapansin.
Mas lalo akong napangiti sa aking naisip. Plano kong banggain siya sa braso...sana naman ay magtagumpay ako.
Kaya ang ginawa ko ay nagkunwari akong may tinatype sa aking phone at palihim siyang tinitingnan. Kinakabahan na rin ako dahil baka magalit siya. Papalapit ng papalapit na ako sa gawi nila kaya mas lalo akong kinabahan.
Gagawin ko pa ba?
Natulala na lamang ako sa mga ngiti niya. Nakita ko na naman ang mapuputi niyang ngipin na madalas ko lang nakikita sa kanya.
Parang nagslow motion ang lahat. Hindi ko akalaing ganoon bibilis ang oras. Kung kanina lang ay pinagmamasdan ko ang bawat pagngiti niya, hindi ko na namalayang nasa tapat niya na pala ako.
Bigla na lamang siyang sinadyang itulak ng isa sa mga kasama niya sa akin kaya nagkabanggaan ang aming mga braso at muntik ko na siyang mayakap!
Mabilis akong lumayo sa kanila.
"I-I'm sorry!"wika ko at tumakbo.
Ohmygosh! Hindi ba dapat ako ang babangga sa kanya? Omg! Bakit ang bilis ng kabog ng puso ko?! Bakit hindi ko na naman mapigilan ang pagngiti ko?! At bakit nagtatalon-talon ako?!
Nagmadali akong pumasok sa loob ng court at lumapit sa kaibigan kong si Shea. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Hindi rin maawat ang bibig ko at nagtitili pa ako dahil malakas naman ang tunog ng speaker.
"Parang tanga 'to. Hahahha."
Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking braso. Kahit mabilis lang na nagkadikit ang aming mga katawan, bakit parang nakuryente ako?
Natigilan naman ako bigla nang may maalala. Napailing na lamang sa akin si Shea at kumuha ng chips na nakalagay sa table namin.
Bakit ba kinikilig pa'rin ako sa kanya? Ngayon ko lang napagtanto.
Ang rupok ko pala.
HINDI ko mapigilan ang kaba ko. Mamaya pa matatapos ang Highschool Night at kanina pa siya nawawala sa paningin ko. Alas diyes na ng gabi. Hindi rin maawat ang pawis na nanggagaling sa aking noo at idagdag pa ang muling paghuhurumintado ng puso ko.
Parang kanina lang na nakikita ko pa siyang pabalik-balik sa simbahan malapit dito sa court namin at sa river gangplank, ngunit hindi ko na siya makita ngayon.
Kinakabahan ako. Ayokong matapos ang araw na ito at bigla na naman siyang maglaho sa paningin ko. Aamin na ako sa kanya kahit wala akong kasiguraduhang gusto niya rin ako. Wala na akong pakealam.
Mula sa river gangplank ay tumakbo na naman ako papunta sa simbahan. Bigla akong napahinto nang matanaw ko siyang naglalakad paalis kasama ang kanyang mga kaibigan.
Hinihingal pa rin ako kaya napahawak ako sa aking dibdib.
Hindi ko pala talaga kaya.
Bigla na lamang bumagsak ang mainit na likido sa aking kamay na nanggagaling sa aking mata. Bigo pa rin akong aminin ang nararamdaman ko sa kanya. Subukan ko mang tumakbo papalapit sa kanya at harangan siya para hindi matuloy ang balak niyang pag-alis, hindi ko na nagawa.
Ganyan ako katanga. Baliw na baliw ako sa kanya pero hindi ko rin naman nasasabi. Hindi dahil ayokong masaktan. Hindi ako iyong tipo ng babaeng palasalita dahil sinusulat ko lamang ang tunay kong nararamdaman. Dahil natatakot ako. Natatakot akong umamin sa kanya ng harapan kahit may posibilidad na hindi niya ito kayang tugunan.
Akma sana akong iiwas ng tingin at muling ihahakbang ang paa pabalik sa court sa pag-aakalang hindi niya ako mapapansin, ngunit nagkamali ako.
Lumingon siya sa gawi ko.
At ang mas ikinagulat ko pa ay napahinto pa siya at tiningnan rin ako. Gusto ko mang itaas ang aking kamay at kumaway sa kanya ngunit hindi ko na rin nagawa dahil tuluyan na akong napaluha.
Tuluyan na akong napaluha dahil kahit alam niyang tinatanaw ko siya habang papaalis, napahinto nga siya at tiningnan ako, hindi pa rin sapat iyon. Lalo niya lang akong sinaktan nang tuluyan na siyang lumakad papunta sa dilim at nawala sa aking paningin.
Sa tingin ko...ito na ang parusa sa akin. Dahil sa madalas ko siyang harayain, siya na rin mismo ang kusang lumalayo sa akin.
ITUTULOY...
.
.
.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (61)

  • avatar
    Marcela

    Highly recommended sa mga gusto ng mga mapanakit na story. Kudo's to you, Miss A😘

    21/04/2022

      1
  • avatar
    Princess Amper

    hello

    22d

      0
  • avatar
    PanghubasaNoelve

    😓😂❤️❤️

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด