logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Give Back ( Lucifer Kingdom Series  #1 )

Give Back ( Lucifer Kingdom Series #1 )

ayieshien


บทที่ 1 GIVE BACK

"MAMA, bakit niyo kami iniwan." masakit para sa isang anak ang mawalan ng magulang ngunit kung ito ang pinili ng DIYOS na kunin kaagad ang buhay ni lola ay wala na kaming magagawa.
"Master Zayn, pinapatawag po kayo ni madam sa loob." kaagad kong nakita ang si mommy na todo iyak sa pagkawala ng kaniyang mama. Lumapit ako saka tinabihan ang malamig na katawan ni Lola Susana.
"Zayn, ang last will and testament ng lola mo." panimula ni daddy habang nagpupunas ng luha.
"Ayon po sa last will ni Madam Susana ang kalahating ari-arian niya ay mapupunta sa charity." pahayag ni Attorney Gabii.
"What?!" hindi pa tapos naghuhurementado kaagad si mommy.
"What the---paano mapupunta sa Charity lahat ng yaman niya samantalang nandito kami, ang mga apo niya!" kumento ni dad.
"Mr and Mrs, ito po ang nakalagay sa last will kung hindi kayo magkakaroon ng apo mula kay Master Zayn automatic sa charity mapupunta ang kalahati ng ari-arian."
"Sa akin? bakit sa akin? hindi ba may mga apo na siya sa kapatid ko?" naguguluhan kong usisa.
"Batay din po sa nakasulat ang lahat ng apo niya ay makakatanggap ng pamana ngunit ang sinasabing kalahating mana ay para sa iyong anak."
Sa anak ko.
Paano mangyayari iyon wala pa naman kaming anak ni Roselle.
"Hindi magiging mahirap sa inyo ito dahil may asawa ka na. Mayroon lamang kayong dalawang taon para magkaroon ng anak at kung lumagpas pa 'ron I'm sorry but sa charity papasok ang kalahating mana ng inyong lola. Excuse me, I have to go Bangelio Family. Balitaan niyo na lamang ako sa magandang resulta."
Pare-pareho kami nawalan ng kibo sa mga narinig. Si lola talaga namahinga na nga at lahat pinahirapan pa pinaka guwapo niyang apo. Kakaiba talaga ng lola kong ito.
"Pagsikapang magka-anak kaagad kayo ng asawa mo at kung hindi mawawalan ka ng mana habang ang kapatid mo nagpapakasasaya sa pera." alam kong nanginginig na sa galit si mommy pero ano ba magagawa kung sa loob ng dalawang taon wala pa kaming mabuo.
"Gawin mo na ang lahat mas mainam bago mag dalawang taon may apo na kami sainyo. Zayn, alalahanin mo kalahati ng yaman nang iyong lola ay mapupunta sa anak mo." dugtong ni dad na isa rin sa nais makakuha ng pamana ni lola.
Nahimas ko na lamang ang kamay ni Lola Susana dahil sa pag-aalala. Mukhang kailangan na talaga namin magkaroon ng sariling anak. At isa pa sa inaalala ko paano na lang kung mapunta sa charity ang pera madadamay ang Kingdom University at iyan ang ayokong mangyari. Kahit may kani-kaniya na kaming pamilya dapat solido pa rin ang pagkakapit-bisig namin para sa unibersidad.
I CAME HOME to change clothes pagkatapos diretso ng vigil para samahan sina mom.
"AALIS KA?"
"May kikitain lang akong tao para sa business natin."
"Hindi ka man lang ba pupunta sa lamay ni lola?"
"Anong oras ba darating ang abo niya?" Hindi man lang ako matingnan sa mata.
"Mamaya pa naman."
"Matatapos kaagad ako bago dumating." Buntong huminga harap sa akin. "Sa labas na rin ako magdi-dinner."
"Hindi ka ba sasabay?"
"Abala ka," harap muli sa salamin. "Tingin ko hindi mo kaagad ako mapapansin."
"Roselle."
"Uuwi kaagad ako kapag na tapos ang dinner meeting namin. I have to go,"
Halik nito sa pisngi ko bago lumabas ng bahay.
NOONG araw ng kasal namin iyon na yata ang pinaka masayang pangyayari sa buhay ko ngunit ng tumagal-tagal wala akong maunawaan sa takbo ng buhay namin. Pinili ko huwag tutukan ang hanap-buhay upang hindi ito magdamdam kung sakaling mawalan ako ng oras ngunit mali ako. Siya mismo ang naging pabaya sa pamilyang ito. Masaya naman, eh. Masaya sa kung masaya pero tila may kulang at ito 'yong anak. Mahal ko siya sapat na sa akin dahil nandiyan siya pero sa tuwing nakakakita ako ng masayang pamilya may kasamang anak talagang naiinggit ako.
"NASAAN ang asawa mo?"
"May dinner meeting."
"Bakit lagi na lang wala siya sa mahahalagang araw ng pamilya natin?" Matinding galit niya kahit alam nito nasa lamay.
"Nangako siyang pupunta rito pagkatapos ng meeting."
"Simula ng ikasal kayo ng asawa mo lagi na lang siyang wala at palagi niyang dahilan hahabol pero sa huli ano maghihintay tayo ng ilang oras at aasang ni anino niya magpapakita."
"Nangako siya."
"How many times na nga ba siya nangako sa iyo?" sarkatiko nitong usisa.
"Mom..."
"Hindi na ako aasa sa asawa mo." Humarap sa picture frame ni lola.
"Una't-huling lamay ito ng mama."
Buntong hininga akong humarap sa mga taong nakikiramay bago pumasok sa isang kuwarto. Tinatawagan ko si Roselle pero pinapatay lang. Kung minsan nakakasawa ang mga ginagawa niya sa pamilya ko. Tama si Mommy, She always promises to do nothing. Gusto ko sana magsawa pero asawa ko siya and I had the right to trust her.
"CONDOLENCE,"
"Reign,"
"Where's Roselle?"
"May meeting pero hahabol siya." kahit sa katotohanan hindi ito darating.
"Hihintayin ko na lang siya." kahit huwag na Reign masasaktan ka lang.
"Zayn?" Hawak sa kamay ko.
"Sorry," yukong sabi ko.
"Its okay, alam kong masakit para sa iyo ang mawalan ng minamahal sa pamilya pero pakatatag ka lang. By the way nasa labas sina Cedric hinahanap ka."
"Bakit hindi mo pinapasok dito?"
"Lalabas na rin sana ako hinanap lang talaga kita rito." Patayo na sana nang hatakin ko ang kamay.
"Bakit?"
"May sasabihin sana ako tungkol sa---" lumangitngit ang pintuan kasabay nang pagpasok ni Cedric nakatingin sa kamay namin pareho.
"Ced..." bumitaw ako sa kamay ng asawa niya.
"Lumabas ka muna rito hinahanap ka ng mga inaanak mo." Masama ang itsura ni Cedric ng tingnan si Reign.
"Sige lalabas ako," sabi ko na lang bago sila maunang lumabas ng room.
Alam kong seloso pa rin si Cedric kahit mag-asawa na sila ni Reign at ito ang pilit kong iniiwasan na mangyari ang mag-away na naman kami.
"Condolence," bungad ni Erdem nang makalabas ako ng room.
"Zayn, condolence." Sabi naman ni Peps.
"Thanks, LK." Inaninaw kong maigi kung sino-sino pa mga kasama nila. Nandito rin ang ibang Viper Berus.
"Zayn, nakikiramay kami." wika ni Thania habang buhat ang anak ni Peps.
"Salamat," humarap ako kay Peps.
"Nasaan si Shien?"
"Hindi siya makakapunta nasa hospital ang mama niya." sagot ni Reign. I know hindi pa okay sina Shien at Peps pero naniniwala ako sa bandang huli sila pa rin ang nararapat.
"Huling lamay na rin ito."
"Ang bilis naman yata." Erdem.
"Marami pa kami dapat asikasuhin sa mga naiwan ni lola."
"Baka hindi maglalamay ng matagal ang Viper alam mo na may mga anak silang inaalagaan." Peps.
"Ikaw, nauunawaan ko kung hindi ka rin maglamay hanggang umaga."
"Its okay, si Thania na muna magbabantay kay Pauline." Pinasadahan ko sila ng tingin ni Thania at sa ibang kasama namin. Mukhang wala naman napapansin ang iba pero para sa akin may kakaiba sa dalawang ito.
"Bakit wala pa rin si Roselle?" Pansin ni Cedric dahil maghahating gabi na. Kaming Lucifer kingdom na lang nandito kasama sina mom and dad.
"Baka na pagod sa meeting nila."
"Kahit sumaglit lang hindi niya ginawa, siguradong okay lang kayo mag-asawa?"
"Oo naman," sip ko sa kape.
"Ano balita sa last will ng lola mo?" parinig ni Erdem sa amin. Tumayo sina Mom and Dad para pumunta kung saan.
"Meron na." bulong ko.
"Ibibigay sa iyo ang buong pamana niya?"
"Kalahati, I mean sa magiging anak namin."
"Aba,wala pa kayong anak, paano 'yan?"
"Eh di gumawa madali lang naman 'yon."
"Sus,paano? baka nga hindi tumatabi sa iyo asawa mo." sa inis na bato ko ito ng tinapay.
"Hindi kayo nagtatabi?" naninigurong tanong ni Ced.
Tahimik ko silang pinagmasdan lalo si Peps na nawalan ng ngiti sa labi. Marahil ramdam nila ang tensyon at humihingi ng kasagutan sa tanong ni Cedric.
"May mag-asawa ba hindi nagtatabi?" Nanginginig kong usisa sa lahat.
"Bakit hindi pa kayo nakakabuo kung ganoon?" bakit ba kapag si Cedric ang nagtatanong lagi kumakalabog ang puso ko.
"Stress lang siya sa trabaho."
"Magbakasyon kayo kahit isang buwan lang nang makabuo kaagad mahirap iyong walang anak sa isang pamilya. Tingnan mo si Master Cedric, naka tatlo na." Sarkastikong sabi ni Erdem.
"Hay naku, huwag ninyo pilitin ang mag-asawa sa bagay na 'yan." Tanggol ni Peps.
"Nagpla-plano pa lang kami pero ngayong sinabi sa last will and testament ni lola parang ngayon pa lang sisimulan na namin." Pangiti-ngiti lang ako pero ang totoo isang kalbaryo sa buhay ko na magkaroon kami ng anak kahit na isa.
"Hihintayin ko makalipas ng isang buwan naglilihi na siya at titigil sa trabaho para alagaan ang sarili." buwelta ni Erdem.
"Mainam magkaroon ng anak ng may panghawakan kayo sa relasyon." Huling sabi ni Cedric.
Ang anak nagsisilbing kaligayahan sa pamilya kaya kahit ano man mangyari kailangan namin makabuo ni Roselle alang-alang din sa pamana ni lola.
BINUKSAN ko ang ilaw sa kuwarto. Nakadapa ito sa kama. Lumapit ako saka minasahe ang kanyang balikat pababa sa likod.
"Hon," tawag ko.
Itinigil ko ang ginagawa bago magpalit ng damit. Nahiga ako at nag-isip. Mayamaya dumilat ito at tumihaya.
"Kanina ka pa ba?"
"Bakit hindi ka dumating?"
"Sorry ha? dapat isang tao lang i-me-meeting ko pero dumating 'yong ibang kasama namin para pag-usapan ang gagawing event sa susunod na araw, sorry."
"Hinanap ka ng Lucifer at Viper."
"Talaga? mabuti pa sila nagkakaroon ng oras sa ganyang bagay." Tumalikod upang tanggalin ang hook ng bra. Tinulungan ko siya at pagkatapos niyakap ko kahit nakatalikod pa rin sa akin.
"Hon, tungkol sa last will ni lola."
"Oh bakit?"
"May ipapamana raw siya sa magiging anak natin." Humarap tuluyan sa akin.
"Anak natin? paano wala tayong anak."
"Exactly what I said gusto kong magka-baby tayo."
"Patawa ka, alam mo naman dahilan ko kung bakit ayoko pa mabuntis 'di ba?"
"Pero paano naman ang dahilan ko? Paano ang kagustuhan kong magka-anak tayo?" Pareho kami bumangon.
"Makakapaghintay ang anak."
"Pero ako hindi na makakapaghintay. Minsan naisip ko asawa ba talaga turing mo sa akin?"
"Zayn." Mariin tawag nito.
"Ang tagal na natin mag-asawa naka-tatlo na nga sina Cedric tapos tayo pinagtatalunan pa rin kung kailan ka papayag na magka-anak."
"Bakit palagi mo kinukumpara ang buhay natin sa ibang tao, respect my decision as your wife iyon ang dapat mong gawin."
"And how much do you respect me for having a child from you?"
Napatayo sa galit ang asawa ko.
"Kainis naman Zayn, kung gusto mo palagi tayong magkasundo sana naman magrespetuhan tayo bilang mag-asawa!"
"Mag-asawa tayo Roselle, hindi ng kung ano lang."
"Tama, mag-asawa tayo sa papel."
"Anong sabi mo?" lumapit ako upang hingin ang kasagutan.
"What do you mean we just got married on paper?"
"Because that's the truth!"
"Roselle, kinasal tayo dahil mahal natin ang isa't-isa hindi dahil lang sa lintik na papel!"
"Talaga? Mahal natin ang isa't-isa o mahal lang kita?"
"I don't understand you."
"You still love her."
"Is that still an issue? hanggang kailan ka ba maniniwala na ikaw ang mahal ko kaya kita pinakasalan."
"Hindi kita kayang bigyan ng anak." Sa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin parang na bingi ang puso ko sa katotohanan.
"Subukan pa natin." Yapos ko sa kamay nito. "Subok lang tayo nang subok hanggang sa magkaroon. Hon, kung inaalala mo kung ano nararamdaman ko para sa iyo sana isipin mo ang araw na nagpakasal ka sa akin. Mahal kita, huwag ka na mag-isip nang kung ano pa man, asawa kita, asawa na kita."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (32)

  • avatar
    LucianoLuciano alves

    Muito bom recomendo de todo mundo

    23/09/2023

      0
  • avatar
    Moll Moll

    nice siya Maka walang nang stress!

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Krisanta Ambongan

    5000

    21/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด