logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7: TREX BUNAC

"Nak, kumain kana muna,"
Inayos ko ang mga gamit sa paper bag mo at maliit na backpack.
"Nagkape na po ako, ma." Asal ko at patuloy padin sa pag-aasyos. "Maaga akong aalis, Ma. Meeting namin ngayon."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama.
"Araw-araw ka nalang nasa trabaho, baka hindi mo na ini-ingatan ang sarili mo, anak." Nag-alala ang pananalita ni Mama.
Huminto muna ako sa ginawa at hinarap si Mama nakangiti. Mula rito sa labas ng sala ay kitang-kita ko si Mama mula sa loob ng kusina, nagliligpit ng pinagkainan niya.
"Ma, alam niyo naman lahat ng ginagawa ko ay para sa atin. Araw-araw talaga akong kakayod para kahit papano may ipon ako." Mahabang lintaya ko kay Mama.
Ngumiti ito ng maliit sakin. "Kahit naman siguro, anak. Dapat alagaan mo din ang sarili mo, malaki kana..kailangan mo nang may umalalay sa'yo, kailangan mo nang makapag-asawa."
Nagulat ako sa sinasabi ni Mama.
"Oh, ano? Wala ka bang balak magkaroon ng sariling pamilya?" Muling wika ni Mama.
Gusto kong ipadyak ang mga paa. "Mama naman! Wag niyo po akong madaliin sa ganyang sitwasyon!"
Tinaasan ako ng kilay ni Mama sa naging reaksyon ko. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng pamilya, uunahin ko muna ang pangarap ko. Pangarap ko para din sa Mama ko. Para sa amin.
"Ziah! Ano ka ba, dapat ikaw na babae kailangan mo nang makapag-asawa! Alangan namang tatanda kang mag-isa, ha? Hindi maganda tignan." Sermon ni Mama sakin.
Kinarga ko ang mga gamit ko habang patuloy na pinagsasalitaan ako ni Mama. Ayokong makinig, nakakarindi ang marinig ang 'asawa'. Iyan palang ay gusto ko nalang tumakas.
"Tandaan mo ito, anak. Balang araw kailangan mo ding magkaroon ng alalay sa buhay! Hindi sa araw-araw ay kasama mo ako. Malaki kana, anak. Alam mo ang dapat gawin at ang hindi. Mag-iingat ka!"
Bumuntong hininga nalang ako at tinulak pabukas ang pintuan namin palabas.
Alam ko namang matanda na ako, sa ayoko lang munang itali sa isang tao. Gustohin ko munang mag enjoy sa buhay ko, magsaya at magtrabaho hanggat kaya ko pa.
Wala pa sa utak ko o maging sa list ko ang pumasok sa ganoong sitwasyon. Hindi naman kasi madali ang magkaroon nang kasama sa buhay.
May punto naman si Mama. Hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya, dahil balang araw ay iiwan niya din ako. At ang araw na iyon ay mas lalong hindi pa ako handa.
Pumara na ako ng taxi para mabilis lang akong makarating doon.
Ipinikit ko ang mga mata ng makapasok sa loob. Nilagay ko na din ang bitbit na gamit sa tabi ko. Gusto ko nalang magpahinga kahit saglit lang, basta makapag-isip ako mamaya sa gagawin.
Diretso ko ang punta ko sa MR namin, Meeting Room.
Nakaupo na ang karamihan naming kasama. Maging si Donalyn ay nandyan na, mabuti nalang at hindi ako gaano kahuli.
Naglakad na ako at inilapag ang files sa table. Napansin ako ni Donalyn at senyasan ko nalang siya.
"Himala, hindi ka late sa meeting." Simula ng br*ha sakin.
Chineck ko ang mga papel sa loob, inilabas ko mula sa paper bag ang laptop ko.
"Of course, this is the final meeting we have. It's all about the project, Don." Sagot ko habang inayos ang laptop ko. "Ayoko mahuli at baka ang results ay bad image ako sa company."
Natawa ang katabi ko at mula sa gilid ng mga mata ay itinulak nito ang coffee.
Magsasalita na sana ako ng inuhan ako nito.
"Coffee delivery, sa secret admirer mo na naman. Para di ka daw malamigan sa loob," Pang-aasar nito sakin.
Nang matapos ako ay doon ko na nilingon si Donalyn, naroon ang mapang-asar niyang tingin sa akin.
Ngumiti ako ng tipid at inabot ang bigay niyang coffee.
"Salamat, ha? Mukhang ikaw pa ang natutuwa." Pilosopo kong sabi sa kanya.
"Natutuwa kasi ako sa'yo, Zi. Look, ang haba kasi ng hair mo!"
Nag aaktong sasabunutan ko sana ito ng saktong pumasok sa loob ng MR si Sir Lino.
Si Sir Lino ang humawak sa kompanyang pinagtrabahuan namin. The HEZI Company.
Nagtataka nga ako at bakit HEZI at marami nga'ng gustong magtanong sa meaning nito ay wala. Pinagbawalan ang gawin ang ganoon, base daw sa personal na bagay.
Sa tagal kong naging regular employee dito ay wala akong naririnig na kahit anong problema.
Wala akong napapansin na kasiraan, maging ang mga tao dito noong unang pasok ko lang ay kagalang-galang at may respeto sa isa't isa.
All I can say is that, this HEZI Company is really good to me, to all of us here.
"Good morning!" Nakangiting bati sa amin ni Sir Lino.
Lahat naman kami ay bumati pabalik dito.
Sa kabilang kamay ko ay hawak ko ang coffee, sumipsip ako ng kunti bago inilapag ito sa tabi.
"I just received a call from our client! And also that, okay..I will inform you guys," Sa gilid ay ang dalawang kamay ni Sir Lino nakahawak sa dulo ng table. "The other day, we have the board meeting. All the companies that related in designs and handler. While in the meeting, I got the news that the investor of our company and other's too is already here in our country."
Nakinig ako ng mabuti sa paliwanag ni Sir Lino. Investor? Ibig sabihin big shot.
"Hindi pa naman namin siya nakikita pero..sa palagay ko ay lalabas din siya. We will have another meeting about him." Dagdag pa ni Sir sa amin.
Nag umpisang nagbulungan ang lahat. Naramdaman ko din ang pagsiko sakin ni Donalyn.
"I also heard that he's a young business man. A CEO in the biggest company in America." Paliwanag ni Sir Lino. "Okay, let's get back to our topic! Everyone! Show me the plans and ideas you have right now. Asap, and representative today."
Nakinig nalang ako at naghanda. Kanina sa paliwanag ni Sir Lino ay nakalimutan ko na. Ano naman kung big shot? Siguro masamang ugat ang taong mula sa itaas.
Kami ang mag organize sa bawat event. Kapag may contact kami ay gagawin namin agad.
"Miss Santillan?"
Tumayo ako at pinakita ang planong nasa utak ko.
"Sir, it's good in the background if we place the other one." Tinuro ko ang nakadikit sa board na design, galing sa isang monitor. "I just thought if we place the yellow flower into a white rose? To make it good in the sight. And to make it look pair in the wall designs."
"You have a point, Miss Santillan.." Tumango-tango pa si Sir Lino. "But where can we place the yellow flower when Miss Bunac already contacted the flower shop?"
Tinuro ni Sir Lino ang taong tinawag niya. Paglingon ko ay napansin ko ang maliit na ngisi sa mga labi nito.
May napansin na akong kakaiba sa kanya, at ngayon ko lang din siya napansin sa loob ng meeting room.
"Miss Santillan, paano ba natin gagawin `yan? It's a waste of money. We can't replace the yellow flower and besides it's perfect." Sagot niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko.
Para bang pinapahiwatig niya sa akin na mas maganda ang plano niya, na mas bagay pa ang idea na meron ito.
Ngayon lang ako nakaramdam na may pinaparating siya sa akin.
"By the way, I almost forgot it. Let me introduce you, Miss Trex Bunac. The new member and the team assistant in the 3rd floor department."
Tumayo si Miss Trex at ngumiti sa lahat ng naroon, kaso ng dumapo sakin ay bigla umiba ang ihip ng hangin.
Nakakatakot ang ekspresyon.
"I'm glad to be part in this meeting today, and also to be part in this company. I'm Trex Bunac, hope you all will treat me good." She smiled in everyone, and her eyes stop in mine. "Anyway, do you have a problem in my ideas, Miss Santillan?"
Dahil sa ginawa niya alam ko na kung ano ang nararamdam ko sa oras na ito.
Bago lang siya, ngayon ko lang siya nakita, pero at kung umasta ay para bang sinasabi nito sa akin at idinidiin na naiinggit ako sa ginawa niyang ideas.
She may be look good and speak using a angelic voice..but she have an attitude that she only throw out to me.
Wala naman akong ginawa sa kanya. What's wrong with her?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด