logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2: UNKNOWN MAN

Tanging naririnig ko lamang ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pati nadin ang puso kong nakisali sa ingay.
Ito ang unang beses na maka encounter ako ng ganito. Ilang boses na ang naglayag sa aking isipan, sa ngayo'y, nawawala ako sa katinuan.
Lalo na at ang familiar ng pang-amoy ng taong ito. Nang maka-recover ay sinubukan ko siyang itulak palayo sakin. Sadyang, malakas siya at mas lalo akong idinikit sa katawan niya.
"D*rn! Bitawan mo ako!" Bagamat diin ay may halong galit iyon.
Hindi na ako komportable sa ganitong sitwasyon. It's like that..his a unknown man. Hindi ko alam kung masama ito o may iba mang Plano sakin! Basta, nagugulohan nako!
Bakit sa gitna ng malakas na ulan ay ako pa ang nabiktima nito? Bakit ako pa na nanahimik lang sa dulo. Bakit ako pa?!
Nagpupumiglas ulit ako. Sa huling pagkakataon, ay lalo akong natulos sa kinatatayuan.
Naramdaman ko nalang ang hininga nito sa likuran ko. Na hinihingal.
"Pwedi bang wag ka munang gumalaw?" Bulong nito sa akin. "May humahabol sakin, kahit ngayon lang."
Nahalata ko sa boses nito ang paghingi ng pabor sakin. Ako naman ay nagtataka.
"S-sino?" Balik kong bulong.
He sighed again. Kaya yung hininga na iyon ay nakikiliti ako.
"Lumingon ka sa harapan, Miss."
Umikot ang mga mata ko. Napansin ko ang dalawang lalaki na naglalakihan ang katawan, may babae na inalalayan nila. Pinayungan para hindi mabasa sa ulan.
"Y-yung may babae? Dalawang body guards?" Sagot ko.
"Oo. Kaya pwedi bang ganito muna? Sorry for my behavior." He said in a low tone. But he has a deep voice.
Lumunok ako ng lihim at muli namang tinignan ang babae. I can't clearly see her looks because of the rain. But I knew that she was looking at our direction.
Nakaputi na dress ang babae. Sigurado akong uuwi yang putikan ang damit. But I got curious, bakit naman siya hinahabol ng mga ito?
"Nandyan pa ba sila?" Tanong nito uli.
Tumango ako. "Papaalis na. Pwedi kanang kumalas."
Agad naman na lumayo sakin iyong lalaki. Sa totoo lang, nakayuko man ako..alam ko na kung sino ang nasa harapan ko.
Kaya pala familiar ang amoy. Kaya pala pati ang boses ay familiar din para sa akin.
Bakit ako natatakot? Bakit di ko man lang maingat ang paningin sa lalaking ito?
Coincidence lang ba lahat o ito talaga ang nasa tadhana ko? Kung oo, hindi pa ako handa.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Gosh, kahit ang boses palang na iyon ay maganda.
"Thank you sa tulong, Miss!"
Napakurap ako ng ilang beses.
Humarap ako sa gilid para iwasan ang tumingin sa taong ito.
He chuckled again. "Miss? Payong mo, o."
Kukunin ko na sana ang payong na inabot nito sakin. Ngunit akala ko ibibigay niya. D*mn. Naiangat ko ang paningin at doon.. unti-unting napababa ang kamay ko.
Tama nga ako. His the man beside me in the bus. He wear a gray hoodie. I accidentally looked into his eyes. He's not totally handsome but he looks attractive.
His dark brown eyes, a natural brows, eye lashes..and a noise na mahaba. A lips that form into a good shape one. Manipas ang nasa ibabaw niyang labi at sa ibaba ay baga.
Idagdag nadin ang moreno nitong balat. Ang hugis ng mukha niya ay medyo malaki pero nasakto sa itsyura. I got goosebumps.
Napanganga ang labi ko. Sa edad kung ito na malapit ng mag trenta anyos, ito din ang una kung beses na maka bangga ng ganitong nilalang sa lupa.
Hindi sa na over lang ako. Kundi noon pa man ay ni isa walang lalaki na nakalapit man lang sakin. Labas na ang mga bakla na nakasama ko noon.
Nakuha niya talaga ang atensyon sa loob ko. Like, ang patay na naninirahan sakin ay bigla nalang napukaw sa kanyang atensyon.
Kahit nakasuot lang siya ng simpleng damit. Hindi padin maitatago ang kakisigan niya. Hindi din mapagkaila na sa perfume palang inaakit kana.
"Miss? Aalis na ako, salamat ulit." Ngumiti siya sakin.
Tuluyan na atang nahulog ang mundo ko.
Nang makaalis siya ay napakapit ako ng mahigpit sa payong na bitbit. Nakailang labas hininga din ako.
Those smile na una ko lang din napansin. Bakit nga ba ganito? Dahil ba sa matanda na ako at kaya kailangan ko na matutunan makipag date sa kalalakihan?
Sa isiping may kasama ako, hindi ko nga kaya lahat.
"Kalma.." Hinawakan ko ang gitna sa dibdib ko. Ngayon ay nasa payapa na ang puso ko.
"Inhale..Exhale..Inhale..Exhale, Zi.." Napapikit pa ako.
Muli kong ibinuka ang mata. Hindi na sana ito mauulit pa.
Lumingon ako sa daan. Mabuti nalang ay may bus na paparating na dito sa gawi ko. Nang huminto ito ay sumakay na ako. Nasa paborito akong pwesto, sa dulo ng upuan dito sa bus. Itinabi ko ang payong at magagamit ko din ito mamaya.
Nakalingon na ako sa labas ng bintana. Malakas padin ang patak ng ulan sa labas. Hindi ko matanaw ang mga kabahayan, maging ang mga tao dahil lang sa ulan.
Ang daming nangyayari sakin sa araw na ito. Ano pa kayang susunod bukas? Yun ang hindi ko alam.
Inilabas ko ang cellphone ko at ear phone. Nakinig nalang ako ng musika.
Nakauwi na ako. Di parin tumila ang ulan.
"Ma, nandito na po ako!"
Itinabi ko pa ang suot na sapatos. Dumiretso ako sa kusina at nakita si Mama na nagluluto. Kinuha ko ang isang bakanting kamay ni Mama at nagmano.
"Magandang gabi Ma, sorry po natagalan ako. Umuulan kasi." Nakangiting sabi ko.
Nagsinungaling ako kay Mama. Hindi lang umuulan kundi may na encounter din na stranger sa waiting area ng bus.
"Magandang gabi, nak. Umakyat ka muna sa itaas at magbihis!" Sagot ni Mama.
Habang hinahalo ang nilutong pinakbet.
"Aba, masarap ulam ngayo'ng gabi `Ma, ha?" Nakangiting biro ko. "Request naman ako, Ma. Kahit lumpia nalang na may itlog."
"Ziang! Ikaw talagang bata ka. Umakyat kana at maglinis ng katawan mo, galing ka pa naman sa ulan! Umakyat kana!"
"Mama naman. Hindi naman po ako nabasa sa ula—Mama!"
Napaatras ako at napapadyak sa sahig. Humarap si Mama sakin na hawak pa ang sandok.
"Aakyat ka o babatuhin kita nito?" Banta ni Mama.
Umatras ako papalabas sa kusina. Ngumuso ako sa reaksyon ni Mama.
"Maglilinis na po ako ng katawan! Mama naman, oh."
"Umakyat kana! Wag ka puro daldal. Galing ka pa naman sa trabaho," Dagdag pa ni Mama. "Bumaba kana din agad pagkatapos mo maglinis ng katawan!"
"Opo! Heto na Ma!"
Umakyat na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan. Diretso banyo ako at doon na agad nag hubad.
Binabad ko muna ang sarili sa malamig na tubig sa bathtub. Ang lamig ng panahon. Sanhi din sa ulan, kung mainit naman. Hindi rin kakayanin. Mas okay narin ang malamig ang paligid, o yung pantay nalang na temperatura.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan. Nagbihis na ako ng pajama ko na pantulog ngayo'ng gabi. Pinatuyo ko nadin ang buhok ko saka sinuklayan nadin.
Bago ako bumaba inayos ko muna ang gamit ko. Naglinis nadin ako sa aking silid.
Sa wakas, ako ay tapos na sa kwarto ko. Lumabas na ako at bumaba para kumain. Naabutan ko si Mama na inaayos ang mga inihanda sa mesa.
Lumapit ako para tulungan si Mama. "Ma, akina ang iba. Ako na at bumalik kana sa kusina."
"Ayusin mo lang yan, nak." Bilin nito.
Tumango ako. "Dalawa lang naman tayong kakain `Ma. Kaya wag mo na damihan ang niluto. Masasayang yan kinabukasan."
"Malakas ka kumain, Ziah. Wag kana at mag reklamo at kumain kana lang sa niluto ko."
"Sabi ko nga, po. Kakainin ko lahat ng ano man meron sa mesa."
Pumunta ako sa ref at inilabas ang pitsel, kumuha nadin ako ng baso para idisplay sa mesa. Sakto din at kalalabas lang ni Mama mula sa kusina.
Umupo na kami para kumain na. Bago iyon ay nagdasal muna kami.
"Thank you for the blessings again," Usal ni Mama.
Pareho kaming nakapikit ni Mama. At nang matapos si Mama sa dasal ay kumain kami ng tahimik.
Nakasanayan na namin ni Mama na kaming dalawa lang. Kahit wala ang ama ko, noon paman hindi ko siya nakikita. Hindi ko naman siya hinahanap dahil inintindi ko rin ang nararamdam ni Mama.
Kapag nasa hapagkain kami ni Mama, tahimik kami. Saka lang kami nagsasalita kapag tapos na kumain.
Sempre, ako ang unang natapos samin dalawa. Sumunod si Mama sakin sa kusina.
"Ako na maghugas anak,"
Umiling ako. "Ako na po `Ma."
"Tumabi ka diyan, Ziah. Mas mabuti pang umakyat kana sa taas at magpahinga." Tinulak ako ni mama para tumabi.
Hindi ako nakaangal dahil pinalitan na niya ako ng pwesto.
"Sige `Ma. Pagkatapos mo, magpahinga kana din. Aakyat na ako sa itaas ma."
Tumango lang si Mama at ako naman ay tumalikod na sa kanya.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Itinapon ko ang sarili sa kama. Isiniksik ko nadin ang mukha sa unan. Ipipikit ko na sana ang mga mata kaso biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ng lalaki kanina.
Agad akong napabangon mula sa pagkakadapa.
"Nakakakilabot!" Nayakap ko ang mga braso.
Malala na ito. Bumalik ata ata ako sa pagiging teenager, kung saan malaya kang kikiligin. Ngunit kabaliktaran ang nasa akin. Hindi ako kinikilig, para akong hinahabol ng masamang panaginip.
Bumuntong hininga ako. Pinatay ko nalang ang ilaw sa kwarto ko at muling humiga sa kama ko.
Binura ko lahat ang nasa isipan at umiwas na wag na ulit mangyari iyon. Nakakatakot naman kasi, bigla nalang papasok sa isipan na walang pahintulot.
"Matulog kana, Zi!" Kinausap ko ang sarili.
Hindi ko alam kung paano ako matutulog gayong taksil naman ang nasa isipan ko. Nakakainis na.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด