logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

04

04: When They Returned
“See? Hindi talaga maganda ang kutob ko diyan kay Butler Cox,” ani Ashanti habang naglalakad kami.
“Tumahimik ka nga lamang, okay? Gosh, I'm so tired na talaga," reklamo naman ni Kelly at nag-stretch ng kamay na animo’y sobrang napagod samantalang naupo lamang naman kami roon.
“Bakit ba kasi ayaw niyo akong pakinggan?” Tumigil naman kami sa paglalakad at takang tumingin kay Ashanti.
“Bihira na nga lamang akong magsalita, hindi pa kayo makikinig,” dagdag niya pa.
“Bakit ba kasi bini-bigdeal mo pa 'yun? Nagjo-joke nga lang daw si Butler Cox,” I hissed at her.
She let out a harsh breath before crossing her arms over her chest. “Feel ko hindi siya nag-jojoke.”
Umiling naman si Kelly at umangkla sa braso ni Ashanti. “Alam mo, feel mo lang 'yan. Ikalma mo ‘yang nerves mo, Ashanti,” sabi nito.
“But my guts says that what he said isn’t a joke,” Ashanti mumbled under her breath.
“Pustahan talaga tayo, joke lamang ‘yon, Ashanti. Don’t make such a fuss about it,” Kelly retorted as she shook her head lightly.
Malakas na bumuntong hininga si Ashanti bago dumiretso sa paglalakad. Sumunod naman kami ni Clio sa kanilang dalawa at marahang napailing. My friends are just too weird.
“Bakit ba kasi may Physical Education pang subject?” tanong ni Ashanti habang inaayos ang kaniyang buhok. She put it into a high ponytail before she looked at us.
Kasalukuyan kaming nasa washroom dahil binigyan kami ng ilang minuto upang mag-retouch para sa subject namin ngayon na Physical Education— na pinakaayaw ni Ashanti sa lahat ng subject.
“Syempre, para maging physically fit ang mga estudyante,” sagot naman ni Clio sa kaniya.
“Life is so unfair!” Natawa naman kami sa reklamo ni Ashanti. Bihira nga kasi siyang magsalita pero kapag nagsalita siya, daig pa si Kelly.
“Fair ang life kasi unfair siya sa lahat.”
Walang ganang tumango si Ashanti dahil sa sinabi ko at tumawa naman sina Kelly at Clio. Mayamaya pa ay napagdesisyunan na naming lumabas dahil magsisimula na rin namang muli ang klase at obviously, ayaw naming ma-late.
“I hate this place the most,” mahinang bulong ni Ashanti nang makarating kami sa gymnasium.
Agad namang humiwalay sa amin si Clio at sumama sa mga ka-team mates niya. Halos lahat kasi ng sports ay sinalihan na ni Clio kaya pagdating sa larangan ng sports ay kilalang-kilala na siya sa Avalon High.
Kami namang tatlo ay umupo na sa bleachers kasama ng iba pa naming kaklase. Crowded ang gym dahil iba't-ibang sections ang maglalaro kaya’t kitang-kita mula sa direksiyon ko ang pagngiwi ni Ashanti.
“Kanina pa dapat nagsimula, ah? Bakit hindi pa nagsisimula?” tanong ni Kelly nang makaupo.
Bumaling naman ako sa katabi naming kaklase upang magtanong dahil ayaw ni Kelly na makihalubilo.
“Ngayon na raw kasi babalik 'yung mga exchange students last year, sinasalubong kasi ng mga teachers,” sagot nito sa akin.
My brows immediately furrowed. Exchange students?
“Sina Zev?!” Malakas na tanong ni Kelly kaya't naagaw rin ang atensyon ng ibang estudyante. Tinapik ko naman siya sa balikat para kumalma dahil pinagtitinginan na kami.
“Are you talking about me, sweetheart?”  Nanlaki ang mga mata ni Kelly at marahas na lumingon sa bagong dating na nagsalita. Malakas naman akong bumuntong hininga dahil pinagtitinginan na kami at nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nina Kelly at Zev.
“You're so full of yourself talaga, hindi 'no!” pagtanggi ni Kelly sa sinabi ni Zev.
“Suit yourself, sweetheart,” sagot ni Zev kay Kelly at bumaling sa direksiyon namin.  “Hi girls,” bati nito sa amin ni Ashanti.
I gave him a half smile. “Welcome back.”
Ramdam ko naman na tumabi si Dane sa kinauupuan ni Ashanti at inakbayan ito. They're best friends after all.
“May ginawa ba 'tong kalokohan habang wala ako?” tanong ni Dane at ginulo ang buhok ni Ashanti. Para namang walang pakialam si Ashanti dahil busy siya sa pag-inom ng kape.
“Katulad pa rin ng dati,” I answered.
“How's the experience of being an exchange student, Dane?” Muling umupo si Kelly at humarap sa gawi ni Dane.
“I'm an exchange student too,” rinig kong angal naman ni Zev kay Kelly.
“Ayos lamang, parang nag-transfer ka lang ng school. Medyo mahirap nga lang dahil bago ang environment but that's all right. Bearable naman dahil kasama ko sina Zev at Markus,” Dane answered.
Dumako naman ang paningin ko sa kanina pa tahimik na si Markus. Nakatayo lamang siya at nakatingin sa kawalan. He's really weird.
“Guys mags-start na raw ang game,” Clio informed us as she ran towards our direction.
“Oh hi,” bati niya nang mapansing kasama namin ang tatlo matapos niyang makalapit. Tinanguan lamang siya nina Zev at Dane samantalang hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Markus. Tumayo na naman kami para pumunta na sa may gitna.
“Basketball? Damn,” bulong ni Ashanti nang makita ang mga bola ng basketball. Pati ako ay napabuntong hininga dahil hindi ako marunong mag-basketball. Tennis at volleyball lamang ang alam kong laro kaya’t paniguradong mahihirapan ako tulad ni Ashanti.
“Hala, baka masira ang nails ko!” Palihim naman akong nabuntong hininga dahil sa reklamo ni Kelly. Itinaas pa nito ang mga daliri niya na at tinitigan iyon.
“Arte,” pagpuna ni Zev. Natawa naman kami dahil sa pronounciation niya. He's half American after all. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Kelly at hindi na nagsalita.
Mayamaya pa ay diniscuss na ng teacher namin ang criteria ng laro. Bago ang totoong game ay susubukan raw muna ang skills namin sa pamamagitan ng pag-dribble, pag-shoot at pag-pasa ng bola na ii-score-an gamit ang mga even numbers from two to ten.
As usual, si Clio ang nangunguna samantalang si Ashanti ang nasa hulihan ng section namin dahil puro two ang scores niya. Kelly and I are tied dahil parehas na six at fours ang mga nagiging scores namin sa lahat.
“Ugh, I hate it!” Muling reklamo ni Ashanti nang 2 na naman ang score niya sa pinakahuli.
“It’s okay,” ani ni Dane at inabutan si Ashanti ng tuwalya na agad naman nitong tinanggap.
Wala pang ilang minuto ang nakakalipas nang muli kaming tawagin ng teacher namin para sabihin kung sino ang mga paglalaruin ng totoong game ng basketball. Unang tinawag si Clio bilang Captain dahil siya ang may pinakamataas na score.
“And lastly, Villareal.” Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin ako ng teacher namin. Why me?!
“Clio, bakit ako napasama dito? Hindi naman ako marunong,” reklamo ko.
“Umabot 'yung score mo sa cut off eh.”
“Huh? Parehas lang kami ng score ni Kelly.”  I bit my lower lip as I my knees trembled in fear. Hindi talaga ako marunong!
“Celeste, Rank One ka,” tanging sagot niya at pumunta na sa gawi ng teacher namin nang tawagin siya nito.
"Ma'am, sino nga po po pala ang kalaban namin?" Rinig kong tanong ni Clio sa teacher namin.
“The boys.”
My mouth gapped upon hearing her answer. What the hell? Anong laban namin sa mga iyon samantalang bihasa na ‘yon sa sports na ganito? Hindi pa nga ako nakakapaglaro ng totoong basketball sa court, e!
Mayamaya pa ay pinaposisyon na kami dahil magsisimula na raw ang laro. Kung minamalas pa nga, shooting guard ako. Hindi nga ako marunong dito, bakit ba hindi nila ako maintindihan? I heaved a sigh before positioning myself.
Dumako naman ang tingin ko kay Ashanti at Kelly and they just mouthed me a 'goodluck'. Bahhala na nga.
Napangiwi naman ako nang makita kong pumunta na rin sa court sina Zev, Dane at Markus. Nagtilian naman ang mga schoolmates naming babae na akala mo naman ay nakakita ng artista. Ugh, whatever. Basta ang gagawin ko, tatakbo lang ako nang tatakbo— pero shooting guard ako? Paano ako makakaiwas? Damn!
Ilang minuto pa ang nakalipas nang pumito na tanda na simula na ang laro. Maayos naman ang score ng team namin dahil sa mga tira ni Clio pero lamang pa rin ang kabilang team. Knowing Clio, hindi magpapatalo 'yun.
Ako? Tumatakbo lang ako para hindi halata na hindi naman ako nagpaparticipate. Pero minamalas yata ako nang makita ako ni Clio at ipinasa sa akin ang bola.
“What am I going to do with this thing?” I panicked and asked Clio while holding the ball on my hand.
“Ishoot mo!” sigaw nito. Napailing ako at ibinato ang bola. Bahala n—
“Oh my God!” I exclaimed and ran towards Markus.
“Celeste, what did you do?” tanong ni Clio nang makitang nahimatay si Markus dahil sa pagtama ng bola ko sa mukha niya.
“Hindi ko alam, okay? Bakit mo kasi pinasa sa akin 'yung bola. . . Damn!”
Binuhat na ng mga kaklase namin si Markus para dalhin sa infirmary. Malalim naman akong bumuntong hininga bago hinilot ang aking sintido. Lagot ako kapag nagkataon! Sana hindi na mag-file ng reklamo si Markus or else, I’ll be dead.
“Let's go?” Aya ni Ashanti. Tumango ako at muling bumuntong hininga.
Aalis na sana kami nang mapukaw ng atensyon ko ang basag na salamin aa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing iyon ang salamin na suot ni Markus! Dali-dali ko iyong pinulot at tanging ang rim na lamang ang natira dahil basag na ang mismong salamin. Agad ko iyong itinago sa aking bulsa at sumabay na sa paglalakad kina Ashanti.
“Gusto ko na talagang mag-shower, I'm so stinky na,” sabi ni Kelly habang naglalakad kami.
“Stinky ka dyan, nakaupo ka lang naman buong game,” biro ni Clio kaya inirapan lamang siya ni Kelly.
“Uhm. . . Mauna na kayo sa dorm, may dadaanan lang ako.” Tumigil sila sa paglalakad at takang tumingin sa akin.
“Kay Markus ba?” tanong ni Ashanti. Bumuntong hininga ako bago tumango bilang sagot.
“I'm guilty.”
“Pero it’s not your fault naman, Celeste. You don’t know how to play basketball so it’s pretty common. Don’t blame yourself,” Kelly stated as she smiled at me.
Sa huli ay wala silang nagawa kung hindi ang tumango at pabayaan ako.
“Umuwi ka agad ha,” bilin ni Clio kaya tinanguan ko lamang siya bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Lumiko naman ako papuntang infirmary.
I contemplated a bit when I was infront of the infirmary because Markus might be mad at me. Nasira ko 'yung salamin na palagi niyang suot mula pa yata noong freshmen pa kami tapos natamaan ko pa siya ng bola sa mukha. I bit my lower lip before deciding to go inside.
Naabutan ko naman sina Zev at Dane na prenteng nakaupo habang nakahiga at tulog naman si Markus.
“Oh, Celeste?” Tumayo si Dane sa pagkakaupo at inoffer sa akin ang upuan niya.
“Is he all right?” I asked Dane.
“Ang lakas mo palang bumato,” biro ni Zev bago siya mahinang tumawa.
“Huh?”
“He passed out and until now, hindi pa rin siya nagigising,” sagot ni Dane at tumingin sa gawi ni Markus. I looked down and bit my lower lip once again.
“It's okay, it's just an accident.” Katulad ni Dane ay tumayo na rin si Zev. Umupo naman ako sa upuang inoffer ni Dane kanina.
“Ikaw na muna ang bahala sa kaniya, magpapalit lang kami ng damit.” Tumango naman ako kay Dane bago muling tumingin kay Markus na payapang natutulog. Mayamaya pa ay umalis na sila at naiwan akong mag-isa kasama si Markus. Malakas naman akong bumuntong hininga. Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat? I am so reckless.
“What's the matter?” Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin kay Markus.
“H-Huh?”
“You sighed so loudly. Is there any problem?” tanong niya at bumangon mula sa pagkakahiga
“Are you all right?” I asked. Tumango naman siya at hinilot ang kaniyang sintido.
“Hinintay ko lamang na makaalis sina Zev. They're pretty loud,” he answered casually.
“Ah. . . A-Ah ano, sorry nga pala. Hindi ko sinasadya, I swear.” Itinaas ko ang aking kanang kamay na parang nanunumpa. He chuckled and gave me a nod.
Bahagya naman akong napanganga nang makita ang reaksiyon niya. It was actually the first time that I saw him laughed. . . and also the first time that I talked to him alone despite of being classmates for four years.
“’Yon lang ba?” tanong niya. I pursed my lips together before looking at him nervously.
“Actually mayroon pa.” Inilabas ko sa aking bulsa ang basag niyang salamin at ibinigay iyon sa kaniya. Kita ko ang bahagyang panlalaki ng mata niya nang makita basag niyang salamin.
“I'm sorry, hindi ko talaga sinasadya,” I  added as I looked down out of embarrassment.
After a couple of seconds, he let out a harsh breath. “It's alright, I'll just buy a new one.”
“N-No! Ako na lamang ang bibili para sa ‘yo. Ako rin naman ang nakasira.”
“Well, if you insist.” He shrugged his shoulders before putting his glasses on the bed side table.
Natigil ako sa pagmamasid sa kaniya nang mag-vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa. My brows furrowed when I saw who is the caller.
“Yes, hello?” tanong ko.
“Hi, Louisse!” Mariin akong pumikit nang marinig ko ang boses niya. And he still have the audacity to call me by my second name?
“What do you need?” seryosong tanong ko. Tumingin sa akin ni Markus nang magbago bigla ang tono ng pananalita ko.
“Hindi mo man lamang ba ako kukumustahin?” I let out a harsh breath because of what he asked.
“Cut the crap, Jarvis. Ano ngang kailangan mo?” muling tanong ko sa kaniya. He chuckled before faking a cough.
“Nasaan kayo? Malapit na ako riyan.” My eyes widened and my mouth gapped upon hearing what he said.
“You are what?!”
“I'll be there within an hour. See you,” he said and immediately ended the call.
“May problema ba?” takang tanong ni Markus. Itinikom ko ang aking nakaawang na bibig at ilang beses na napakurap.
“Uhm, sorry but I have to go. Urgent lang,” pagpapaalam ko.
“Sure.” He nodded. Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita muli at tumakbo na palabas. Damn, one hour is too short!
Agad kong idinial ang number ni Kelly habang tumatakbo. Naka-ilang ring pa bago niya ito sinagot.
“Yes?”
“Kelly! Emergency!” I yelled. Pati mga nakakasalubong kong estudyante ay pinagtitinginan na rin ako. Ugh, it's so embarassing!
“Anong meron? And wait, are you running?!”
“Si Jarvis. . .”
“What's with Jarvis?” Pansin kong hininaan niya ang boses niya tanda na nasa malapit lamang si Clio.
“My twin. . . He's back!”
 
------

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Rosiee

    this so amazing cause it's just Celeste choose her dreams Celeste is so independent woman ☺️

    04/07/2022

      1
  • avatar
    Mark Russel Balahibo

    shessh

    5d

      0
  • avatar
    Dado Alpas

    Dreams Do Really Come

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด