logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

07

ANDRIETTE
I am staring at my wrist watch while walking at the corridor. I rolled my eyes when the bell rang. Late na naman ako.
Ugh, whatever. Bahala na!
I rolled my eyes when I felt an arm on my shoulder. Alam ko na agad kung sino siya dahil siya lang naman ang kayang magtangkang umakbay sa akin.
"Ano na namang kailangan mo, Dixon?"
He laughed. "Chill, wala akong gagawing masama."
Umirap ako at inalis ang kamay niya sa balikat ko. "H'wag mo nga sabi akong akbayan," pangaral ko.
Just like what he did earlier, he laughed mischievously. Psh, kung makatawa siya, parang wala siyang pinoproblema sa buhay.
----
"Sigurado ka bang walang something sa inyo ni Dixon?" Adhaya asked for the umpteenth time.
I glared at her. "Wala nga sabi."
"Talaga?" she asked and I nod. "Then what's this?"
Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. I looked at it and my brow automatically raised. Nakapost ang picture namin kaninang umaga ni Dixon. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad.
I rolled my eyes before returning her phone. "Wala lang 'yan," I stated.
"Weh? Sure ka?"
"Ugh, whatever. D'yan ka na nga." I rose up from my seat and ran my hand through my hair.
"Where are you going?" she asked.
"Diyan-diyan lang. H'wag ka ng sumunod, mapapagod ka lang kakalakad."
Tumawa siya. "Talagang hindi ako susunod, 'no! Paikot-ikot ka lang din naman dito sa campus."
Tumango ako at umalis na. Napagdesisyunan kong pumunta na lamang sa library para matulog. Wala kaming klase ng dalawang oras kaya naman libre puwede akong matulog.
I closed my eyes tightly and let out a harsh breath when someone dragged me. It was Claude.
Ano bang problema nila ni Dixon at ang hilig nilang mang-hila? Damn!
Hindi na ako nagpumiglas at hinayaan na lamang siya na dalhin ako sa kung saan. I am not afraid of him because I knew that I can protect myself if necessary.
"What?" I asked when he stopped walking.
"Let's talk."
I rolled my eyes. "Let go of my hand first." Napatingin siya sa kamay namin bago binitiwan ang kamay ko.
"Anong pag-uusapan natin?" I asked and crossed my arms.
"H'wag mong galitin si Maisie."
I faked a laugh. "Ano ka? Tatay na sumusuway sa mga nang-aaway sa anak niya?"
"I'm serious, Andriette."
"Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin, okay?" I shot a brow up while looking at him.
He sighed before fixing the rim of his glasses. "Hindi mo magugustuhan kapag nagalit siya nang tuluyan," pagbabanta niya.
I cringed. "Hindi niya rin magugustuhan kapag nagalit ako," I said playfully.
"Basta binalaan kita," ani niya at nagmartsa na paalis. I shook my head and ran my hand through my hair.
Istorbo.
Medyo maraming estudyante sa library nang makarating ako. Ang iba siguro ay planong mag-aral dahil wala ngang klase samantalang ang iba naman ay katulad ko na nagpaplanong matulog.
Naglibot-libot ako sa buong library pero walang akong makitang upuan na bakante at puwede kong tulugan. Halos lahat, may nakaupo na. Meron namang bakante pero hindi naman tago. Saan ako pupwesto nito?
Ugh! Kung minamalas nga naman!
"Dri?"
Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong tumawag sa nickname ko. Sa pagkakaalam ko, si Adhaya lang naman ang tumatawag sa akin ng nickname ko sa school na 'to— oh wait, si Dixon rin pala. Pero boses ng babae 'yung tumawag sa pangalan ko, eh?
"Oy Dri!" mahinang-pasigaw na tawag nito. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at halos mapasigaw ako nang makita kung sino ito. It's Evelyn!
Dali-dali akong lumapit rito at agad na umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya.
"What are you doing here?" I asked.
"I transferred here, isn't it obvious?" she answered sarcasmly. I slapped my forehead and looked at her confusedly.
"I am not kidding, okay? Wala akong panahon para sa mga biro mo. Now tell me, what are you doing here?"
"Calm down, okay? It's just that... we missed you," sagot nito.
"'Wag mo akong pinaglololoko, Evelyn. I'm serious."
"Nagsasabi ako ng totoo, Dri. Na-miss ka namin kaya lumipat din kami rito. Bawal ba? Puwede naman kaming umalis ulit." I massaged my temples. Bakit pa sila sumunod? Ugh! Hindi ko na nga makaya ang presence ni Adhaya, dumagdag pa sila. Damn!
"Pinayagan kayong mag-transfer? How? Naka-enroll pa kayo?" I catechized.
"Gosh, Dri. Common sense naman. I am Evelyn Thompson, I can do whatever I want."
"Suit yourself, nerdy," panunukso ko. Inayos niya ang suot na salamin at tiningnan ako ng masama.
"Anyway, how about the others? Nasaan sila?" tanong ko.
"Of course, kasama ko sila. Hindi ko naman sila puwedeng iwan na lamang doon sa Erres," she retorted.
"Nasaan sila? Don't tell me, gumagawa na naman ng gulo ang mga iyon?"
"Wow. Sa iyo pa talaga nanggaling, ha? Tara na nga, alam ko namang matutulog ka lang naman dito," sabi nito at inilikom na ang binabasa niyang libro. Napailing naman ako at tumayong muli. Nawala na rin ang antok ko dahil sa kaniya.
Sabay kaming lumabas sa library kaya naman pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Alam kasi nila na sina Adhaya at Dixon lamang ang kinakausap ko sa school na ito ng matino.
"Hmm. Famous ka na pala dito, Dri? Ano na namang ginawa mong gulo, ha?" tanong ni Evelyn habang tumitingin-tingin sa mga estudyante na nakatutok ang mga mata sa aming dalawa. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
"So... you already met each other, huh?" tanong ni Adhaya nang makasalubong niya kami ni Evelyn.
"Alam mo?" I asked.
"Of course. Ako pa ba ang hindi makaalam? And sabi ng magaling kong kapatid, huwag ko raw sabihin sa iyo," sagot nito.
"Andito rin si Alexis?"
"Duh. What do you expect? Andiyan si Evelyn, so malamang, andito rin si Alexis." Napailing naman ako dahil sa kapilosopohan nito. Kailan pa siya nahawa ng kapilosopohan ni Evelyn?
"Dri!" magkasabay na sigaw nina Leticia at Alexis nang makarating kami sa classroom.
Sinalubong naman ako ng mga ito ng yakap, "We miss you!" magkapanabay na sabi ng dalawa.
Unang naka-agaw ng atensiyon ko ang blonde na buhok ni Alexis. Parang dati lang ay nilait niya pa ako dahil nagpa-kulay ako ng blonde sa buhok ko tapos ngayon, gumaya na rin siya.
Alexis is Adhaya's half sister. Halos sabay lang silang ipinanganak dahil of course, their Dad is a... Cheater. I rolled my eyes just by thinking of that word. However, kahit na half sisters lang sila, they treat each other like a real sister. Tanggap din si Adhaya ng Mommy ni Alexis.
Sunod namang dumako ang mata ko sa nagpa-short hair na si Leticia. Pansin ko rin ang pagka-tan ng balat niya. Mukhang nasobrahan na naman siya sa pagbe-beach.
"Anong drama niyong dalawa? Bakit may payakap?" tanong ko bago humiwalay sa dalawa.
"Hindi naman kita puwedeng sampalin dito, diba?" tanong ni Leticia na siyang nagpatawa sa akin. Sabagay, hindi nga naman puwede.
"Hala. Namiss ko tuloy sampalin ang mukha mo! Sige, mamaya nalang bago umuwi, may blush on ka na kasi," biro ko kaya naman napatawa ito.
"Ang daming nag-bago sa inyo, ah? Kay Evelyn lang yata wala," I remarked.
Alexis laughed before flipping her hair. "Twinning na tayo!"
"Guys, try niyo rin kayang umupo? Pinagtitinginan na kayo, oh," mahinang bulong ni Adhaya.
"Masusunod po, Ms. Vice President!" Napatawa naman si Adhaya dahil sa biro ng mga ito. Umupo na ako sa upuan ko at ganoon rin sila. Nasa kabilang bahagi ang tatlo ng classroom dahil ayaw raw makipag-palit ni Dixon ng upuan kanina.
"Kilala mo sila?" tanong ni Dixon nang makaupo ako.
"Obvious ba?"
"I'm just asking, okay? Hindi ko naman kasi alam na may kaya pa palang magtiis sa ugali mo maliban kay Adhaya." I rolled my eyes and glared at him. Umiling lamang siya at tumawa. Napatingin tuloy ang iba naming kaklase.
"They are my friends and in fact, baka nga makatulong pa sila sa plano—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang takpan nito ang bibig ko.
"Baka nakakalimutan mong nasa unahan lang natin si Claude?" bulong nito. Napatango naman ako at pilit na inalis ang kamay niya sa bibig ko.
"I... I mean sa plano nating gumala. Hindi ba?" pagpaparinig ko. Tumingin ako kay Dixon at pinanlakihan siya ng mata.
"Gala? Do you mean, date?" tanong nito kaya naman hindi na nakapagpigil ang kamay ko na batukan siya.
"'Wag mo akong idamay sa kalandian mo, okay?" sagot ko. Maya-maya pa ay dumating na rin ang teacher namin kaya tumahimik na rin ang katabi ko.
----
"Wala ka ba talagang balak na ipakilala ang lalaking katabi mo? Masiyado mo namang sinosolo," Leticia remarked.
Napailing ako at tumingin kay Dixon na busy sa pag-kain. "He's Dixon, my..."
"Friend," Dixon added.
Napairap ako at tumango na lamang bilang pagsuko. Baka mas lalo lamang humaba ang usapan kapag tumanggi ako.
"Oh. Kailan ka pa nagka-kaibigan ng lalaki?" Alexis propped her chin on her hand and shot a brow up. Knowing her, kung ano-ano na namang iniisip niya tungkol sa amin ni Dixon.
"Ngayon lang," maikling sagot ko.
She sighed. "So sino naman 'yung kasama mong lalaki kanina?"
My brows furrowed. "Siya?" I answered unsurely while pointing at Dixon.
"Hindi, eh. Sure ako na ibang lalaki 'yun," she answered.
Tumigil sa pagkain si Dixon at takang tumingin sa akin. Hindi kaya si Claude ang tinutukoy niya?
"Ay, ayun! Kuyang nakasalamin!" Sabay-sabay kaming tumingin sa lalaking tinawag ni Alexis. Dadaan sana si Claude sa table namin pero napatigil siya nang tawagin siya ni Alexis.
"Ako ba ang tinatawag mo?" tanong ni Claude. Tumango naman si Alexis bago ako itinuro.
"Kaibigan ka rin ba ni Dri?" Kumunot ang noo ni Claude at takang tumingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin bago sinipa ang paa ni Alexis.
"Ano ba?!" reklamo niya sa akin. Bumaling naman siya ng tingin kay Claude. "Nakita ko kasi kayong magkasama kanina," she added.
"She's not my friend," sagot ni Claude at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makaalis si Claude ay agad kong sinamaan ng tingin si Alexis.
"Ang sungit naman ni Kuya, nagtatanong lang, eh," she mumbled. She pouted and looked at me.
"Sa susunod kasi, makinig ka muna sa akin."
She nodded. "Sino 'yung lalaking 'yun?"
"He's Claude Moore. President siya ng Student Council," Adhaya answered on my behalf.
"Hindi mo pala siya kaibigan, bakit hawak niya ang kamay mo kanina?" dagdag na tanong ni Alexis.
Napatingin ako kay Dixon na seryosong nakatingin sa akin. Napairap naman ako at muling bumaling kay Alexis.
"Wala nga lang 'yun, okay?"
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya at nagpatuloy na sa pag-kain. I drew in a long breath. Nakakapagod silang kausap.
I pressed my lips tightly when I felt that Dixon held my hand again after I finished my food. Tumayo ito sa kinauupuan niya at hinila ako patayo.
"Ano ba?!" Malakas na sigaw ko na nakaagaw ng atensiyon ng iba pang tao sa cafeteria. Nagtama rin ang paningin namin ni Claude pero nag-iwas ako ng tingin at humarap kay Dixon.
"Mag-uusap tayo," he remarked.
Napairap ako. Soulmate ba sila ni Claude? Bakit halos parehas sila ng ginagawa? Ugh! They're stressing me out.
"Puwede tayong mag-usap dito."
Hindi na niya ako sinagot at hinila na ako palabas ng cafeteria. Damn! Ilang ulit ba akong hihilahin ngayong araw?
Nang makalayo kami ay agad niyang binitiwan ang kamay ko at humarap sa akin. "Anong pinag-usapan niyo ni Claude?" he asked seriously.
"Kung ano-ano lang," I answered casually.
"Dri," banta niya.
I rolled my eyes and crossed my arms. "Ano bang masama kung mag-usap kami?"
"Masama dahil hindi mo sinabi sa akin."
"Hindi ko naman kasi alam na pati 'yun, kailangan mong malaman." I straightened my back and looked at him boredly.
"Of course, kailangan kong malaman. We're partners, remember?"
I rolled my eyes. "Wala namang masama na nag-usap kam—"
My words were cut when he drew nearer. I gulped. "Pardon?" he asked.
"Ang sabi ko, wala namang masama na... Na nag-usap kami ni Claude," I answered, still not breaking our eye contact.
My eyes widened when he loomed closer. I can almost smell his breath because of how close we are. "H-Hey," saway ko.
"Ang sabi ko rin, masama 'yun."
My throat was dry like a sandpaper and everytime I gulped, the more apparent it become. I cleared my throat. "W-Why?"
He smirked. "Kasi hindi ko gusto na—"
His words were cut when my phone rang. Lumayo ako sa kaniya bago sinagot ang kung sino mang tumatawag.
"H-Hello?"
"Ate." Huminga ako ng maluwag nang malaman na si Keith lang pala.
"Anong problema? Bakit ka napatawag?" tanong ko.
Sumulyap ako kay Dixon na nakatingin sa akin. Muli akong napalunok at nag-iwas ng tingin.
"Maaga ka raw umuwi mamaya, may imemeet tayong business partner ni Mom," he remarked.
"'Yun lang?"
"Bye." Hindi na niya ako sinagot at pinatay na ang tawag.
"Y-Yah! Keith!" I yelled while looking at my phone. Damn!
Tumigil ako sa pagsigaw nang marinig ko ang tawa ni Dixon. "Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" tanong ko.
"You're cute."
My fave reddened. "Tumigil ka nga!" saway ko.
He shook his head and shove his hands to his pockets. "Puwede ko na bang ituloy ang sasabihin ko kanina?"
"H'wag na! I'm... I'm not interested!" I wanted to slap myself for stuttering. Ugh, Dri!
He drew nearer while I stepped away. "Ayaw mo talagang malaman?"
I shook my head. Tumawa siya at muling lumayo. Napahinga naman ako ng maluwag.
Ginulo niya ang buhok ko kaya't tiningnan ko siya ng masama. "You're cute," pag-uulit niya.
"Kanina ka pa, ha! Ano bang problema mo?"
He chuckled before he turned his back on me. "You're cute whenever you're mad. But I think you'll be a hundred times cuter when you smile."
------

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    YadaoEmilia

    indeed, one captivating novel.👍

    22d

      0
  • avatar
    Asoyjonamae

    nice

    20/05

      0
  • avatar
    Joelo Avellaneda

    Ayos

    06/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด