logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

4 - Nasilayan at Sakit

December 24, 2016
Oras: 6:00 ng Gabi
"Lailanie! Anak! Nandito na si Robert. Hinihintay ka na." Tawag ng kanyang Ina mula sa labas ng kanyang kwarto.
Matamang tinitigan ni Lailanie ang sarili sa vanity mirror niya. Isang magandang babae ang nakatunghay sa kanya pero walang buhay ang mga mata nito.
Apat na taon na siyang nabubuhay na parang patay. Walang pakiramdam. Walang magawa. Kontrolado ng kanyang Ama ang buhay niya at ang bawat desisyon na gagawin niya.
Mabuti pa siguro kung namatay nalang siya ng gabing iyon. Mas mabuti pa siguro kung nawala na siya sa mundo para hindi na siya makaramdam ng sakit at pangungulila.
Para siyang robot na sunod-sunuran sa mga gusto ng kanyang Ama. Kasama na doon ang pagka-engaged niya sa anak ng matalik nitong kaibigan na si Robert Faustino.
Sa tagal ng relasyon niya kay Robert na binuo ng mga magulang niya ay hindi niya ito matutunang mahalin.
Hindi siya ang isinisigaw ng puso ng dalaga. Hanggang ngayon ay si Andres pa din ang tanging lalaking minahal niya.
Pinigilan ni Lailanie ang sarili na lumuha na naman habang iniisip ang pinakamamahal na kasintahan.
Nakita niyang naghihintay sa sala si Robert paglabas niya ng kanyang silid.
Nagpaalam ito sa mga magulang niya na isasama siya sa family dinner nila at iuuwi pagkatapos para sa Christmas celebration.
Mabigat man sa kalooban ay nakiayon siya para wala nang away at pagtatalo na mamagitan sa kanya at ng mga magulang niya.
"You're lovely Lanie." Sambit ni Robert na kitang-kita sa mga mata ang paghanga sa dalaga.
"Salamat. Let's go! Tumatakbo ang oras." Walang ganang sambit niya at nagpatiuna nang maglakad palabas ng bahay.
Walang nagawa ang binata kundi sumunod nalang sa dalaga.
Tahimik ang kanilang byahe. Hindi halos nagsasalita si Lailanie. Kahit pagdating nila sa restaurant kung saan gaganapin ang family dinner nila ay nagsasalita lang siya pag may nagtatanong.
"Excuse me. I need to use the restroom." Paalam ni Lailanie sa kasama sa mesa saka tumayo at tinungo ang restroom.
Ang totoo'y gusto lang niyang makawala sa sitwasyong iyon kahit panandalian. Tinagalan niya ang paglabas sa restroom para tapos na ang mga kasama sa pagkain pagkabalik niya.
"Lanie, ikamusta mo nalang kami sa Mama mo at pakibati na rin ako sa kanya ng Mery Christmas. Sana nakasama siya sa dinner natin ngayon." Narinig niyang wika ng Ina ni Robert pagkaupo niya sa upuan niya pagkagaling sa restroom.
Isang tipid na ngiti ang itinugon ni Lailanie dito.
"Makakarating po kay Mama yong pangangamusta at pagbati niyo Tita." Wika ni Lailanie.
Nakahinga siya ng maluwag nang alalayan siya ni Robert palabas ng restaurant kasabay ang mga magulang nito.
Palabas na sila ng may umagaw ng atensyon ni Lailanie. Isang lalaki ang bumaba ng kotse at umikot sa passenger side para pagbuksan at alalayan pababa ang isang magandang babae.
Halos tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Lailanie ng makita ang lalaki.
Hindi siya nagkakamali. Si Andres ang kanyang nakita na papasok sa restaurant na pinanggalingan nila.
May nagbago man sa pananamit niya at porma pero sigurado siyang si Andres iyon. Memoryado pa niya ang mukha ng kasintahan.
Lumakas ang tibok ng puso ni Lailanie.
Sa wakas ay nasilayan niyang muli ang kanyang pinakamamahal... pagkalipas ng apat na taon.
****************************************
December 24, 2016
Oras: 8:00 ng Gabi
Hinintay ni Lailanie na makaalis si Robert pagkahatid sa kanya.
Dali-dali siyang pumara ng taxi ng masigurong nakalayo na ang sasakyan ng binata. Sinabi niya sa taxi driver ang kayang pupuntahan saka umusal nang tahimik na dasal na sana'y si Andres nga talaga 'yong nakita niya at sana'y maabutan niya ito.
Pero bigla siyang nalungkot nang maalala na may kasama itong isang magandang babae.
Iyon na ba ang babaeng ipinalit ni Andres sa kanya? Iyon na ba ang bagong itinitibok ng kanyang puso na dati ay tumitibok para sa kanya?
Nangilid ang mga luha ni Lailanie sa isiping 'yon. Sa tagal ng panahon ay tanging si Andres lamang ang kanyang minahal at minamahal hanggang ngayon.
"Mam, nandito na po tayo. Ayan na po yong restaurant na sinabi niyo." Boses ng driver na nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Lailanie. Tumingin siya sa restaurant na puno pa rin.
"Bayad po mang." wika ng dalaga sabay abot ng bayad.
Bumaba na siya pagka-abot ng bayad sa driver ng hindi na hinintay 'yong sukli niya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Lailanie habang mabilis na inihakbang ang mga paa papasok sa restaurant. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya.
Hinanap niya ang lalaking nakita niya kanina sa loob ng restaurant. Hindi niya ito makita kahit saang sulok niya ibaling ang kanyang tingin sa kagustuhang masilayan ito.
Nagkamali kaya si Lailanie sa nakita kanina? Nadala lang ba siya sa inaasam ng kanyang puso na makita ang pinakamamahal na si Andres kaya napagkamalan niyang si Andres :yong lalaki kaninang may kasamang magandang babae?
Laylay ang balikat na naupo si Lailanie sa isang bakanteng mesa na pandalawahan. Umorder siya ng juice sa dumaang waiter at pilit na kinalma ang sariling emosyon.
Hindi siya pwedeng umiyak sa lugar na 'yon kahit gustong-gusto na niyang ngumuyngoy sa pag-iyak.
Dumating ang inorder niya at agad na ininom iyon para kumalma man lang ng kaunti ang kanyang pakiramdam.
Wala na talagang pag-asa na makita pa niyang muli si Andres. Sa tagal ba naman ng panahon na lumipas. Ilang beses siyang nagpabalik balik sa kanilang tagpuan pero wala siyang nakita kahit bakas man lang ni Andres.
Naisip niyang kasalanan din niya ang nangyari. Hindi siya tumupad sa usapan nilang magkita sa araw ng kanyang kaarawan.
Tuluyan ng tumulo ang luha ni Lailanie sa mga naalala at sa hinanakit na dulot ng pagbago ng plano ng kanyang ama para sa debut niya.
Kung hindi sana iyon nangyari, sana ay kapiling pa niya si Andres ngayon.
Pinahid ni Lailanie ng panyo niya ang tumulong luha sa kanyang mga mata at nagdesisyong umuwi na. Inilapag niya ang bayad niya sa mesa saka tumayo at lumabas ng restaurant.
Suko na siya sa layunin niya ngayong gabi dito sa lugar na ito. Tanggap na niya ang kabiguan niyang makitang muli ang pinakamamahal niyang si Andres. Panahon na siguro para turuan niya ang sariling mahalin si Robert.
Palabas na siya ng restaurant ng may tumawag sa kanya.
"Excuse me Miss. Panyo mo nahulog." Narinig niyang wika ng lalaki mula sa likuran niya.
Napatigil si Lailanie. Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon.
Dahan-dahan siyang lumingon upang masilayan ang lalaking pumigil sa kanya.
"A-andres...!" Bulalas ni Lailanie na di makapaniwalang ito ang kaharap niya.
Gumuhit ang pagkalito sa mukha ng lalaki nang marinig ang pangalang sinambit niya.
"Do I know you?"
Napatigagal si Lailanie sa narinig. Hindi siya kilala ng tinawag niyang Andres na ngayon ay nakatayo sa harap niya.
Gumuhit ang sakit sa mukha ng dalaga at umagos ang luha niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (40)

  • avatar
    AL Bios

    Magan da

    23d

      0
  • avatar
    Prescious Aichel E. Mutia

    super beautiful story

    16/08

      0
  • avatar
    Kurt Laurence Decritales

    hi po

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด