logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Bumalik na lang ulit ako sa room ni daddy. Nang makapasok ako ay wala si mommy, si daddy lang. Nakaupo ito at nakasandal ang likuran niya sa mga unan. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa isang mahabang sofa na narito.
"Saan ka galing?" tanong ni Daddy.
Tiningnan ko siya, "Nakita ko si Mama yung artistang kamukha niya. Nandito siya, 'dy," sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng kan'yang noo.
"Sigurado ka ba? Nakita pa lang natin siya kanina sa TV 'di ba? At ano naman ang ginagawa no'n dito?" tanong niya sa akin. Napaisip din ako sa mga sinabi ni Papa.
"Hindi ko po alam, 'dy..." sabi ko at bigla ko na lang naalala na pinuntahan niya pala yung lalaki na tinulungan ko. "Pero nakita ko pong may pinuntahan siya rito," dagdag ko pang sabi.
"Sino? Kinausap mo ba siya? Nilapitan?"
Napailing ako. "Kinabahan po ako at hindi ko rin po alam ang gagawin ko."
"Ayos lang 'yon, anak. Sasamahan na lang kita kapag maayos na ang lahat," sabi niya sa akin at tumango lang ako.
Hindi na pinalipas ang bukas at inilabas na si Daddy sa hospital. Tumigil na ang ulan non. Nauna na silang umalis sa akin dahil nagrestroom muna ako pagkalabas ko  ay napatingin ako sa ER gusto ko siyang puntahan pero parang ayaw ng mga paa ko. Hindi ko na ito muling tiningnan at naglakad na palabas.
"Ma'am!" Napalingon ako sa isang nurse na huminto sa harapan ko. Siya yung kanina, yung talkative nurse.
"Bakit po?" tanong ko.
"Ayaw po kasing uminom ng gamot ni Sir, yung boyfriend niyo po. Hinahanap ka po niya," sabi niya sa akin.
"Hindi. Hindi ko siya boyfriend. Kailangan ko ng umalis," sabi ko at akmang lalabas na sana ako nang hinawakan niya ang wrist ko.
"Ma'am, sige na po. Painumin niyo lang po ng gamot. Ma'am,"
Hindi na ako nagsalita at naglakad na lang papunta sa ER. Habang naglalakad ako ay nagsimula na naman akong kabahan. Nilabanan ko ito at huminga nang malalim.
Hindi na nakasunod sa akin ang nurse dahil tinawag na naman siya.
Pumasok ako kung nasaan yung lalaki. I totally forget his name.
"Hey, what's wrong? Kailangan mong uminom ng gamot," sabi ko sa kan'ya na nakatingin sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na yung kamukha ni Mama, yung artista.
"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo," sabi niya at hindi ako tiningnan.
What's wrong with him? Ganito ba talaga 'to? Parang bata ha.
"What's your name?" tanong ko at hindi man lang niya ako sinagot.
Paano ba 'to?
"Okay, I'm sorry. Aalis na kasi kami e. Hinihintay na ako kaya hindi ako puwedeng magtagal," paliwanag ko sa kan'ya at muli niya akong tiningnan.
Hindi ko alam kung tama ba na nagpaliwanag ako. In the first place hindi ko naman talaga siya kilala, mabait lang siya sa akin.
"Aalis ka na?" Tumango ako sa tanong niya. "But I'm sick," sabi pa niya sa malumanay na boses.
"Kaya nga kailangan mong uminom nang gamot," sabi ko sa kan'ya at kinuha ang gamot na nasa maliit na tray at ang isang basong tubig. "Here." Ibinigay ko sa kan'ya ang gamot at agad naman niya itong ininom pagkatapos ay ang tubig.
"Thank you," sabi niya sa akin pagkatapos niyang uminom ng tubig. Ibinalik ko ang baso sa tray na nasa side table niya.
"No, thank you. By the way, yung pumunta rito. Is that your mother?" tanong ko at mukhang ayaw niya yatang sagutin dahil iniwas niya ang tingin niya sa akin.
Akala ko ay hindi na siya sasagot pero nagkamali ako. "Yup." Maikling sabi niya.
"Alright. I need to go."
"Okay."
Lumabas na ako roon at naglakad palabas ng hospital. Narinig ko na naman ang malamig niyang boses.
Mama niya yung artista? Is that possible na baka siya si Teedy? Napiling ako sa naisip ko dahil malayo ang agwat ng edad namin at yung lalaki kanina ay parang ka-edad ko lang. Hindi niya pala nasabi kanina ang pangalan niya. Titingnan ko na lang ulit sa notepad niya.
Maaari kayang kapatid ko siya? Hindi ko alam.
Nagmadali akong pumasok sa kotse namin na nakaparada sa labas ng hospital. Bumuhos na naman kasi ang malakas na ulan. Si Mommy ngayon ang nag-da-drive dahil kakagaling lang nga ni daddy sa hospital. Habang pauwi kami ay humihina-hina ang pagtila ng ulan.
Nasa kuwarto na ako at agad akong nagpalit ng damit. Isasauli ko pa pala itong jacket niya yung payong ay hindi ko na alam kung saan ko nailagay basta nasa hospital 'yon.
Nakita ko yung notepad pagkatapos kong nagpalit. Hindi ko pala ito naitago kanina dahil sa pagmamadali ko. Umupo ako sa kama ko at binuksan ulit 'yon.
Jairus Bautista. Paulit-ulit kong binabasa ang pangalan niya at napansin ko ang apelyido niya. Hindi sila parehas nung artista. Naisip ko rin na baka screen name niya lang 'yon dahil nga artista.
Isinara ko na ito dahil napahikab ako. Inaantok ako. Inilagay ko sa drawer dito sa side table ang notepad. Sana naman ay may pasok na bukas at gumaling na si Jairus, yeah now I know his name. Ibabalik ko na sa kan'ya ang notepad.
Humiga na ako sa kama at dinalaw na ako ng antok.
---
Kinabukasan ay maaga akong nagising para manood ng balita. Nagtaka ako dahil patay pa ang mga ilaw sa sala. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nina Mommy.
"Mommy? Daddy? Alas-sinco na po ng umaga," sabi ko habang kumakatok sa pintuan nila.
"Anak, matulog ka na ulit," sabi ni Mommy sa akin pagkabukas niya ng pintuan.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit po? Wala na pong ulan oh," sabi ko.
"Weekend ngayon, Mel."
"Seryoso po?"
"Uh-uh," sabi ni Mommy at nagpaalam na matutulog daw siya ulit.
Pumasok ulit ako sa kuwarto ko at tiningnan calendar dito. Tama nga si mommy, weekend ngayon. Pabagsaka kong humiga sa kama ko at nakipagtitigan sa kisame.
Ano na naman kaya ang gagawin ko ngayong araw? Napadako ang tingin ko sa ukulele na nakapatong sa study table ko. Siguro mag-pa-practice na lang ako. Wala pa akong balita tungkol doon sa contest.
Hindi na ako makatulog kaya kinuha ko ang phone ko. Naisip kong i-search si Yenny Peninsula, yung artista na kamukha ni Mama. Napaupo ako sa kama nang lumitaw ang picture at mga information sa kan'ya. It was stated here that her husband is a Film Director. Walang naka-indicate na sibling. Walang Jairus Bautista. Marami rin siyang nagawang mga pelikula at pati na teleserye.
Hindi kasi ako mahilig manood sa TV. Puwera na lang kapag may bagyo, syempre aalamin ko kung may pasok o wala. Matagal kasi mag-announce sa school.
Binitiwan ko na ang phone ko at bumaba na. Sumisikat na rin kasi ang araw. Gusto kong magkape ngayon. Tumuloy ako sa kusina at nakita kong naroon sina Mommy at Daddy.
"Good morning po!" bati ko sa kanila at umupo na.
"Good morning. Ang aga mong nagising kanina," sabi ni Daddy.
"Oo nga po, akala ko po kasi ay may pasok. 'Yon pala weekend ngayon." Bahagyang natawa si daddy sa sinabi ko.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong sa akin ni Mommy habang naglalapag siya sa lamesa ng agahan.
"Mag-pa-practice lang po para sa contest na ipinasali sa akin. Instrumental Music Contest po," sabi ko at nakita kong bahagyang nagulat si Mommy.
"Talaga ba? Excited na ako! Hindi pa kasi kita nakitang tumugtog," sabi niya sa akin.
"Hindi naman po kasi talaga ako tumutugtog, hobby lang po." Tumango ito sa akin at pagkatapos ay umupo na rin si mommy.
"Okay pero pakiramdam ko ay magaling kang tumutog. By the way, puwede mo ba akong tulungan? Sandali lang naman ito,"
"Sige po. Ano po ba 'yon?" tanong ko habang naglalagay ako ng itog sa plato ko.
"Balik tayo sa hospital. Hihingi ulit ako ng reseta sa Doctor ng daddy mo. Naiwala ko kasi tapos bibili na rin tayo ng gamot non."
"Okay po," sabi ko at kumain na.
Pagkatapos naming kumain ay hinintay ko si Mommy rito sa labas ng bahay. Binuksan ko na rin ang garahe nitong bahay.
Pumasok na ako sa kotse nang pinaandar na ito ni mommy. Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas. I'm with my simple outfit. A white T-shirt and a black pants. 
Sumunod lang ako kay Mommy habang papasok sa loob ng hospital. Tumigil si Mommy nang makasalubong niya ang Doctor ni daddy. Habang nag-uusap sila ay inililibot ko ang tingin ko rito sa hospital.
Narito pa kaya siya? Titingin na sana ako sa ER nang may bigla na lang umingay sa entrance nitong hospital. Napatingin kami roon ni mommy. May isang lalaki na nakahiga sa stretcher at duguan ito.
Niyakap ako agad ni Mommy. She knows that it may trigger me. The accident having a blood. Ipinikit ko naman ang mga mata ko habang yakap ako ni Mommy.
"Ayos ka lang ba, anak? Wala ka namang ibang naramdaman?" Nag-aaalalang tanong ni Mommy sa akin.
"Ayos lang po. Medyo kinabahan lang po," sabi ko at nakita kong wala na pala yung kausap na Doctor ni Mommy.
"Pagkatapos ibigay ni Doc, yung reseta aalis na tayo agad. Okay?" Tumango ako sa sinabi ni Mommy.
Hindi na, hindi na ako gaano natatakot sa mga aksidente. Kaunti na lang talaga. Nang makuha na ni mommy ang reseta ay umalis na kami. Bago kami umalis ay may tumawag, hindi ko alam kung ako ba o si Mommy.
"Ma'am!?" sabay kaming napalingon ni Mommy roon sa nurse at napakunot ang noo ko nang makilala ko ito. Siya yung talkative Nurse.
Lumapit ito sa akin. "Mabuti naman po at bumalik kayo," sabi niya at parang nabigyan ng pag-asa.
"Huh? Bakit po?" tanong ko.
"Hinihintay po kayo ni Sir. Ikaw talaga! Boyfriend mo 'yon e!" Maingay na sabi niya.
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Katabi ko si Mommy!
"What, Nurse? Boyfriend?" tanong ni Mommy at tumango-tango naman si talkative Nurse.
Napaface palm na lang ako. Wala akong alam sa pinagsasasabi niya! How it all started? Kaasar.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (220)

  • avatar
    AndilongJehil

    think you sumuch

    25/10

      0
  • avatar
    JavierJameicka

    people are going to be friends with me and I don't want to say that I don't have a lot of Fan's you have a great day going to be a long day today to get out of the town and country and she said that she was so excited for you guys to come over and i am going to be late to work on the couch watching TV and she said that she was so happy to see you later love you too I don't know what to say that again to my house and he didn't catch me up and i am going to have to go back to work tomorrow we have

    13/06/2025

      0
  • avatar
    Janjan Torres

    Thanks sa apps

    07/06/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด