logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Charm POV
Kasalukuyan kong pinanood ngayon si Chelsea na naglalaro dito sa playground ng paaralan na pinapasokan niya. Pansin ko namang tumakbo ito papalapit sakin. Umayos kagad ako sa kakaupo.
"Mommy, I'm hungry." Sabi niya habang hinabol ang hininga. Agad kong kinuha ang panyo at pinunasan ang pawis niya.
"Sabi ko naman kasi sayo na kumain muna tayo, tapos saka ka na mag-laro." Sabi ko habang pinunsan siya. Hanggang sa matapos ay saka na ako tumayo. "Punta muna tayo ng canteen, tara," Hinawakan ko naman siya sa kamay at hahakbang sana kaso mabilis nya akong pinigilan.
Agad naman akong lumingon sakanya. "Bakit?"
"Mommy, bilhin mo na lang po ako. Maglalaro pa ako!" Nakasimangot nyang sabi.
"Ay, hindi ako papayag na iiwan kita dito! Halika na, kumain muna tayo," Sabi ko. Sumimangot naman siya at dahan dahang tumingin sa playground at muling lumingon sakin.
"Please,"
Pumikit na lang ako bumuntong hininga tsaka ko nagmulat at tumingin sa kanya ng deritso sa mata. "Okay, fine, pero sa oras na dumating ako, kakain ka at titigil ka na sa paglalaro." Bagot kong sabi sakanya.
Agad naman syang tumango. "Yes po, Mommy." Ngiting sabi niya at tumakbo sinundan ko naman siya ng tingin papunta sa playground.
Bumuntong hininga ulit ako habang nakatingin sakanya. Gusto kong tanggihan siya dahil ayukong iiwan ko nalang siya dito. Wala pa naman akong kakilala dito na mag-babantay sakanya..
Ayukong maging pabayang ina sakanya. Lalo na't nandito ang pamilya ni Jake. Gustohin ko mang pagalitan pero hindi ko magawa. Unang araw niya pa kasi sa pasokan.
'Panginoon, kayo muna ang bahala sa anak ko.'
Pero naniniwala naman ako na hindi siya aalis hangga't hindi pa ako dadating, eh.
[CANTEEN]
Agad naman akong pumasok sa loob at pumila sa counter. Kapansin pansin din ang karamihan ng mga tao dito. Hindi ko mapigilang hindi ma-iingit habang pinanoud ang mga completong pamilyang sumasagi sa paningin ko.
Dadating din ang araw na magkaroon ako ng matiwasay na pamilya, 'yung tipong masayang-masaya na walang nakisaw-saw at walang nakialam. 'Yun nalang siguro ang kulang sa buhay ko.
Pero hindi ko alam kung pano harapin ang sitwasyon ko ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na kaya ko, kakayanin ko.
Nandito na si Jake.
Nabigla ako sa sarili kong pag-iisip ng sumagi sa isipan ko si Jake. Hayst! Pano kung mag-kita sila do'n? Kailangan kong mag-madali..
Agad akong nag-order. Pagkatapos ay mabilis akong naglalakad habang nilagay ko ang wallet sa bag. Pagka Labas ko ay biglang may nabangga akong tao.
"Ah!"
Agad nahulog ang mga pinamimili ko para kay Chelsea. Hindi ko na nilingon kung sino dahil agad kong pinulot ang mga binili ko..
"Pasensya na hindi ko sina--- " Naputol ang sasabihin ko nang nag-angat ako ng tingin at bumungad sa harap ko si Nafia na kunot noong tumingin sakin. Sabay kaming napatayo.
"Anong ginagawa mo dito, Charm?" Tanong nya na halong pagtataka.
"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta dito?" Kalmado kong sabi na may pagka-sakastiko. Tinignan ko naman sya nang walang gana-ng tingin.
"Tsk. Wala naman akong sinabing ganyan." Sabi nya na may nakakalokong ngiti. "What I mean is... elementary school ito, possibly namang may binabantayan ka?"
"Tch. Hindi ka parin talaga nagbabago, 'no? Paki-alamira ka parin." Walang gana kong sabi.
"Oh! So, yaya ka na pala ngayon?" Sabi niya dahilan para mainis ako. "Hehe. So, five years ka na bang naging yaya? Ang boung akala ko ay nurse ka na. Haha!"
Palihim kong pinisil ang mga hintuturo ko upang piligan ito sa pag-sampal sakanya.
Tiningnan ko lang siya ng walang emosyong tingin. Kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang balatang buhay.
"Hindi porket nasayo na ang lahat, pagsasalitaan mo na ako ng ganyan. Ano bang alam mo sa buhay ko? Wala kang alam sa mga sinasabi mo. Sa susunod pumreno ka sa mga sasabihin mo dahil baka hindi mo mapansin na matamaan talaga kita." Sabi ko habang pinisil parin ang mga hintuturo ko.
"Woah! Easy! Simpling salita lang, nang-gigil kana. Napaka-OA mo naman. Well, kung wala kang binabantayang bata. Eh, anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami? Makisawsaw ka?" Taas kilay nyang sabi sakin.
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Wow! Pinasa mo pa talaga sakin ang papel mo samin ni Jake dati. Nasa iisang bansa tayo, tadhana na ang gagawa ng paraan para mag-kita ang landas natin. At sa susunod tumingin ka sa salamin baka makilala mo kung para kanino talaga ang salitang 'makisawsaw' dahil hindi.. ako.. kagaya.. mo."
Biglang umiba ang aura niya.
"Walang hiya ka!" Galit nyang sabi. Aakmang sasampalin nya ako ngunit agad ko itong sinalo.
"Mahiya ka naman sa sarili mo. Gagawa ka talaga ng gulo dito? Tumingin ka nga sa paligid mo kung nasan tayo. Nasa paaralan tayo." Pabagsak kong binitawan ang braso nya dahilan para mapa-aray sya. "Kaya 'wag kang gagawa ng gulo dito dahil hindi kita papatulan... sa ngayon."
"Ano bang gusto mo Charm? Gusto mo bang gumanti sakin para makuha mo si Jake?"
"Tsk. Ano? Gagantihan kita para lang makuha ko si Jake sayo? Excuse me! Bakit ko naman 'yun gagawin? Ang kapal naman yata ng mukha ko.. Hoy! Kahit isak-sak mo pa sa baga mo si Jake, wala akong paki-alam. Kahit kainin mo man s'ya, wala akong paki-alam. Dahil una sa lahat hindi ko siya mahal. Nakuha mo? Hindi. ko. siya. mahal."
Tinignan nya naman ako ng masama. "Kung ganun, bakit ka nandito?"
"Wala kang paki-alam." Sagot ko agad. "Gaya ng hindi ko pinaki-alaman 'yang buhay mo at buhay ng mag-ama mo."
"Kaya pwede ba! Kailangan ko ng umalis dahil may nangangailangan sakin," Dagdag ko pa at lalagpasan ko sana siya ng pinigilan niya ako sa braso. Agad naman akong napatingin sakanya.
"Gawin mo man ang lahat. Wala kang makukuha sakin. Dahil akin lang si Jake."
Natigilan naman ako bago ako nakapagsalita. "Wag kang masyadong praning, dahil hindi ako kasing-tanga na pumatol sa lalaking may asawa." Inis kong hinablot ang braso ko tsaka ko siya nilagpasan at iniwan.
Ano bang akala niya sakin? Kagaya niya? Tsk. Kahit ano pang sasabihin nya, bahala sya. Wala pa nga ako binabalak, inunahan kagad ako ng galit niya. Tch.
Pagdating ko kay Chelsea ay nakita ko kagad siya sa bench na naka-upo. Kaso, biglang kumunot ang noo ko dahil pansin kong may ininom siya.
"Sinong nagbigay sayo nyan?" Tanong ko sakanya, nang makalapit ako sakanya, agad syang lumingon sakin.
"Mommy, binigyan po ako ng yakult kanina sa good guy"
'Good guy?'
Nangunot naman ang noo ko at umupo sa tabi niya.
"'Di ba, sabi ko sayo, 'wag kang makikipag-usap sa stranger."
"Mommy, hindi siya stranger. Good guy nga siya,"
"Kahit na! Good or bad guy, hindi ka dapat nakikipag-usap sa kahit kanino na hindi mo kilala. Naintindihan mo ba ako?"
Yumuko naman siya at tumango. "Yes, Mommy."
Ngumiti nalang ako at binigay sakanya ang binili ko. Agad niya naman itong kinain.
"So, nasan 'yung sinasabi mong good guy?" Tanong ko. Lumingon siya sa likod kaya tinignan ko kung nasan siya nakatingin.
"Nandyan po sila kanina, mommy." Turo nya sa kabilang bench na dalawang kilometro lang ang layo samin. "Saka, alam mo, Mommy?" Lumingon ako sakanya. "Kaklase ko ang anak niya. Kaso bad siya, eh."
Tumango nalang ako at ngumiti. Mas mabuti na yun, Kahit papano, eh, may nakabantay sakanya kahit sandali lang
Nafia POV
Agad akong nilagpasan ni Charm at iniwang nakatayo dito. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa mawala ito. Napakuyom nalang ako sa kamao ko habang nakatingin parin sa dinadaanan niya.
Tsk. Kahit gaano kapa katapang ngayon, malakas parin ang pwersa ko kesa sayo. Bibig lang yata ang tapang mo.
Kung hindi niya lang sana ako pinigilan kanina, e'di sana nailabas ko ang galit ko. Hayop siya! Ang kapal ng mukha niya! Akala mo kung sino makapag-salita. Hmp!
"Hon!" Agad akong lumingon sa pinang-galingang boses. Hindi ako nagkakamali, si Jake at Ford ang nakita kong papalapit sakin.
"What took you so long, mom! I'm hungry." Galit na sabi ni Ford. Agad kong binigay ang pagkain na binili ko para sakanya..
"Hey, are you okay?" Tanong naman ni Jake sakin. Kaya agad ngumiti at kumalma.
Tumango ako. "Yeah,"
Charm POV
Tumunog ang bell.
"Halika na, mumalik na tayo sa room mo." Sabi ko sakanya. Tumayo naman siya. Kinuha ko ang bag nya at sinukbit sa likod. Pansin ko din na unti-unti ding umalis ang mga bata dito.
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ngayon. Kinakabahan na halong takot. Unti-unting kumakabog ang dibdib ko habang naglalakad kami ni Chelsea.
"Mommy," lumingon naman ako sakanya. "Mag-laro po ba ako ulit mamaya sa playground?"
'Yun talaga ang weakness ko sakanya pag-dating sa laro, lalo na kapag playground.
"Uhm.. hindi muna baby, ah? Kailangan nating umuwi agad dahil mag-study ka pa." Sabi ko, hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng room niya..
Humarap sya sakin. "Mommy, balik ka po kagad, ah?"
Tumango ako. "Oo naman. Segi na, pumasok ka na."
Agad syang naglakad ngunit bigla syang huminto at lumingon sakin. "Bye! Mommy, I love you, muaah!" Sabi niya at nag flying kiss bago pumasok.
Pangiti nalang ako dahil sa ka-cute-tan niya, dahilan para mawala ang kaba ko. Bigla namang hinaplos ang puso ko dahil sa katagang 'yun.
"I love you more," Sabi ko sakanya pabalik kahit alam kong hindi niya maririnig.
Nakayuko akong tumalikod at pagharap ko ay nakita ko sina Jake at Nafia na paparating dito. Hindi nga lang ako napansin dahil nasa anak ang attention nila.
Agad akong naghanap ng mapag-taguan. Palingalinga ako sa paligid ko, kulang nalang mabali ang ulo ko.. kaso, wala.
Napalingon ako sa shoulder bag ko, agad ko itong binuksan at inayus ang buhok ko upang iharang sa mukha ko habang nakayuko.
Agad akong nag-panggap na may kinuha sa bag at palipat-lipat ng tingin sa sahig. Unti-unti naring naririnig ko ang mga boses nila.
Kinakabahan ako,
Nanginginig ako,
Pinapawisan ako,
Hanggang sa malagpasan ko sila ay lumayo muna ako bago ako umayos sa kaka-lakad. Napahawak ako sa dibdib ko habang naka-buntong hininga.. Nang makalayo ako ay, nakahinga na ako ng maluwag.
Hindi ko na sila nilingon pa. Sana talaga hindi magka-klase ang mga anak namin... dahil pag-nagkataon, mahirap na.
Hindi naman sa inilayo ko si Chelsea sa ama niya. Pakiramdam ko kasi hindi pa ito ang tamang panahon para magkita o makilala nila ang isa't isa. Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman ni Jake na may anak kami.
Pakiramdam ko kasi parang masyadong maaga pa para do'n. Ayukong dumating ang araw na kukunin siya ni Jake sakin. Siguro parang hindi rin itong ang tamang panahon na mag-kita kami. Ewan.
Pero kung nagkataon mang magkita kami, sarili ko nalang pag-iisip at puso ang bahala sakin kung anong gagawin, lalo na ang diyos.
Bumuntong hininga nalang ako at lumabas ng school upang magtambay ulit sa kotse. Hindi na ako mag-antay sakanya sa loob. Maririnig ko naman mula dito kapag nag-bell.
"Charm!"
Pag bukas ko palang ng pinto ng kotse, may tumawag na sakin.
Palingalinga akong lumingon kung nasan nag-mula ang boses. Hanggang sa natanaw ko sa malayo ang lalaking kumakaway sakin.
Siningkit ko pa ang mata ko. Kaso bigla itong lumapit. Papalapit nang papalapit hanggang sa natanaw ko kung sino 'yun.
Si Paul.
"Omygod! I miss you!" Hindi makapaniwala nyang sabi at niyakap ako dahilan upang mabigla ako.
"Grabe! Kamusta ka na?" Tanong niya matapos syang kumalas.
Hindi ako makapag-salita dahil sa gulat ko. Siya 'yung taong nakapag-bigay ng ngiti ko araw araw. Makulit kasi siya, pero dati na 'yun.
"Paul?" Hindi makapaniwala kong sabi sakanya.. gumwapo siya lalo. Pumuti masyado. 'Yung buhok niya nakatayo.
"As usual! Kamusta kana?" Ngiting tanong niya ulit.
Tumango naman ako habang nakangiti. "Okay naman, ikaw?"
"Ito, wala paring jowa" Palabirong sabi niya. Natawa naman ako sakanya.
Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapansin kong papalapit sina Mike, Mark at Gerald sa direksyon namin..
Umiwas ako ng tingin nang nakalapit sila. Medyo naiilang lang ako dahil nasa harapan ko ang mga lalaking malapit sa buhay ko.. dati.
"Wow! Charm. It's nice to see you again." Mark.
"Gumaganda ka lalo, ah?" Puri ni Gerald sakin. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
Doon na ako nag-angat ng tingin sakanila. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Ahh! Alam ko na." Paul. Nagtaas pa siya ng hintuturo nya. "Sinundan mo si Jake, 'no? Yiee~"
Kinusot pa ako sa bewang. Agad naman akong umiling. "Hindi, ah? At bakit ko naman siya susundan? Kapal naman ng mukha niya." Sabi ko at binulong ang huling salita.
"Oo nga. Ang kapal ng mukha ni Charm kung susundan nya si Jake." Sabi ni Mike na halong inis. Lumingon naman ako sakanya at ganun narin 'yung tatlo.
"Ano bang nangyari sayo?" Takang tanong ni Gerald sakanya.
Siguro dahil ito sa nangyari kahapon, dahil nagkasagutan kami. Bumuntong hininga nalang ako.
"Mike." Tawag ko sakanya. Lumingon naman siya sakin. Ganun narin 'yung Tatlo. "Pasensya na sa sinabi ko sayo kahapon, ah? Tanong ka kasi nang tanong, eh."
Totoo naman ah? Lalo na't sinabi niya rin sakin na mahal ko daw si Jake. Eh, wala na naman talaga akong nararamdaman para sakanya.
"Aba! Malay ko ba kung hindi mo naman pala siya mahal." Masungit talaga siya guys. Ipagtatanggol niya talaga ang pinsan niya.
"Teka! Wait! Wait! Wait! Wait! N-nagkita kayo kahapon?" Tanong ni Mark at tinuro pa kaming dalawa habang nakatingin sakin. Tumango ako. "Bakit hindi mo sinabi?" Tanong niya sa kaibigan.
"Malay ko ba kung gusto niyo palang malaman." Masungit nyang sabi habang nakatingin sa kawalan.
"Tsk. Napaka-sungit mo talaga." Sabi ni Gerald.
"'Wag mo nang pansinin 'yan. So, ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Paul sakin. Sasabihin ko ba?
"Ahh. M-may bata akong hinihintay sa loob," Ngiting sabi ko. Tumango si Paul at mukhang naniniwala naman sakin. Buti nalang at hindi sila nagtanong pa.
"Kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"Ahh.. hinintay kasi naming lumabas sina Jake at 'yung mag-ina niya, eh? Para makilala narin namin ang anak nila," Paul.
Kumunot naman ang noo ko. "Hindi niyo pa nakikita ang anak nila?"
"Oo, eh, pero maliban kay Mike." Gerald.
"Ahh" Sabi ko nalang. Lumingon naman ako kay Mike na masamang nakatingin sakin.
"Bakit? Hindi mo ba nakita ang anak nila Jake?" Sarkastikong tanong niya. May problema talaga sya sakin.
Umiling ako. "Hmm. Hindi naman ako interesado, eh."
"Kung sa bagay, wala ka naman palang paki-alam sakanya." Sarcastic niyang sabi na halong inis. Bigla namang umiba ang aura ko na ngayon ay inis na.
"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sakanya. "Ano bang gusto mo? Na mangi-alam ako sa buhay niya ngayon? Excuse me! Wala na akong papel sakanya. Gaya nga nang sinabi mo, wala akong paki-alam."
"Sinungaling ka! Alam kong sinundan mo sina Jake at Nafia."
"Mike, ano ba!" Gerald.
"Tsk. Ikaw pala ang mas makapal na mukha, eh. Pareho lang kayo ni Nafia, kung ano-ano lang ang iniisip. Wala namang kwenta!"
"Bakit hindi ba?
'Her we go again,'
"Hindi talaga!" Agad kong sabi. "Dahil una sa lahat, may batang nag-aaral diyan at 'yun ang dahilan kung bakit ako nandito. Pangalawa, hindi ko sinundan 'yung pinsan mo at mag-ina niya dahil lingid sa kaalaman ko na dito pala nag-aaral ang anak nila. Pangatlo, wala kang karapatang sabihin sakin na sinusundan ko sina Jake, dahil wala kang alam sa buhay ko. Pumasok kalang dahil naging kasintahan ko ang pinsan mo na ex ko na. Ngayon, may sasabihin ka pa ba?"
"Kung nagagalit ka sakin dahil sa nangyari kahapon, pag pasensya mo na ako. Dahil ipinag-laban ko lang ang nararamdaman ko. Kaya sa susunod, pag-isipan mo muna ang sasabihin mo. Tsaka kana dumaldal kung alam mo na." Dagdag ko pa.
Bigla naman silang natahimik habang nakatingin sakin. Hindi ko na sila pinansin at tinalikuran. Saktong pagharap ko ay biglang may nabangga ako.
"Ah! Ano ba!" Sigaw ko sabay angat ng tingin.
Halos gusto ko nang makain sa lupa dahil sa nakita ko. Bigla naman akong kinabahan at lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko si...
Si..
Si..
Si..
Si..
Si..
Si..
Jake.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    24d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    25d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด