logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Charm POV
Nang maka-uwi ako sa bahay ay mabilis akong pumasok. Dala ko ang ibang binili ko habang binitbit ang isa pang binili ko na may laman na mga gulay.
Nilapag namin 'yun sa kusina. Pagkatapos ay agad akong nag-tungo sa dinning. Nakita ko si Darlene habang pinipilit niyang pakainin si Chelsea. Kaya, patakbo akong lumapit sakanila.
"Chels, kailangan mong kumain. Segi na, lalamig na 'yan." Malambing sabi ni Darlene sakanya. Kita ko nga ang laman ng plato niya. Pakiramdam ko pati kutsara hindi hinawakan, eh, kasi nasa ayus ang pag-lagay.
Ginalaw naman ni Chelsea ang mag-kabilang braso niya na nag-sisilbing tanggi at ayaw nyang kumain habang nakayuko.
"Chelsea!" tawag ko na ikinatingin niya sakin.
"Mommy!" Sabi niya. Mabilis siyang umalis sa pag-kakaupo at patakbong lumapit sakin habang naka-lipad ang braso niya na naging hudyat ko para yakapin siya. Agad naman akong umupo para mag-kapantay kami at yumakap sakanya.
Una naman akong kumalas. "'Di ba, sabi ko sa'yo, kapag wala ako, kailangan mo paring kumain dahil ayukong mag-palipas ka ng gutom para lang hintayin ako.. Ilang beses na akong nag-warn sa 'yo nito, Chelsea. Sa oras na umalis ako, papuntang palenque, ayukong ito na naman ang nadatnan ko. At kapag pinilit mo pa 'yun, magagalit na ako sa'yo."  Sabi ko sakanya habang nakayuko siya. "Naintindihan mo ba ako, anak?"
Tumingin muna siya sakin bago yumuko ulit at tumango. "Yes, Mommy." Palagi niya 'yun ginagawa. Palagi ko na rin syang sinasabihan tungkol dito. Ayaw niya paring makinig.
Hindi naman sa sinumbatan ko siya. Palagi niya kasing ginagawa 'yun, eh, at ayuko mag-palipas gutom siya.
Nag-alala lang naman ako dahil ayukong mag-kasakit siya sa tyan. As a mother, hindi ko kayang makita ang anak ko na nang hihina lalo na kapag mag-kasakit siya. 
"Galit ka po ba sa akin?" Tanong niya. Hinawi ko naman ang buhok niya sa gilid.
"Dapat nga sana, eh. But I forgive you this time. At kapag na ulit, gaya ng sinabi ko, papagalitan na kita." Mahinhin kong sabi sakanya. Nag-pout naman siya. Kaya napangiti ako.
"Pero bakit ang tagal mong umuwi?" Tanong niya na halong lungkot ng tuno ang boses niya. 
Mabilis nawala ang ngiti ko at napalitan ng gulat. Ewan ko lang kung sasabihin ko ba sakanya ang pag-kikita namin ng pinsan ng daddy niya.. baka mag-tanong pa kung sino.
"Ahh.." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumingin muna ako kay Darlene na mukhang naghihintay din sa sagot ko.. "Basta. Kumain ka nalang, baka lumamig na ang food mo."
Tumayo naman ako at nilalayan siyang maka-upo sa inuupuan niya at nagsimulang kumain. Tumabi naman ako kay Darlene.
"Bakit nga pala ang tagal mong umuwi?" Bulong niya. Sakto lang na ako lang ang makarinig. Matagal bago ako lumingon sakanya. 
Lumingon ulit ako kay Chelsea na baka sakaling marinig niya. Ngunit halos attention niya ay nasa pagkain kaya lumingon ulit ako kay Darlene.
"Nag-kita kami ni Mike," Bulong ko sakanya. Mabilis naman siyang tumingin sakin at medyo na gulat din siya.
"Talaga?" Hindi maka-paniwala niyang tanong. "Akala ko nasa America siya."
"Bakit ka pa nagtataka? Nandito na si Jake. Malay natin, mag-kasabay pala silang dalawa umuwi." Sabi ko. Tumingin ulit ako kay Chelsea. At bumaling ulit sakanya no'ng nagsalita siya.
"Kung sa bagay," Sabi niya habang nakatingin sa malayo. Nang bigla siyang lumingon sakin. "Eh, bakit hindi mo sinagot ang tanong ng anak mo? Alam mo bang kanina pa umiyak 'yan?"
Tumingin naman ako kay Chelsea. Do'n ko lang napansin ang pag-mumugto ang mata niya. 
"Ayuko lang kasing magtanong pa siya kung sino si Mike." Bulong ko ulit sakanya matapos ko siyang lingonin.
"Eh, ano naman ngayon? Pinsan lang siya ni Jake, hindi siya ang daddy." Sabi niya.. Agad ko syang siniko dahil medyo malakas ang tuno ng boses niya.
"Hinaan mo naman 'yang boses mo.. baka marinig ka pa." Sabi ko. Lumapit naman ako ng kunti sakanya.   "Eh, anong gusto mong sabihin ko? Na “Ahh, anak, kausap ko ang pinsan ng daddy mo.” ganun?"     Patanong kong sagot sakanya.
"Malamang, para ma-laman niya na may daddy talaga siya." Sabi niya. Natigilan naman ako ng kunti dahil sa sinabi niya at bumuntong hininga nalang..
"Sana nga ganun nalang kadali Dar, eh. At kapag na-laman ni Chelsea na nandito ang Daddy niya, baka... sasama siya nito. Ayukong mawala sa piling ko si Chelsea. Siya nalang ang naging buhay ko, eh. Ayukong may isa na namang importanteng tao na mawala sakin.." Malungkot kong sabi.
"Kung may kakayahan lang ako na ibalik si Jake sa buhay ko, gagawin ko 'yun. Eh, kaso wala, eh. Sana ganun nalang kadali na sabihin ko sakanya nandito ang daddy niya. Sana ganun nalang kadaling pumanaw ang sakit na dati ko pa kinikimkim, at ipakilala siya sa ama niya na noon pa niyang gustong makita at makilala. Sana ganun nalang kadali ang lahat lahat. Eh, kaso ang hirap, eh." Yumuko ako at tumingin kay Chelsea.
"Kaya, ayukong ipakilala siya kay Jake. Lalo na't may sariling pamilya na ito. May anak na inaalagaan. Habang siya ulilang-ulila sa ama nya." Sabi ko. Habang pinigilan ang pag tulo ng Luha ko. Pinanoud ko si Chelsea na hanggang ngayon, kumakain pa din.
Hindi ko na rinig ang sasabihin ni Darlene dahil hindi na siya umimik pa. Hindi ko man nakita ang reaksyon niya pero alam kong naunawaan niya ang sitwasyon ko. Hindi naman sa ipinagdamot ko si Jake sa anak niya, may sarili pamilya na kasi siya. Dadating din ang tamang panahon.
Hanggang sa matapos si Chelsea ay agad ko siyang pinaakyat sa itaas upang mag-study. Pinag-handaan ko siya ng mga quiz na tama lang para sakanya. Paminsan-minsan lang siya mag-laro dito kapag wala akong ipapasagot sakanya. Hindi ko siya pinanood kung pa'no niya sagutin. Baka masanay pa siya na nandyan ako sa tabi niya, lalo na kapag nasa classroom na siya, mahirap na. Kung sa hapag pa nga lang ayaw niyang kumain kapag wala ako, eh. 
"Tagal namang dumating ni Main. Kanina pa 'yun umalis, ah? Isa pa 'tong si Chichi. Ganun ba talaga ka dumi ang kwarto niya at lagpas dalawang oras talaga mag-linis? Tsk!" Rinig kong maktol ni Darlene habang nilagay ang mga gulay at milk at biscuits sa ref.
Nandito kami sa kusina, habang inayus ang mga pinamimili ko. Natawa naman ako.
"Hayaan mo nalang 'yun. Tutal, kasama ni Main ang kapatid niya. Si ChiChi naman, na sa kwarto lang naglilinis.. "
"Ang tagal kasi nila, eh." Sabi pa niya. Hindi na ako kumibo at pinagpatuloy ko nalang ang pag-linis ng patatas.
Ilang sigundo din ang katahimikan namin ni Darlene nang biglang bumukas ang pinto. Sabay naman kaming lumingon dito.
"Wats ap madlang pepoooooll" 'Yan ang bumungad samin ni Nico nang pumasok ng tuluyan sumunod naman sakanya ni Main. Malapad ang ngiti niya habang naka-lipad ang mga braso na animoy sumalubong ng yakap.
Hindi naman nawala ang ngiti ko habang naka-tingin sakanya. Anim na taon din kaming hindi nagkikita. Mas na una kasi siyang lumuwas bago si Jake. 
Nagulat din siya no'ng nalaman niyang buntis ako. Sinabi namin sakanya over the phone. Siya sana ang kukunin kong ninong, eh, kaso nasa malayo siya. Madalas din siyang tumawag samin at maki-pag video call para maka-usap si Chelsea. 
Nagulat din siya sa sinabi ko na si Jake ang Ama ni Chelsea at hindi alam ni Jake na nagkaroon kami ng Anak. Sobra siyang galit sa araw na 'yun. Sinabi ko din sakanya na nagkaroon ng anak si Jake at Nafia. 
Doon sya lalong nagulat. Matagal na siyang nagka-crush kay Nafia dahil sa kabaitan at magandang ugali nito.. akala niya lang 'yun.
"Nico," Tawag ni Darlene sakanya. Agad naman itong lumapit kay Nico at nakipag-yakapan. 
"Kamusta ka na? Grabe ang pinag-bago mo, ah?" Sabi ni Darlene sakanya. 
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad akong lumapit sakanila. Nahagip sa mata ni Nico ang attention ko.
"Charm!" Tawag niya. Imbes na sagutin niya si Darlene ay agad siyang lumapit sakin niyakap ng mahigpit.
"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin matapos siyang kumalas. Nilibot niya muna sandali ang paligid na para bang may hinahanap. "Nasa'n si Chelsea?"
"Nasa kwarto niya. May ginagawa kasi siya, eh." Sabi ko sakanya.
Sabay kaming napatingin sa pinto ng kwarto ni Chelsea ng lumabas siya. Pagkakita niya samin ay nahagip sa paningin si Nico.
"Tito Nico!" Sigaw niya. Mabilis naman siyang bumaba sa hagdan at tumakbong lumapit kay Nico. Agad niya naman itong kinarga.
"Yah! Kamusta? Grabe! Dalagang-dalagang ka na, ah?" Palabiro niyang tanong. Nagtawanan naman kaming tatlo. Lumapit sakin si Darlene at Main kaya pinanood namin sila.
"Hehe. May pasalubong ka po ba sakin?" Masayang tanong niya.
"Ay, of course! Madami." sabi niya.
"Nico?" Chichi. Sabay naman kaming lumingon sakanya na naka-baba nang hagdan.
"Chi..." Dahan dahan niyang ibinaba si Chelsea habang hindi nawala ang tingin nila sa isat-isa. 
Mag-childhood bestfriend ang itong dalawa dati, eh. Ewan ko kung bakit nagkakagusto si Nico kay Nafia. Eh, palagi niya namang kasama si ChiChi. Tanong ko nga sa sarili ko eh. Ano bang wala kay Chichi na meron kay Nafi kaya hindi siya nagustuhan ni Nico?
Ito namang si Chichi hinyaan niya nalang si Nico dahil ganun niya kamahal ang Bestfriend niya. 
Nagkayakap sila. "I miss you," Bulong nya kay ChiChi na narinig naman namin. Hanggang ngayon hindi parin nawala ang ngiti habang pinanoud silang dalawa.
[Fastforward]
Chichi POV
Hanggang ngayon hindi nawala ang ngiti ko dahil sa pag-uwi ni Nico. Sa loob ng anim na taon, hanggang laptop, cellphone at iPad lang kami nagkikita at mag-kausap. Pero ngayon, personalan na talaga.
Matagal ko ng mahal si Nico kaso iba ang gusto niya, eh. Gusto niya si Nafia, Hanggang ngayon hindi parin na wala ang nararamdaman ko para sakanya. Ewan ko lang sakanya kung hanggang ngayon gusto niya parin si Nafia.
"Uhm...Nico, m-may.." Pano ko ba 'to sasabihin sakanya. 
"Hmm..? Bakit?"
"M-may girlfriend ka na?" Napa-kagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil medyo naiilang ako ng kunti. Tinignan ko naman sina Main, Charm at Darlene tsaka si Chelsea sa dinning na busy sa mga pasalubong ni Nico. 
Bigla naman siyang tumingin sakin sa mata. "Bakit mo naman na tanong?"
"Sagutin mo nalang,"
"Wala pa," Biglang lumuwag ang hininga ko dahil sa sinabi niya. "Eh, ikaw may boyfriend ka na?" Tanong niya na ikinalingon ko sakanya. Seryuso naman syang napatingin sakin.
"Wala din, eh. May hinihintay kasi ako." Tukoy ko sakanya pero hindi ko naman 'yun pinahalata.
"Ahh.." 'Yun lang ang sinabi niya. Patago naman akong napa-roll eyes sakanya. Hindi ba niya nahalataan na siya ang tinutukoy ko?
'Hindi ka naman kasi nagpapahalata, eh! Tuleg nito!'
Oo nga naman. Umiwas ako ng tingin.
"Alam mo bang hindi pa dapat ako uuwi ngayon?" Mabilis naman akong lumingon sakanya nang sinabi niya 'yun. Napa- konot naman ang noo ko.
"Huh? Eh, bakit ka umuwi?" Tumingin naman siya sa malayo.
"May mga bagay pa kasi akong dapat itama dito, eh. 'Yung mga bagay na dapat mong ibalik sa tamang ayus at mga bagay na dapat mong panindigan sa taong iyong Iniwan." 
Wow, hugot 'yun, ah? Rhyming na rhyming, eh. Pero anong ibig sabihin no'n? Tinignan ko siya sa mata at nakapa-seryuso niya. 
Hanggang ngayon nakatingin parin siya sa malayo. Sinundan ko naman ito, at do'n ko napag-tanto na kay Charm siya nakatingin at Chelsea na masayang nagtatawanan.
Bigla naman akong kinabahan. Bigla naman akong nagtataka. Omygod! Sana mali lang 'yung iniisip ko.
May nangyari ba sakanila ni Charm?
Pabalik-balik naman ako ng tingin kay Chelsea at Nico kung sakaling may nakuha si Chelsea sakanya sa mukha.. Pero wala eh, kay Jake talaga..
Pero ano bang sinasabi niya?
Bigla siyang umiwas ng tingin at may dinukot sa bulsa nya at cellphone 'yun. Pag-open niya ay huminto ang mundo ko. Nakita ko ang wallpaper niya na magandang babae. Hindi ko masyadong na tanaw dahil mabilis siyang tumayo.
Mukhang pamilyar sakin, eh.
Agad syang lumabas dahil pansin kong may tatawagan siya. Bakit parang may tinatago si Nico sakin. Ewan ko lang kung ano 'yun.. Basta, felling ko meron talaga. Tsaka, 'yung sinabi niya.
'May mga bagay pa kasi akong dapat itama dito, eh. 'Yung mga bagay na dapat mong ibalik sa tamang ayus at 'yung bahay na dapat mong panindigan sa taong iyong iniwan.'
Anong bang ibig niyang sabihin?
Nafia POV
"Oh my god! Fordyy! I miss you," Sabi ni Claire matapos ko siyang pinagbuksan ng pintuan.
Tumakbo siyang lumapit kay Ford na nasa sala at nanood ng cartoons. Mabilis siyang umiwas ng aakmang yayakapin sana siya ni Claire..
"Ay?" Claire.
Natawa nalang ako sa reaksyon ni Claire na halong pag-kahiya. Napahawak pa siya dibdib niya, na para bang hindi sya maka-paniwala sa ginawa ni Ford. Nang maka-rating kami sa dinning ay agad siyang umupo. Nilagay pa ang bag niya sa mesa.
"Grabe talaga 'yang anak mo, 'no? Hindi parin talaga nag-bago, napaka-sungit!" Sabi niya.
Napa-ngiti nalang ako habang ini-slice ang cake na dala niya. Inilagay ko ito sa maliit na plato at binigay sakanya. "Pag-pasensyahan mo nalang. Ganyan na talaga 'yan, eh." sabi ko at umupo sa harap niya.
"Hay, nako! Eh, ikaw kamusta ka na?" Tanong niya sakin habang naka-ngiti. 
Sumubo naman ako ng cake bago ko siya sinagot. "Okay naman,"
"So, ano na nga? May kasunod na ba si Ford?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. At sya pa talaga 'tong na excite, ah?
"Hoy, palaging busy doon si Jake. Halos wala na kaming time para sa isat-isa dahil opisina ang naging bahay niya do'n. Sa tingin mo, makakagawa pa kami?" Patanong kong sabi sakanya. 
Umiwas naman siya ng tingin. "Kung sa bagay," Muli siyang lumingon sakin na halong ngiti. "Pero kamusta buhay mag-aaway?"
Natigilan naman ako sa pag-subo ng cake dahil sa tanong niya. 'Yung ngiti ko ay napalitan ng lungkot.
"Oh, bakit?" Takang tanong niya sakin. Umiwas  ako ng tingin. "May nang bang hindi maganda?"
"Hindi lang basta hindi maganda. Kung para sakin mapait 'yun."
Ewan ko lang kung sasabihin ko ba ito sakanya. Tutal, may tiwala naman ako kay Claire, eh. Tumingin muna ako kay Ford na hanggang ngayon ay busy parin sa panonood ng cartoons. 
Agad naman akong lumapit sakanya at tumabi. Tinignan ko ulit si Ford bago ko siya tiningnan ulit.
"Hindi kami kasal ni Jake," Bulong ko sakanya. 
Mabilis pa siya sa alas-kwatro rumeak. "Ano?!"
Agad akong sumenyas sakanya na hinaan ang boses dahil baka marinig siya ni Ford. Lumingon ulit ako sa anak ko na nanonood parin.
"Grabe naman, pero.. bakit?"
"Hindi kasi nila ako gusto, eh. Hindi nila ako tanggap dahil bago pa ako sa buhay ni Jake no'n. Gugustohin man nilang makasal si Jake basta si Charm ang bride at hindi ako." Sabi ko na halong pang-gigil nong nabanggit ko si Charm.
"Napaka-OA nila, 'di ba? Napaka-arte nila. Ayaw ba nilang mag-karoon ng asawa si Jake na kagaya ko? Kung tutuusin, mas maganda pa ako kesa kay Charm. Kaya ko namang mag-bago. Kaya ko silang respitohin kung hindi nila nakikita 'yun sakin. Ewan ko lang sakanila kung bakit mas hinahanap pa nila 'yung wala kesa sa nandiyan. Mag-pasalamat nga sila, eh, dahil mag-karoon na sila ng apo kesa kay Charm na wala namang anak." Sabi ko. Habang si Claire ay paulit-ulit nalang tumango. 
"Eh, anong balak mo? Nasa iisang bansa kayo ng haliparot na Charm na 'yan. Nandito din ang pamilya ni Jake." Sabi niya. 
"Wala akong paki kung nandito si Charm. Kung mag-kita pa kami, mas lalo ng wala ako paki sakanya. Kung balak niyang aagawin sakin si Jake. Pwes, mag-paagaw din ako sakanya. Beside, Ako ang mas may malaking karapatan dahil kahit hindi pa man nagsisimula ang laban namin, panalo parin ako. Dahil may anak kami, siya ex nalang." Sabi ko na halong paninindigan. Totoo naman, eh. Mahal ako ni Jake at nakikita ko 'yun sakanya. 
"Ayy, gusto ko 'yan.. pero.. anong gagawin mo kapag kaharap mo na ang pamilya niya." Tukoy niya sa pamilya ni Jake.. 
Natigilan muna ako bago mag-salita. "Depende sa kung anong gusto kong gawin."
"What if, gagayahin mo nalang ang kinikilos ni Charm sa tuwing kaharap niya ang pamilya ni Jake." Sabi niya na ikinagulat ko.
"What? Nag mumukhang useless ang sariling kakayahan ko niyan, kung gagayahin ko man si Charm. Tsk! 'Wag nalang"
"Eh, kesa naman kung gagawin mo ang sarili mong pag-iisip at kilos kung hindi naman nila gusto. Mas lalong hindi ka nila magugustohan para maging asawa ni Jake. Ano, gusto mo 'yun?" Sabi niya. 
Bigla ko namang pinag-isipan yun. Oo nga, 'no? Tutal, nakita ko naman kung pa'no mag-pakitang kabaitan at respito si Charm sakanila sa tuwing dadaan ang birthday ni Jake.
©Itsme_kwenny

หนังสือแสดงความคิดเห็น (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    25d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    25d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด