logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Four

Kinabukasan, pakiramdam ko ay sagad hanggang lupa ‘yong eyebags ko dahil tatlong oras lang ang naging tulog ko. Una, dahil sa sinabi ni Enrico. Umuwi akong lutang dahil paulit-ulit lang nagre-replay sa utak ko ‘yong “I’m glad you’re safe” na linyahan niya. Pakiramdam ko tuloy, nayanig ang buong sistema ko.
Pangalawa, dahil in-add nila akong apat sa Facebook at tinag din ako ni Tita Jen sa isang group photo na kasama ako. Halos sumabog ang inbox ko dahil ang daming nagtatanong kung ano’ng ganap. Kung may nangyari bang meet and greet with the Alpas family at piling fans lang ang nakasama at kung ano-ano pang similar theories.
Bigla ko tuloy na-realize na sa sobrang independent ko sa buhay, ang dami na palang ganap dalawang taon mula nang mamatay si Mommy at nagpakasal si Papa kay Mama. Ni isa kasi ay wala akong pinuntahan sa mga iyon. May contact naman ako sa kanilang dalawa at si Mama pa nga ang tumatawag sa ‘kin tuwing may family event, maging sa mismong kasal nila, pero hindi talaga ako pumunta. Hindi naman sa masama ang loob ko sa kanilang dalawa pero pakiramdam ko lang kasi, wala lang ding patutunguhan kung pupunta ako, lalo na’t hindi naman ako close kay Papa.
Kaya ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong connection. Nagulat pa nga ako nang malamang kapatid pala ni Mama si Tita Jen. Magkapareho nga naman ang apelyido ni Mama at ni Zion pero hindi ko naman inisip na related sila no’ng sinearch ko ang tungkol sa miyembro ng Alpas. Sa sobrang dami ba namang tao sa mundo, malamang marami silang kaapelyido na nage-exist na hindi naman related sa kanila.
Natuwa lang din ako dahil nalaman ko na tuwing may family meetings, lagi akong naikukuwento ni mama sa kanila. Siya pa ang gumagawa ng excuse kung bakit hindi ako nakakapunta. Ever since kasi nang mamatay si Mommy noong Grade 9 ako, nagpabili na lang ako ng condo kay Papa. Wala rin namang difference ang buhay ko simula nang tumira ako sa condo dahil lagi rin namang wala ang parents ko sa bahay noon.
Pero, never ko rin namang naisipan na magrebelde, lalo na’t may mga kaibigan naman akong laging nandiyan.
Halos hindi ko na mabuksan ‘yong Messenger ko kagabi sa sobrang lag dahil ang daming nagme-message tungkol sa picture na ipinost ni Tita Jen. Hindi ko alam kung nagpapaka-shunga ba sila or hindi lang talaga sila nagbabasa ng caption dahil may nakalagay na “Thanksgiving Dinner with the Alpas and some relatives.” Ishinare ko na lang ‘yong photo na ipinost ni Tita Jen, baka sakaling ma-realize nila.
Pangatlo, akala ko magiging chill ako sa Twitter at Instagram, pero nagulat ako dahil habang nagtu-Twitter ako ay nag-notify na finollow nila akong apat sa Twitter at IG. Na-stress din ako dahil kaka-post ko lang sa pictures ko kasama silang apat ay 8K na agad ang nag-like at nag-retweet.
Putek, ano ‘tong pinasok ko?
Natawa na lang ako sa naisip. Hindi na ako nag-private ng accounts. Mas nakaka-stress mag-accept at mag-ignore ng followers kaysa sa hayaan na lang dumami. Ang nakakaloka nga lang, ‘yong 400 na followers ko naging 4K bigla, at karamihan do’n ay puro Alpas fans.
Napabuntong-hininga na lang ako.
“Kanina ka pa lutang, ah,” natatawang sabi ni Daphne.
“Nakita mo lang si Enrico nahawaan ka na ng kalutangan niya,” dagdag pa ni Aisha.
Natawa naman ako sa mga pinagsasabi nila.
“Grabe! Dami bigla ng followers ni Cass! Famous na ang friend natin!” Ipinakita naman ni Carissa ‘yong Twitter ko sa ‘min. Nabigla naman ako dahil mas dumami ang nag-follow sa ‘kin mula kagabi. “Alam mo bang may speculations ‘yong fans na baka raw nililigawan ka ni Enrico dahil nakita nila ‘yong post namin sa video call na magkatabi kayo at nag-uusap. Ang cute ninyo kaya do’n, para kayong mag-jowa.”
I pouted. “Hindi ba nila na-gets ‘yong post ni Tita Jen?”
Natawa sila.
“Alam mo namanang ibang fans ngayon, inuuna ang bibig bago i-process sa utak ang mga ganap,” sambit ni Aisha. Tumango naman silang lahat. “Nandito naman kami to protect you siyempre!”
“Chosera!” natatawang sambit ko. “Para namang magkaka-basher ako.”
“Gaga, may basher ka na kaya!” sambit ni Lucy at kinuha ang phone ni Vininyah. “Ayan, o, ‘Ang landi ni Cass, ginagamit pa Alpas para sumikat. Pwe!’”
Naningkit naman ang mga mata ko. What the hell? Kung hindi ba naman isa’t kalahating bobo ‘yong mga nagsasabi nito at binasa na lang sana nang paulit-ulit ‘yong post ni Tita Jen. Ano kaya ang kinakain ng mga ganitong klaseng fans?
I sighed. “Huwag na lang nating pansinin iyan,” sambit ko.
Pagkarating namin ng room ay nagpaalam na ‘yong iba naming mga kaibigan dahil ‘yong iba sa kanila ay iba ang strand at ng section. Papasok na sana kami ng room nina Carissa, Rinoa at Andrea, pero nakasalubong namin si Meg. Ngingitian ko sana siya pero yumuko naman siya at nilagpasan kami.
Akala ko ba okay kami?
“Hindi ba kayo kinikibo ni Meg?”
Nagkibit-balikat lang si Andrea at Carissa, dahilan para maging malungkot ako.
Akala ko okay na?
The classes started after we waited for a couple of minutes. Hindi rin naman boring ang first subject dahil favorite subject ko iyon. Pagkatapos ng klase ay tinawag ako ng professor namin para bigyan ng notes noong mga araw na absent ako. Every subjects ay gano’n ang setup. ‘Buti na lang. Akala ko maghihirap na naman akong maghabol ng notes.
“Jusko, Calculus!” sambit ni Andrea habang nag-iinat. Iyon na kasi ang last subject naming. ‘Buti na lang at tapos na. Sobrang boring kasi, dagdag mo pa ‘yong gloomy ambiance dahil sa umuulan, sobrang sarap matulog.
Papalabas na si Meg kaya mabilis akong tumayo at hinabol siya. Agad kong hinawakan ang braso niya para matigil siya sa paglalakad. “Meg, saglit.”
“Cass... I don’t know,” she uttered, not even looking at me. “Hindi ko pa kaya. Hiyang-hiya ako sa inyo. I can’t process the fact na sinaktan kita... kayo.”
“M-Meg...”
“Okay lang siya.”
Nagulat ako nang may magsalita sa likod naming dahilan para mapalingon si Meg, at umalingawngaw ang malakas na tili sa buong hallway.
There he was, smiling.
Halos mamatay ako dahil sa biglang pagsikip ng dibdib ko. I was struggling for oxygen, but the moment he walked towards me, pakiramdam ko ay binibigyan din niya ako ng paghinga—kasabay pa rin ng pagsikip ng dibdib ko.
“E-Enrico,” tangi kong nasambit.
Ngumiti siya. “Hi, Cass,” sambit nito. “Don’t worry, I’m here.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด