logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three

Nginitian lang ako ni Enrico at bumalik sa pagkakatingin sa cell phone niya, siguro may pinapanood o may kausap. In either way, pakiramdam ko nalungkot ako pero binale-wala ko na lang iyon. Si Zion naman, sobrang accommodating. Pati sina Ate Faye at France na mga kapatid ni Zion ay nakisali na rin sa amin. Pakiramdam ko tuloy, welcome na welcome ako sa pamilya nila.
Nagkuwentuhan lang kami nina Zion at Ate Faye, habang si France naman ay ginugulo si Enrico kaya natatawa kami kapag tinitignan namin sila. Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Timothy at Kuya Chance, mga miyembro din ng Alpas.
“Timothy! Chance!” tawag ni Zion sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumapit sa ‘min. “Si Cass pala, anak ni Tita,” sambit niya.
Nakipag-shake hands sa ‘kin sina Kuya Chance at Timothy. Unti-unti, I felt at ease. Hindi na grabe ‘yong kaba na nararamdaman ko dahil pakiramdam ko nakahanap ako ng bagong mga kaibigan. It felt so good being close to the band.
It felt like home.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tinawag nina Mama dahil nakahanda na raw lahat ng pagkain. Ni-lead naman ng asawa ni Tita Jen na si Tito Franko ang prayer bago kami kumain. Pagkatapos ng prayer ay nagsiupo na kami. Si Mama at si Enrico ang katabi ko. Medyo naiilang ako dahil may kung ano akong nararamdaman when Enrico was around. There’s something I can’t really explain, and I doubt that Enrico could not feel the uneasiness that I was feeling.
Nagkuwentuhan lang ‘yong mga matatanda habang tahimik kaming kumain ng dinner. Pagkatapos kumain ay dumeretso uli kami nina Zion, Enrico, Kuya Chance at Timothy sa living room. Sina France at Ate Faye ay nagpunta na sa kuwarto nila.
Habang nag-uusap kami nina Zion ay bigla kong naisip na mag-video call sa mga kaibigan ko.
“Uy, okay lang mag-video chat ako sa friends ko?”
Natawa naman si Zion. “Why not? Fans sila ng Alpas?”
I smiled. “Super! Ako lang ‘yong baguhan sa kanilang lahat,” I said honestly. Agad ko namang binuksan ‘yong Messenger ko at nag-video call. ‘Buti online silang lahat, at ‘buti na lang din malakas ang signal ng Wi-Fi.
“Guys!” I exclaimed. Lumayo muna ako nang kaunti para hindi sila makita. Natawa sina Aisha. “May ipapakita ako.” Lumapit na ako kina Zion at isa-isang itinapat sa mukha nilang apat ‘yong phone ko dahilan para matawa sila. Halos masira ‘yong audio ng phone ko dahil sa lakas ng tilian ng mga kaibigan ko.
Ipinahawak ko muna kina Zion ‘yong phone ko para makausap nila ‘yong mga kaibigan ko at umupo ako sa tabi ni Enrico.
“Ang tahimik mo, ah,” natatawang sambit ko. Hindi naman sa nagpi-feeling close, but I needed to get rid of the tension or awkward atmosphere between the both of us.
Natawa siya sa sinabi ko. “Hindi naman,” sagot niya at pinatay ang phone niya. “Wala lang siguro sa mood.”
Napatango ako. Pinanood ko na lang sina Zion habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko at napangiti. I don’t know what I did sa past life ko, pero I thank my past life for giving me this kind of blessing.
Nagulat ako nang biglang lumapit kaunti sa ‘min si Zion at itinutok sa ‘ming dalawa ni Enrico ‘yong camera ng phone. Bigla tuloy akong nailang. Kitang-kita pa rin kasi kami sa camera kanina. Baka sabihin naman ng mga kaibigan ko, hinaharot ko na si Enrico.
Siyempre... slight lang.
Natawa na lang ako nang palihim sa naisip dahil hindi naman si Enrico ang unang na-crush-an ko sa Alpas. Although paghanga lang naman, not some kind of incest thing, pakiramdam ko ay nagkasala na ako sa buhay. Ang weird!
The call ended after an hour. I let the four of them talk with my friends. Natawa pa ako no’ng mag-send sila ng video nilang apat na nagwa-wacky face.
Sobrang ingay nina Aisha sa group chat namin kaya natatawa na lang kami nina Zion. Baka bukas makalawa, ang dami nang nagpapa-add sa group chat namin. Okay lang naman din kasi kina Zion na i-post ‘yong isinend nilang videos online.
Those are just some random fandom fact.
“Your friends are kind,” Zion uttered.
Napangiti ako. “They are,” I said. “May gig kayo this coming Saturday, right? Pupunta kaming lahat. And to also kinda fix things with one of my friends. Well... something came up kasi kaya may ganito.” Itinuro ko naman ‘yong gasa sa ulo ko at ngumiti.
Napakunot ang noo ni Kuya Chance. “Ano’ng nangyari diyan?”
I chuckled. “Let’s just say I’m such an idiot for almost killing myself dahil nahuli ko ‘yong best friend ko at ‘yong ex ko.”
“Bobo naman nila,” Timothy commented. “No offense, sabi nga nila. Pero, Cass, kabaliwan ‘yong nakita mo, ‘tapos papatawarin mo lang?”
Natawa ako. “Kasalanan ko rin naman,” I said. “Sinagot ko agad ‘yong ex ko, knowing na may possibility na idina-divert niya lang sa ‘kin ‘yong feelings niya for my best friend. So, my best friend’s kind of... a victim here.”
Natawa naman si Timothy. “Loko. Mali pa rin maging unfaithful. Kung niligawan ka no’ng ex mo, dapat pinapanindigan niya, hindi ‘yong manggaganyan lang dahil nasasaktan ang ego.”
I sighed. “Hindi ko rin naman siya masisisi,” sambit ko habang nakatingin sa mga daliri ko. “Saka ayaw ko rin namang masira ‘yong friendship namin dahil lang sa nangyari.”
Nabigla ako nang biglang tapikin ni Zion ang balikat ko. “Ang bait mo masyado, baka iyan ang maging weakness mo,” sambit niya. “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong isalba ang friendship Ninyo. Pero it’s always up to you to decide. Mas mahihirapan ka na nga lang magtiwala uli sa best friend mo.”
Tumango ako. “Alam ko naman,” I said. “Hindi ko man maibalik ‘yong closeness namin noon, at least, maramdaman man lang niya na okay kami, na no hard feelings.
Napangiti naman sila sa sinabi ko. Saglit pa kaming nagkuwentuhan bago ako tinawag ni Mama na kasama na si Ashton.
“Tawagan mo ‘ko ‘pag nando’n na kayo sa venue. Agahan Ninyo, ha,” Zion said.
Tumango naman ako at ngumiti. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Pero bago ako makalabas ng bahay nina Zion ay nagulat ako nang biglang may tumawag sa ‘kin.
Pagkalingon ko ay hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Enrico was there, smiling.
“Cass,” he called out.
Tumango ako dahil wala akong masabi. Hindi ko rin matanong kung bakit dahil baka magkamali lang din ako ng sasabihin.
Lumapit si Enrico sa ‘kin at hinawakan ang ulo ko, sinigurong hindi natamaan ‘yong parte na may gasa. “I’m glad you’re safe.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด