logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Two

Ilang araw pa ang itinagal ko sa ospital bago ako na-discharge. Monday na no’ng pinayagan na nila akong lumabas dahil okay naman na raw ‘yong sugat ko sa ulo at hindi naman gano’n kalala. Dumating na rin si Mama para bayaran ‘yong bills ko at ihatid ako sa bahay. Sabi kasi niya, mag-stay muna ako sa bahay para medyo mabantayan niya muna ako. Saka na lang ako bumalik sa condo ko pag medyo okay na talaga.
Mabait naman si Mama, it’s just that, I can’t see myself being close to her anytime soon... darating din naman ‘yon. Siguro dahil na rin hindi ko rin masyadong ka-close ‘yong totoo kong mother pati ang father ko. They let me grew up independently, ni hindi nga ako kinumusta ni Papa. Ewan ko nga ba. Sa sobrang sanay ko na wala na ‘yong presensiya nila at si Mama na lang ‘yong laging nandiyan, hindi ko na lang dinaramdam.
Iyon din siguro ‘yong dahilan kung bakit pinatawad ko na lang si Meg. I just… probably learned how to surf with all the waves. Hindi naman madaling magpatawad sa totoo lang. Masakit pa rin. I trusted the both of them, but maybe totoo talaga na when it started too soon, it’s just meant to perish agad.
“Dahan-dahan lang,” sambit ni Mama at inalalayan ako sa paglalakad. Kalalabas lang namin ng ospital at pakiramdam ko ilang buwan akong nakulong do’n. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng kalayaan.
Pagkasakay namin sa kotse ay inilagay muna ni Mama ‘yong bag ko sa likod bago pinaandar ang kotse. Kinuha ko naman ‘yong cell phone ko at nagpatugtog ng kanta ng Alpas. Isasalpak ko pa lang sana ‘yong earphones sa tainga ko pero biglang nagsalita si Mama.
“Fan ka rin?”
Napatingin naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti. “Opo,” sambit ko. “Matagal nang nire-recommend sa ‘kin ni Aisha pero ngayon ko lang din po pinakinggan. Ang gaganda pala ng songs nila,” dagdag ko.
Napangiti naman si Mama. “Pamangkin ko ‘yong isa diyan.”
Nanlaki naman ang mga mata ko. “Hala? ‘Di nga po?”
Natawa naman siya, “Oo, si Zion. Ini-invite nga ako ng mama niya kasi may dinner sila mamaya. Gusto mong sumama?”
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad akong pumayag. Aba! Sinong fangirl ang hindi papayag? Ito na ba ang kabayaran sa pagiging mabait ko?
Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumunta sa kuwarto ko. Hindi naman ako makasigaw dahil sa kilig kaya ni-ring ko na lang sina Aisha para makapag-video call kami.
“Mamsh! Discharged ka na!?” natutuwang tanong ni Aisha. Tumango naman ako at ngumiti. “Puwede kang sumama sa gig ng Alpas sa Sabado?”
“Oo,” sagot ko. “Sama natin si Meg, ha?” Natigil naman sila saglit sa sinabi ko. Kung kaibigan ko siguro ang sarili ko, minura ko na iyon.
Pero hindi nila iyon ginawa.
Napangiti si Rinoa. “Hindi ko tatanungin ko okay ka lang. Alam naman naming masakit,” sambit niya. “Pero sasabunutan ko talaga si Meg pag isinama niya si Dane.”
Natawa ako. “Guys, matagal na tayong magkakaibigan, I won’t let that incident to ruin us. Mas importante pa rin sa ‘kin ang pagkakaibigan natin. Saka, ano ba kayo. Mabait si Meg. I’m sure hindi niya rin ginusto ang nangyari.”
Napangiti naman sila.
“Wait! Speaking of Alpas!” I exclaimed. “I’ll be meeting them later!”
Nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.
“Wala namang gig ang Alpas ngayon,” Mikaela said.
Natawa ako at ikinuwento kung bakit ko mami-meet ang Alpas. Hindi naman nila napigilang kiligin.
“Grabe! Sama kami!” Carissa exclaimed. “Grabe ka! One call away ka lang pala kina Enrico. Nakakaloka.”
Natawa ako.
“Act chill, hoy! Baka tumili ka do’n, ha,” Daphne said.
Nag-thumbs up naman ako.
“Pa-video greet!” dagdag ni Lucy.
Tumango na lang ako. May sinabi pa ‘yong iba naming kasama na sina Vininyah at Gabrielle bago namin in-end ang call na tumagal din ng isang oras.
Pagka-end ng call ay naligo na ako, pero iningatan kong huwag mabasa ‘yong sugat ko sa ulo dahil daw baka makapasok ang bacteria. Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako. Nagsuot lang ako ng kulay black na T-shirt na may sunflower at itinuck-in sa jeans, saka nagsuot ng itim ding shoes. Gusto ko pa sanang mag-clouts kaso baka naman matawa na sila sa get-up ko at sabihan ako na ako na ang fifth member ng Alpas. Weird.
Pagkababa ko ay nakabihis na rin si Mama, hawak ‘yong kapatid ko. Lumapit ako sa kanila at pinisil nang bahagya ang pisngi ni Ashton.
“Okay ka na?”
Tumango ako.
Natawa si Mama. “Act chill lang, ha?” sambit niya.
I pouted habang papalabas kami ng bahay.
Binuksan ko muna ‘yong gate bago ako pumasok sa kotse. Mga kanta na lang ng Autotelic ang pinatugtog ko dahil baka magwala ang buong sistema ko kung kanta pa ng Alpas ang ipatugtog ko.
Twenty minutes ang naging oras ng biyahe namin bago kami nakarating sa Marikina. Sabi ni Mama, simpleng gathering lang daw ang magaganap. Parang thanksgiving dinner lang daw with the family. Hindi ko tuloy napigilan ang kaba sa dibdib ko pagkapasok namin sa bahay.
“Bunso!”
Napangiti si Mama at nakipagbeso-beso.
“Ito na si Cass?”
Tumango naman si Mama.
“Mama ni Zion,” bulong ni Mama sa ‘kin.
Pakiramdam ko ay nag-panic ako sa sinabi niya.
“A-ah... hello po! Ako po si Cass,” sambit ko at nahihiyang nakipag-shake hands kay Tita. Sinabi na rin ni Tita na “Jen” ang name niya sa ‘kin bago kami ni-lead sa way papunta sa living room.
Halos hindi ako makapagsalita dahil—holy guacamole! Nando’n na sina Enrico at Zion na abalang nagpo-phone.
Kalma lang, Cass.
“Iwan muna kita rito?”
Napatingin naman ako kay Mama.
“Mama...”
Natawa naman siya. “Mabait ‘yan si Zion,” sambit niya. “Zion!”
Agad namang napatingin si Zion kay Mama. “Ay, Tita! Hello po,” bati niya at lumapit para makipagbeso.
Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman kong nagkalapit ang balat naman ni Zion.
Holy crap, bakit ang ganda niya?!
“Ito po si Cass?”
Tumango si Mama. “Hindi makapagsalita kasi fan ninyo,” natatawang sambit niya. Hindi ko tuloy alam, pero mahina kong napalo si Mama sa balikat. Lalo tuloy siyang natawa. “Iwan ko muna siya sa inyo, ha? Tulungan ko lang ‘yong mama mo sa pag-aayos.”
Tumango naman si Zion at iniwan na ako ni Mama roon na nakatayo.
Ilang segundo lang akong nakatayo roon kaya naman si Zion at hinila ako papaupo.
Strike two.
“Okay ka lang ba? Para kang aatakihin,” natatawang sambit ni Zion. “Chill ka lang. Hinga ka nang malalim.”
Sinunod ko naman ang ipinapagawa niya hanggang sa naging maayos na ang pakiramdam ko.
“Sorry,” sambit ko. “Ano kasi, bagong fan lang ako. ‘yong songs ninyo kasi pinapakinggan ko no’ng naospital ako.”
Napatingin sa ‘kin si Enrico.
And right at that moment, I felt a sudden connection. A sudden jolt. Which made me realize.
I’ve seen those eyes before.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (46)

  • avatar
    Janna May Bellen

    nicee grrr

    25d

      0
  • avatar
    Zhyra Odevilas

    iloveit

    01/08

      0
  • avatar
    Ashley Camille Guiriba Mangahas

    Good!!

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด